Aria’s POV“Well done, kahit papaano ay may progress naman sa pagsusulat mo, so I think by next week ay magsisimula na tayong magdikit-dikit.” Nakangiti na pahayag ng aking private tutor.Mag-isang linggo pa lang akong tinuturuan nito at kahit papaano ay mabilis akong natutoto, marahil ay dahil sa kagustuhan kong matuto na sumulat at bumasa.Para tuloy akong grade one, dahil nagsimula kami sa pantig-pantig na pagbasa at pagsulat.Bukod sa private tutor ay sumasailalim din ako sa isang speech therapy. Sa una ay nahihirapan ako ngunit kalaunan ay nasasanay na rin ako lalo na sa presensya ng ibang tao.“S-salamat.” Nakangiti kong sagot sa aking teacher. Pagkatapos ayusin ang kan’yang mga gamit ay humarap ito sa akin.“See you tomorrow Mrs. Smith.” Nakangiti niyang paalam sa akin bago isinukbit ang shoulder bag sa kan’yang balikat.Matipid akong ngumiti sa kan’ya bilang tugon.Nang makalabas ng kwarto ang teacher ko ay nagmamadali kong tinungo ang banyo upang maligo.Nangako kasi sa akin
Lyra’s POV“My god, Martin! Nagtiwala ako sayo, ipinagkatiwala ko sayo ang babaeng iyon! Nang dahil dyan sa libog mo ay nagka letse-letse ang lahat!” Galit kong bulyaw sa negosyanteng si Martin na siyang bumili kay Aria.“Hindi mo ako masisisi, kahit sinong nasa sitwasyon ‘yon ko ay hindi makakapaghintay na matikman ang babaeng iyon!” Galit din nitong sagot sa akin. Nahigit ko ang aking hininga dahil sa matinding frustration dahil sa matandang manyakis na ito.“Ano na ngayon ang gagawin natin? Saan mo ngayon hahanapin ang babaeng iyon?” Galit kong tanong na halos magmukha ng kamatis ang mukha ko dahil sa matinding pagpipigil na huwag sumabog sa harap nito.“Kailangan mo ring kumilos hindi lang ako, tandaan mo kapag hindi naibalik sa akin ang babaeng iyon ay kailangan mong ibalik ang pera ko.” Isang matalim na tingin ang ipinukol ko sa kan’ya habang mahigpit na nakakuyom ang aking mga kamay.“Huwag mo akong subukan Martin, dahil hindi mo kilala kung sino ako, gawin mo ang lahat para ma
Aria’s POVPara akong ipinako sa aking kinatatayuan ng tumambad sa aking harapan ang napakaraming tao na pawang nakasuot ng magagarang kasuotan.Napatakip akong bigla sa aking mukha gamit ang mga kamay ko dahil sa labis na pagkasilaw mula sa mga bagay na nag kikislapan sa aking harapan.Nang mga sandaling ito ay parang gusto kong tumakbo pabalik sa loob ng bahay at magkulong sa kwarto.Natauhan lang ako ng maramdaman kong pumulupot ang isang matigas na braso sa aking baywang.Hinapit niya ako palapit sa kan’yang katawan, nag-angat ako ng mukha at tumingin sa mga mata nito.Tila nais sabihin ng kan’yang mga mata na magtiwala lang ako sa kan’ya, kaya pinuno ko ng hangin ang aking dibdib bago ito pinakawalan.Yumakap ang kaliwang braso ko sa katawan ng aking asawa at mahigpit na kumapit mula roon.Bahagyang isiniksik ang aking katawan sa katawan nito. Puno ng pangamba ang puso ko dahil hindi ko inaasahan na mangyayari ito, parang gusto ko tuloy magalit sa aking asawa. Hindi man lang ba
Chelsy’s POVPabagsak kong ibinaba ang maliit na baso sa counter table ng bar, hindi ko na mabilang kung ilang baso na ba ng matapang na alak ang nainom ko, basta ang alam ko masama ang loob ko.Halos hindi na ako makahinga dahil sa matinding sama ng loob.Bakit ba lahat na lang ay napupunta sa Aria na ‘yon? Lagi na lang siya ang center of attention sa lahat ng bagay.Simula ng dumating ito sa buhay namin pakiramdam ko ay inagaw na niya ang lahat sa akin; ang attention ni Daddy Lorenzo na kalaunan ay natuklasan ko na hindi pala ito ang tunay kong ama.Ang mga ari-arian na dapat sana ay sa akin, ngayon naman ay ang lalaking minahal ko simula ng bata pa lang ako.Wala na siyang itinira sa akin lahat na yata ay nasa kanya na.“Ang mangmang na ‘yon…” nanggigigil kong bulong habang mahigpit ang pagkakahawak ko sa baso na wala ng laman.Tumingin ako sa bartender at tila na unawaan naman niya ang nais ko, dahil lumapit ito sa akin saka sinalinan ng tequila ang aking baso.Mabilis na tinunga
