Aria’s POV“Sweetheart, okay ka lang? Kanina ka pa tahimik.” Nag-aalala na tanong sa akin ng aking asawa, ginagap niya ang palad ko bago ako niyakap nito.Hindi kasi mawaglit sa aking isipan ang mga sinabi ni Chelsy, at hindi ko na namalayan na nakatulala na pala ako sa kawalan.“Sige na, huwag ka ng magtampo sa akin, hm?” Malambing nitong sabi saka pinatakan ng isang magaan na halik ang labi ko.Iniisip ko tuloy na marahil ay nagsisinungaling lang si Chelsy at hindi totoo ang lahat ng kan’yang sinabi.Dahil nakikita ko mula sa mga mata ni Harris ang katapatan ng sabihin nito na mahal niya ako.Pagkatapos ng ilang minuto ay huminto ang sasakyan sa isang lugar na malapit sa dalampasigan at iginiya ako ni Harris pababa ng sasakyan.Dahil sa lalim ng iniisip ko ay hindi ko na napansin ang malawak na karagatan, labis akong namangha sa maganda tanawin na tumambad sa aking paningin, hindi ko alam kung nasaan kami dahil bago ang lahat ng ito sa akin.Napalingon ako sa mga batang naglalaro
Aria’s POV“K-kuya, p-pwede bang m-mamaya na l-lang tayo mag-usap? N-nagmamadali po k-kasi ako n-ngayon dahil may p-pupuntahan po a-ako.” Anya sa binata na nakatayo sa aking harapan, kailangan ko ng umalis kaagad, dahil baka makita ako ng mga tauhan ng aking asawa ay mas lalo pa akong mahirapan na makaalis.“Ganun ba? Kung iyong mamarapatin ay pwede kitang ihatid sa pupuntahan mo.” Sagot ng lalaki sa akin ng tila matauhan ito mula sa matagal na pagkakatulala sa aking mukha.Nagkataon lang na nagmamadali ako kaya hindi ko na pinansin ang paraan ng tingin niya sa akin.“T-talaga? M-maraming s-salamat!” Nagagalak kong saad bago mabilis na lumapit sa kan’ya, “Señorita, bilisan n’yo at parating na ang mga bantay, ikaw na po ang bahala kay Señorita Aria.” Si Liza, halatang hindi mapakali at bahagyang natataranta pa ito.Hindi na niya hinintay pa ang sagot ng estrangherong lalaki at mabilis na nitong isinarado ang maliit na gate.Naiwan ako sa harap ng lalaking nagpakilalang Clinton.“Tara
Chelsy’s POV“Sino ang babaeng iyon?” Wala sa sarili na tanong sa akin ni Gerald, makikita sa mga mata nito ang pag-usbong ng pagnanasa para kay Aria.Isang matalim na tingin ang ipinukol ko sa kanya. Hindi yata’t interesado ang lalaking ito kay Aria?Dahil sa isipin na ‘yon ay biglang nag-init ang ulo ko, mabilis na bumangon at hubo’t hubad na naglakad sa harapan nito bago isa-isang dinampot ang mga damit ko na nagkalat sa sahig. “She is a piece of useless garbage.” Seryoso kong sagot habang nagbibihis sa mismong harapan nito.Kinuha ko ang maskara na ginamit nito kanina at ang cellphone ko, na kung saan ay patuloy pa ring nagpi-play ang voice record ng usapan namin ni Harris noong isang araw.“Flashback”Personal akong pumunta sa opisina ni Harris upang kumpirmahin mismo sa kan’ya ang kasal nito kay Aria.“Anong ginagawa mo dito?” Pagpasok ko pa lang sa kan’yang opisina ay ito kaagad ang bungad niya sa akin. Seryoso ang mukha nito habang nakatitig sa screen ng laptop, hindi man lan
“Two Years Later”“Bang!” Pagkatapos ng isang putok ng baril ay nangibabaw ang malakas na hiyawan ng mga tao sa loob ng isang malawak na stadium kung saan nagaganap ang isang malaking competition sa mundo ng racing.Sinabayan ito ng tunog nang mga makina ng sasakyan bago humaharurot na umandar ang mga ito, nag-uunahan na makarating sa finish line.Mula sa loob ng isang black racing car ay seryoso na nagmamaneho ang isang babae, makikita sa lintian nitong mga mata ang determinasyon na maipanalo ang kan’yang laban.Ilang sandali pa ay bigla itong nag-overtake na siyang ikinagulat ng lahat na ngayon ay nangunguna na ang sasakyan nito mula sa mga kalaban.May ilan ang sumubok na gitgitin siya kaya bahagya niyang binagalan ang speed ng kan’yang sasakyan.Napansin niya na para bang pinag kakaisahan siya ng mga katunggali, marahil ay dahil isa siyang baguhan. Ngunit ang mukha nito ay hindi mo kakikitaan ng takot bagkus ay lakas loob na nakipagsabayan sa mga kakumpetensya.Habang ginigitgit
