"Umalis ka sa paningin kong malandi ka at huwag na huwag mo nang ipapakita ang mukha mo sa harap ko o ng asawa ko, naiintindihan mo?!" nanggigigil sa galit na sigaw sa kaniya ng asawa ng dating Amo na si Richard.
Tahimik lamang niyang ginagawa ang trabaho niya nang bigla na lamang siyang sugurin ng sabunot at sampal ng asawa nito na si Teresa. Ipinahiya siya nito sa harap ng mga kasamahan niya at sinabihan ng masasakit na salita at tinawag ng kung ano-ano.
Who would've thought that she'll be mistaken as a mistress? To a family man who's twice her age at that?
Oo nga't kailangan niya ng pera para ipagamot ang nag-iisa niyang kapatid na si Rica, ngunit hindi niya magagawang kumabit at sumira ng pamilya.
"Hindi ko ho ginawa ang ibinibintang ninyo. Alam ng Diyos iyan." naninindigan niyang sabi kay Teresa habang inaayos ang sarili at pinupulot ang mga gamit niyang itinapon nito.
"'Wag mong madamay-damay ang Diyos sa kakatihan mong, gaga ka!" galit pa rin nitong bulyaw sa kaniya.
Taas-noo siyang humarap dito matapos niyang ayusin ang mga gamit. Mahirap man siya ay hindi mawawala ang dignidad niya. Ipapakita niya rito na pera lamang ang nilamang nito sa kaniya.
"Kung hindi kayo naniniwala ay wala na akong magagawa pa. Pero Misis, unang-una, hindi ho porke't mas maganda at mas bata ako sa inyo ay may karapatan na kayong pagbintangan akong isang kabit. Pangalawa, oo nga't mas mayaman kayo sa akin pero ang pinapakita ninyong asal ngayon ay hindi asal ng isang babaeng may pinag-aralan. Kung ako ho sa inyo ay hahanapin ko ang tunay na kabit bago pa kayo mawalan ng asawa." matapos sabihin iyon ay tinalikuran na niya ito at iniwang nanggagalaiti.
Nang makalayo sa dating kumpanya ay hindi niya naiwasang maluha. Wala na siyang trabaho pa. Saan siya kukuha ng pera pampagamot kay Rica?
Ang kapatid na si Rica ay walong-taong gulang lamang ng ma-diagnose ng leukemia. Namatay na ang kaniyang mga magulang dahil sa isang sunog noon nang maiwan ang mga ito sa kanilang bahay. Siya na lang ang tanging mayroon ang kapatid niya. Siya lamang ang inaasahan nito at isinumpa niya sa libingan ng mga magulang niyang hinding-hindi niya pababayaan ang kapatid hanggang sa mamatay siya.
Tanda niya kung paanong gumuho ang mundo niya nang malaman ang sakit ng kapatid. Kinausap niya noon ang Diyos at tinanong ito kung bakit hindi siya ang binigyan nito ng sakit. Napakabata pa ng kapatid niya upang dumaan sa ganoong klase ng pasakit.
She sighed and stared at nothing in particular. Kailangan niyang makahanap kaagad ng matinong trabaho sa lalong madaling panahon.
Napukaw ng atensiyon niya ang dalawang babaeng nag-uusap mula sa kaniyang likuran. Nilingon niya ang mga ito bago muling tumingin sa kalsada at pinanuod ang mga sasakyang dumaraan.
"Baka naman pwede pa natin itong pag-usapan, Myla."
"Ayoko na talaga, Ma'am. Hindi ko na kaya pang mag-trabaho para kay Sir. Pakiramdam ko ay mamamatay na ako sa sama ng loob." rinig niyang sabi ng isang babae habang umiiyak.
"Dadagdagan ko pa ang sweldo mo, Myla. 20,000, okay na sa'yo? Please, 'wag ka namang mag-quit."
"Hindi na talaga, Ma'am. Buo na po ang desisyon ko. Sapat na ang dalawang buwan na pagtitiis ko. Maiwan ko na kayo."
She saw the woman walk past her and stared at her retreating back before looking back at the older woman with her head in hung low. The woman looks so stressed.
"Siya na ang pinaka-tumagal. Hindi ko na alam kung saan ako hahanap ng papalit kay Myla." miserableng sabi nito sa sarili.
Napakagat sa labi si Coreen habang naglalaban ang loob niya kung lalapit ba siya sa babae. Pero kailangan niya ng trabaho at base sa narinig niya ay willing itong magbayad ng malaki! Pero paano kung ilegal pala ang papasukan niya?
