Katok sa pinto ang nagpabalik kay Zam sa kasalukuyan. Pinunasan niya ang mga luhang nalaglag sa pisngi niya. Bahagyang inayos niya ang damit bago siya tumayo. "Hi!" Nakangiting bungad ni Caleb pagkabukas ng pinto. "What is it this time?" tanong niya."Ipinapatawag ka ng kuya mo, kanina ka pa namin hinihintay," anito."Hindi ba nagpunta si Marco sa farm?" "That was this afternoon, nakabalik na siya. Hinihintay ka nga namin for dinner. Inisip naming natutulog ka kaya hindi ka na muna namin inabala." saad ni Caleb. Nakapamulsa ito, ang ngiti ay hindi mawala-wala sa mga labi nito. "Tsked. Ano bang katawa-tawa ngayon? May pa ngiti-ngiti pang nalalaman 'tong mukong na ito." bulong ni Zam sa isipan. Napatingin siya sa sariling oras na nasa kaliwang palapulsuhan. At laking gulat niya nang makitang labin-limang minuto na lang at alas-otso na pala ng gabi. Hindi niya namalayan ang oras. "Marco is waiting for you downstairs," sabi ng binata. Tumango naman siya at isinara ang pinto. Ilang
Matapos ayusin ang mga gamit sa kusina ay umakyat na siya. He took his time to take a bath bago pa magising ang dalaga. Kailangan ay nandoon siya kapag magising ito, at para magawa ang pinaplano niyang pagpapansin dito. Nang makapasok ang binata sa silid na inuukopa ay siya namang paglabas ni Zamantha sa kanyang kwarto.Quarter to seven pa lamang ay gising na siya. Inaasahan niya kasing ngayon umaga ang dating ng matalik na kaibigan sa farm, si Maddy. Pero dahil daw sa sama ng panahon dulot ng isang low pressure sa Visayas ay na cancel ang lahat nang domestic flights pa Mindanao. Bukas pa raw uli ng umaga ang re-schedule nito.Dahan-dahan siyang naglalakad pababa habang nasa kaliwang taenga ang kanyang cellphone at hawak naman ng dalawang kamay niya ang laptop. "Hay, naku Zamantha. Kung hindi lang talaga kita kaibigan hindi ako magpapahirap nang ganito," saad ni Maddy na nasa kabilang linya ngayon kausap ni Zam."I'm really sorry, Mad. Hayaan mo, ako na bahala sa flights natin pabal
Zam is having a hard time focusing on what she was doing in front of her laptop. Hindi niya maiwang sulyapan si Caleb nang paulit-ulit. Mukhang totoo nga na marunong talaga ang binata sa kusina. Malaya at mabilis kasi itong kumikilos doon ngayon. Hindi tuloy niya maiwasan ang mapangiti habang pa simple niya rin itong sinisilip. Geez! Even if he's holding a pancake tuner and a frying pan, he still looks great.Makalipas ang mahigit kalahating oras ay may naglapag ng tray sa harap niya."Breakfast ready for my Zammy." sabi nito. Nag-angat nang paningin si Zam. Sumalubong sa kanya ang mga mata ni Caleb na nakatingin din pala sa kanya.Muli siyang kinabahan at tila natataranta pa. Kakaiba talaga ang impact ng mga tingin nito sa kanya. Hindi niya matagalan. Samantalang noon ay kayang-kaya naman niyang makipagtitigan dito. Pero bakit hindi na niya magawa ngayon?Nakagat ni Zam ang pang ibabang labi. Ginawa niya iyon para pakalmahin kahit papaano ang sarili. Ngunit dumako naman doon ang p
Gustong magpasalamat ni Zam nang makapasok na siya sa kanyang silid. Saglit siyang napasandal sa nakasaradong pinto at nagpakawala nang malalim na hininga. Mabuti na lamang at hindi na siya tinangka pang pigilan ni Caleb. Dahil kung sakali man, hindi na niya alam kung ano pang isasagot rito. She's out of words for some reason. Pinagpatuloy na lamang niya ang ginagawa kanina sa loob ng kwarto niya. Inabala ang sarili sa pagsagot ng mga emails at sketching.She need to divert her attention to something else. Kung ano-ano na ang mga bagay na naaalala at nararamdaman niyang hindi tama this past few days. Kaya kailangan na talaga niyang pagbutihin ang pag-iwas kay Caleb. Kailangan kung umiwas sa lahat ng bagay na makakasakit sa akin. Bulong niya sa sarili. Lumipas ang mga oras. Abala pa rin siya sa ginagawa nang may kumatok sa pinto. "Brat," boses iyon ni Marco mula sa labas. Nilingon niya ang alarm clock na nasa kaliwang bahagi nang kanyang kama. Mag aala-syete na pala ng gabi kaya na
