Share

Kabanata 4

(One week later at Butuan Airport)

Kanina pa nakasimangot si Zam. Isang oras na siyang naghihintay sa kung sino man ang inutusan ni Marco na susundo sa kanya. Before her flight, she received a call from her brother. Hindi raw siya masusundo nito dahil nagka aberya sa Farm.

Damn, that farm!

Bukod doon ay hindi rin niya nakasabay ang kaibigan na si Maddy. Isinugod daw kasi ang Daddy nito sa hospital noong nakaraang araw. Pero nangako naman ang kaibigan na susundan siya doon sa mga susunod na araw. So, she just need to endure the boredom for the main time.

"Zammy?" anang baritong boses.

Natigialan siya. Bigla ang pagkabog ng kanyang dibdib. Iisa lamang ang kilala niyang tumatawag sa kanya sa ganoong pangalan. It was only Caleb.

It had been eight years pero nanatiling nakakaakit sa pandinig niya ang boses na iyon. Unti-unti ang ginawa niyang paglingon. Napanganga siya pagkakita niya sa binata.

God! Bumaba ata si Hercules mula sa langit. Sambit niya sa isip.

Dahan-dahan itong naglakad papalapit pa sa kanya habang nakapamulsa. Kung tutuusin ay kaswal lang naman ang paglalakad nito. Pero bakit sa paningin niya ay mukha itong isang male model na rumarampa sa isang fashion show?

His gray v-neck plain shirts, with black pants, and gray suede shoes looks good on him. Ang simple pero nabigyan naman niya ng katarungan. Not to mention, his long wavy hair. Parang mas mahaba pa nga ata ang buhok nito kaysa sa kanya.

Bakit naman ganon? Don't tell me, walang pang pa-haircut?

Sa pagkaka-alam ko, he is a successful businessman and multi-millionaire at thirty.

Nang tuluyan itong makalapit ay muli na naman siyang nanliit sa sarili. Nagmumukha siyang pandak sa tangkad nitong six-feet-one inches. Mas lalo rin atang naging masculine ang katawan nito kaysa noon. Makikita naman iyon sa mga braso nito. But it wasn't that big. Sakto lang kung baga.

In her peripheral vision. Kita ni Zam ang pagtitig at pagsunod rin ng tingin ng ilang tao sa paligid kay Caleb. Pero mukhang wala namang pakielam ang binata doon na deretso lang din ang tingin sa kanya.

"Cover your mouth, baka mapasukan 'yan ng langaw," nakangiting biro ni Caleb.

Biglang natauhan si Zamantha sa harap-harapang pag-orgying sa binata. It caught her off guard. But she manage to brace herself.

"What are you doing here?" Gusto niyang batiin at pasalamatan ang sarili dahil hindi siya nabulol sa harap nito.

Nakangiting napabuga ito ng hininga. "I am here to fetch you, mademoiselle." anito na bahagya pang yumuko na tila siya ay isang prinsesa o reyna.

Napangiwi siya sa ginawa nito. Dang! What the hell happend to this man?

"W-why you?"

"What do you mean. Why me?" Caleb frowned but still smiling.

"Where is Mang Lando?" tanong ni Zam na ang tinutuloy ay ang kanilang family driver.

"May sakit ang asawa ni Mang Lando. At alam mo naman na abala ang kuya mo sa farm kaya—"

"Yeah, I know," nakasimangot na sabi niya. "Mas importante pa ang farm kaysa sa akin. Pauuwiin niya ako, pagkatapos ay hindi niya ako susunduin," bubulong-bulong na sabi pa niya.

Natawa ang binata. "Anyway, I voluntered to fetch you, nakangiting sabi nito.

Lalo siyang sumimangot. Caleb widened his smile.

"Where's your baggage?" tanong nito kalaunan sa kanya.

"Here." niyuko niya ang isang maleta.

Tila gusto nitong mapailing nang makita ang maleta niya. Hindi maliit iyon pero hindi rin naman kalakihan. Mukhang nahalata nitong wala siyang balak magtagal sa Pilipinas base sa dala niyang gamit.

"Iyan lamang ba?" tanong nitong titig na titig sa kanya.

Gusto niyang mailang sa pagkakatitig nito sa kanya. Nag-iwas siya ng tingin. "Yeah," bagot na sagot niya.

Nauna na itong maglakad sa kanya. At sumunod naman siya. Hanggang sa huminto sila sa harap ng isang Toyota Camaro pick-up.

"Can you sit here?" nakangiting wika ng binata.

Napahinto siya sa tangkang pagsakay sana sa likod ng pick-up. Sa kagustuhang makaiwas kay Caleb ay sa likuran sana siya sasakay. But then, he wasn't her driver. Nagkibit balikat na lamang siya bago umupo sa unahan.

