Home / Romance / Babysitting the Billionaire's Twin / Twins I - His Job Proposal

Share

Babysitting the Billionaire's Twin
Babysitting the Billionaire's Twin
Author: Mowtie

Twins I - His Job Proposal

Author: Mowtie
last update Last Updated: 2024-10-29 19:42:56

Autumn's Point of View

Ilang oras na akong pabalik-balik sa salamin, tinitingnan kung ayos lang ang desisyon ko na magsuot ng skirt at long sleeve para sa interview ko ngayon sa Parker Company. Ilang araw na ang nakalilipas simula nang matanggal ako sa trabaho ko bilang waitress sa restaurant na pinapasukan ko.

Mabuti na lamang at naalis na rin ako ro'n. Hindi ko na rin kayang tantiyahin ang galit at utos sa akin ng chef doon kapag wala siya sa mood. At isa pa, masakit na rin ang aking likod kahihiga sa couch nina Lea.

Sinimulan kong iladlad ang buhok ko sa harapan. Tuyo na ito dahil b-in-lower ko na ito kanina pa. Nag-spray ako ng kaunting pabango at nagsimula nang lumabas para mag-abang ng tricycle patungo roon.

"Tricycle!" sigaw ko. Huminto naman sa tapat ko ang isang lalaki na tantiya ko ay kasing-edad ko lamang.

"Saan ho tayo paparo'n, Ms. Maganda?" tanong niya. Hindi ko na pinansin ang sinabi niya dahil hindi ako sanay na pinupuri ako, lalo na kapag tungkol sa pisikal kong anyo. Para sa akin, mas lamang pa rin ang tunay na kaanyuan ng kalooban at nilalaman ng puso.

Matagal na akong nagtatrabaho para sa sarili ko simula nang mamamatay ang mga doktor na nag-alaga sa akin. Sila ang tumulong sa akin noog wala akong maalala ni ultimo tungkol sa nakaraan ko. Ang sabi pa nga nila, nakita nila ako sa Europe na mag-isa lamang. Walang handang magbayad para makalabas ako ng hospital kaya naawa silang mag-asawa sa akin.

"Sa Parker Company ho tayo, kuya," sagot ko na lamang habang pinapakinggan na lamang ang mga tunog sa labas.

Mga ilang minuto pa ay tumigil kami sa isang napakataas na building. Napakataas nito kumpara sa nakikita ko lamang sa telebisyon. Siguradong napakayaman ng may-ari nito. Agad akong nag-abot ng bente sa tricycle driver.

"Aba, miss, trenta ang bayad, hindi bente," usal niya kaya napairap ako sa kawalan. Parang saglit lang kami bumiyahe, nag-o-overprice pa siya.

Inabutan ko siya ng sampu upang hindi na siya gumawa ng gulo. Agad naman siyang umalis. Ang mga paa ko'y hinihila papasok sa loob ng building na ito.

Agad sumalubong sa akin ang isang lalaki na may kulay blonde na buhok. Maganda rin ang mga features niya. Siguro, kung hindi dahil sa uniform niya ay mapagkakamalan siyang isang modelo.

"Good morning, ma'am. Welcome to Parker Company," masiglang bati niya sa akin. Bumati naman ako sa kanya pabalik.

"Good morning din. Nasaan po si Ma'am Sherlyn?" tanong ko sa kanya. Naalarma naman siya sa sinabi ko.

"Ikaw pala 'yong bagong mag-a-apply as receptionist. Nasa Room 316 ito. Mag-ingat ka lamang dahil malapit ang office niya sa office ng boss namin— este boss natin kung makapapasa ka," paalala niya sa akin. Agad ko naman siyang nginitian at nagpasalamat.

Mabuti na lamang ay sinabi niya na malapit lang din ang room ng boss nila roon kaya mas mabuting maging tahimik ako patungo roon. Sana ay hindi pa ako huli sa interview ko. Kung hindi ay mawawala ang oportunidad na hinihintay ko.

Agad kong pinindot ang elevator. Habang papataas ito ay kinakabahan ako para sa mangyayaring interview. Sana ay matanggap ako.

Nang tumunog ang elevator ay agad akong bumaba. Hinanap ko ang sinasabi niyang room 316. Nang makita ko ito ay kumatok ako, pero walang sumasagot.

