May sakit sa bato ang anak niya. Bago ang nakatakda sanang operasyon, ang tanging hiling na mayroon ito ay samahan ito ng kaniyang ama sa isang panlibangang parke para sa kaarawan niya. Gusto lamang nito ng kaunting oras na kasama ang kaniyang ama.
Lumuhod siya sa harapan ni Elijah at nakiusap na pagbigyan nito ang kahilingan ng kanilang anak at pumayag naman ito.
Ngunit sa kaarawan nito ay hindi ito nagpakita sa anak, hanggang sa sumuka ng dugo at nawalan ng malay. Lumala ang kondisyon ng anak ni Sabrina at hindi naging matagumpay ang pagsasalba rito.
Bago ito bawian ng buhay, nagtanong ito sa kaniyang ina habang lumuluha, “Ma, bakit gustong-gusto ni papa si Isabella kesa sa ‘kin? Dahil ba hindi ako sapat para sa kaniya?”
Nawala ang anak ni Sabrina na punong-puno ng pighati. May bidyu na makikita sa selpon na dahan-dahang dumulas sa maliit nitong kamay. Sa bidyu, makikita roon na nirentahan ng kaniyang ama ang pinakamalaking amusement park sa bansa para sa kaniyang kaarawan at sa kaarawan ng anak ni Elijah kay Natalie.
Nang dumating ang araw ng pagkicremate, tanging si Sabrina lang ang nagkaroon ng tsansa na magpaalam sa labi nito. Sa labis na lungkot na nararamdaman, kahit ang suot nitong malaking itim na jacket ay hindi magawang maitago ang payat niyang pangangatawan. Pulang-pula at maga na rin ang kaniyang mga mata sa labis na pagluha.
Inilabas ni Sabrina mula sa bulsa ng suot niyang jacket ang isang kapiraso ng hair pin at saka ito yumuko upang ilagay iyon nang dahan-dahan sa kaniyang anak. Sariling desinyo niya ito na nais niya pa sanang masilayan ng kaniyang anak.
“Maligayang kaarawan, anak. Mahal na mahal ka palagi ng mama.”
Muling yumuko si Sabrina upang hagkan sa noo ang anak at nang lumapat ang labi nito sa malamig na katawan ng anak, hindi niya napigilang maiyak muli.
Malapit nang matapos ang oras.
Pumasok ang isang lalaki sa kung nasaan si Sabrina at saka siya pinaalalahanan, “Pasensya na po sa istorbo, ngunit wala pa po ba ang tatay ng bata?”
Ang impormasyon ni Eliza ay nagsasaad na mayroon pa itong tatay.
“Hindi na siya pupunta!”
Hindi napigilan ni Sabrina na tignan nang malamig ang lalaking nasa harapan niya.
“Hindi na ba kayo maghihintay pa?” paniniguro pa nito.
Tatay rin ang lalaki. Alam nitong pagsisisihan ng tatay ng bata kung hindi nito makikita ang kaniyang anak sa huling pagkakataon!
“Maghihintay?” Ngumisi si Sabrina. “Kahapon, habang malamig ang simoy ng hangin, naghintay ang anak ko sa tapat ng panlibangang parke kung saan ay dapat magtatagpo sila ng kaniyang ama. Naghintay ang kawawa kong anak mula umaga hanggang gabi hanggang sa hindi na kinaya ng katawan nito ang lamig kaya sumuka siya ng dugo at nawalan ng malay pero ni anino ng kaniyang ama ay hindi nagpakita sa kaniya.”
“At alam mo ba kung nasaan ang ama ng aking anak habang nangyayari ang lahat ng iyon? Nirentahan nito ang buong Enchanted Kingdom para sa selebrasyon ng kaniyang kaarawan at kaarawan ng anak nito sa ibang babae!”
Hindi nagawang magsalita ng lalaking nasa harapan ni Sabrina. Hindi nito inasahan na may tatay sa mundo na hindi kayang magpakatatay sa kaniyang anak.
