Chelsy’s POVPabagsak kong ibinaba ang maliit na baso sa counter table ng bar, hindi ko na mabilang kung ilang baso na ba ng matapang na alak ang nainom ko, basta ang alam ko masama ang loob ko.Halos hindi na ako makahinga dahil sa matinding sama ng loob.Bakit ba lahat na lang ay napupunta sa Aria na ‘yon? Lagi na lang siya ang center of attention sa lahat ng bagay.Simula ng dumating ito sa buhay namin pakiramdam ko ay inagaw na niya ang lahat sa akin; ang attention ni Daddy Lorenzo na kalaunan ay natuklasan ko na hindi pala ito ang tunay kong ama.Ang mga ari-arian na dapat sana ay sa akin, ngayon naman ay ang lalaking minahal ko simula ng bata pa lang ako.Wala na siyang itinira sa akin lahat na yata ay nasa kanya na.“Ang mangmang na ‘yon…” nanggigigil kong bulong habang mahigpit ang pagkakahawak ko sa baso na wala ng laman.Tumingin ako sa bartender at tila na unawaan naman niya ang nais ko, dahil lumapit ito sa akin saka sinalinan ng tequila ang aking baso.Mabilis na tinunga
Aria’s POV“Let’s go?” Masuyong tanong ng aking asawa habang nakalahad ang palad niya sa aking harapan. Nakangiti naman akong tumango bago tinanggap ang palad nito.“Why are you smiling, Sweetheart?” Nagtataka na tanong niya sa akin bago huminto ito at humarap sa akin.Sa pagharap niya sa akin ay mabilis akong tumingkayad at hinalikan ito sa labi, dampi lang ang ginawa ko ngunit kinabig nito ang batok ko at pinalalim ang halik.Buong puso ko naman itong tinugon.“Bakit mo ako hinalikan?” Nagtataka na tanong niya sa akin na bahagyang namumungay ang mga mata nito.“H-hindi ko rin a-alam, b-basta n-nararamdaman ko na m-masaya ako k-kapag n-nakikita k-kita, b-bumibilis din ang t-tibok ng p-puso ko sa t-tuwing n-nagtatama a-ang ating mga m-mata.H-hindi ko rin m-mapigilan ang h-hindi n-ngumiti sa t-tuwing h-hinahawakan mo ang p-palad ko lalo na k-kapag t-tinatanong mo ako k-kung o-okay lang ba a-ako.Sa p-palagay mo a-anong n-nangyayari sa a-akin?” Naguguluhan kong tanong sa pautal-utal na
Chelsy’s POV“Kapag nagawa mo ang ipinagagawa ko sa’yo ay malaking pabuya ang matatanggap mo sa akin.” Anya sa isang katulong na nasa aking harapan habang tahimik na nakikinig ito sa aking mga sinasabi.“Señorita, wala pong problema sa pinapagawa mo sa akin, madali lang ‘yon. Ngunit nais ko pong malaman n’yo na si Young Master at Aria ay kasal na, hindi lang nila ipinaalam sa publiko.” Natigilan ako sa mga ipinagtapat nito sa akin, hanggang sa hindi ko na namalayan na dumulas na pala sa kamay ko ang hawak kong wine glass at tuluyan itong nahulog sa sahig.Napaigtad ang katulong dahil sa labis na pagkabigla ng nabasag ang baso sa harapan nito.Nanginginig ang aking mga kamay habang tulala sa kawalan, ilang saglit ang lumipas ay saka pa lamang ako nahimasmasan.“Gawin mo kung ano ang pinapagawa ko sayo, idedeposito ko na lang ang pera sa account mo.” Anya sa pagtatapos ng usapan namin, kaagad itong nagpaalam at umalis sa aking harapan.Nang mawala na ang babae ay isang malakas na sigaw
