Home / All / Babysitting the Billionaire's Twin / Twins IV - Confused Heart

Share

Twins IV - Confused Heart

Author: Mowtie
last update Last Updated: 2021-05-11 19:47:54

Autumn's Point of View

Napatitig ako sa pintuan na nilabasan ni Jaxon, ang boss ko. Hinawakan ko ang labi ko at napakurap nang ilang beses. “Hindi dapat ako gumalaw, pero bakit karga niya ako?” tanong ko sa sarili. At may na-realize ako. First kiss ko iyon!

First kiss ko ngayon, pero hindi ko alam kung may n*******n na ako noon.

Nahiga ako sa kama at tiningnan ang kisame. “Pero mabango siya.” Nakangiti akong nagpaikot-ikot sa kama bago tumayo. Kinuha ko ang suit na nahulog sa sahig. Pinagpag ko iyon at inilagay iyon sa ibabaw ng upuan. “Ibabalik ko ito bukas.” Kinuha ko ang remote ng aircon sa lamesa at binuhay iyon, ang init pa rin kahit umulan na kanina. Tumalon ako sama at in-appreciate ang kalambutan niyon.

“Ah, para akong nasa langit.” Huminga ako at nahiga ulit at nagpaikot-ikot.

Sinong mag-aakalang makatutulog na ako sa disenteng kama? Malambot at maganda pa ang covers. Para akong nasa panaginip.

Pumailalim ako sa sheets habang ang mga mata ko ay nakapikit. Kagigising ko lang kanina, pero inaantok ako dahil ang lambot ng kama.

Whatever. Bukas, marami akong gagawin. Kailangan kong magpahinga para magandang masimulan ang araw ko kinabukasan.

* * *

Idinilat ko ang mga mata ko at nagulat pa akong maganda ang kwarto. Naupo ako at tumingala sa kisame.

“Oo nga pala, may bagong buhay ako ngayon.” Ngumiti ako at nag-stretch ng kamay.

Tumingin ako sa mini alarm clock malapit sa akin. 6:00 a.m. pa lang. Sa bagay, matagal ang naitulog ko kahapon. At hindi iyon maganda dahil caretaker lang ako. Isa pa, kinarga pa ako ng boss ko sa kama. At dahil sa katangahan ko, aksidente naming n*******n ang isa't isa. Paano ko kauusapin si Sir Jaxon nito? Hindi ko na alam. Tumayo ako at na-realize kong suot ko pa rin ang polo niya.

Nag-init ang mukha ko nang mapatingin ako sa salamin. Ugh! Ayaw ko talaga na makaramdam ng awkwardness at embarrassment. Tinampal ko ang pisngi ko. “Kaya ko 'to.” Nag-shower ako at ginawang presentable ang sarili para mamaya.

Kalahating oras ang lumipas simula nang ayusin ko ang sarili. Habang pinatutuyo ang buhok ko, napansin kong wala ang bag ko rito. “May damit kaya sa cabinet?” Binuksan ko ang cabinet at mayroon ngang kaunting damit doon, pero pang-maid na outfits. Bakit nandito ito? Walang katulong si Sir Jaxon, hindi ba?

Pero isinuot ko pa rin iyon at nang makita ang sarili sa salamin, mukha akong cosplayer. Pero mas mabuti na ito kaysa suot-suot ko iyong polo dahil masyadong exposed ang hita ko.

Mahaba ito. Above the knee. Kung polo ang isinuot ko, mukha namang inaakit ko siya, o baka mapagkamalan pa ako na asawa niya.

Ayaw ko na ng nakahihiyang pangyayari ulit dito.

Lumabas ako ng kwarto at naglakad patungo sa kusina. Binuksan ko ang ilaw at nagluto ng umagahan.

Scrambled eggs, bread, hotdogs, and coffee. Nag-prepare din ako ng cereals para sa kambal para kapag nagising sila ay mapapakain ko sila agad.

Tumingin ako sa orasan para tingnan ang oras. 7 a.m.

Ang aga ko ngang nagising.

Nagpatuloy ako sa pagluluto at habang pine-plating ko iyon ay ginulat ako ng isang boses.

“You woke up early, huh?” Si Sir Jaxon. Naupo siya sa stool kaharap ko.

