Umalma si Elijah, ang boses niya ay nagdudulot ng kilabot sa buto. Inabot nito ang kamay ni Sabrina, na tila nagbabalak pang magpatuloy, at tinignan niya ito nang matalim.
Ang lalaking nasa harapan ni Sabrina, na noon ay punong-puno ng dignidad at hindi katulad ng iba, ay tila naging ibang tao para lamang sa taong pinakamamahal niya.
Mapula ang mga mata ni Sabrina. Nakatingin lamang ito sa lalaking nasa harapan niya na minahal niya ng sampung taon habang napupuno ng lungkot ang puso nito.
“Oo, matagal na sana akong nagpakabaliw.”
Iniangat nitong muli ang mga kamay niya at saka binigyan si Elijah ng isang malakas na sampal.
“Elijah, tapos na tayo.”
Gusto niyang sabihin ang mga katagang iyon mula nang mamatay ang anak niya. Mula ngayon ay maghihiwalay na ang landas nilang dalawa.
Binawi ni Sabrina ang kamay niya, at ramdam niya ang pamamanhid ng kaniyang palad. Naubos na niya ang kaniyang lakas.
Kitang-kita ang pamumula sa pisngi ni Elijah. Ito ang kauna-unahang pagkakataon sa buhay niya na sinampal siya ng isang babae.
Madilim at nakakatakot na tingin ang ibinigay ni Elijah kay Sabrina, nanlilisik ang mga mata nito, at saka siya umismid, “Ha.”
Wala ng iba pang sinabi si Sabrina, tumalikod na ito at umalis.
Alam niyang hindi pinaniniwalaan ni Elijah ang mga tinuran niya. Dahil sa mata nito, alam nitong handa siyang gawin ang lahat upang makasiping lang si Elijah sa kama.
Sa loob ng limang taon na nagdaan, nanatili si Sabrina sa tabi ni Elijah kahit na noong wala pa itong posisyon o anumang lagay sa buhay. Kaya paanong gano’n na lamang nito tapusin ang mayroon sila?
Makalipas ang tatlong araw, umuwi si Elijah na halos ubos na ubos na ang lakas, upang makita lamang na wala ng laman ang kwartong naroon. Itinakas nito ang anak na si Eliza.
Kinuha nito ang selpon niya at habang nandidilim ang paningin ay nagpadala ito ng mensahe kay Sabrina.
[Bumalik ka]
Dalwang salita ngunit dama ang awtoridad na tono.
Nang ipadala iyon ni Elijah ay lumabas ang isang pulang takdang padamdam. Kasabay no’n ay ang paglitaw ng linyang: Ang mensahe ay naipadala ngunit hindi matatanggap ng nasa kabilang linya.
I-bl-in-ock siya ni Sabrina? Naging mas malamig pa ang ekspresyon ng mukha ni Elijah kaya sinubukan niyang tumawag. Matapos ang isang ring ay namatay ang tawag.
Matapos ang ilang beses na sinubukan ni Elijah na tawagan si Sabrina, doon nito napagtanto na i-bl-in-ock din ni Sabrina ang mismong numero niya.
Magaling!
Sinundan siya nito sa hospital at umaktong parang nababaliw sa harap nina Natalie at Isabella, ngunit hindi man lang siya nakaganti rito. Tila nawiwili naman ata siyang gawin ito?
Sa kabilang banda naman, tatlong araw na ang nakakalipas ng umalis si Sabrina at pumunta sa isa pang bahay na pagmamay-ari ng kaniyang ina-inahan.
Ang ina-inahan niya na umampon sa kaniya ay naging tagapagsilbi ng mga Montreal at personal na naging tagapangalaga ng lola ni Elijah.
Noong walong taong gulang pa lamang si Sabrina, tumakas ito mula sa isang bahay-ampunan na punong-puno ng sugat ang buong katawan at doon niya nakatagpo ang kaniyang ina na umampon sa kaniya at ang lola ng mga Montreal.
Ang matandang Montreal ang nagsalba sa kaniya. Ginamit din nito ang kapangyarihan ng pamilya nila upang balikan ang bahay-ampunan na umalipusta kay Sabrina.
