Ang kanina ay madilim na ekspresyon ni Elijah ay lumamlam agad-agad at walang pag-aalinlangan itong pumayag, “Okay!”
Nang matapos ang tawag, tumalikod na ito at dali-daling umalis. Muli, mas pinili ni Elijah ang anak nito kay Natalie at inabandona si Eliza.
Naiwan si Sabrina sa kaniyang kinatatayuan. Niyakap nito nang mahigpit ang banga kung nasaan ang abo ng kaniyang anak at dahan-dahan itong h******n na tila ba pinapagaan nito ang nararamdaman ni Eliza.
Mula nang bumalik galing sa ibang bansa si Natalie at ang anak nito, palagi na lang silang mas pinapaboran ni Elijah. Basta tumatawag ang sino man sa kanila, kahit dis-oras ng gabi o anuman ang ginagawa niya, aalis ito para lang mapagbigyan ang mag-ina.
Walang pakialam si Sabrina kung hindi siya papansinin ni Elijah, nalulungkot lang ito para sa kaniyang anak na si Eliza.
Mabait na bata ang anak nito para lang paulit-ulit na saktan ng kaniyang ama. Buti naman ay huli na ito at hindi na muling mauulit pa!
Samantala sa VIP Ward ng Southern Philippines Medical Center, itinulak pabukas ni Elijah ang pintuan ng isang kwarto habang bakas sa mukha nito ang isang malamig na ekspresyon.
Nagulat si Natalie nang makita si Elijah roon. “Elijah, bakit ka nandito?” tanong nito. “Hindi ba’t napag-usapan natin nitong umaga na sasamahan mo si Eliza para sa kaniyang kaarawan?”
Matapos nitong tanungin si Elijah at nang makita kung paanong nagbago ang reaksyon ng mukha nito ay tinignan nito ang anak na si Isabella at saka ito sumimangot. “Isabella, tinawagan mo na naman ba nang palihim ang iyong ama?”
“Dad…”
Iniangkla ni Isabella ang kamay nito sa braso ng kaniyang ama, ang mukha nito ay isinandal pa rito habang namumula ang kaniyang mga mata at umiiyak ito nang mahina, “Natatakot si Isabella kapag wala si Daddy.”
Marahan na niyakap ni Elijah ang anak at tinapik-tapik pa ang likuran nito para aluin ito at saka kinausap si Natalie. “Limang taon palang si Isabella. Normal sa kaniya na matakot kapag may sakit siya at nahohospital. Hindi na ako pupunta sa kung saan ngayon. Dito na lamang muna ako kasama niya. Marami pa namang pagkakataon para kay Eliza.”
Ang bawat salitang binigkas ni Elijah ang nagpaalala kay Natalie sa kalagayan ng kaniyang anak at muli ay hindi nito napigilan na sisihin ang kaniyang sarili.
H******n ni Natalie ang mukha ng kaniyang anak bago muling tinignan si Elijah. “Elijah, salamat sa ‘yo at nakakita tayo ng bato na nag-match kay Isabella. Kung hindi dahil sa ‘yo, marahil ay…”
Kasabay ng kaniyang pananalita ay ang pamumuo ng luha sa mga mata nito.
“Habang nandito ako, walang masamang mangyayari kay Isabella,” pangako ni Elijah sa malumanay na tono ng pananalita.
“Maswerte akong nandito ka, Elijah.” Humagulgol si Natalie at saka ito sumandal sa balikat ni Elijah.
Tinapik ni Elijah ang likuran ni Natalie upang pawiin ang nararamdaman nito. Nang ilagay ni Natalie ang kaniyang mga kamay sa beywang ni Elijah ay tumayo ito at saka muling nagsalita, “Kakausapin ko lang ang mga doktor tungkol sa kondisyon ni Isabella. Samahan mo muna si Isabella sa baba upang makapaglaro ito. Hahanapin ko kayo mamaya.”
“Dad, bilisan mo lang.”
Lumabas ng ward si Elijah at pumasok sa isa sa mga elevator.
Nang magsara ang pinto ng elevator na sinasakyan ni Elijah ay bumukas naman ang elevator sa kabila at iniluwa no’n ang nagmamadali sa paglalakad na si Sabrina.