“O-oo. Nakatulog ako nang matagal kahapon. Binabayaran ko lang 'yong ginawa mong kabutihan sa pagkarga sa akin kagabi.” Bahagya akong yumuko at sinimulang magluto ulit ng susunod na pagkain.

“No problem, you seemed really tired, too, so I didn't bother to wake you up, but I'm still sorry for what happened. You know the—” panimula niya.

“A-ayos lang, sir.” Nginitian ko siya habang sinusubukang itago ang kaba ko.

Tinalikuran ko siya at nagluto na, pero ramdam ko ang titig niya sa akin.

“Where did you get that?” tanong niya.

Napalunok ako at sinagot siya, “Alin, sir?”

“The one you're wearing.” Tiningnan niya ako mula ulo hanggang paa. Mas lalo akong nahiya.

“Ah, wala po kasi 'yong bag ko sa kwarto, kaya ch-in-eck ko 'yong cabinet at nakita ko 'to,” paliwanag ko.

“I see. Well, it looks good on you.” Ngumiti siya. “I guess I made the right decision to give my cousin's vacation room. Whenever she comes home from the States, she uses it for her cosplay party stuff.”

“Salamat, sir. Gawin ko na po ba itong uniform?” tanong ko at nagsimulang kumain sa harapan niya.

“Wear what you like, I don't really mind,”

sagot niya na diretso pa rin ang mukha. Nang matapos kaming kumain ay inilagay niya ang plato niya sa lababo.

Nakarinig kami ng iyak mula sa taas.

“Mukhang tawag na ako.” Natawa ako maski siya. Inilagay ko sa lababo ang plato ko at nagmadaling umakyat.

Umiiyak sila nang malakas at tumigil nang makita nila ako. Narinig ko rin ang mga salitang madalas kong marinig sa kanila. “Ma-ma.”

Kinarga ko silang dalawa. Parehas silang mabigat, pero kaya ko pa naman silang kargahin sa magkabilang braso. Hinalikan ako ng nasa kanan sa pisngi, habang ang baby sa kaliwa ay pinaglalaruan ang buhok ko. Ngumiti lamang ako at maingat na bumaba.

Nang makarating sa kusina ay iniupo ko sila sa upuan nila at inilapit sila sa counter. Sinimulan ko silang pakainin ng homemade cereal na ako ang may gawa. Wala rin dito ang daddy nila na ikinapagtaka ko. Hindi naman siya umakyat kanina.

“Yeah? I don't care. I ain't meeting up with you. No, just no. Not in the mood, bye.” Iyon ang mga salitang dumagundong sa sala.

Mukhang may iniiwasan siya. Well, ang busy niyang tao. Hindi ko siya masisisi.

“Ito na 'yong airplane.” Kunwari kong nilipad-lipad ang kutsara sa isa saka isinubo roon. Ginawa ko rin iyon sa isa. Ngumuya sila, pumalakpak, at gusto pang kumain.

Napangiti ako dahil sa kasiyahan ko sa dalawang ito. Pakiramdam ko tuloy, anak ko sila.

“Autumn?” tawag ni sir nang bumalik.

“Yes, sir?” tanong ko.

“Please take care of them. Don't go out for now because I think it'll rain hard again,” utos niya na tinanguan ko.

Ngumiti siya sa akin at akmang aakyat na ng hagdan nang tawagin ko siya, “Sir Jaxon, ano pala ang pangalan nila? Hindi ko natanong, eh.”

“Oh, right. The chubby one is Avrielle and the slim one is Khairro,” sagot niya at mabilis na umakyat.

Mukhang nagmamadali talaga siya.

Pinakain ko sila nang marami dahil parang ayaw nilang tumigil. Gusto talaga nila ng cereals, huh.

“Khairro?” tawag ko. Lumingon naman sa akin ang baby na lalaki na nagtataka.

Ang cute.

“And ikaw si Avrielle.” Ngumiti ako sa baby na babae. Pumalakpak siya nang makalapit ako at sinundot ang ilong ko.

Nang matapos kaming kumain, hinugasan ko ang mga plato at nagpaalam na ang tatay nila. Ano ang gagawin ko ngayon maliban sa makipaglaro sa kanila?

                            * * *

Isang oras na ang nakalipas simula noong sinabi niyang hintayin ko siyang matapos ang trabaho niya para makauwi na kami at makakain sa mamahaling restaurant na tinanggihan ko. Mas sasaya pa ako kung ipagluluto ko siya.