Hinagkang muli ni Sabrina ng kaniyang mga daliri ang ngayo’y maputla at matigas na mukha ng kaniyang anak, at bumulong sa kabila ng kaniyang halos paos na boses, “Sunugin n’yo na ang labi ng aking anak at ‘wag na nating patagalin pa ang pagdurusa n’ya sa mundong ito.”
Walang ibang tumakbo sa isip ni Sabrina kundi hilingin sa Diyos na sa susunod na buhay ni Eliza ay sana’y bigyan siya nito ng mas maayos na pamilya, ng isang ama na magmamahal at mag-aalaga sa kaniya at amang hindi siya kayang paghintayin sa wala.
Mas malamig na ang simoy ng hangin nang mapagdesisyonan ni Sabrina na umalis na ng funeral home na iyon. Pumara ito ng taxi at naupo sa likuran nito habang hawak-hawak ang kinalalagyan ng abo ng kaniyang anak.
Tumingin siya sa labas ng sasakyan nang may blangkong ekspresyon, at punong-puno ng lungkot ang mga mata.
Napadaan ang sinasakyan ni Sabrina sa Enchanted Kingdom. May traffic sa unahan. Dahan-dahang huminto ang kaniyang sinasakyan dahil dito.
Mula sa malaking screen na nasa labas ng parke ay may isang balita ang ipinapakita.
Napuno ng makukulay na paputok ang langit nang nirentahan ng Presidente ng Montreal Group of Companies ang Enchanted Kingdom para sa selebrayon ng kaarawan ng kaniyang anak!
Napuno nga ng samu’t saring paputok ang kalangitan, at hindi pa roon natapos ang lahat dahil habang patuloy ang mga fireworks sa pagsabog ay umukit naman sa kalangitan ang mga katagang, “Happy Birthday to our little sugar baby, Isabella!”
Kasabay nito ay ang pagpapakita sa screen ng masayang mukha ni Isabella habang nakahawak sa kamay nina Elijah at Natalie. Suot-suot nito ang damit na kagaya sa suot ni Princess Elsa, na siya ring gustong damit ni Eliza. Kasabay ng muling pagsabog ng makukulay na paputok sa kalangitan ay ang paghagkan nina Natalie at Elijah kay Isabella sa pisngi nito.
“Kitang-kita sa mukha ni Mr. Montreal kung gaano nito kamahal ang kaniyang anak.”
“Ito ay nagpapakita lamang na ang Presidente ng Montreal Group ay isang mapagmahal na haligi ng tahanan—”
Hindi na kinayang pakinggan pa ni Sabrina ang mga sumunod na sinasabi ng mga nagbabalita dahil wala itong ibang maramdaman kundi inggit, pait, at galit. Niyakap nito nang mahigpit ang kinalalagyan ni Eliza. “Anak, ‘wag kang titingin sa balita,” bulong nito. Hindi na dapat pang malungkot ang kaniyang anak!
Alas diyes na ng gabi nang makabalik si Sabrina sa mansyon kung saan sila tumutuloy ni Elijah. Mabigat man ang bawat hakbang nito sa bawat baitang ng hagdan ay pinilit nitong umakyat at magtungo sa kwarto ni Eliza. Inayos at inimpake nito ang mga gamit ni Eliza na naroon at nang matapos ay mas pinili niyang maupo sa kama nito habang yakap-yakap ang bangang kinalalagyan ng abo nito.
Nang mga sumunod na araw, may rumehistro sa kaniya na pamilyar na matikas at matangkad na pigura ng isang lalaki habang pababa siya ng hagdan.
Si Elijah.
Hindi ito tumingin sa mga mata ni Sabrina. Malamig ang ekspresyon nito na kagaya lang ng madalas na ekspresyon nito kada magkikita silang dalawa. Wala itong kung anong sinabi kundi, “Nasaan si Eliza?”
Hindi napigilang ismiran ito ni Sabrina nang marinig ang tanong nito. “Oh.”
Tatlong araw na mula nang mamatay si Eliza at ngayon niya lamang naalala ang kaniyang anak. Napasimangot si Elijah at tinignan nang may pagkadigusto si Sabrina. Galit ba ito dahil hindi nito nagawang kitain si Eliza sa araw bago ang kahapon?