Bahala na! Sigaw niya sa sarili bago tumayo at nilapitan ang babaeng nakayuko. Hindi niya mapapagamot ang kapatid niya nang pag-aalinlangan niya.
"Uhm, excuse me po?" agaw niya sa pansin nito.
Nag-angat ito ng ulo at nakita niya ang pagod sa mukha nito. "Pasensya na po pero hindi ko sinasadyang narinig ang usapan ninyo. Naghahanap po kayo ng papalit sa kaniya?" lakas loob niyang sabi sa babae.
Sa sinabi niya ay nagliwanag ang mukha nito at napahawak sa mga kamay niya na siyang ikinagulat niya.
"Oo, tama! Interesado ka ba, Miss?" tuwa nitong tanong.
"Uhm, ano po ba ang trabaho?"
"Maid! Isang katulong para sa sana pamangkin ko. Medyo masungit kasi ito at maiinitin ang ulo kaya walang nagtatagal."
Mula sa pagiging sekretarya ay magiging maid siya? Pero ano naman? Sagot ng konsensya niya. Malaki ang sweldo at confident naman si Coreen na makakaya niya itong pakasamahan. Nasanay na siya sa bahay nila dahil ang tiyuhin niya ay masungit, mabuti na lang at mabait ang tiyahin niya.
"S-sige ho. Payag po ako." pikit-mata niyang pagpayag.
Being a maid isn't illegal anyway, Coreen convinced herself. Sana lang ay hindi mali ang pinasok niya.
Dahil sa tuwa ay niyakap siya nito at naiilang naman niya itong tinapik sa likod.
"Thank you! Hulog ka ng langit, Miss..?"
"Coreen po."
"Coreen! Bukas ba ay makakapagsimula ka na?"
"Opo." sunod-sunod na tangong sabi niya.
"Okay. Buti na lang at may dala akong kontrata lagi. Halika, Coreen, pasok tayo sa loob." aya nito sa kaniya at hinila na siya papasok sa loob ng coffee shop.
Naupo sila sa malapit na mesa at agad nitong inilagay sa harap niya ang kontrata.
"Hindi mo alam kung gaano karaming kontrata ang pini-print ko. Si Myla? Siya na ang pinakatumagal sa pamangkin ko. Sa isang taon ay nakakasampu mahigit siyang Maid." naiiling na kwento nito sa kaniya habang binabasa niya ang kontrata.
Walang nakalagay kung ilang taon ang kontrata niya which is good for her. Ang trabaho niya ay maglinis, magluto at habaan ang pasensya niya. Twenty thousand pesos ang sweldo niya without tax na siya namang kinamangha niya. Makakapag-ipon siya ng pampagamot at opera ng kapatid niya kahit na paunti-unti. Sa dating sweldo niya kasing fifteen thousand ay panggamot lamang ng kapatid ang nabibili niya at konti lang ang naiipon niya.
"Hindi kita sisisihin kapag sumuko ka agad pero sana ay habaan mo ang pasensya mo, Coreen. Alam mo kasi 'yung pamangkin ko na 'yon? Mabait naman iyon noong bata siya pero nang magpakamatay ang Mommy niya dahil iniwan sila ng Daddy niya ay nagbago na siya. Kalinga at pagmamahal lang din ang kailangan ng batang iyon at sana, sana ay magtagal ka." nakangiting wika nito sa kaniya.
Ngiti lang ang tinugon niya dahil ayaw naman niyang maging confident at sabihing magtatagal siya.
Ibinalik niya ang atensiyon sa binabasa at napakunot naman ang noo niya habang binabasa ang rules. NEVER GET TOO CLOSE TO HIM. NEVER TOUCH HIM. All caps pa talaga ito.
"Ano pong ibig sabihin nito?" tukoy niya sa nabasang rules.
Lumarawan ang lungkot sa mukha nito.
"Royce hates human contact."
KINABUKASAN rin ay hinatid niya nito sa isang Mansion na medyo malayo sa ibang bahay na katabi nito. Matataas rin ang bakod nito at nang pagmasdan niya ang paligid mula sa harapan ng mansion ay nakaramdam siya ng kagustuhang tumakbo palayo ngunit pinigilan niya ang sarili.
"Good luck, Coreen! Kung may problema o kung may kailangan ka ay tawagan mo lang ako sa ibinigay kong contact number, okay?"