Nakita ko sa upuan ang isang tabloid. Jaxon Parker. Sa litrato pa lang ay napakaguwapo na niya. Paano pa kaya sa personal? Marahil ay pagtatawanan ako ng kaibigan ko kapag nalaman nilang nandito ako sa Parker Company para mag-apply.

"Mr. Parker is known as the youngest businessman from the Philippines who have 20+ businesses that are top selling and 50+ partnerships all over the world, he's always on the news because of his inspiring story about how he became a successful man. He turned a simple apartment that he had before to a now biggest hotel that you can find anywhere in the world."

Napakagaling naman pala niya. Sa simpleng apartment niya noon, ngayon ang hotel na niya ang pinakamalaki sa buong mundo. Sobrang dami niyang achievements. Ganito rin siguro ako kung pinili ko rin maging doktor kagaya ng mga magulang ko.

Uupo na sana ako nang makarinig ako ng tunog na nanggagaling sa gilid ng second floor. Umalis ako upang imbestigahan kung ano ang nandoon nang makita ko ang dalawang kambal na tantiya ko ay one year old pa lamang. Agad akong lumapit sa kanila dahil baka kung ano ang mangyari sa mga ito.

Sino kaya ang magulang na nakaiwan dito? Sana naman ay maisip niya kung saan niya naiwan ang anak niya.

Tatayo na sana ako nang biglang lumapit ang isang kambal sa isang vase na sanhi ng pagkabasag nito. Pupulutin ko na sana ito, ngunit napakalayo niya at hawak ko ang isang kambal nang sumigaw ako ng "Tulong!” Na nagbigay ng gulat sa dalawang kambal. Umiiyak sila ngayon kaya agad ko pinuntahan ang isa at pinakalma.

Nakita ko naman na kumalma silang dalawa. Sigurado ako na magaganda rin ang magulang nila dahil ang bata-bata pa nitong dalawa ay napakaganda at guwapo na.

Binuhat ko silang dalawa pababa para dalhin sa receptionist. Baka hinahanap na sila ng magulang nila. Pagkababa ko ay tumatakbo naman ang isa kaya agad ko itong hinabol hanggang sa binuhat ko ito.

"What do you think you're doing with my children? " Isang malamig na boses ang nagmula sa likuran ko sanhi ng pagkagulat ko. Dahan-dahan akong lumingon at nakita ko ang isang napakaguwapong nilalang na nakakalaglag ng panty.

Siya rin ang nasa tabloids. Huwag mong sabihing ito si Mr. Parker? Ang may-ari ng kompanya na ito?

"Can you stop staring at me? What are you doing to my children? " tuloy na sagot niya. Agad naman akong nanumbalik sa sarili ko. Pagkaharap ko sa kanya ng baby ay bigla siya nitong tinawag.

"Da-da," wika nito habang pumapalakpak pa. Sumunod rin ang isa. Bakas sa mukha niya ang pag-alala sa mga bata. Agad niya itong nilapitan at kinuha sa akin.

"Don't worry, dada is here." Tinapik niya nang mahina ang bata na hawak niya. Halatang mahal na mahal niya ang mga anak niya.

Napakalambot ng puso niya pagdating sa mga anak niya. Ang layo sa pagiging cold niya sakin.

"How did they end up with you? Where is Janice? She is their watcher, fuck," mura niya. Nakatingin pa rin ako sa kanya. Ano ba ang akala niya sa akin? Masamang tao?

"Excuse me, sir, I want to defend myself. Nakita ko po kasi ang kambal sa gilid kaya kinuha ko sila para ibalik sa magulang nila, pero kayo po pala ito. Ipagpaumanhin po ninyo," nakangiting sagot ko. Hindi naman niya ako pinansin. Nagulat ako nang bigla akong hawakan sa binti ng isa at nagsalita, "Ma-ma."

Ramdam ko ang titig niya habang kinukuha ko ang isa at kinarga. Pumapalakpak pa ito sa tuwa nang ito'y kunin ko. "Da-da," wika nito kaya agad akong napatingin sa kanya.

"Sir, nawawala po ang kamb—" Naputol ang sasabihin ng isa nang tingnan kung nasaan ang tinutukoy niya.

"You're late, what was my order to you?" asik ni Sir Jaxon sa kanya. Agad naman siyang napayuko.

"Sorry, sir," paghingi niya ng paumanhin. Hindi ko siya kilala, pero mas mabuti sigurong siguraduhin ko na wala siyang kasalanan sa nangyari.