“Sorry, there was just an emergency that happened in the office. And it's quite depressing. By the way, where are my children?” tanong niya. Halatang stressed siya dahil sa mukha niya. Parang ang saya siguro kung magkakaanak ako para tanggalin ang stress ko.

“Natutulog na sila. Gisingin ko ba sila para ngumiti na ang daddy nila? Ayaw nilang malungkot ang dada nila, right?” sagot ko habang nakangiti sa kaniya. Gusto ko lang makita ang ngiti niya. Parang addiction na nga iyon, eh.

Huminga siya nang malalim at ngumiti. Sinubukan kong tumayo, at hindi ko namalayan na ginawa ng katawan ko ang gusto nitong gawin: ang yakapin siya.

“Huwag mo nang isipin ang yakap ko, kailangan mong mag-relax. Tara na, ipagluluto kita,” sabi ko habang nakangiti sa kanya at hindi pinapansin ang init ng katawan ko.

Lumayo ako nang bahagya at itinulak ang stroller. Mabilis na natapos ang araw, at habang lumilipas ang araw, ay mahirap magkapera, pero isa ang sigurado ako na kapag billionaire ay mahirap din i-sustain ang business.

Nagsimula kaming maglakad sa parking lot ng kompanya niya. May sinabi siyang salita na hindi ko naman narinig.

“Puwede mo bang ulitin? Hindi ko gaanong naintindihan,” sabi ko habang isinisimangot ang kilay. Obvious naman na sinadya niyang hinaan ang boses para hindi ko marinig.

“I didn't say anything, Ms. Saunders,” inosente niyang sagot.

Hindi ko naisip na magkakaroon ako ng tsansang makasama ang isang billionaire. Ang masasabi ko lang ay sobrang swerte ko.

“You can go first, ma'am,” biro niya at binuksan ang pinto sa backseat. Hinawakan ko ang kamay niya at sumakay. Iniabot niya sa akin ang kambal. Maingat ko silang kinarga sa takot na baka magising sila. Kinuha naman niya ang stroller at inilagay sa likod ng kotse.

“Are you okay?” tanong niya habang nakaupo sa driver's seat. Tumango lang ako, pilit na kinalilimutan ang ginawa ko kanina.

“Puwede ba tayong pumunta sa palengke? Bibili lang ako ng ingredients para sa dinner,” tanong ko, pero nginitian niya lang at umiling.

“No, magpahinga ka kasama ang kambal. I'll buy the ingredients,” aniya. Sasagot pa sana ako na kailangan niya ring magpahinga, pero inunahan niya ako. “Rest assured I will rest while you're cooking,” aniya at sumang-ayon na lang ako.

Matutulog ako sandali dahil nagda-drive pa siya. Nagsimula nang pumikit ang mga mata ko.

“Wake up, we're here,” gising sa akin ng isang boses. Hindi ko alam kung ilang minuto akong tulog, pero nagagalaw ko na ang kamay ko dahil karga niya ang dalawa.

Shit. Nakita niya siguro kung paano ako matulog. At nakahihiya iyon.

“Pasensya na,” hingi ko ng tawad. Nginitian niya lang ako at nagsalita.

“I don't mind. And besides, you look cute when you're sleeping,” biro niya kaya inikot ko ang mata ko at tumabi sa kanya.

“Tara na, pumasok na tayo, Mr. Parker,” sabi ko habang nakangiti sa kanya at nakaabot ang kamay, pero tumawa lang siya. Baka ako na ang happiness niya, joke. Mahirap iyon isipin dahil bilyonaryo siya, mahirap lang ako.

Nang makapasok kami, inilapag niya si Khairro sa kwarto nila at binigyan sila ng halik sa pisngi.

“I will just buy groceries. You can rest for a while. By the way, what snacks do you want?” tanong niya habang nilalaro ang mga susi sa kamay. Ako ba talaga pipili ng snacks? Nakahihiya dahil caretaker lang naman ako tapos bibilhan niya ako.

“No, bibili ako bukas, at hindi mo ako kailangang bilhan ng pagkain,” sambit ko pero sumimangot siya.

“That's not a big deal. Besides, you're one of my family now, and this is just my treat for taking care of my children,” aniya. Pero para sa akin, hindi dapat siya magpasalamat, dahil trabaho ko ito.

He assured me, but for me, this is my job, he didn't need to be thankful.

