Home / Romance / Babysitting the Billionaire's Twin / Twins II - Living on the Same Roof

Share

Twins II - Living on the Same Roof

Author: Mowtie
last update Last Updated: 2021-05-11 19:44:57

Autumn's Point of View

Nakita ko ang sarili dito sa tapat ng mansion niya. Ang masasabi ko lang ay napakaganda nito, mas malaki ito kumpara sa nakita ko sa telebisyon. Nabalik lamang ako sa reyalidad nang tumikhim siya.

“Shall we?” tanong niya. Namula ang pisngi ko sa sobrang awkward. Bahagya pa akong nakanganga na tila anumang oras ay may langaw na papasok sa aking bibig. Sinubukan kong itago ang hiya ko, pero binuksan niya ang pinto at iniabot ang kanyang kamay para matanggal ko ang sapatos ko nang maayos.

Ang gentleman.

Nang makapasok kami sa mansion, ay maganda rin. Mula labas hanggang sa loob. Ang mga disenyo at mga gamit ay kakaiba. Marahil ay limited edition ang mga iyon na makikita lang sa ibang bansa. Ito ang unang beses na nakakita ako ng mansion. Pakiramdam ko, nakita ko na ito noon. Hindi ko lang matandaan kung kailan at saan.

“Well, I want to tour you around my house, but I need to go to work. Maybe you should wait for me when I get home. Wait for me at the twin's playroom. Is that okay?” tanong niya na tinanguan ko lang. Akala ko ay may katulong siya, pero mukhang siya lang ang mag-isa rito kasama ang kambal. Magtatanong pa sana ako nang pumasok siya sa playroom ng kambal at hinalikan sila sa pisngi.

“Kung may kailangan ka, tawagan mo lang ako. My number is in the note on the fridge. By the way, you should go around the house, so you can be familiar with it,” aniya. Tinanguan ko lamang siya para sabihin na naintindihan ko. Pagkatapos ay binuksan niya ang pinto at umalis na. P'wede ko rin bang sabihin kung nasaan na ang mga anak ko? Joke.

“Ma-ma,” tawag nila sa akin. Tulad ng ginawa ni Jaxon, hinalikan ko sila sa pisngi at niyakap sila. Mukhang magiging mahirap ang araw na ito.

Binigyan ko sila ng laruan. Magluluto na sana ako para sa sarili nang umiyak sila na ikinainis ko. Naghugas ako ng kamay at kinarga sila. Para tuloy akong nagbubuhat ng bato.

Marahil ang pinaka-challenging na nangyari sa buhay ko ay noong tumira ako sa iskwater kung saan ang ingay ng mga sanggol na umiiyak ay hindi natatapos, mga tsismisan na makasisira sa pagkatao mo. Nangyari na sa akin 'yon bago ako napunta rito. Pinagtsismisan nilang may sugar daddy ako para makaalis sa lugar na iyon. Sabi pa nila ay yayaman ako dahil doon. Pero sino ang gustong yumaman kung may lolokohin ka?

“Huwaaa~”

Napabalik ako sa sarili nang umiyak ang isa sa kanila. Shit. Hindi ko pala alam ang pangalan nila. Kung i-text ko kaya siya at itanong ang pangalan nila? Hindi ko ba siya maiistorbo sa trabaho?

“Lumabas na lang tayo, baka nabo-bore na kayo rito sa mansion kahahawak ninyo sa toys ninyo,” pagkausap ko sa kanila. Lalabas kami kapag natapos na nila ang pagkain ng cereal na ginawa ko. Buti na lang at nandito ang lahat ng ingredients.

“Say ah,” masaya kong wika habang pinapakain sila. Pinalakpak naman nila ang kanilang kamay. Parang gusto ko tuloy magkaroon ng baby katulad nila. Soon.

Pagkatapos nila kumain ay pinalitan ko sila ng damit. Mabuti na lang at may stroller sila. Siguro ay inililibot din sila ni Jackson.

Nagpunta kami sa park nang may bumati sa akin. “Ang cute ng anak mo,” aniya na nakikipaglandian sa akin. Napabuntonghininga ako sa inis. Tinulak ko na lamang ang stroller at nilagpasan siya. Pero mayamaya pa ay bumuhos ang ulan. Tinulak ko pa ang stroller patungo sa isang building.