"Sir, huwag n'yo po siyang sisihin. Sigurado akong mahirap i-handle ang dalawang bata kaya nawala ito sa paningin niya. Ayos naman po silang dalawa, walang gasgas na kahit ano," wika ko sa kanya. Hindi man siya kumbinsido. Tumango lamang ito.

Nakita ko ang pag-irap sa akin ng Janice, ano kaya ang nasabi kong masama?

"Uhm, hindi ko po alam na kasal na po pala kayo," nahihiyang sabi ko. Kumawala naman ang mahinang tawa sa kanya. Pati ang pagtawa niya ay napakaguwapong tingnan.

"You don't read the tabloids, do you?" tanong niya sa akin kaya napatango na lamang ako. "I'm not married. I just have two children to take care of," sambit niya. Agad naman akong napatango. Nang tingnan ko ang relo ay sobrang late na ako.

"Pasensya na po, kailangan ko na talagang umalis. Magandang umaga po, Sir Jaxon at Ma'am Janice," wika ko at nagmamadaling sumakay ng elevator.

Siguradong mahuhuli na ako sa interview.

Tama nga ang kutob ko nang makita ko ang nakalagay na closed. Napasalampak ako sa sahig upang umiyak nang may magsalita sa likod ko.

"Sir Jaxon wants you to meet him on his office, room 318," wika niya. Agad naman akong napatayo dahil wala namang rason para makipagkita ako sa kanya.

Umirap ulit ito sa akin. Bumabagabag pa rin sa isip ko kung paano ako hahanap ulit ng trabaho. Pagkarating namin sa office ay nagsalita ulit ito.

"Don't try to do a thing that you will regret," paalala nito sa akin. Iniwan ako sa office nito upang maghintay. Napahanga ako dahil sa napakagandang dekorasyon. Nakaagaw ng atensyon ko ang view rito mula sa taas.

Marahil mahal din nito ang bansang kinagisnan niya, ngunit hindi ako katulad hindi niya na naranasang tumira sa isang lugar na napakaingay. Paghanga ang nararamdaman ko habang pinagmamasdan ang maliliit na sasakyan na parang langgam sa liit.

"Ahem.” May isang boses na nagmula sa likuran ko ang ikinagulat ko. Agad naman akong napaharap at nakita ko si Sir Jaxon na prenteng nakasandal malapit sa pintuan. Ang isa sa mga butones nito ay nagsusumigaw ng ka-sexy-han niya.

“Sir, bakit n'yo ho ako pinatawag?” tanong ko sa kanya.

Nginitian niya lamang ako at sumagot, “To interview you.”

“Ano 'ho?” tanong ko dahil hindi ko mas'yadong narinig ang sinabi nya.

“Puwede po bang pakiulit?” dugtong ko pa ngunit, agad naman s'yang tumingin sa akin at kaagad na nagsalita.

“Is that the way you talk to your soon to be boss?” cold na tanong nya kung kaya't agad akong humingi ng pasensya dahil sa inasal ko. Sabagay, ano ba ang karapatan ko para magtanong baka sabihin nya ay hindi ako marunong makinig.

“Ah, pasensya na po, Sir Jaxon, hindi ko po sinasadya na hindi marinig ang huling sinabi mo po, masyado po kase akong nadala ng kagandahan ng view mula rito sa taas,” masiglang paumanhin ko sa kanya. Tiningnan niya lang ako na parang binabasa ang mga mata ko.

“Oh, well, is this your first time to be here in my hotel? ” tanong niya sa akin. Ang totoo niyan ay ngayon lang talaga ako nakapunta rito sa hotel na pagmamay-ari at sa mismong office pa niya sa kompanya ng Parker Company. This is such an honor for me, siguradong hindi maniniwala sa akin si Lea kapag sinabi ko sa kanya ito.

“Opo, sadyang napakaganda po ng office ninyo. Pasensya na ho, ano nga po pala ang gagawin natin dito? ” pabalik kong tanong sa kanya. Huli na nang ma-realize ko ang sinabi ko na parang may gagawin kami rito sa office niya.

Napailing ako sa ideyang naiisip ko. Hindi dapat ako mag-isip ng kung ano-ano. Narito ako para kunin ang oportunidad na makapagtrabaho rito, pero sa isang iglap lang ay nawala na ito.