Hindi na nag-abala pa si Eliijah kay Sabrina.
Itinago nito ang pagkadisgusto at sa malalim na boses ay nagsalita ito, “Nandito ako para sunduin si Eliza para pumunta sa amusement park.”
Nakaramdam si Sabrina ng kung anong sakit sa dibdib nito. Hinding-hindi nito makakalimutan ang tagpo kung saan ay mabilis itong pumanhik papunta sa palaruan mula sa labas matapos nitong makatanggap ng tawag mula sa isa sa mga empleyado ng lugar.
Sumuka at naligo sa sarili nitong dugo ang kaniyang anak, at wala si Elijah sa kung nasaan si Eliza.
Doon ay napagtanto niya na nagsinungaling sa kaniya ang kaniyang anak habang magkausap pa sila sa telepono noong umaga bago mangyari ang lahat. “Ma, nandito na si papa. ‘Wag ka po mag-alala, paniguradong magsasaya kami buong araw.”
Upang protektahan ang ama nito at upang makasama si Elijah, nagawang magsinungaling sa kaniya ni Eliza sa kauna-unahang pagkakataon. Pinanghawakan nito na hindi siya paaasahin ng kaniyang ama at tutuparin nito ang pangako nito sa kaniya.
Nanlisik ang paningin ni Sabrina kay Elijah. Tumingin ito sa gawi ni Elijah na kasalukuyang bakas ang pagkainip sa pagmumukha at saka malamig ang boses na tumuran ng mga katagang, “Sinusundo mo si Eliza? Wala na siya, Elijah! Saan mo siya susunduin ngayon, ha? Sa imyerno?!”
“Sabrina!”
Galit si Elijah. Hindi ba’t hindi lamang nito nasunod ang usapan nila? Hindi naman malaking bagay ‘yon. Masyadong baliw si Sabrina para isumpa ang pagkamatay ng anak nito! Ina siya ni Eliza kaya paano niya nagawang sabihin iyon!
Tinignan ni Elijah si Sabrina na animo’y nasisiraan na ito ng bait.
“Hindi na makatwiran ang mga lumalabas sa bibig mo!”
Hindi na pinag-aksayahan pa ng oras ni Elijah si Sabrina dahil nababaliw na ito. Ipinagsawalang-bahala niya na lamang ito at saka binantaan na ‘wag nang umaktong nawawala na sa katinuan. Umakyat ng hagdan si Elijah, hinahanda ang sarili upang tawagin si Eliza.
Ilang hakbang pa lang ang nagagawa nito nang tumunog ang kaniyang telepono.
Ang espesyal na tunog ng telepono nito ang nagpahinto sa kaniya sa paghakbang at mabilis na inilabas ni Elijah ang selpon nito mula sa kaniyang bulsa at mabilis na sinagot ang tawag.
Ang malambing na boses mula sa kabilang linya ang tanging maririnig sa tahimik na sala.
“Dad, miss na kita. Pwede ka bang pumunta rito at samahan si Bella?”