“Anong ginagawa mo rito, miss? Lumabas kayo. Hindi kayo p'wede rito,” galit na aniya. Nang tingnan ko siya, nakita ko ang pangalan ng kompanya. Parker Company. Sino itong guard? Bago ba siya?

“Lalabas kami kapag huminto na ang ulan. Hindi ako p'wede lumabas dahil mababasa at magkakasakit ang mga bata,” sabi ko. Mas lumalamig na rito dahil sa aircon. Pero nakipagtalo pa rin siya sa akin.

“Alam mo, miss, business company ito. Kung wala kang sadya rito, lumabas ka na dahil kapag nakita ka ng boss ko, magagalit siya sa akin,” dagdag niya. Ramdam ko ang galit niya. Nagtinginan na ang ibang taong naroon, pero hindi niya ako p'wede utusan, lalo na kung tungkol sa mga bata.

“Hindi, sir, hindi ako lalabas. Paano mo natitiis na palabasin ang mga bata sa gitna ng ulan?” sabi ko. Ako ang tama sa sitwasyon na ito. Kahit na malaking kompanya ito, hindi ko maisasakripisyo ang kalusugan ng mga bata, dahil baka ako ang pagalitan ng tatay nila. Isa pa, ito ang kompanya ng ama nila.

“Pasensya na, wala na akong pagpipilian,” aniya at sinimulan kaming itulak palabas. Ngunit isang boses ang nakapagpahinto sa kanya. 

“What's happening?” tanong ni Jaxon habanh bumababa. Nagmadali siyang pumunta sa amin at kinarga ang kambal. Gulat na gulat ang mga tao, lalo na guwardya.

“Sir, itong babae, pumasok sa kompanya kahit basa siya,” rason ng guwardya, ngunit sinamaan siya ng tingin ni Jaxon.

“You're fired!” sigaw niya.

Nagmakaawa ang guwardya. “Sir, may pamilya po ako, pakiusap.”

“What would happen to my children if I didn't go down? Care to explain?” sigaw niya. Ito ang unang beses na nakita ko siyang magalit. Pinakalma ko siya sa paghawak sa balikat niya.

“Jaxon, ayos lang. Poprotektahan ko ang kambal. Kasalanan ko rin naman, hindi ko nasabi na anak mo sila,” paliwanag ko.

“Well, that's an improper manner,” sabi ni Jaxo

“Bigyan mo lang siya ng chance, please?” pagmamakaawa ako. Huminga lang siyang malalim at tumango.

“Salamat, sir,” aniya kay Jaxon.

“Thank her because she was the one who saved you,” aniya sa malamig na boses. Pinasalamatan ako ng guard na tinanguan ko lang.

Nang umalis ang guwardya, nagsalita siya, “You're truly a kind person. You surprise me, Autumn.”

Naramdaman ko ang sinseridad sa sinabi niya. Kakaibang sensasyon ang naramdaman ng katawan ko. Nag-iinit ako kahit na umuulan at umaandar ang aircon.

Pagkatapos ng engkwentro namin ng guwardiya, nagtungo kami sa elevator. Tinulak ko ang stroller papasok at huminto sa labas.

Tinaasan ako ng kilay ni Jaxon na nagtataka. “Anong ginagawa mo? Get in.”

Umiling ako at ngumiti. “Basa ako. Ayaw kong mabasa ang elevator.”

Natawa siya. “Such a caring heart, but I don't mind. You're my children's caretaker, after all.”

“Pero, Sir Jaxon . . . .” Tinitigan niya ako sa mata kaya hindi ko na natuloy ang sasabihin ko..

“This is my company. You follow what I say. Now, get in,” aniya at ikinampay ang kamay para sabihing pumasok ako. Pumasok ako at nababasa na rin ang elevator floor.

Nakakahiya.

Ang kambal ay pilit akong inaabot, pero bahagya akong lumayo. “Hindi p'wede, sweeties, basa pa ako, hindi ko kayo makakarga. Baka magkasakit pa kayo.”

Mula sa gilid ng mga mata ko, nakita ko ang bahagyang pagtaas ng labi ni Sir Jaxon. Nang tingnan ko siya ay nawala iyon.

Imahinasyon ko lang ba 'yon?

Tumunog ang elevator. Tinulak ko ang stroller palabas, habang si Sir Jaxon ay nakasunod sa akin.