“Oh yes, I am the one who will interview you for the position,” wika niya. Nabuhayan ang loob ko sa sinabi niya. Ibig sabihin kaya nito ay open pa ang position sa pagiging receptionist? At siya pa mismo ang mag-i-interview sa akin.

“Why do you want to be a receptionist?” tanong niya sa akin. Agad naman akong napaisip sa tanong na 'yon. Ang totoo niyan, gusto ko maging receptionist dahil nagsasawa na ako sa ingay sa trabaho namin, and I want a permanent job, so I can earn money. Balak ko magpatayo ng flower shop na talagang pangarap ko.

“I want to get this position because I know I will be good at it. I am a very organized person, can manage my patience and can talk to others in a comfortable way,” sagot ko na sapat na para masabi ko na magagawa ko nang mabuti ang trabaho na gusto kong kunin.

“Do you have any experience on being a receptionist?” dugtong niya sa sagot ko. Mukhang wala sa kanya ang sinagot ko kanina.

“Sir, I don't have any experience on being a receptionist, but I know how to handle my patience and I can also—” Pinutol niya ang sasabihin ko nang magsalita siya.

“Don't repeat the same answer on the other question. Can you skip the part of what was written in your resume. I want to hear an impromptu and real answer,” wika niya. Ganito ba talaga siya mag-interview? Hindi ko napaghandaan ang ganitong sitwasyon. Ang akala ko, kung ano ’yong nasa resume ay iyon lang ang itatanong niya.

“So, you're a waitress before. Why should I entrust you this position?” sambit niya. Hindi ko alam ang isasagot ko.

“Just like what I said—” Sasagutin ko na sana ang tanong nya nang bigla niya itong putulin.

“Tut tut, If you're just repeating your answer, I don't want to hear it.”

Pilit kong kinalma ang sarili. Hindi ako makapag-concentrate sa mga sagot ko.

“May nakasama po akong mga propesyonal na doktor kaya—” Hindi pa niya tapos ang sasabihin ko nang agad siyang tumayo sa kinauupuan niya at inilapit ang mukha sa 'kin.

“Can you stop saying what was in your resume and give me something real,” wika niya sa seryosong tono. Hindi ko naman maalis ang titig ko sa mga mata niya.

Sadyang napakaganda ng mga mata niya, pero paano ako makakapagsalita kung ayaw niya akong patapusin?

Napakunot ang noo ko na agad niyang nakita kaya agad niya akong binigyan ng isang tango na hindi ko maintindihan.

Mukhang kailangan kong sumubok ulit. Sinusubukan niya marahil ang pasensya ko kung kaya kong tumagal.

Kung gusto niya ng totoo, ibibigay ko ito sa kanya.

Agad naman siyang umayos ng upo kaya nagsimula na ako magsalita, “Ang totoo niyan, Mr. Parker, nagtatrabaho lang ako bilang waitress simula nang mamatay sa isang aksidente ang tinuturing kong mga magulang. Isang taon na akong walang maalala kung sino ako, kaya hindi ko alam kung sino ang mga tunay kong magulang. Ang tanging alam ko lang ay kailangan kong kumayod para may pera ako sa araw-araw. Wala akong experience sa pagiging receptionist, hindi katulad ng ibang nag-a-apply sa position. Nakikitira lang ako sa kaibigan ko at ang totoo niyan, nasa iskwater area lang ako nakatira na kailangan mo ng mahabang pasensya sa mga taong nandoon,” mahabang salaysay ko. Ramdam ko ang tingin niya sa bawat salita ko. Hindi ko na alam ang sasabihin at nakaramdam na ako ng hiya.

“Sapat na ba sa 'yo ang sagot ko?” tanong ko nang hindi tumitingin sa mga mata niya.

“Ms. Saunders,” tawag niya sa pangalan ko. Nananaig ang hiya ko sa lahat ng mga sinabi ko sa kanya na para akong nasa MMK habang sinasalaysay ang tunay na buhay ko. “You're so brave,” papuri niya sa akin. Hindi ko alam, pero nakararamdam pa rin ako ng bigat. Bigat sa dibdib ko na hindi ko nailalabas kahit sa malalapit kong kaibigan.

“Nilagay ako marahil ni God sa sitwasyong alam niyang kakayanin ko,” wika ko na lamang at pilit na ngumiti sa kanya. Ano pang mukhang ihaharap ko sa kanya?