Dumiretso ito sa doktor na nakatakda sanang mag-opera kay Eliza.
“Miss Sabrina, hindi ka maaaring pumasok.”
Hindi nito pinansin ang nars na sumubok na pigilan siya at nagpumilit na makapasok sa kinaroroonan ng doktor.
Namumula ang mga mata, nagmakaawa ito sa doktor na nasa kaniyang harapan, “Doc Ferrer, parang awa mo na ay sabihin mo sa akin kung sino ang kumuha ng bato na dapat ay para kay Eliza.”
Kung hindi lamang nawala ang kidney na dapat ay para sa kaniyang anak, hindi sana mamamatay si Eliza.
“Doc Ferrer, nagmamakaawa ako sa ‘yo.”
Nang makitang tahimik lang ang doktor ay lumuhod si Sabrina sa harapan nito. Kung ‘di nila natatanong ay handa itong gawin ang lahat.
“Miss Sabrina, ‘wag namang ganito. Hindi ko rin talaga alam.”
Dali-daling tumayo si Doc Ferrer at mabilis na inalalayan si Sabrina sa pagtayo bago ito nagsalita. Kitang-kita nito kung paanong mabilis na bumagsak ang timbang ni Sabrina sa loob lamang ng ilang araw. Napabuntong-hininga ito.
Parang magulang din ang isang doktor. Naaawa ito sa babaeng nasa kaniyang harapan.
Matagal na naghintay si Eliza para sa kidney na maaaring ilagay sa katawan nito ngunit sa isang iglap ay nawala iyon sa mismong gabi ng operasyon, at namatay ang anak ni Sabrina sa operating table.
Ang isang kagiliw-giliw at mabait na bata ay nawala nang gano’n-gano’n lang.
Bilang isang ina ay hindi ito katanggap-tanggap. Ngunit wala talagang alam ang doktor sa mga nangyari. Ang tanging alam lang ni Doc Ferrer ay mayroong mas importanteng tao na nagmatch din ang kidney na ‘yon. Ngunit hindi niya iyon sinabi pa.
Umalis si Sabrina nang mabigat ang loob sa opisina ni Doc Ferrer nang bigo itong makakuha ng sagot.
Nang madaanan nito ang lugar kung nasaan ang mga nakaadmit na pasyente sa hospital, may biglang maliit na pigura na tila ay parang kanyong rumaragasa na bumangga sa kaniya.
Awtomatikong gumalaw ang katawan ni Sabrina upang tulungan ito. Ngunit bago pa man dumampi ang kaniyang kamay ay may tumampal na rito at narinig ni Sabrina ang pamilyar na boses ng isang babae.
“Huwag mong saktan ang anak ko!”
Si Natalie iyon.
Binawi ni Sabrina ang kaniyang kamay at saka ito binigyan ng kalmadong ekspresyon.
Ikinulong ni Natalie si Isabella sa bisig nito na animo’y pinoprotektahan ang kaniyang anak mula sa isang kaaway at saka tinignang muli si Sabrina. “Sabrina, kung may galit ka, sa akin mo ‘yon ilabas. Bata pa si Isabella kaya ‘wag mong ibuhos ang galit mo sa kaniya.”
Kagaya ng lagi nitong ginagawa ay tila umaakto na naman ito na animo’y nasa isang palabas.
Dahan-dahang umangat ang labi ni Sabrina at saka ito ngumisi. Hindi na niya kailangang lumingon pa sa paligid upang masabi na nasa malapit lang si Elijah, kagaya ng kaniyang inaasahan.
Nang matapos magsalita si Natalie, dinig ni Sabrina mula sa kaniyang likuran ang hindi masayang boses ni Elijah. “Sabrina, ano na naman ang kabaliwan na ginagawa mo?”
Malaki ang mga hakbang ni Elijah nang tumbukin nito ang kinaroroonan nina Natalie at ni Isabella at agad na inilagay ang anak sa likuran nito para protektahan, malamig ang tingin na ipinukol kay Sabrina.
Ang paraan ng pagprotekta ni Elijah kay Natalie at sa anak nito ay nagdulot ng kirot sa puso ni Sabrina. Ikinuyom nito ang kaniyang kamao.