Aria’s POV“Sweetheart, okay ka lang? Kanina ka pa tahimik.” Nag-aalala na tanong sa akin ng aking asawa, ginagap niya ang palad ko bago ako niyakap nito.Hindi kasi mawaglit sa aking isipan ang mga sinabi ni Chelsy, at hindi ko na namalayan na nakatulala na pala ako sa kawalan.“Sige na, huwag ka ng magtampo sa akin, hm?” Malambing nitong sabi saka pinatakan ng isang magaan na halik ang labi ko.Iniisip ko tuloy na marahil ay nagsisinungaling lang si Chelsy at hindi totoo ang lahat ng kan’yang sinabi.Dahil nakikita ko mula sa mga mata ni Harris ang katapatan ng sabihin nito na mahal niya ako.Pagkatapos ng ilang minuto ay huminto ang sasakyan sa isang lugar na malapit sa dalampasigan at iginiya ako ni Harris pababa ng sasakyan.Dahil sa lalim ng iniisip ko ay hindi ko na napansin ang malawak na karagatan, labis akong namangha sa maganda tanawin na tumambad sa aking paningin, hindi ko alam kung nasaan kami dahil bago ang lahat ng ito sa akin.Napalingon ako sa mga batang naglalaro
Aria’s POV“K-kuya, p-pwede bang m-mamaya na l-lang tayo mag-usap? N-nagmamadali po k-kasi ako n-ngayon dahil may p-pupuntahan po a-ako.” Anya sa binata na nakatayo sa aking harapan, kailangan ko ng umalis kaagad, dahil baka makita ako ng mga tauhan ng aking asawa ay mas lalo pa akong mahirapan na makaalis.“Ganun ba? Kung iyong mamarapatin ay pwede kitang ihatid sa pupuntahan mo.” Sagot ng lalaki sa akin ng tila matauhan ito mula sa matagal na pagkakatulala sa aking mukha.Nagkataon lang na nagmamadali ako kaya hindi ko na pinansin ang paraan ng tingin niya sa akin.“T-talaga? M-maraming s-salamat!” Nagagalak kong saad bago mabilis na lumapit sa kan’ya, “Señorita, bilisan n’yo at parating na ang mga bantay, ikaw na po ang bahala kay Señorita Aria.” Si Liza, halatang hindi mapakali at bahagyang natataranta pa ito.Hindi na niya hinintay pa ang sagot ng estrangherong lalaki at mabilis na nitong isinarado ang maliit na gate.Naiwan ako sa harap ng lalaking nagpakilalang Clinton.“Tara
Chelsy’s POV“Sino ang babaeng iyon?” Wala sa sarili na tanong sa akin ni Gerald, makikita sa mga mata nito ang pag-usbong ng pagnanasa para kay Aria.Isang matalim na tingin ang ipinukol ko sa kanya. Hindi yata’t interesado ang lalaking ito kay Aria?Dahil sa isipin na ‘yon ay biglang nag-init ang ulo ko, mabilis na bumangon at hubo’t hubad na naglakad sa harapan nito bago isa-isang dinampot ang mga damit ko na nagkalat sa sahig. “She is a piece of useless garbage.” Seryoso kong sagot habang nagbibihis sa mismong harapan nito.Kinuha ko ang maskara na ginamit nito kanina at ang cellphone ko, na kung saan ay patuloy pa ring nagpi-play ang voice record ng usapan namin ni Harris noong isang araw.“Flashback”Personal akong pumunta sa opisina ni Harris upang kumpirmahin mismo sa kan’ya ang kasal nito kay Aria.“Anong ginagawa mo dito?” Pagpasok ko pa lang sa kan’yang opisina ay ito kaagad ang bungad niya sa akin. Seryoso ang mukha nito habang nakatitig sa screen ng laptop, hindi man lan
“Two Years Later”“Bang!” Pagkatapos ng isang putok ng baril ay nangibabaw ang malakas na hiyawan ng mga tao sa loob ng isang malawak na stadium kung saan nagaganap ang isang malaking competition sa mundo ng racing.Sinabayan ito ng tunog nang mga makina ng sasakyan bago humaharurot na umandar ang mga ito, nag-uunahan na makarating sa finish line.Mula sa loob ng isang black racing car ay seryoso na nagmamaneho ang isang babae, makikita sa lintian nitong mga mata ang determinasyon na maipanalo ang kan’yang laban.Ilang sandali pa ay bigla itong nag-overtake na siyang ikinagulat ng lahat na ngayon ay nangunguna na ang sasakyan nito mula sa mga kalaban.May ilan ang sumubok na gitgitin siya kaya bahagya niyang binagalan ang speed ng kan’yang sasakyan.Napansin niya na para bang pinag kakaisahan siya ng mga katunggali, marahil ay dahil isa siyang baguhan. Ngunit ang mukha nito ay hindi mo kakikitaan ng takot bagkus ay lakas loob na nakipagsabayan sa mga kakumpetensya.Habang ginigitgit