Wala siyang ibang mapuntahan. Ang kaniyang ina-inahan ang umampon sa kaniya. Sinundan niya ang kaniyang ina-inahan sa pamilyang Montreal. ‘Di kalaunan ay namatay ang kaniyang ina-inahan kaya ang bahay ay naiwan sa kaniya.
Natapos na sa paglilinis ng bahay si Sabrina at bumaba na ito ng hagdan para itapon ang mga basura. Nang pabalik na itong muli sa taas, may isang malakas na pwersa na biglaang humablot sa may pulso niya.
Hindi siya naging handa at hindi agad nakakilos.
Ang mapagtanong na boses na hinaluan ng inis mula sa itaas ng ulo niya ay nagsalita, “Sabrina, sino ang nagbigay sa ‘yo ng lakas ng loob na i-block ang numero ko?”
Inayos ni Sabrina ang kaniyang tindig at saka tumingala sa lalaki. Kalmado na ang mga mata nito, na tila hindi makabasag-pinggan na payapang tubig.
Hindi nito sinagot ang tanong ng lalaki, ngunit kalmadong sinabi sa kaniya na, “Elijah, bitawan mo ‘ko.”
Sinalubong ni Elijah ang mga tingin ni Sabrina, at nandilim nang konti ang paningin nito. Hindi siya bumitaw, bagkus ay mas hinigpitan pa nito ang pagkakahawak niya.
Bigla naman ay may kirot na naramdaman si Elijah sa paa niya. Si Sabrina ang rason no’n.
Nang makita ni Sabrina na hindi bumitaw si Elijah, itinaas nito ang paa niya at saka tinapakan ang paa ni Elijah.
Determinado ang lalaki.
Nang maramdaman ang sakit, hindi namalayan ni Elijah na lumuwag ang pagkakahawak nito.
Sinamantala naman ni Sabrina ang pagkakataon na ‘yon upang kumawala, tumalikod, at saka mabilis na umakyat sa taas.
“Sabrina!”
Naging malalim nang sobra ang boses ni Elijah. Makailang hakbang lang ay nahabol na nito si Sabrina at muli nitong hinawakan ang kamay ng babae.
“Huwag mo ‘kong hawakan!”
Naging mabilis ang naging pag-iwas ni Sabrina.
Namamangha namang tinignan ni Elijah ang pag-uugali na ipinapakita ni Sabrina na tila ba umiiwas ito sa isang sakit, at bakas ang pagkamangha sa boses nito na sinabing, “Sabrina, saan pa kita hindi nahawakan, huh?”
Puno ng yabang ang boses nito.
Naging mabilis naman ang paglamig ng ekspresyon ng mukha ni Sabrina. Ikinuyom nito ang kaniyang mga kamao at sinabi nito sa malamig at may pinalidad na boses, “Elijah, hiwalay na tayo.”
Anuman ang sinabi ni Elijah ay lumampas na sa linya.
Matapos sabihin ‘yon, tumalikod na muli si Sabrina at mabilis na naglakad paakyat ng hagdan.
Sinundan ng tingin ni Elijah ang likod ni Sabrina, ang mga mata nito ay nandidilim at tila nanlalabo.
Pagdating sa ikatlong palapag, binuksan ni Sabrina ang pinto at pumasok na sa bahay. Nang isasara na nito ang pinto, may malaking kamay na pumigil sa kaniya.
Si Elijah ang sumunod sa kaniya.
Hindi binigyan ni Elijah ng pagkakataon si Sabrina na may gawin. Sapilitan nitong binuksan ang pintuan, pumasok sa loob, at binuksan ang regalong nasa kamay nito, “Eliza, tignan mo kung ano ang regalo ng papa sa ‘yo?”
Tahimik ang silid. Walang sumagot. Natigilan si Elijah.
Kada makikita siya ni Eliza, hindi ito tatalon sa bisig niya at aaktong mapagmahal at malambing gaya ni Isabella. Ngunit kapag naririnig nila ang boses niya ay agad naman itong lumalapit sa kaniya. Titingin ito sa kaniya na punong-puno ng paghanga at saka siya mahinhin na tatawaging, “Papa.”
“Hindi pa bumabangon si Eliza? Ako na ang gigising sa kaniya.”
Binabaan ni Elijah ang boses niya, inilagay ang regalo sa lamesang pang-kape, at saka naglakad papuntang kwarto.