Dahil sa pag-iisip ni Sabrina sa naging pagkamatay ni Eliza ay ayaw niya na sana itong patulan pa.
Tumalikod ito at paalis na sana nang makita niya kung paanong umakap sa binti ni Elijah ang batang si Isabella at saka nito tinignan si Sabrina at nagpapaawang sinambit na, “Dahil ba mas pinili ni Daddy na makasama ako kesa kay Eliza kaya hindi masaya si Eliza at kaya galit si Aunt Sabrina kay Isabella? Kasalanan ‘tong lahat ni Isabella…”
Naging malamig ang ekspresyon ng mukha ni Sabrina.
Ipinaalala sa kaniya ng nangyayari sa kasalukuyan ang nangyari noong unang magtagpo ang landas nina Eliza at Isabella. Nahulog si Isabella sa swimming pool at sakto naman sa oras na nasagip ito ng kararating lang na si Elijah.
Nang mga oras na ‘yon, umiyak din ito at humingi ng tawad kay Eliza. “Ate Eliza, may nagawa ba akong hindi mo ikinatuwa? Ate Eliza, patawad, kasalanan ko ‘tong lahat.”
Humingi ito ng tawad sa paraan na tila pinarating nito na si Eliza ang tumulak sa kaniya sa swimming pool. Galit na galit si Elijah nang mga oras na ‘yon. Ni hindi nito pinakinggan ang eksplanasyon ni Eliza bagkus ay matinding pagalit ang inabot ng anak at pinatayo pa ito sa labas ng bahay upang pagsisihan nito ang kaniyang ginawa. Nagtagal iyon ng halos ilang oras ngunit hindi man lang nagawang magpakita ng pakialam ni Elijah.
Tatlong araw at tatlong gabi na nilagnat nang mataas si Eliza matapos no’n. Nang magkamalay, umiyak si Eliza at humahagulgol na sinambit ang mga katagang, “Ma, maniwala ka sa ‘kin.
Hindi ko tinulak sa pool si Isabella. Siya pa nga ang tumulak sa akin sa swimming pool. Hindi ako ang may kasalanan. Hindi ako ‘yon, ma.”
“Huwag ka nang umiyak, anak. Naniniwala si mama sa ‘yo!”
Niyakap ni Sabrina ang anak at paulit-ulit na sinubukang pagaanin ang nararamdaman nito, ngunit ayaw tumigil ni Eliza sap ag-iyak, “Bakit ayaw akong paniwalaan ni papa?”
Ang pinakarason ng lungkot ni Eliza ay ang hindi paniniwala sa kaniya ng kaniyang ama.
Ang mga ala-alang ‘yon ang rason kung bakit malamig ang naging mga tingin na ipinukol ni Sabrina kay Isabella.
Natakot si Isabella kaya mas lumakas pa ang paghagulgol nito. Agad namang hinarangan ni Natalie ang anak upang hindi nito makita ang paraan ng pagtingin ni Sabrina, “Sabrina, sabi ko naman sa ‘yo na kung may galit ka, sa ‘kin mo na ibuhos lahat…”
“Pak!”
“Pak!”
“Pak!”
Nakuha ni Sabrina ang gusto nito. Sinampal nito nang makailang beses ang pagmumukha ni Natalie.
“Sabrina, nababaliw ka na bang talaga?”