Harris POV“Young Master, nakatanggap kami ng report mula sa isang airlines, bukas ay naka-schedule ang flight ni Mr. Clinton Thompson.” Nahinto sa akmang pagpirma sa isang papel ang aking kamay ng marinig ko ang report sa akin ni James.Tulad ng inaasahan ko ay kusang lalabas ang daga sa sarili niyang lungga sa oras na kumagat ito sa pain na inihanda ko para sa kan’ya.“Then good, alam mo na ang gagawin.” Anya sa seryosong tono, sumandal ako bago hinawakan ng kanang kamay ang baba na wari mo ay may malalim na iniisip. Ilang taon din ang lumipas, nahirapan kaming matrace ang lokasyon nila dahil palipat-lipat sila ng tirahan.Kung nasa bansa lang sila ay baka araw lang ang bibilangin, siguradong natagpuan ko na sana ang aking asawa.Masyadong malaki ang Europe at kaunti lang ang connection ko doon kaya madali sa kanila ang takasan ako.“Ano po ang gagawin natin sa Lynch Auto Corp. halos pabagsak na ang kumpanya ni Ma’am Aria dahil sa patuloy na corruption ng mga empleyado nito.” Seryo
Hareth’s Point of view“Pare, kinakabahan ako sa surpresa n’yo na ‘to may pa blindfold pa kayong nalalaman.” Ani ko kay Jasper at Lorence, kasama ang iba pa naming kaibigan na kasamahan namin sa racing.“Sisihin mo ‘yang si Lorence siya ang may pakana ng lahat ng ito.” Sagot ni Jasper habang tumatawa, dahan-dahan akong humakbang habang inaalalayan ako ni Jasper paupo sa may sofa.Naririnig ko ang tawanan at hiyawan ng mga kaibigan ko ng pumailanlang sa buong kwarto ang isang maharot na tugtugin.Tinanggal ni Lorence ang tali sa aking mga mata kaya tumambad sa aking paningin ang madilim na kwarto at ang tanging nagbibigay liwanag ay ang ibat-ibang kulay ng ilaw na umiikot sa paligid kaya nagmukhang disco ang loob ng kwarto na aming kinaroroonan. Ang mas nakaagaw ng atensyon ko ay ang isang malaking kahon na nasa gitna, hindi pa man nabubuksan ito ay kinakabahan na ako dahil nahihinuha ko na kung ano ang laman ng malaking kahon.Isang linggo na lang kasi ay magaganap na ang pag-iisang
Hareth Point of viewNaalimpungatan ako ng maramdaman ko na gumalaw sa aking tabî si Angela kaya nagmulat ako ng aking mga mata. “Kumusta na ang pakiramdam mo?” Inaantok kong tanong sa kanya, habang hinahaplos ang makinis niyang pisngi. Alas siyete na ng umaga nang magising ito at nanatili pa rin kaming nakahiga sa kama.Isang matamis na ngiti ang sumilay sa bibig nito bago humarap sa akin, yumakap sa aking katawan ang isang braso nito bago ibinaon ang kanyang mukha sa aking dibdib.“Masarap ang tulog ko kasi katabi kita, salamat.” Malambing niyang saad, mahigpit ko siyang niyakap habang masuyong hinahaplos ito sa likod. May isang buwan na rin kaming namamalagi dito sa resort, dahil kailangan ni Angela ng isang tahimik at payapang lugar na makakatulong sa kanyang paggaling. Naghilom na ang sugat nito sa balikat kaya masasabi kong magaling na ito sa physical na antas ngunit hindi sa emosyonal na aspeto.Pagkatapos ng insidente na iyon ay malaki ang naging epekto nito sa mental health