Ngunit wala itong napala. Maayos ang higaan, ngunit wala si Eliza roon. Umikot pa ang tingin nito.
Wala itong nakita na kahit na sino sa kwarto. Nakita lang nito ang mga damit ni Eliza at Sabrina na magkatabi sa lagayan ng damit na halos kalahati ang nakabukas.
“Nasaan si Eliza?”
Umalis ng kwarto si Elijah at saka tinignang muli si Sabrina. Nakatayo lang si Sabrina sa pinto, ang mata nito ay nanatili sa regalo, hindi malinaw ang ekspresyon nito.
“Si Eliza? Hindi mo na siya makikita pa!” Mahina at malamig ang boses ni Sabrina.
“Anong ibig mong sabihin?” Agad na nandilim ang mukha ni Elijah. Itinatago ba ni Sabrina si Eliza?
Hindi naman sumagot si Sabrina. Naglakad ito papalapit sa mesa kung nasaan ang regalo na dala ni Elijah, dinampot ang damit ni Princess Elsa habang nanginginig ang mga kamay, at namumula ang kaniyang mga mata.
Ito ang regalo na gustong-gusto ni Eliza. Ipinangako rin ni Eljah na ipapadala niya ito sa anak. Ngunit sa huli, ipinasuot ito kay Isabella. Ngayon na tapos na itong masuot ni Isabella, ibibigay ito ni Elijah kay Eliza. Ano bang naiisip nito sa kaniyang anak?
“Elijah, wala ng pakialam si Eliza!” Tuluyan ng nawalan ng kontrol ang nasasaktan na si Sabrina. Itapon nito ang damit at ang lalagyan nito na animo’y basura. Ang banga ng anak ay nakalagay lang sa tabi nito. Ayaw nito na makita iyon ng kaniyang anak.
Hindi iyon napigilan ni Elijah at pinanuod nito ang kahon na malaglag sa baba. Ang ipinagawa nitong damit para kay Eliza ay nalaglag mula sa karton at tumama sa upos ng sigarilyo, na sumunog ng malaking butas roon.
“Sabrina, hindi ka pa ba nananawa sa gulo?!”
Nanlilisik ang mga mata ni Elijah, nandidilim ang kilay, at tila may bagyong namumuo sa mga mata nito.
“Lumabas ka.” Hindi pinansin ni Sabrina ang galit ni Elijah at saka ito inutusan na umalis sa malamig na boses.
Malamig din ang naging ekspresyon ni Elijah. Nang halos ang paligid ay tila tuluyang manlamig, tumunog ang telepono nito. Isang tawag iyon mula kay Natalie.
Tumingin si Elijah sa gawi ni Sabrina at saka sinagot ang tawag sa harapan nito, “Natalie...”
Malambing ang tono nito. Ngunit ang tingin na ipinupukol nito kay Sabrina ay malamig.
“Nasundo mo na ba si Eliza?” Mahinang tinanong ni Natalie. “Tumawag sa ‘kin ang Enchanted Kingdom at nagtanong sa akin kung anong oras kayo darating ni Eliza para makapaghanda sila nang mas maaga.”
“Hindi, wala rito si Eliza.”
Hindi inalis ni Elijah ang tingin nito kay Sabrina. Nang makitang tila nagpapanggap pa rin ito na walang alam, mas lumamig ang mga mata nito. “Ipakansela mo na sa Enchanted Kingdom, pupunta na ako riyan para masamahan ka at si Isabella.”