"Opo." nakatango niyang sabi habang bitbit ang bag niya na naglalaman ng ilang mga damit at gamit niya.
Nakalagay kasi sa kontrata na kailangan niyang manatili roon ng limang araw. Sabado at linggo naman ang day off niya.
"Sige, mauna na ako." paalam nito sa kaniya at sumakay na sa sasakyan.
Kumaway siya sa papalayong kotse nito bago palunok na lumingon sa magandang mansion na moderno ang yari at puting-puti. Hindi niya maiwasang isipin na para siyang isang pagkain na inihagis sa kulungan ng leon o hindi kaya naman ay laruang buto para sa isang aso.
Humugot siya ng isang malalim na hininga at binuga ito bago taas noong pumasok sa loob ng Mansion. Bubuksan sana niya ang kanang pinto ngunit nakalock ito at nang subukan naman niya ang kaliwa ay nagpasalamat siya nang bumukas ito.
Lord, gabayan niyo po sana ako. Lihim niyang dasal bago tuluyang binuksan ang pintuan. Mangha siyang napatingin sa disenyo ng Mansion. Kung maganda pala ito mula sa labas ay mas maganda ito sa loob. Napakalinis nito at tila walang makikitang alikabok. Pawang gaba sa mwebles ang mga pigurin at talaga namang mukhang mamahalin. Mangha niyang inililibot ang mga mata at nang pupunta na siya sa kanang bahagi ng mansion ay nabangga siya at nang hawakan niya ito ay nanlaki ang mga mata niya nang mapagtantong may salaming pader sa pinakagitna ng mansion.
Kung ganoon ay totoo ngang ayaw na ayaw nito ng human contact at nagawa nitong magtayo ng salaming pader para lamang hindi makalapit ang sinuman. Inilibot niya ang tingin sa kabilang side ng pader at hinanap ang bagong amo pero hindi niya ito nakita.
Nagkibit na lang siya ng balikat at humakbang na sa nasabing kwarto na tutuluyan niya habang naroon siya. Natagpuan niya ito sa ikalawang palapag ng mansion at nakahinga siya ng maluwag nang makitang hindi salamin ang pader pero bakal na ipinagtaka niya pero hindi na niya pinagtuunan ng pansin. Inilibot niya ang tingin sa kwarto at napatango. Hindi ito maliit ngunit hindi rin ito ganoon kalaki. May isang kama sa gilid, may mesa at upuan at meron malaking cabinet na paglalagyan niya ng mga gamit. Napansin rin niya ang isang pinto na marahil ay ang banyo.
Inilapag niya ang bag na dala at sinimulan itong isalansan sa cabinet. Pagkuwa'y kinuha niya ang picture nila ng pamilya niya at inilagay ito sa mesa at malungkot na napangiti.
Ma, Pa, kakayanin ko ang buhay kahit pa gaano ito kahirap. Lalaban ako para kay Rica.
Hinaplos niya ang picture frame bago muling hinalughog ang bag at inilabas ang envelope na naglalaman ng mga gawain niya. Kinuha niya ang mga ito at idinikit sa pader para hindi niya ito makalimutan.
Tumingin siya sa orasan at nakitang malapit na ang oras ng tanghalian kaya naman iniwan na niya ang mga gamit at lumabas ng kwarto. Agad siyang napatingin sa kabilang parte ng Mansion at nanigas sa kinatatayuan nang magtama ang paningin nila ng isang lalaking ngayon ay mataman siyang tinitignan mula sa kabila.
Kakaiba ang reaksiyon ng kaniyang katawan sa ginagawa nitong pagtitig sa kaniya at hindi niya naiwasang mailang at mapalunok ng laway.
Para itong isang modelo na lumabas mula sa isang magazine. Literal. Nakasuot ito ng itim na roba at pinigilan niya ang sariling kagatin ang labi nang bumaba ang tingin niya sa maganda nitong katawan na kitang-kita niya dahil wala itong suot na damit. Nagngangalit ang mga muscle nito at tila kay tigas ng mga abs nito. Nakasuot rin ito ng itim na leather pants na hapit sa hubog ng hita at binti nito. Ang nakaagaw sa pansin niya ay ang suot nitong leather gloves, bakit kailangan pa nitong magsuot niyon gayung hindi naman niya ito malalapitan?
But despite what she heard about this man, Royce Cordillero is a sight to behold.