“Young masyer! A-ang mommy n’yo naaksidente!” Nagulat si Hareth sa biglaang pagpasok ng isang nurse sa loob ng kwarto, namumutla na ang mukha nito at halata ang labis na pagkataranta ng nurse na wari mo ay may kinatatakutan.Nang marinig ni Hareth ang sinabi nito ay natataranta siyang tumayo bago lumingon ang sa kanyang tauhan.“Maiwan ka dito bantayan mong mabuti ang asawa ko.” Utos niya sa lalaki, mabilis itong nagyuko ng ulo bilang tugon sa kanya.Isang mabilis na sulyap ang ginawa niya sa asawa na nakaratay sa higaan, hanggang ngayon kasi ay hindi pa rin ito nagigising.Nagmamadali na lumabas siya ng kwarto at naiwan ang isang katulong pati ang isa sa kanyang bodyguard na nagbabantay sa may pintuan ng kwarto.Malaki ang mga hakbang ni Hareth palabas ng hospital habang pilit na tinatawagan ang kanyang ina sa number nito.Makailang ulit niyang sinubukan na tawagan ang ina ngunit wala talagang sumasagot.Mabilis na pinasibat ang sasakyan palayo ng hospital, habang sa kanyang likuran
Angela’s Point of viewNagising ako ng maramdaman ko na may nakatitig sa aking mukha at sa tingin ko ay may ilang minuto ng nakatayo sa aking paanan ang isang estranghero. Kahit hindi ko nakikita kung sino ito ay ramdam ko ang mabigat na enerhiyang dala nito na may kaakibat na panganib. May ilang segundo na rin akong gising ngunit mas pinili ko na mag-kunwaring tulog at makiramdam sa aking paligid.Ilang sandali pa, narinig ko ang mga yabâg nito tungo sa kanang bahagi ng kama.Ramdam ko ang bawat kumpas ng kanyang mga kamay maging ang pag-angat ng isang braso nito sa ere, hanggang sa isang iglap ay mabilis kong nasalo ang braso nito na paparating sa aking mukha. Hindi nga ako nagkamali ng sapantaha ng sa pagmulat ng aking mga mata at tumambad sa aking paningin ang dulo ng isang patalim na gahibla na lang ang layo sa dibdib ko.Isang lalaki na nakasuot na pang nurse na uniporme ang siyang may hawak ng patalim at nakikita ko mula sa kanyang mga mata ang determinasyon na patayin ako ni
Angela’s Point of viewUmangat ang dalawang daliri ko sa ere bago sumenyas ito pauna habang seryosong nakatingin sa unahan. Kahit hindi ako tumingin sa aking mga kasamahan ay alam ko na alerto silang lahat sa bawat signal na ginagawa ko.Pagkatapos na sumenyas ay nag simula ng kumalat ang kasamahan ko sa paligid habang bitbit ang kanilang mga baril, kasalukuyan kaming nasa mission ngayon at masasabi ko na isa ito sa pinaka delikadong misyon ng aking grupo.Napaka tahimik ng buong paligid, ngunit sa kabila ng payapang gabi ay nagbabadya ang isang matinding laban sa pagitan ng mga rebeldeng grupo at ng mga militar.Makapigil hininga ang bawat segundo na lumilipas dahil nakasalalay sa misyong ito ang aming mga buhay.Tumingin ako sa relo na nasa bisig ko at ilang minuto na lang ay sisimulan na naming lumusob sa kampo ng mga rebelde upang iligtas ang kanilang mga bihag. Maingat ang bawat galaw ng aking mga kasamahan, iniiwasan na gumawa ng anumang kaluskos upang hindi malaman ng kalaban
Hareth point of view“Salamat, Hareth, hangad ko ang kaligayahan ninyong dalawa.” Nakikita ko ang katapatan niya sa kanyang mga salita kaya alam ko na walang halong pagkukunwari ito. Sabay pa kaming napangiti ni Margareth na wari mo ay malapit na magkaibigan, bago siya tuluyang nagpaalam sa akin.Nakangiti na akong lumabas ng comfort room at bumalik sa table na kinaroroonan ng aking mga kaibigan.“Oh, Par, nasaan si Angela?” Nagtataka na tanong sa akin ni Jasper na siyang ikinataka ko, halos magdikit na ang mga kilay ko dahil sa tanong nito.“Ang tagal mo kasing bumalik kaya sumunod na siya sa restroom, hindi ba kayo nagkita?” Naguguluhan na tanong niya sa akin, huli na bago ko pa maunawaan ang lahat. Mabilis na inikot ang buong paligid nagbabakasakali na matagpuan ko ko ito ngunit hindi ko nakita ang aking asawa. Maging sina Jasper ay sinubukang hanapin si Angela ngunit maging sila ay bigo na mahanap ito.Nagmamadali na tinungo ko ang kinapaparadahan ng aking sasakyan at halos palipa