Nang makaupo ay napaungot siya. Naka relax siya kahit papaano. Nakakapagod din ang mahigit limang oras na byahe mula Australia. Idagdag mo pa ang isang oras na pag-aantay niya sa h*******k na sumundo sa kanya.

Habang bumibiyahe sila ay hindi mapakali si Zam. Ang lakas ng kabog ng dibdib niya. Aaminin niyang natatakot siya sa muling pagkikita nila ni Caleb. Baka hindi niya maitago ang tunay na damdamin niya para dito. Damdaming ang buong akala niya ay wala na. But she was wrong. Sa loob ng walong taon, akala niya ay nagawa niyang kalimutan ang anumang damdamin mayroon siya para dito.

She must admit na balde-baldeng luha ang naiiyak niya nang bumalik siya sa Australia eight years ago—sa pagkabigo sa binata at may isa pang malaking dahilan...

"How are you?" tanong ni Caleb na sandaling itinuon ang mga mata sa kanya bago muling ibalik ang tanaw sa kalsada. Halos kakalabas lang nila ng Butuan city.

"I-I am fine," maikling sagot niya.

"How's Tita Amelia?"

"My mother is fine," nakasimangot na sagot niya.

"Mabuti at naisipan mong magbakasyon?"

"It was Marco who wanted it," sagot niyang hindi pa rin nawawala ang pagkasimangot.

"Meaning?"

She rolled her eyes. "You know the meaning, don't you?" pagtataray niya.

"Whey! Easy, babe," si Caleb "I just wanted to make a conversation. Pareho tayong mapapanisan ng laway kung hindi tayo mag-uusap," sabi nitong nakangiti pa rin. Tila hindi ito apektado sa pagtataray niya.

Shit! Stop smilling. Nasambit niya sa isip. Feeling ni Zam ay malalagutan siya ng hininga dahil lang sa ngiting iyon.

"I am tired and I wanted to take a nap," mataray pa ring sabi niya.

Nagkibit-balikat lamang si Caleb sa sinabi ng dalaga. Hindi niya maiwasang mapangiti. Nang makitang humalukipkip ang dalaga na nakasimangot pa rin. Halata naman, simula kanina ay sinusungitan at tinatarayan siya ng dalaga. Pero hindi niya magawang gamalit o maiinis rito.

"Why are you smiling?" tanong ni Zam makalipas ang ilang sandali.

Caleb widened his smile. Tila nakaloloko iyon.

"Hey," naiinis na wika niya.

"Wala...wala," iiling-iling na sagot ni Caleb.

Sira ulo! Bulong muli ng dalaga sa isip.

Makalipas ang ilang minuto ay nakatulog nga si Zam. Nagkaroon ng pagkakataon si Caleb na pagmasdan ang dalaga.

She was still the same Zam that he knew eight years ago. Halos walang ipinagbago sa hitsura nito. Maliban na lamang sa maiksing buhok nito ngayon. Pero mas bagay iyon kay Zam kaysa sa mahabang buhok nito noon. Sa tingin nga niya ay mas lalo pa itong gumanda.

Hindi naman sa ini-insulto niya ang dalaga, pero hindi niya rin talaga maiwasan mapangiti kanina. Halata naman kasing simula noong magkita sila sa airport ay sinusungitan na siya nito. Gayon pa man, hindi niya magawang magalit o mainis sa dalaga. Kahit halos lahat ng sagot nito sa kanya ay pa-sakristo.

Well, siguro dahil alam niya ang dahilan kung bakit ganoon ang dalaga sa kanya?

May dahilan naman kasi at alam niya ring siya ang may kasalanan no'n.

Isang mapait na ngiti ang sumilay sa mga labi niya. He heaved a deep sigh bago muling nagconcentrate sa pagmamaneho.

Mayamaya pa ay ipinarada na niya ang sasakyan sa tapat ng bahay ng mga Sanchez.

"Zamantha," tawag niya sa dalaga habang marahang niyuyugyog ito.

Pupungas-pungas itong nagmulat nang mga mata.

"Where are we?" she asked.

"We're already here," aniya. "Mauna ka nang bumaba. Ako na ang bahala sa gamit mo," he said, the he turned off the car.

Habang papasok sa kabahayan ang dalaga ay ihinatid niya ito ng tanaw. Nahahapong sumandal siya sa headrest ng sasakyan.

Nang malaman niya kay Marco na darating ang kapatid nito ay dalawang damdamin ang naramdaman niya. First, he was excited to see her again after eight long years. Alam niyang hindi naging maganda ang huling pag-uusap nila ng dalaga. Nasaktan niya ito. But he promised to himself na babawi siya rito. Secondly, natatakot siya. He was afraid of rejection. Sa balak niyang muling pakikipaglapit dito ay baka ipagtabuyan siya nito. At sa nakikita niya ay mukhang mahihirapan nga talaga siya.

He sighed.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status