Harris POV“Young Master, nakatanggap kami ng report mula sa isang airlines, bukas ay naka-schedule ang flight ni Mr. Clinton Thompson.” Nahinto sa akmang pagpirma sa isang papel ang aking kamay ng marinig ko ang report sa akin ni James.Tulad ng inaasahan ko ay kusang lalabas ang daga sa sarili niyang lungga sa oras na kumagat ito sa pain na inihanda ko para sa kan’ya.“Then good, alam mo na ang gagawin.” Anya sa seryosong tono, sumandal ako bago hinawakan ng kanang kamay ang baba na wari mo ay may malalim na iniisip. Ilang taon din ang lumipas, nahirapan kaming matrace ang lokasyon nila dahil palipat-lipat sila ng tirahan.Kung nasa bansa lang sila ay baka araw lang ang bibilangin, siguradong natagpuan ko na sana ang aking asawa.Masyadong malaki ang Europe at kaunti lang ang connection ko doon kaya madali sa kanila ang takasan ako.“Ano po ang gagawin natin sa Lynch Auto Corp. halos pabagsak na ang kumpanya ni Ma’am Aria dahil sa patuloy na corruption ng mga empleyado nito.” Seryo
Lyra’s POV“Mommy, para saan ba ang meeting at aligaga ang lahat?” Tinatamad na tanong ni Chelsy bago umupo sa bangko na nasa harapan ng table ko.“Hindi ko rin alam, ayon sa Secretary ko ay nagpatawag ng meeting ang isang board member na may pinakamataas na shareholders sa kumpanya. Ito ang unang pagkakataon na masisilayan ng lahat kung sino ang may ari ng 45% share’s ng kumpanya.” Anya sa seryosong tono, habang nilalagyan ng lipstick ang labi ko.Sa totoo lang ay kinakabahan din ako sa mga susunod na mangyayari, dahil ayon sa report ng Audit department ay malaking halaga ang nawala sa kumpanya sa loob ng isang taon. Alam ko na hindi mahahalata ang pagtatransfer ko ng pera sa account ng aking anak para sa bagong proyekto na bubuksan ko sa susunod na buwan.Kaunting panahon na lang para makumpleto ko na ang pondo na kakailanganin sa proyektong iyon.Ngunit hindi ko sukat akalain na tatraydurin ako ng isa sa mga board member.Dahil palihim din nitong ninanakawan ang kumpanya at halos
Harris POV“Napaka Imposible ng sinasabi mo, hindi ako papayag na panghihimasukan n’yo ang mga desisyon ko sa sarili kong kumpanya?” Matigas na pahayag ni Lyra, sa tono ng pananalita nito ay talagang inangkin na niya ang kumpanya.Naghihimutok ito sa galit ng marinig ang paliwanag ng aking Secretary.Makikita sa mukha nito ang labis na pagtutol, habang ang ilang board member ay tumatango lang sa sinabi nito na tila pumapanig sa side ng babae.Nanatili lang akong tahimik at pinakikinggan ang kanilang mga komento.“Matagal ng patay si Lorenzo, kaya bakit ngayon n’yo lang ipinaalam sa amin ang bagay na ‘yan?” Tanong ni Lyra bago ako tinapunan nito ng nagdududang tingin.“Ano ang karapatan ng babaeng ito para ako ay pagdudahan at akusahan? hindi ba ito nag-iisip na kaya kong bilhin ang lahat maging ang pagkatao nito?” Mariin kong naikuyom ang aking kamay dahil sinisikap ko na kontrolin ang galit na nagsisimula ng umusbong sa dibdib ko.“Madali naman akong kausap, kung interesado ka sa kum
Aria’s POVKatahimikan ang namayani sa pagitan naming dalawa ni Harris habang nakatayo siya sa aking harapan na may dalawang dipâ ang layo mula sa akin.Ako na nanatiling nakaupo sa swivel chair, Kapwa kami nakatitig sa mukha ng bawat isa. Ang aking asawa na samu’t-saring emosyon ang makikita sa mga mata nito, kasiyahan, pananabik, pangungulila at labis na pagmamahal.Hindi ko alam, baka dinadaya lang ako ng aking paningin.Ang lahat ng damdamin na nakita ko sa paraan ng tingin nito sa akin ay kabaligtaran ng tingin na ipinupukol ko sa kan’ya, galit, pagkamuhi at matinding sama ng loob dahil sa panloloko nito sa akin.Siya ang klase ng tao na magaling magpaikot at gagawin kang tau-tauhan, katulad ng ginawa nito sa akin noon, para malaya niyang maangkin ang lahat ng mayroon ako. Dahan-dahan itong humakbang palapit sa akin habang nanatiling magkahinang ang aming mga mata.Hindi makapaniwala na ikinulong nito ang aking mukha sa mainit niyang mga palad.Napatingala ako at Kusang pumikit