Hareth Point of view“Honey, ayaw mo ba akong samahan? Remember ngayon ang anniversary ng organization namin sa racing.” Pangungulit ko sa aking asawa, ni hindi man lang ito nag-abalang magmulat ng kanyang mga mata ng sumagot sa akin.“Susunod na lang ako, mauna ka na, gusto ko pang matulog eh, kahit thirty minutes lang, please Honey.” Ani niya sa tono na tila nakikiusap. Hindi ko naman siya masisisi kung bakit tinatamad itong bumangon dahil masyado siyang napagod sa pag-aasikaso para sa nalalapit naming kasal. Hindi ko na kasi siya nasamahan dahil nagkaroon ng emergency meeting sa kumpanya, maaga naman akong nakauwi ngunit halos sabay lang kaming dumating ng bahay.“Sure ka, na susunod ka?” Naninigurado kong tanong sa kanya bago ito hinalikan sa labi habang masuyong hinahaplos ang kanyang likod.“Yeah, promise.” Inaantok niyang sagot sa akin, halata ang matinding pagod sa maganda niyang mukha. Tumayo na ako upang makapag palit ng damit at bago pa ako tuluyang lumabas ng kwarto ay mul
“And now you may kiss the bride.” Anunsyo ng Judge na siyang nagkasal sa aming dalawa ni Hareth. Napakabilis ng mga pangyayari, dahil sa pagkakaalam ko ay ipinatawag lang kami ni tita Zaharia upang kausapin. Ngunit laking gulat ko ng pagdating namin sa mansion ng mga Smith ay may naghihintay ng Judge na siyang magkakasal sa aming dalawa.Hindi ako malapaniwala na wala pang isang oras ang lumipas ay may asawa na kaagad ako. Nilibot ko ang aking paningin at tanging ang mga nakangiting mukha ng lahat ang siyang nakapalibot sa akin.“Congratulations, Iha, sa wakas natupad na rin ang pangarap ko na ikaw ang mapangasawa ng aking anak.” Ani ni tita Zaharia bago mahigpit akong niyakap nito kaya gumanti ako ng isang mahigpit na yakap sa kanya.“Maraming salamat, tita.” Ani ko, ngunit biglang sumimangot ang mukha nito kaya nagkatawanan ang lahat.“My Ghod, Angela, hanggang ngayon ba ay tita pa rin ang tawag mo sa akin? Talaga bang mahirap para sayo ang tawagin akong mommy?” Nagtatampo niyang tu
Angela’s Point of viewNakakailang, iyon ang nararamdaman ko ng mga oras na ito ngunit wala akong magawa kung hindi ang tahimik na tumayo sa tabi ni Hareth.Nandito kami ngayon sa isang magarbong pagtitipon dahil kaarawan ng isa sa mga business partner ng mga Smith. Wala akong nagawa ng sapilitan akong isinama ni Tita Zaharia bilang escort ng kanyang anak.Walang ideya ang ginang sa kung ano ang nangyayari sa pagitan namin ng kanyang anak. Nangako naman sa akin si Hareth na walang makakaalam sa kung anong relasyon ang meron kami. Gusto ko kasi na maging pribado ang lahat para walang mapag-usapan ang mga tao sa aming paligid kung sakaling dumating ang panahon na kailangan na naming maghiwalay.Nang araw na sabihin ko kay Hareth na tinatanggap ko lang siya bilang kaibigan ay wala akong natanggap na anumang reaksyon mula sa kanya, ngunit ng ibalik ko ang singsing na binigay niya sa akin ay basta na lang ako nito tinalikuran at umalis na lang ito ng bahay ng walang paalam.“Hi, babe! How