Pinutol na niya ang kanilang usapan. Bago umalis si Elijah ay nagiwan siya ng salita sa malamig na tono. “Sabrina, huwag mong hayaang tawagan ako Eliza ni kung may kailangan ka.”Matapos niya iyong sabihin, agad siyang tumalikod at umalis ng walang pagdadalawang isip.Kalalabas lang ni Elijah. At sa pagtalikod niya ay nakarinig siya ng malakas na kalabog.Marahas siyang napalingon at nakita niya si Sabrina na nakabulagta na sa sahig na kanina ay nasa maayos lang ang kalagayan.“Sabrina, pinagsabihan na kita na hindi na uubra sa akin ang pakulo mong iyan.”Nakahiga lang si Sabrina sa malamig na sahig. Hindi naman siya talaga nawalan ng malay .At ang marinig ang sinabing iyon ni Elijah ay mas lumamig ang pakiramdam niya. Napakalamig na nanuot sa kanyang katawan.Sa katunayan, ay naisip niya na nagdadahilan lamang ito para mapanatili siya.Sa mga mata niya, ay isa itong masamang babae na handang gawin ang lahat para sa kanya.Limang taon na ang nakalilipas, gumawa ito ng paraan para pagh
May sakit sa bato ang anak niya. Bago ang nakatakda sanang operasyon, ang tanging hiling na mayroon ito ay samahan ito ng kaniyang ama sa isang panlibangang parke para sa kaarawan niya. Gusto lamang nito ng kaunting oras na kasama ang kaniyang ama.Lumuhod siya sa harapan ni Elijah at nakiusap na pagbigyan nito ang kahilingan ng kanilang anak at pumayag naman ito.Ngunit sa kaarawan nito ay hindi ito nagpakita sa anak, hanggang sa sumuka ng dugo at nawalan ng malay. Lumala ang kondisyon ng anak ni Sabrina at hindi naging matagumpay ang pagsasalba rito.Bago ito bawian ng buhay, nagtanong ito sa kaniyang ina habang lumuluha, “Ma, bakit gustong-gusto ni papa si Isabella kesa sa ‘kin? Dahil ba hindi ako sapat para sa kaniya?”Nawala ang anak ni Sabrina na punong-puno ng pighati. May bidyu na makikita sa selpon na dahan-dahang dumulas sa maliit nitong kamay. Sa bidyu, makikita roon na nirentahan ng kaniyang ama ang pinakamalaking amusement park sa bansa para sa kaniyang kaarawan at sa kaa
Ang kanina ay madilim na ekspresyon ni Elijah ay lumamlam agad-agad at walang pag-aalinlangan itong pumayag, “Okay!”Nang matapos ang tawag, tumalikod na ito at dali-daling umalis. Muli, mas pinili ni Elijah ang anak nito kay Natalie at inabandona si Eliza.Naiwan si Sabrina sa kaniyang kinatatayuan. Niyakap nito nang mahigpit ang banga kung nasaan ang abo ng kaniyang anak at dahan-dahan itong hinagkan na tila ba pinapagaan nito ang nararamdaman ni Eliza.Mula nang bumalik galing sa ibang bansa si Natalie at ang anak nito, palagi na lang silang mas pinapaboran ni Elijah. Basta tumatawag ang sino man sa kanila, kahit dis-oras ng gabi o anuman ang ginagawa niya, aalis ito para lang mapagbigyan ang mag-ina.Walang pakialam si Sabrina kung hindi siya papansinin ni Elijah, nalulungkot lang ito para sa kaniyang anak na si Eliza.Mabait na bata ang anak nito para lang paulit-ulit na saktan ng kaniyang ama. Buti naman ay huli na ito at hindi na muling mauulit pa!Samantala sa VIP Ward ng Sout

Umalma si Elijah, ang boses niya ay nagdudulot ng kilabot sa buto. Inabot nito ang kamay ni Sabrina, na tila nagbabalak pang magpatuloy, at tinignan niya ito nang matalim.Ang lalaking nasa harapan ni Sabrina, na noon ay punong-puno ng dignidad at hindi katulad ng iba, ay tila naging ibang tao para lamang sa taong pinakamamahal niya.Mapula ang mga mata ni Sabrina. Nakatingin lamang ito sa lalaking nasa harapan niya na minahal niya ng sampung taon habang napupuno ng lungkot ang puso nito.“Oo, matagal na sana akong nagpakabaliw.”Iniangat nitong muli ang mga kamay niya at saka binigyan si Elijah ng isang malakas na sampal.“Elijah, tapos na tayo.”Gusto niyang sabihin ang mga katagang iyon mula nang mamatay ang anak niya. Mula ngayon ay maghihiwalay na ang landas nilang dalawa.Binawi ni Sabrina ang kamay niya, at ramdam niya ang pamamanhid ng kaniyang palad. Naubos na niya ang kaniyang lakas.Kitang-kita ang pamumula sa pisngi ni Elijah. Ito ang kauna-unahang pagkakataon sa buhay niy