Umalma si Elijah, ang boses niya ay nagdudulot ng kilabot sa buto. Inabot nito ang kamay ni Sabrina, na tila nagbabalak pang magpatuloy, at tinignan niya ito nang matalim.Ang lalaking nasa harapan ni Sabrina, na noon ay punong-puno ng dignidad at hindi katulad ng iba, ay tila naging ibang tao para lamang sa taong pinakamamahal niya.Mapula ang mga mata ni Sabrina. Nakatingin lamang ito sa lalaking nasa harapan niya na minahal niya ng sampung taon habang napupuno ng lungkot ang puso nito.“Oo, matagal na sana akong nagpakabaliw.”Iniangat nitong muli ang mga kamay niya at saka binigyan si Elijah ng isang malakas na sampal.“Elijah, tapos na tayo.”Gusto niyang sabihin ang mga katagang iyon mula nang mamatay ang anak niya. Mula ngayon ay maghihiwalay na ang landas nilang dalawa.Binawi ni Sabrina ang kamay niya, at ramdam niya ang pamamanhid ng kaniyang palad. Naubos na niya ang kaniyang lakas.Kitang-kita ang pamumula sa pisngi ni Elijah. Ito ang kauna-unahang pagkakataon sa buhay niy
Pinutol na niya ang kanilang usapan. Bago umalis si Elijah ay nagiwan siya ng salita sa malamig na tono. “Sabrina, huwag mong hayaang tawagan ako Eliza ni kung may kailangan ka.”Matapos niya iyong sabihin, agad siyang tumalikod at umalis ng walang pagdadalawang isip.Kalalabas lang ni Elijah. At sa pagtalikod niya ay nakarinig siya ng malakas na kalabog.Marahas siyang napalingon at nakita niya si Sabrina na nakabulagta na sa sahig na kanina ay nasa maayos lang ang kalagayan.“Sabrina, pinagsabihan na kita na hindi na uubra sa akin ang pakulo mong iyan.”Nakahiga lang si Sabrina sa malamig na sahig. Hindi naman siya talaga nawalan ng malay .At ang marinig ang sinabing iyon ni Elijah ay mas lumamig ang pakiramdam niya. Napakalamig na nanuot sa kanyang katawan.Sa katunayan, ay naisip niya na nagdadahilan lamang ito para mapanatili siya.Sa mga mata niya, ay isa itong masamang babae na handang gawin ang lahat para sa kanya.Limang taon na ang nakalilipas, gumawa ito ng paraan para pagh
May sakit sa bato ang anak niya. Bago ang nakatakda sanang operasyon, ang tanging hiling na mayroon ito ay samahan ito ng kaniyang ama sa isang panlibangang parke para sa kaarawan niya. Gusto lamang nito ng kaunting oras na kasama ang kaniyang ama.Lumuhod siya sa harapan ni Elijah at nakiusap na pagbigyan nito ang kahilingan ng kanilang anak at pumayag naman ito.Ngunit sa kaarawan nito ay hindi ito nagpakita sa anak, hanggang sa sumuka ng dugo at nawalan ng malay. Lumala ang kondisyon ng anak ni Sabrina at hindi naging matagumpay ang pagsasalba rito.Bago ito bawian ng buhay, nagtanong ito sa kaniyang ina habang lumuluha, “Ma, bakit gustong-gusto ni papa si Isabella kesa sa ‘kin? Dahil ba hindi ako sapat para sa kaniya?”Nawala ang anak ni Sabrina na punong-puno ng pighati. May bidyu na makikita sa selpon na dahan-dahang dumulas sa maliit nitong kamay. Sa bidyu, makikita roon na nirentahan ng kaniyang ama ang pinakamalaking amusement park sa bansa para sa kaniyang kaarawan at sa kaa

Ang kanina ay madilim na ekspresyon ni Elijah ay lumamlam agad-agad at walang pag-aalinlangan itong pumayag, “Okay!”Nang matapos ang tawag, tumalikod na ito at dali-daling umalis. Muli, mas pinili ni Elijah ang anak nito kay Natalie at inabandona si Eliza.Naiwan si Sabrina sa kaniyang kinatatayuan. Niyakap nito nang mahigpit ang banga kung nasaan ang abo ng kaniyang anak at dahan-dahan itong hinagkan na tila ba pinapagaan nito ang nararamdaman ni Eliza.Mula nang bumalik galing sa ibang bansa si Natalie at ang anak nito, palagi na lang silang mas pinapaboran ni Elijah. Basta tumatawag ang sino man sa kanila, kahit dis-oras ng gabi o anuman ang ginagawa niya, aalis ito para lang mapagbigyan ang mag-ina.Walang pakialam si Sabrina kung hindi siya papansinin ni Elijah, nalulungkot lang ito para sa kaniyang anak na si Eliza.Mabait na bata ang anak nito para lang paulit-ulit na saktan ng kaniyang ama. Buti naman ay huli na ito at hindi na muling mauulit pa!Samantala sa VIP Ward ng Sout