Aria’s POV“Let’s go?” Masuyong tanong ng aking asawa habang nakalahad ang palad niya sa aking harapan. Nakangiti naman akong tumango bago tinanggap ang palad nito.“Why are you smiling, Sweetheart?” Nagtataka na tanong niya sa akin bago huminto ito at humarap sa akin.Sa pagharap niya sa akin ay mabilis akong tumingkayad at hinalikan ito sa labi, dampi lang ang ginawa ko ngunit kinabig nito ang batok ko at pinalalim ang halik.Buong puso ko naman itong tinugon.“Bakit mo ako hinalikan?” Nagtataka na tanong niya sa akin na bahagyang namumungay ang mga mata nito.“H-hindi ko rin a-alam, b-basta n-nararamdaman ko na m-masaya ako k-kapag n-nakikita k-kita, b-bumibilis din ang t-tibok ng p-puso ko sa t-tuwing n-nagtatama a-ang ating mga m-mata.H-hindi ko rin m-mapigilan ang h-hindi n-ngumiti sa t-tuwing h-hinahawakan mo ang p-palad ko lalo na k-kapag t-tinatanong mo ako k-kung o-okay lang ba a-ako.Sa p-palagay mo a-anong n-nangyayari sa a-akin?” Naguguluhan kong tanong sa pautal-utal na
Chelsy’s POV“Kapag nagawa mo ang ipinagagawa ko sa’yo ay malaking pabuya ang matatanggap mo sa akin.” Anya sa isang katulong na nasa aking harapan habang tahimik na nakikinig ito sa aking mga sinasabi.“Señorita, wala pong problema sa pinapagawa mo sa akin, madali lang ‘yon. Ngunit nais ko pong malaman n’yo na si Young Master at Aria ay kasal na, hindi lang nila ipinaalam sa publiko.” Natigilan ako sa mga ipinagtapat nito sa akin, hanggang sa hindi ko na namalayan na dumulas na pala sa kamay ko ang hawak kong wine glass at tuluyan itong nahulog sa sahig.Napaigtad ang katulong dahil sa labis na pagkabigla ng nabasag ang baso sa harapan nito.Nanginginig ang aking mga kamay habang tulala sa kawalan, ilang saglit ang lumipas ay saka pa lamang ako nahimasmasan.“Gawin mo kung ano ang pinapagawa ko sayo, idedeposito ko na lang ang pera sa account mo.” Anya sa pagtatapos ng usapan namin, kaagad itong nagpaalam at umalis sa aking harapan.Nang mawala na ang babae ay isang malakas na sigaw
Aria’s POV“Sweetheart, okay ka lang? Kanina ka pa tahimik.” Nag-aalala na tanong sa akin ng aking asawa, ginagap niya ang palad ko bago ako niyakap nito.Hindi kasi mawaglit sa aking isipan ang mga sinabi ni Chelsy, at hindi ko na namalayan na nakatulala na pala ako sa kawalan.“Sige na, huwag ka ng magtampo sa akin, hm?” Malambing nitong sabi saka pinatakan ng isang magaan na halik ang labi ko.Iniisip ko tuloy na marahil ay nagsisinungaling lang si Chelsy at hindi totoo ang lahat ng kan’yang sinabi.Dahil nakikita ko mula sa mga mata ni Harris ang katapatan ng sabihin nito na mahal niya ako.Pagkatapos ng ilang minuto ay huminto ang sasakyan sa isang lugar na malapit sa dalampasigan at iginiya ako ni Harris pababa ng sasakyan.Dahil sa lalim ng iniisip ko ay hindi ko na napansin ang malawak na karagatan, labis akong namangha sa maganda tanawin na tumambad sa aking paningin, hindi ko alam kung nasaan kami dahil bago ang lahat ng ito sa akin.Napalingon ako sa mga batang naglalaro
Aria’s POV“K-kuya, p-pwede bang m-mamaya na l-lang tayo mag-usap? N-nagmamadali po k-kasi ako n-ngayon dahil may p-pupuntahan po a-ako.” Anya sa binata na nakatayo sa aking harapan, kailangan ko ng umalis kaagad, dahil baka makita ako ng mga tauhan ng aking asawa ay mas lalo pa akong mahirapan na makaalis.“Ganun ba? Kung iyong mamarapatin ay pwede kitang ihatid sa pupuntahan mo.” Sagot ng lalaki sa akin ng tila matauhan ito mula sa matagal na pagkakatulala sa aking mukha.Nagkataon lang na nagmamadali ako kaya hindi ko na pinansin ang paraan ng tingin niya sa akin.“T-talaga? M-maraming s-salamat!” Nagagalak kong saad bago mabilis na lumapit sa kan’ya, “Señorita, bilisan n’yo at parating na ang mga bantay, ikaw na po ang bahala kay Señorita Aria.” Si Liza, halatang hindi mapakali at bahagyang natataranta pa ito.Hindi na niya hinintay pa ang sagot ng estrangherong lalaki at mabilis na nitong isinarado ang maliit na gate.Naiwan ako sa harap ng lalaking nagpakilalang Clinton.“Tara