Nang muli niyang ibalik ang tingin sa mga mata nito ay muntik pa siyang mapapitlag nang mapansing masama na ang tingin nito sa kaniya. Iniiwas na niya ang tingin dito at bumaba na papuntang kusina. Nang makita ito ay agad siyang tumingin sa ref ng maluluto. Kumuha siya ng manok at agad itong ibinabad pagkatapos ay kumuha siya ng patatas at carrot. Nakabisado na naman niya ang mga ayaw at gusto nitong pagkain at ang una niyang lulutuin para dito ay ang paborito nitong kaldereta.
Sinimulan niyang hiwain ang mga gulay at kahit pa ramdam niya ang mga titig nito sa kaniya ay hindi niya iyon pinansin sa takot na mapagalitan siya nito. Baka gutom lang ito kaya masungit. Pagkumbinsi ni Coreen sa sarili.
"Who the fuck are you?"
Napapiksi siya sa tanong nitong iyon at nag-angat ng tingin. Kasalikuyan itong nakasandal sa isang pader habang nakatingin sa kaniya.
"C-Coreen Nais, Sir." kinakabahan niyang sagot. "Bago niyong maid."
Nakita niya ang pag-iling nito bago naglakad palapit sa salaming pader at bumabang muli ang tingin niya sa makasalanan nitong katawan nang dumantay ito roon nang hindi inaalis ang tingin sa kaniya.
"And what makes you different from them?" he snorted. "Hindi na nanawa si Tita. Ilang beses ko na bang sinabi na tigilan na niya ang pagpapadala ng mga babae? You women are whiny, crybaby and just plain stupid, honestly." tumatawang sabi nito na ikinainit ng ulo niya.
Ibinagsak niya ang hawak na kutsilyo at nagtaas naman ito ng kilay sa ginawa niya.
"And what makes you better than me?" nanghahamon niyang tanong dito. "When you can't even touch me."
Hindi naman niya gustong sagutin ito ngunit hindi pa man siya nakikilala nito ay ininsulto na siya nito kaagad. Ang pagkababae niya, ang katauhan niya.
Sa sorpresa niya ang tumango ito. "True. True."
"Think you're going to last?" balik panghahamon nito sa kaniya.
"Try me." taas noo niyang sagot dito.
Hindi siya nito mapapasuko nang ganon-ganon na lamang.
Coreen moaned as she felt a gloved hand tracing her bare skin, caressing her body as if she was a rare porcelain. Nag-iiwan ng kakaibang init ang bawat pasadahan ng kamay na iyon sa bawat parte ng kaniyang katawan.The hand trailed from her feet, her legs and thighs. Hindi ito tumigil hanggang marating ang kaniyang katawan. Nang dumapo ang kamay nito sa dibdib niya ay napaliyad siya kasabay ng isang ungol at napakagat sa labi.Warm Breath is suddenly blowing in her ear. "Coreen... your body is a sin." he whispered seductively making her whimper with need."I love the way you react to my touch. So damn responsive." he said huskily and she gasped loudly when he gripped her."N-no." natagpuan niya ang sariling sinasabi. "S-stop.""Bakit? Ayaw mo ba?"She whimpered and shook her head no."Then, why are you dreaming about it?"Napasinghap si Coreen at napabalikwas ng bangon. Pawis na pawis ang noo niya kahit pa may aircon ang buong kabahayan. Pero ang napansin niya at talaga namang ikinaka
IMPIT NA SUMIGAW si Coreen sa hawak na unan na kasalukuyang pinanggigigilan. Iniisip niyang ito ang Amo niyang walanghiya.Sa tuwing naaalala niya kung gaanong paghihirap ang pinagdaanan niya mapakawalan lamang niya ang sarili niya sa pagkakatali nito sa kaniya sa headboard ay lalong nagpupuyos ang damdamin niya.Royce Cordillero is the real definition of asshole with a capital A!Tumulo na lahat ng pawis niya sa katawan at halos magkandabali-bali lahat ng buto niya sa katawan makawala lamang. Hindi niya inakala na may itinatago rin naman pala siyang flexibility pero hindi iyon ang punto! Ang punto ay pinagmukha siyang tanga ni Royce.Kung nakikita lamang siya nito malamang ay pinagtatawanan na nito ang paghihirap niya. Pero hindi pa rin siya susuko! Mas malakas ang hangarin niyang mapagaling ang kapatid para sumuko sa pagpapahirap nito sa kaniya. Ipapakita ni Coreen na iba siya sa mga napaalis nito dati. Ipapamukha niya sa binata na nakaharap na ito ng katapat nito!Ang nagpupuyos na
