AutumnNakita ko ang sarili sa tapat ng mansion niya. Ang masasabi ko lang ay napakaganda nito, mas malaki ito kumpara sa nakita ko sa telebisyon. Nabalik lamang ako sa reyalidad nang tumikhim siya. “Shall we?” tanong niya. Namula ang pisngi ko sa sobrang awkward. Bahagya pa akong nakanganga na tila anumang oras ay may langaw na papasok sa aking bibig. Sinubukan kong itago ang hiya ko, pero binuksan niya ang pinto at iniabot ang kaniyang kamay para matanggal ko ang sapatos ko nang maayos. Ang gentleman. Nang makapasok kami sa mansion, nakita kong maganda rin ito mula labas hanggang sa loob. Ang mga disenyo at mga gamit ay kakaiba. Marahil ay limited edition ang mga iyon na makikita lang sa ibang bansa. Ito ang unang beses na nakakita ako ng mansion. Pakiramdam ko, nakita ko na ito noon. Hindi ko lang matandaan kung kailan at saan. “Well, I want to tour you around my house, but I need to go to work. Maybe you should wait for me when I get home. Wait for me at the twin’s playroom. Is
Terakhir Diperbarui : 2021-05-11 Baca selengkapnya