“Let's go to my office,” utos niya na tinanguan ko.

Nang makapasok kami, kinarga niya ang mga anak at ibinaba sa sofa, saka niluwagan ang necktie na suot.

Naramdaman din siguro ng kambal iyong init ng kwarto dahil nakabukas ang heater na nakapagpaantok sa kanila.

Nanginig ako at niyakap ang sarili. Nabasa ako sa ulan para hindi mabasa ang kambal. Masaya ako roon, pero nilalamig pa rin ako kahit nakabukas na ang heater.

“Take your clothes off,” utos niya. Napako ang katawan ko at nakaramdam ako ng init. Hinubad niya ang polo at ibinigay sa akin.

“Take your clothes off and wear this, I don't want their caretaker to get sick,” aniya. Nang tingnan ko ang tainga niya, kulay pinkish red na.

Ang weird.

“Pero wala akong skirt o pang-ibaba—”

“Is your lower undergarment wet?” Nag-iwas siya ng tingin.

“No . . . hindi gaano,” sagot ko at tumingin sa baba. Hindi ko siya kayang tingnan dahil sa pinag-uusapan namin.

“Don't mind the skirt, my polo is pretty much bigger than yours. It's enough to cover your lower half. Take a shower as well,” sagot niya at itinuro ang banyo.

“Yes, sir,” bulong ko at nagtungo roon.

Malaki ang banyo. Kasya yata ang tatlong tao. Siguro kapag mayaman talaga ay pwede mong doblehin ang laki ng banyo. P'wede pa nga yatang matulog dito.

Ni-lock ko ang pinto at naghubad bago pumasok sa shower.

May gold mga gold linings dito, pakiramdam ko tuloy, para akong reyna sa pagligo pa lang. Ni hindi ko na-isip na p'wedeng maging ganito ang banyo.

Binuksan ko ang shower gamit ang pulang knob na ang ibig sabihin ay maligamgam na tubig ang lalabas. Nang bumagsak ang maligamgam na tubig sa akin, gumaan ang pakiramdam ko, parang shower sauna.

Hindi ko ma-describe itong mga nakapaligid sa akin, ang sarap lang sa pakiramdam.

Nang matapos ako, ginamit ko ang nag-iisang tuwalya roon na sa palagay ko ay kay Sir Jaxon. Sinuot ko rin ang polo na ibinigay niya sa akin. Ginamit kong muli ang underwear ko at niyakap ang sarili. Sinabit ko rin ang basa kong mga damit sa pole na naroon.

Lumabas ako ng banyo at nakita ko siyang nagtatrabaho sa desk niya. Ang mga anak naman niya ay naglalaro sa sofa.

Nang mapansin niya ako, nanlaki ang mga mata niya at nag-iwas ng tingin. Nahihiya siguro dahil suot ko ang damit niya.

Naglakad ako sa gilid niya at pinagmasdan ang view mula rito sa taas.

Sa baba, nakakatakot ang ulan, pero kapag nandito ka sa taas, mukhang umiiyak ang langit at tila hindi sinasadyang saktan ang sinuman. Hinawakan ko ang glass window at pinanood ang ulan na bumabagsak sa city. Hindi naman pala nakakatakot ang bagyo kung pagmamasdan mo sa magandang puwesto.

“Scary, but beautiful as well, isn't it?” ani Sir Jaxon na nasa gilid ko.

“I agree, sir.” Ngumiti ako sa kanya at hindi ko inasahan na ngingitian niya ako nang totoo pabalik.

Mabilis na tumibok ang puso ko nang tumayo siya sa gilid ko. Hindi siya nagsalita, hindi niya ako hinawakan, pero maliit ang distansya naming dalawa. At naaapektuhan ang init ng katawan niya.

May sasabihin sana ako nang bumukas ang pinto. “Sir Jaxon.”

Lumingon kami sa gulat. Isang lalaking staff ang gulat na nakatingin sa amin.

“Nakaistorbo yata ako, sir. Sorry.”

“Hindi . . . hindi gano'n tulad ng iniisip mo!” sigaw ko at naghanap ng p'wedeng pagtaguan. Pero malayo ang sofa sa akin. Nag-panic ako, pero hinawakan ni Sir Jaxon ang balikat ko.

“Get in. What do you want to say?” tanong ni Sir Jaxon.

“May urgent meeting po kayo, Sir Parker,” sabi ng lalaki habang nakayuko.

