Matatanggap na ni Autumn Saunders ang kanilang kompanya. Subalit nang napagdesisyunan ng kanyang mga magulang na iarrange-marriage siya ay lumayas siya at iniwan ang obligasyon sa kapatid niya na magpanggap bilang siya sa nakatakda nyang maging asawa. Si Jaxon Parker ay ang batang businessman na may dalawang anak. Siya ang magiging asawa dapat ni Autumn kung hindi lang ito lumayas. Hindi pa sila nagkikita, subalit itinuloy ng magulang ni Autumn ang kasal at nagpanggap ang kapatid nito bilang s'ya. Pero paano kung nawala ni Autumn Saunders ang kanyang memorya at naging caretaker ng kambal na anak ni Jaxon? Mahuhulog ba sila sa isa't isa, o ipagpapatuloy ni Autumn ang pag-alala sa mga nawala niyang memorya?
View MoreAutumn's Point of View Napatitig ako sa pintuan na nilabasan ni Jaxon, ang boss ko. Hinawakan ko ang labi ko at napakurap nang ilang beses. “Hindi dapat ako gumalaw, pero bakit karga niya ako?” tanong ko sa sarili. At may na-realize ako. First kiss ko iyon! First kiss ko ngayon, pero hindi ko alam kung may n*******n na ako noon. Nahiga ako sa kama at tiningnan ang kisame. “Pero mabango siya.” Nakangiti akong nagpaikot-ikot sa kama bago tumayo. Kinuha ko ang suit na nahulog sa sahig. Pinagpag ko iyon at inilagay iyon sa ibabaw ng upuan. “Ibabalik ko ito bukas.” Kinuha ko ang remote ng aircon sa lamesa at binuhay iyon, ang init pa rin kahit umulan na kanina. Tumalon ako sama at in-appreciate ang kalambutan niyon. “Ah, para akong na
Jaxon's Point of View Nagpaliwanag ako sa lalaki na isa sa mga tauhan sa hotel ko habang sinasamahan niya ako kung saan ginaganap ang meeting. Isang oras ang lumipas at sa wakas ay naayos ang problema ng kompanya. Kailangan lang pala nila ng permission ko sa pag-approve sa mga bagay-bagay. Isa-isa silang umalis sa kwarto. Tumingala ako sa kisame at inisip ang caretaker ng kambal ko, si Autumn. Tama ang desisyon kong ibigay sa kanya ang trabaho. Sigurado akong magiging mabuti siyang ina someday. Napangiti ako, tumayo, at lumabas ng kwartong iyon. Habang naglalakad sa hallway, naalala kong suot ni Autumn ang polo ko ngayon. Sana ay wala nang biglang papasok sa kwarto ko dahil nakakahiya para sa aming dalawa. Ang hitsura niyang nakasuot ng polo ko ay hindi mawala sa isip ko. Palaging lumalabas
Autumn's Point of View Nakita ko ang sarili dito sa tapat ng mansion niya. Ang masasabi ko lang ay napakaganda nito, mas malaki ito kumpara sa nakita ko sa telebisyon. Nabalik lamang ako sa reyalidad nang tumikhim siya. “Shall we?” tanong niya. Namula ang pisngi ko sa sobrang awkward. Bahagya pa akong nakanganga na tila anumang oras ay may langaw na papasok sa aking bibig. Sinubukan kong itago ang hiya ko, pero binuksan niya ang pinto at iniabot ang kanyang kamay para matanggal ko ang sapatos ko nang maayos. Ang gentleman. Nang makapasok kami sa mansion, ay maganda rin. Mula labas hanggang sa loob. Ang mga disenyo at mga gamit ay kakaiba. Marahil ay limited edition ang mga iyon na makikita lang sa ibang bansa. Ito ang unang beses
Autumn's Point of View Ilang oras na akong pabalik-balik sa salamin, tinitingnan kung ayos lang ang desisyon ko na magsuot ng skirt at long sleeve para sa interview ko ngayon sa Parker Company. Ilang araw na ang nakalilipas simula nang matanggal ako sa trabaho ko bilang waitress sa restaurant na pinapasukan ko. Mabuti na lamang at naalis na rin ako ro'n. Hindi ko na rin kayang tantiyahin ang galit at utos sa akin ng chef doon kapag wala siya sa mood. At isa pa, masakit na rin ang aking likod kahihiga sa couch nina Lea. Sinimulan kong iladlad ang buhok ko sa harapan. Tuyo na ito dahil b-in-lower ko na ito kanina pa. Nag-spray ako ng kaunting pabango at nagsimula nang lumabas para mag-abang ng tricycle patungo roon. "Tricycle!" sig
Autumn's Point of View Ilang oras na akong pabalik-balik sa salamin, tinitingnan kung ayos lang ang desisyon ko na magsuot ng skirt at long sleeve para sa interview ko ngayon sa Parker Company. Ilang araw na ang nakalilipas simula nang matanggal ako sa trabaho ko bilang waitress sa restaurant na pinapasukan ko. Mabuti na lamang at naalis na rin ako ro'n. Hindi ko na rin kayang tantiyahin ang galit at utos sa akin ng chef doon kapag wala siya sa mood. At isa pa, masakit na rin ang aking likod kahihiga sa couch nina Lea. Sinimulan kong iladlad ang buhok ko sa harapan. Tuyo na ito dahil b-in-lower ko na ito kanina pa. Nag-spray ako ng kaunting pabango at nagsimula nang lumabas para mag-abang ng tricycle patungo roon. "Tricycle!" sig...
Comments