Ako dapat ang magpasalamat sa kanya para sa ibinigay niyang oportunidad kahit na hindi ako umabot para sa receptionist position. Pero mas mataas ito kumpara doon, at hindi ko inakalang magkakaroon ako ng tiyansang makitira sa bahay ng isang hot billionaire.

Nang makaalis siya, naghanap ako ng salamin. Oh my. Hindi man lang niya ako sinabihan na mukha akong witch sa mukha kong ito. Magulo ang buhok, ruined na makeup. Nakahihiya!

Tumakbo ako sa banyo para maghilamos at magsuklay. Nang makabalik ako, tulog na ang kambal.

Maliligo na sila ngayon, pero hihintayin ko si Jaxon para may katulong ako. Mahirap kasing paliguan ang dalawang bata sa bathtub.

Nagulat ako nang tumunog ang phone ni Jaxon sa living room. At mayroon din siyang phone for business.

Ayaw kong basahin kung ano iyon, pero naku-curious ako at ngayon, binabasa ko na.

From Andrea:

Hi, Jaxon, how are you? What happened to our children, do you take care of them?

Siya pala ang ina ng kambal, pero bakit ganito ang nararamdaman ko?

Comments (1)
goodnovel comment avatar
Ashianakhimrosejeancris Agetro
next po plsssss
VIEW ALL COMMENTS

Related chapters

  • Babysitting the Billionaire's Twin   Twins I - His Job Proposal

    Autumn's Point of View Ilang oras na akong pabalik-balik sa salamin, tinitingnan kung ayos lang ang desisyon ko na magsuot ng skirt at long sleeve para sa interview ko ngayon sa Parker Company. Ilang araw na ang nakalilipas simula nang matanggal ako sa trabaho ko bilang waitress sa restaurant na pinapasukan ko. Mabuti na lamang at naalis na rin ako ro'n. Hindi ko na rin kayang tantiyahin ang galit at utos sa akin ng chef doon kapag wala siya sa mood. At isa pa, masakit na rin ang aking likod kahihiga sa couch nina Lea. Sinimulan kong iladlad ang buhok ko sa harapan. Tuyo na ito dahil b-in-lower ko na ito kanina pa. Nag-spray ako ng kaunting pabango at nagsimula nang lumabas para mag-abang ng tricycle patungo roon. "Tricycle!" sig

    Last Updated : 2021-05-11
  • Babysitting the Billionaire's Twin   Twins II - Living on the Same Roof

    Autumn's Point of View Nakita ko ang sarili dito sa tapat ng mansion niya. Ang masasabi ko lang ay napakaganda nito, mas malaki ito kumpara sa nakita ko sa telebisyon. Nabalik lamang ako sa reyalidad nang tumikhim siya. “Shall we?” tanong niya. Namula ang pisngi ko sa sobrang awkward. Bahagya pa akong nakanganga na tila anumang oras ay may langaw na papasok sa aking bibig. Sinubukan kong itago ang hiya ko, pero binuksan niya ang pinto at iniabot ang kanyang kamay para matanggal ko ang sapatos ko nang maayos. Ang gentleman. Nang makapasok kami sa mansion, ay maganda rin. Mula labas hanggang sa loob. Ang mga disenyo at mga gamit ay kakaiba. Marahil ay limited edition ang mga iyon na makikita lang sa ibang bansa. Ito ang unang beses

    Last Updated : 2021-05-11
  • Babysitting the Billionaire's Twin   Twins III - Accident Kiss

    Jaxon's Point of View Nagpaliwanag ako sa lalaki na isa sa mga tauhan sa hotel ko habang sinasamahan niya ako kung saan ginaganap ang meeting. Isang oras ang lumipas at sa wakas ay naayos ang problema ng kompanya. Kailangan lang pala nila ng permission ko sa pag-approve sa mga bagay-bagay. Isa-isa silang umalis sa kwarto. Tumingala ako sa kisame at inisip ang caretaker ng kambal ko, si Autumn. Tama ang desisyon kong ibigay sa kanya ang trabaho. Sigurado akong magiging mabuti siyang ina someday. Napangiti ako, tumayo, at lumabas ng kwartong iyon. Habang naglalakad sa hallway, naalala kong suot ni Autumn ang polo ko ngayon. Sana ay wala nang biglang papasok sa kwarto ko dahil nakakahiya para sa aming dalawa. Ang hitsura niyang nakasuot ng polo ko ay hindi mawala sa isip ko. Palaging lumalabas