“Alright, I'll be leaving then, please take care of my children.” Tinanguan niya ako. Yumuko lamang ako.

Naglakad siya papunta sa lalaki at sinabing hindi iyon ang naiisip niyang ginawa namin. Tumango ang lalaki, yumuko sa akin, at humingi ng pasensya.

Pagkatapos niyon, naglakad siya paalis. At naiwan kami ng anak niya.

“Bakit kailangan maging gano'n.” Napabuntonghininga ako at pumunta sa sofa.

At least . . . hindi marumi ang isip ni Sir Jaxon. Professional.

Napangiti ako sa sarili at nagtungo sa mga bata na mukhang pagod na kalalaro.

“Ma . . . ma.” Lumapit sila sa akin nang may antok na mga mata.

Tinapik ko ang ulo nila at nahiga sa kanilang tabi. Ginawa kong unan nila ang braso ko dahil masyadong malaki ang mga unan para sa kanila.

Niyakap ako ng isa at humarap sa akin. Habang ang isa ay hinawakan ang hinlalaki ko. Ang swerte ng dalawang ito kay Sir Jaxon.

Tinitigan ko sila at ilang minuto pa, dahan-dahang pumikit ang mga mata ko.

Gusto kong magkaroon ng anak na katulad nila.

Related chapters

  • Babysitting the Billionaire's Twin   Twins III - Accident Kiss

    Jaxon's Point of View Nagpaliwanag ako sa lalaki na isa sa mga tauhan sa hotel ko habang sinasamahan niya ako kung saan ginaganap ang meeting. Isang oras ang lumipas at sa wakas ay naayos ang problema ng kompanya. Kailangan lang pala nila ng permission ko sa pag-approve sa mga bagay-bagay. Isa-isa silang umalis sa kwarto. Tumingala ako sa kisame at inisip ang caretaker ng kambal ko, si Autumn. Tama ang desisyon kong ibigay sa kanya ang trabaho. Sigurado akong magiging mabuti siyang ina someday. Napangiti ako, tumayo, at lumabas ng kwartong iyon. Habang naglalakad sa hallway, naalala kong suot ni Autumn ang polo ko ngayon. Sana ay wala nang biglang papasok sa kwarto ko dahil nakakahiya para sa aming dalawa. Ang hitsura niyang nakasuot ng polo ko ay hindi mawala sa isip ko. Palaging lumalabas

    Last Updated : 2021-05-11
  • Babysitting the Billionaire's Twin   Twins IV - Confused Heart

    Autumn's Point of View Napatitig ako sa pintuan na nilabasan ni Jaxon, ang boss ko. Hinawakan ko ang labi ko at napakurap nang ilang beses. “Hindi dapat ako gumalaw, pero bakit karga niya ako?” tanong ko sa sarili. At may na-realize ako. First kiss ko iyon! First kiss ko ngayon, pero hindi ko alam kung may n*******n na ako noon. Nahiga ako sa kama at tiningnan ang kisame. “Pero mabango siya.” Nakangiti akong nagpaikot-ikot sa kama bago tumayo. Kinuha ko ang suit na nahulog sa sahig. Pinagpag ko iyon at inilagay iyon sa ibabaw ng upuan. “Ibabalik ko ito bukas.” Kinuha ko ang remote ng aircon sa lamesa at binuhay iyon, ang init pa rin kahit umulan na kanina. Tumalon ako sama at in-appreciate ang kalambutan niyon. “Ah, para akong na

    Last Updated : 2021-05-11
  • Babysitting the Billionaire's Twin   Twins I - His Job Proposal

    Autumn's Point of View Ilang oras na akong pabalik-balik sa salamin, tinitingnan kung ayos lang ang desisyon ko na magsuot ng skirt at long sleeve para sa interview ko ngayon sa Parker Company. Ilang araw na ang nakalilipas simula nang matanggal ako sa trabaho ko bilang waitress sa restaurant na pinapasukan ko. Mabuti na lamang at naalis na rin ako ro'n. Hindi ko na rin kayang tantiyahin ang galit at utos sa akin ng chef doon kapag wala siya sa mood. At isa pa, masakit na rin ang aking likod kahihiga sa couch nina Lea. Sinimulan kong iladlad ang buhok ko sa harapan. Tuyo na ito dahil b-in-lower ko na ito kanina pa. Nag-spray ako ng kaunting pabango at nagsimula nang lumabas para mag-abang ng tricycle patungo roon. "Tricycle!" sig