Ang kanina ay madilim na ekspresyon ni Elijah ay lumamlam agad-agad at walang pag-aalinlangan itong pumayag, “Okay!”Nang matapos ang tawag, tumalikod na ito at dali-daling umalis. Muli, mas pinili ni Elijah ang anak nito kay Natalie at inabandona si Eliza.Naiwan si Sabrina sa kaniyang kinatatayuan. Niyakap nito nang mahigpit ang banga kung nasaan ang abo ng kaniyang anak at dahan-dahan itong hinagkan na tila ba pinapagaan nito ang nararamdaman ni Eliza.Mula nang bumalik galing sa ibang bansa si Natalie at ang anak nito, palagi na lang silang mas pinapaboran ni Elijah. Basta tumatawag ang sino man sa kanila, kahit dis-oras ng gabi o anuman ang ginagawa niya, aalis ito para lang mapagbigyan ang mag-ina.Walang pakialam si Sabrina kung hindi siya papansinin ni Elijah, nalulungkot lang ito para sa kaniyang anak na si Eliza.Mabait na bata ang anak nito para lang paulit-ulit na saktan ng kaniyang ama. Buti naman ay huli na ito at hindi na muling mauulit pa!Samantala sa VIP Ward ng Sout
Umalma si Elijah, ang boses niya ay nagdudulot ng kilabot sa buto. Inabot nito ang kamay ni Sabrina, na tila nagbabalak pang magpatuloy, at tinignan niya ito nang matalim.Ang lalaking nasa harapan ni Sabrina, na noon ay punong-puno ng dignidad at hindi katulad ng iba, ay tila naging ibang tao para lamang sa taong pinakamamahal niya.Mapula ang mga mata ni Sabrina. Nakatingin lamang ito sa lalaking nasa harapan niya na minahal niya ng sampung taon habang napupuno ng lungkot ang puso nito.“Oo, matagal na sana akong nagpakabaliw.”Iniangat nitong muli ang mga kamay niya at saka binigyan si Elijah ng isang malakas na sampal.“Elijah, tapos na tayo.”Gusto niyang sabihin ang mga katagang iyon mula nang mamatay ang anak niya. Mula ngayon ay maghihiwalay na ang landas nilang dalawa.Binawi ni Sabrina ang kamay niya, at ramdam niya ang pamamanhid ng kaniyang palad. Naubos na niya ang kaniyang lakas.Kitang-kita ang pamumula sa pisngi ni Elijah. Ito ang kauna-unahang pagkakataon sa buhay niy
Pinutol na niya ang kanilang usapan. Bago umalis si Elijah ay nagiwan siya ng salita sa malamig na tono. “Sabrina, huwag mong hayaang tawagan ako Eliza ni kung may kailangan ka.”Matapos niya iyong sabihin, agad siyang tumalikod at umalis ng walang pagdadalawang isip.Kalalabas lang ni Elijah. At sa pagtalikod niya ay nakarinig siya ng malakas na kalabog.Marahas siyang napalingon at nakita niya si Sabrina na nakabulagta na sa sahig na kanina ay nasa maayos lang ang kalagayan.“Sabrina, pinagsabihan na kita na hindi na uubra sa akin ang pakulo mong iyan.”Nakahiga lang si Sabrina sa malamig na sahig. Hindi naman siya talaga nawalan ng malay .At ang marinig ang sinabing iyon ni Elijah ay mas lumamig ang pakiramdam niya. Napakalamig na nanuot sa kanyang katawan.Sa katunayan, ay naisip niya na nagdadahilan lamang ito para mapanatili siya.Sa mga mata niya, ay isa itong masamang babae na handang gawin ang lahat para sa kanya.Limang taon na ang nakalilipas, gumawa ito ng paraan para pagh

May sakit sa bato ang anak niya. Bago ang nakatakda sanang operasyon, ang tanging hiling na mayroon ito ay samahan ito ng kaniyang ama sa isang panlibangang parke para sa kaarawan niya. Gusto lamang nito ng kaunting oras na kasama ang kaniyang ama.Lumuhod siya sa harapan ni Elijah at nakiusap na pagbigyan nito ang kahilingan ng kanilang anak at pumayag naman ito.Ngunit sa kaarawan nito ay hindi ito nagpakita sa anak, hanggang sa sumuka ng dugo at nawalan ng malay. Lumala ang kondisyon ng anak ni Sabrina at hindi naging matagumpay ang pagsasalba rito.Bago ito bawian ng buhay, nagtanong ito sa kaniyang ina habang lumuluha, “Ma, bakit gustong-gusto ni papa si Isabella kesa sa ‘kin? Dahil ba hindi ako sapat para sa kaniya?”Nawala ang anak ni Sabrina na punong-puno ng pighati. May bidyu na makikita sa selpon na dahan-dahang dumulas sa maliit nitong kamay. Sa bidyu, makikita roon na nirentahan ng kaniyang ama ang pinakamalaking amusement park sa bansa para sa kaniyang kaarawan at sa kaa