“You're so brave to let me know what you have been through and I don't want to waste the opportunity to have you as the caretaker of my twins,” wika niya. Hindi pumapasok sa utak ko ang mga sinasabi nya. Ano raw?

“Tell me, do you like children?” tanong niya sa akin. Gustong-gusto ko ang mga bata lalo na kapag nakangiti sila.

“Ah, ano po bang magagawa ng children sa pagiging receptionist ko?” sagot ko sa kanya. Agad naman siyang napatingin sa akin. Hindi alam kung paano magsasalita.

“The position was already taken because you didn't show up in the interview a while ago. They already hired someone,” wika niya. Agad naman akong nakaramdam ng lungkot. Marahil kanina noog busy ako makipag-usap sa kanila.

Tatayo na sana ako nang hawakan niya ang kamay ko. “You didn't understand what I was saying?” tanong niya sa akin. Nagtataka man ay agad niya akong pinaupo. “The interview is for being the caretaker of my children. I could say that you have the qualities that I was looking for,” wika niya. Nakatingin lang ako sa kanya habang nagsasalita siya. Ngayon lang nag-sink in sa akin ang lahat ng sinasabi niya. Ang interview na muntik na ako sumuko ay hindi para maging receptionist, kundi para sa maging caretaker?

“Well, if you accept my offer, what do you think about living in my mansion?” dugtong niya pa sa sinabi niya. Hindi ko alam ang isasagot ko. Para akong nasa posisyon na niyayaya akong mag-live in ng isang kasintahan.

Related chapters

  • Babysitting the Billionaire's Twin   Twins II - Living on the Same Roof

    Autumn's Point of View Nakita ko ang sarili dito sa tapat ng mansion niya. Ang masasabi ko lang ay napakaganda nito, mas malaki ito kumpara sa nakita ko sa telebisyon. Nabalik lamang ako sa reyalidad nang tumikhim siya. “Shall we?” tanong niya. Namula ang pisngi ko sa sobrang awkward. Bahagya pa akong nakanganga na tila anumang oras ay may langaw na papasok sa aking bibig. Sinubukan kong itago ang hiya ko, pero binuksan niya ang pinto at iniabot ang kanyang kamay para matanggal ko ang sapatos ko nang maayos. Ang gentleman. Nang makapasok kami sa mansion, ay maganda rin. Mula labas hanggang sa loob. Ang mga disenyo at mga gamit ay kakaiba. Marahil ay limited edition ang mga iyon na makikita lang sa ibang bansa. Ito ang unang beses

  • Babysitting the Billionaire's Twin   Twins III - Accident Kiss

    Jaxon's Point of View Nagpaliwanag ako sa lalaki na isa sa mga tauhan sa hotel ko habang sinasamahan niya ako kung saan ginaganap ang meeting. Isang oras ang lumipas at sa wakas ay naayos ang problema ng kompanya. Kailangan lang pala nila ng permission ko sa pag-approve sa mga bagay-bagay. Isa-isa silang umalis sa kwarto. Tumingala ako sa kisame at inisip ang caretaker ng kambal ko, si Autumn. Tama ang desisyon kong ibigay sa kanya ang trabaho. Sigurado akong magiging mabuti siyang ina someday. Napangiti ako, tumayo, at lumabas ng kwartong iyon. Habang naglalakad sa hallway, naalala kong suot ni Autumn ang polo ko ngayon. Sana ay wala nang biglang papasok sa kwarto ko dahil nakakahiya para sa aming dalawa. Ang hitsura niyang nakasuot ng polo ko ay hindi mawala sa isip ko. Palaging lumalabas

  • Babysitting the Billionaire's Twin   Twins IV - Confused Heart

    Autumn's Point of View Napatitig ako sa pintuan na nilabasan ni Jaxon, ang boss ko. Hinawakan ko ang labi ko at napakurap nang ilang beses. “Hindi dapat ako gumalaw, pero bakit karga niya ako?” tanong ko sa sarili. At may na-realize ako. First kiss ko iyon! First kiss ko ngayon, pero hindi ko alam kung may n*******n na ako noon. Nahiga ako sa kama at tiningnan ang kisame. “Pero mabango siya.” Nakangiti akong nagpaikot-ikot sa kama bago tumayo. Kinuha ko ang suit na nahulog sa sahig. Pinagpag ko iyon at inilagay iyon sa ibabaw ng upuan. “Ibabalik ko ito bukas.” Kinuha ko ang remote ng aircon sa lamesa at binuhay iyon, ang init pa rin kahit umulan na kanina. Tumalon ako sama at in-appreciate ang kalambutan niyon. “Ah, para akong na