    Last Updated : 2021-05-11

Latest chapter

  • Babysitting the Billionaire's Twin   Twins IV - Confused Heart

    Autumn's Point of View Napatitig ako sa pintuan na nilabasan ni Jaxon, ang boss ko. Hinawakan ko ang labi ko at napakurap nang ilang beses. “Hindi dapat ako gumalaw, pero bakit karga niya ako?” tanong ko sa sarili. At may na-realize ako. First kiss ko iyon! First kiss ko ngayon, pero hindi ko alam kung may n*******n na ako noon. Nahiga ako sa kama at tiningnan ang kisame. “Pero mabango siya.” Nakangiti akong nagpaikot-ikot sa kama bago tumayo. Kinuha ko ang suit na nahulog sa sahig. Pinagpag ko iyon at inilagay iyon sa ibabaw ng upuan. “Ibabalik ko ito bukas.” Kinuha ko ang remote ng aircon sa lamesa at binuhay iyon, ang init pa rin kahit umulan na kanina. Tumalon ako sama at in-appreciate ang kalambutan niyon. “Ah, para akong na

  • Babysitting the Billionaire's Twin   Twins III - Accident Kiss

    Jaxon's Point of View Nagpaliwanag ako sa lalaki na isa sa mga tauhan sa hotel ko habang sinasamahan niya ako kung saan ginaganap ang meeting. Isang oras ang lumipas at sa wakas ay naayos ang problema ng kompanya. Kailangan lang pala nila ng permission ko sa pag-approve sa mga bagay-bagay. Isa-isa silang umalis sa kwarto. Tumingala ako sa kisame at inisip ang caretaker ng kambal ko, si Autumn. Tama ang desisyon kong ibigay sa kanya ang trabaho. Sigurado akong magiging mabuti siyang ina someday. Napangiti ako, tumayo, at lumabas ng kwartong iyon. Habang naglalakad sa hallway, naalala kong suot ni Autumn ang polo ko ngayon. Sana ay wala nang biglang papasok sa kwarto ko dahil nakakahiya para sa aming dalawa. Ang hitsura niyang nakasuot ng polo ko ay hindi mawala sa isip ko. Palaging lumalabas

  • Babysitting the Billionaire's Twin   Twins II - Living on the Same Roof

    Autumn's Point of View Nakita ko ang sarili dito sa tapat ng mansion niya. Ang masasabi ko lang ay napakaganda nito, mas malaki ito kumpara sa nakita ko sa telebisyon. Nabalik lamang ako sa reyalidad nang tumikhim siya. “Shall we?” tanong niya. Namula ang pisngi ko sa sobrang awkward. Bahagya pa akong nakanganga na tila anumang oras ay may langaw na papasok sa aking bibig. Sinubukan kong itago ang hiya ko, pero binuksan niya ang pinto at iniabot ang kanyang kamay para matanggal ko ang sapatos ko nang maayos. Ang gentleman. Nang makapasok kami sa mansion, ay maganda rin. Mula labas hanggang sa loob. Ang mga disenyo at mga gamit ay kakaiba. Marahil ay limited edition ang mga iyon na makikita lang sa ibang bansa. Ito ang unang beses

  • Babysitting the Billionaire's Twin   Twins I - His Job Proposal

    Autumn's Point of View Ilang oras na akong pabalik-balik sa salamin, tinitingnan kung ayos lang ang desisyon ko na magsuot ng skirt at long sleeve para sa interview ko ngayon sa Parker Company. Ilang araw na ang nakalilipas simula nang matanggal ako sa trabaho ko bilang waitress sa restaurant na pinapasukan ko. Mabuti na lamang at naalis na rin ako ro'n. Hindi ko na rin kayang tantiyahin ang galit at utos sa akin ng chef doon kapag wala siya sa mood. At isa pa, masakit na rin ang aking likod kahihiga sa couch nina Lea. Sinimulan kong iladlad ang buhok ko sa harapan. Tuyo na ito dahil b-in-lower ko na ito kanina pa. Nag-spray ako ng kaunting pabango at nagsimula nang lumabas para mag-abang ng tricycle patungo roon. "Tricycle!" sig

DMCA.com Protection Status