    Last Updated : 2021-05-11

Latest chapter

  • Babysitting the Billionaire's Twin   Twins IV - Confused Heart

    Autumn's Point of View Napatitig ako sa pintuan na nilabasan ni Jaxon, ang boss ko. Hinawakan ko ang labi ko at napakurap nang ilang beses. “Hindi dapat ako gumalaw, pero bakit karga niya ako?” tanong ko sa sarili. At may na-realize ako. First kiss ko iyon! First kiss ko ngayon, pero hindi ko alam kung may n*******n na ako noon. Nahiga ako sa kama at tiningnan ang kisame. “Pero mabango siya.” Nakangiti akong nagpaikot-ikot sa kama bago tumayo. Kinuha ko ang suit na nahulog sa sahig. Pinagpag ko iyon at inilagay iyon sa ibabaw ng upuan. “Ibabalik ko ito bukas.” Kinuha ko ang remote ng aircon sa lamesa at binuhay iyon, ang init pa rin kahit umulan na kanina. Tumalon ako sama at in-appreciate ang kalambutan niyon. “Ah, para akong na

  • Babysitting the Billionaire's Twin   Twins III - Accident Kiss

    Jaxon's Point of View Nagpaliwanag ako sa lalaki na isa sa mga tauhan sa hotel ko habang sinasamahan niya ako kung saan ginaganap ang meeting. Isang oras ang lumipas at sa wakas ay naayos ang problema ng kompanya. Kailangan lang pala nila ng permission ko sa pag-approve sa mga bagay-bagay. Isa-isa silang umalis sa kwarto. Tumingala ako sa kisame at inisip ang caretaker ng kambal ko, si Autumn. Tama ang desisyon kong ibigay sa kanya ang trabaho. Sigurado akong magiging mabuti siyang ina someday. Napangiti ako, tumayo, at lumabas ng kwartong iyon. Habang naglalakad sa hallway, naalala kong suot ni Autumn ang polo ko ngayon. Sana ay wala nang biglang papasok sa kwarto ko dahil nakakahiya para sa aming dalawa. Ang hitsura niyang nakasuot ng polo ko ay hindi mawala sa isip ko. Palaging lumalabas

  • Babysitting the Billionaire's Twin   Twins II - Living on the Same Roof

    Autumn's Point of View Nakita ko ang sarili dito sa tapat ng mansion niya. Ang masasabi ko lang ay napakaganda nito, mas malaki ito kumpara sa nakita ko sa telebisyon. Nabalik lamang ako sa reyalidad nang tumikhim siya. “Shall we?” tanong niya. Namula ang pisngi ko sa sobrang awkward. Bahagya pa akong nakanganga na tila anumang oras ay may langaw na papasok sa aking bibig. Sinubukan kong itago ang hiya ko, pero binuksan niya ang pinto at iniabot ang kanyang kamay para matanggal ko ang sapatos ko nang maayos. Ang gentleman. Nang makapasok kami sa mansion, ay maganda rin. Mula labas hanggang sa loob. Ang mga disenyo at mga gamit ay kakaiba. Marahil ay limited edition ang mga iyon na makikita lang sa ibang bansa. Ito ang unang beses

  • Babysitting the Billionaire's Twin   Twins I - His Job Proposal

    Autumn's Point of View Ilang oras na akong pabalik-balik sa salamin, tinitingnan kung ayos lang ang desisyon ko na magsuot ng skirt at long sleeve para sa interview ko ngayon sa Parker Company. Ilang araw na ang nakalilipas simula nang matanggal ako sa trabaho ko bilang waitress sa restaurant na pinapasukan ko. Mabuti na lamang at naalis na rin ako ro'n. Hindi ko na rin kayang tantiyahin ang galit at utos sa akin ng chef doon kapag wala siya sa mood. At isa pa, masakit na rin ang aking likod kahihiga sa couch nina Lea. Sinimulan kong iladlad ang buhok ko sa harapan. Tuyo na ito dahil b-in-lower ko na ito kanina pa. Nag-spray ako ng kaunting pabango at nagsimula nang lumabas para mag-abang ng tricycle patungo roon. "Tricycle!" sig

Scan code to read on App
DMCA.com Protection Status