Latest chapter

  • Babysitting the Billionaire's Twin   Twins IV - Confused Heart

    Autumn's Point of View Napatitig ako sa pintuan na nilabasan ni Jaxon, ang boss ko. Hinawakan ko ang labi ko at napakurap nang ilang beses. “Hindi dapat ako gumalaw, pero bakit karga niya ako?” tanong ko sa sarili. At may na-realize ako. First kiss ko iyon! First kiss ko ngayon, pero hindi ko alam kung may n*******n na ako noon. Nahiga ako sa kama at tiningnan ang kisame. “Pero mabango siya.” Nakangiti akong nagpaikot-ikot sa kama bago tumayo. Kinuha ko ang suit na nahulog sa sahig. Pinagpag ko iyon at inilagay iyon sa ibabaw ng upuan. “Ibabalik ko ito bukas.” Kinuha ko ang remote ng aircon sa lamesa at binuhay iyon, ang init pa rin kahit umulan na kanina. Tumalon ako sama at in-appreciate ang kalambutan niyon. “Ah, para akong na

  • Babysitting the Billionaire's Twin   Twins III - Accident Kiss

    Jaxon's Point of View Nagpaliwanag ako sa lalaki na isa sa mga tauhan sa hotel ko habang sinasamahan niya ako kung saan ginaganap ang meeting. Isang oras ang lumipas at sa wakas ay naayos ang problema ng kompanya. Kailangan lang pala nila ng permission ko sa pag-approve sa mga bagay-bagay. Isa-isa silang umalis sa kwarto. Tumingala ako sa kisame at inisip ang caretaker ng kambal ko, si Autumn. Tama ang desisyon kong ibigay sa kanya ang trabaho. Sigurado akong magiging mabuti siyang ina someday. Napangiti ako, tumayo, at lumabas ng kwartong iyon. Habang naglalakad sa hallway, naalala kong suot ni Autumn ang polo ko ngayon. Sana ay wala nang biglang papasok sa kwarto ko dahil nakakahiya para sa aming dalawa. Ang hitsura niyang nakasuot ng polo ko ay hindi mawala sa isip ko. Palaging lumalabas

  • Babysitting the Billionaire's Twin   Twins II - Living on the Same Roof

    Autumn's Point of View Nakita ko ang sarili dito sa tapat ng mansion niya. Ang masasabi ko lang ay napakaganda nito, mas malaki ito kumpara sa nakita ko sa telebisyon. Nabalik lamang ako sa reyalidad nang tumikhim siya. “Shall we?” tanong niya. Namula ang pisngi ko sa sobrang awkward. Bahagya pa akong nakanganga na tila anumang oras ay may langaw na papasok sa aking bibig. Sinubukan kong itago ang hiya ko, pero binuksan niya ang pinto at iniabot ang kanyang kamay para matanggal ko ang sapatos ko nang maayos. Ang gentleman. Nang makapasok kami sa mansion, ay maganda rin. Mula labas hanggang sa loob. Ang mga disenyo at mga gamit ay kakaiba. Marahil ay limited edition ang mga iyon na makikita lang sa ibang bansa. Ito ang unang beses

  • Babysitting the Billionaire's Twin   Twins I - His Job Proposal

    Autumn's Point of View Ilang oras na akong pabalik-balik sa salamin, tinitingnan kung ayos lang ang desisyon ko na magsuot ng skirt at long sleeve para sa interview ko ngayon sa Parker Company. Ilang araw na ang nakalilipas simula nang matanggal ako sa trabaho ko bilang waitress sa restaurant na pinapasukan ko. Mabuti na lamang at naalis na rin ako ro'n. Hindi ko na rin kayang tantiyahin ang galit at utos sa akin ng chef doon kapag wala siya sa mood. At isa pa, masakit na rin ang aking likod kahihiga sa couch nina Lea. Sinimulan kong iladlad ang buhok ko sa harapan. Tuyo na ito dahil b-in-lower ko na ito kanina pa. Nag-spray ako ng kaunting pabango at nagsimula nang lumabas para mag-abang ng tricycle patungo roon. "Tricycle!" sig

DMCA.com Protection Status