Hindi malaman ni Caleb kung ano ang gagawin. Wala siyang ideya kung ano ang nangyari o kung ano man ang nasabi niya sa dalaga.Bigla na lamang kasi siya nitong iniiwasan at hindi kinibo. Hindi rin naman siya ganun ka manhid para hindi mapansin iyon. And he doesn't like that. Zamantha is ignoring him like he doesn't exist. Kahit na halos magkalapit at magkaharap lang naman sila ngayon.Mula pa man nang dumating ang dalaga galing Australia ilang araw na ang nakalipas ay ramdam na niya ang malaking pader na nakaharang sa sarili nito.It was too high and thick. Pero hindi na siya nagtaka roon. Dahil deep inside alam niyang may idea siya kung bakit ganun ang dalaga sa kanya. But it was a long time ago. Pero masaya pa niya itong ipinagluto at pinanood na kumain kanina. Ngunit nang nasa kalagitnaan sila ng kwentuhan ay bigla na lamang itong nag-walk out at tila nagalit pa sa kanya."What did I do?" muli na namang tanong niya sa sarili.Tumikhim siya para sana agawin ang atensyon nito, pero
Abala muli si Nanay Josie sa kusina ng dumating doon si Caleb.“Good Morning Nanay Josie," bati nito sa matanda.“Magandang umaga rin sa iyo," sagot nito ng lingunin si Caleb. Saka nagtataka itong tumingin sa orasan. “Ang aga mo naman yata masyado magising ngayon, anak, aba'y mag-a-ala singko pa lang ng umaga, ah, na alimpungatan ka ba?" tanong nito.Hindi man sadya ngunit mahinang natawa si Caleb ng marinig ang sinabi at tanong na iyon ni Nanay Josie sa kanya.Sa isip-isip niya, mas tama yatang sabihin o itanong kung nakatulog na ba siya. Pero hindi niya iyon isinatinig. Sa halip ay nagdahilan na lamang siya sa matanda.“Balak ko po sanang tumakbo ngayong umaga," sagot niya.“Gano'n ba? Oh, sige maupo ka na lang muna diyan at ipagtitimpla kita ng kape. Magpainit ka muna ng tiyan bago tumakbo," suhestiyon naman nito sa binata. Habang nakasunod lamang siya ng tingin sa binata na abalang ibinabalik ang compress bag na hawak sa lalagyan nito.“Okay lang po, Nay. Mamaya na lang po siguro.
“Yes! Because, I don't get it, and you always confuse me. Naguguluhan ako sa kilos at pakikitungo mo sa akin. Iyong okay tayo ngayon tapos maya-maya hindi na. And then tatalikuran o iiwan mo na lang ako bigla. Hindi ko alam kung galit ka o kung may nasabi ba akong masama! Why don't you try telling me what's goin on, instead avoiding and ignoring me like this?!" Mahabang saad nito habang seryoso at nakatingin lang na deretso sa kanya.Gustong matuwa ni Zam dahil sa mga narinig na sinabi ni Caleb. Sa isip-isip niya ay dapat lang iyon sa binata. Tama lang maguluhan ito at masaktan, dahil kung tutuusin ay wala pa iyon sa kalingkingan ng sakit na nararamdaman niya dito noon.“Are you done?" walang pakialam na sagot niya rito. Habang seryoso lang din nakatingin ng diretso sa binata. Nagpakawa ng malalim na buntong hininga si Caleb dahil sa pagkadismaya sa tila walang pakialam na sagot na iyon ng dalaga.“Look, Mr. Dela Fuentes. As far as I can remember, wala akong dapat ipaliwanag sayo at
Naalimpungatan si Zam sa tunog ng kanyang cellphone. Dahan-dahan siyang nagmulat nang mga mata bago inabot ang telepono na nasa ibabaw ng lamesa sa gilid ng kanyang kama.Someone is calling.Hindi na siya nag-abala pang tingnan ang screen para malaman kung sino iyon. Agad na lamang niyang sinagot ang tawag saka pumikit muli.“Hello?" Garalgal ang boses niyang sagot.“Oh, I apologize for waking you up so early, honey." hinging paumanhin ng isang ginang mula sa kabilang linya.Muling napamulat nang mga mata si Zam ng marinig mula sa kabilang linya ang boses ng kanyang Ina. Si Stella.“Hey, Ma! Ahm. . .yeah, b-but it's okay. How are you? Where are you now?” sunod-sunod na tanong ni Zam sa ina.“Hmm. . . I should be the one who’s asking you that anak, how's your vacation going? Kumusta na kayo diyan ng Kuya Marco mo?”Tuluyan ng bumangon si Zam sa pagkakahiga at naupong sumandal sa headboard ng kanyang kama. “Okay lang namam kami Ma, I think, Marco is already sleeping. Medyo nakainom din