MADALING ARAW pa lang nang umalis si Coreen sa Mansiyon ng mga Cordillero. Binagtas niya ang madilim-dilim pang daan palabas ng subdivision ngunit meron naman siyang mangilan-ngilang taong nakakasabay kaya hindi siya kabado. Sabik na kasi siyang makauwi upang makita ang kapatid na si Rica.Paglabas ng subdivision ay agad naman siyang nakakita ng masasakyang jeep pauwi sa kanila. Habang lulan ng jeep ay lumipad ang isip niya sa naiwang lalaki sa mansiyon. Paano kaya ito nakaka-survive nang mag-isa? Does he eat out? Order? Come to think of it, the most she's seen the man doing is to exercise, eat, leave for work at tulog na siya bago pa man ito dumating. Not much has changed between them. Royce is still an asshat and Coreen is still a maid.Ipinilig ni Coreen ang ulo para iwaglit ang mga naiisip ukol sa binata. Tinitiis na nga niya ang ugali nito kapag kasama niya ito ay sasaktan pa niya ang sarili niya sa pag-iisip tungkol pa rin dito gayung sigurado siyang ni hindi man lang siya pag-aa
"Okay ka lang ba, Ate?" dinig niyang tanong ni Anna ng may pag-aalala sa tono.Bumuga muna siya ng hangin bago itininuloy ang ginagawa. Mabigat ang kalooban at masama ang loob sa tiyuhin. '"Oo, ayos lang."Kahit hindi na. Kahit sawa na ako at ubos na. Pagod na pagod na ako na sa tuwing uuwi ako ay parang bangko ang tingin sa akin ni tiyong. Hindi maiwasang sabihin niya sa sarili."Wow, ang galing naman ng kapatid ko." puri niya sa kapatid nang ipakita nito sa kaniya ang ipininta nito ngunit kusa rin siyang natigilan nang mapagtanto kung ano ang iginuhit nito.Ito ang bahay nila noon, sa harap ng bahay ay magkakahawak sila ng Kamay ng nasira niyang mga magulang. Malungkot siyang ngumiti sa kapatid na may namumuong mga luha sa mata."Ate, miss na miss ko na sila Papa at Mama." naluluhang sabi nito at wala siyang nagawa kung hindi yakapin ang kapatid at aluhin ito."Ssh, bunso. Nandito naman si Ate, 'di ba? Hinding-hindi ka iiwan ni Ate." hinalikan niya ito sa ulo. "Hinding-hindi aalis s
MABILIS NIYANG ITINAKIP ang tuwalya sa kaniyang katawan ngunit alam niyang huli na ang lahat dahil nakita na nito iyon at ang kaninang gulat na naramdaman ay napalitan ng galit. Lumapit siya sa salaming pader na may ilang butas na hindi na niya gusto pang isipin kung para saan at dinuro ang lalaking ngayon ay nakangisi na sa kaniya."Isa kang malaking manyak! Bakit salamin 'to gayung bago ako umalis ay pader pa ito, ha?!"Royce raised his eyebrow and sat up from his leaning position earlier. Pinagsiklop niya ang mga naka-guwantes na kamay sa harapan niya. "I don't know, actually. It just ended up that way." kibit balikat na sabi nito na lalong ikinalaki ng ulo niya."Ano'ng akala mo sa akin, tanga? Look here, Mr. Cordillero. Hindi ko alam kung ano ang plano mo o nilalaro mo but if this is another scheme of yours to kick me out, I'm sorry to tell you this pero hindi ka mananalo."Hindi nagbago ang ekspresyon nito sa sinabi niya, tila hindi tinablan ng mga salita niya. "I don't know wha
Mabilis niyang iniligpit ang mga gamit at nagmamadaling lumabas ng kwarto, muntik pa siyang madapa dahil sa pagtakbo para lang matigilan nang pagbaba niya ay makita niya ang tumatawang si Royce na pinatay ang tunog ng alarm.Umakyat lahat ng dugo niya sa ulo at marahas na binitawan ang mga bitbit na gamit na hindi maayos ang pagkakalagay. "Hindi nakakatawa!" galit niyang sigaw dito."Sinusubukan ko lang naman kung alisto ka at kung maililigtas mo ba ako," he said with a snicker. "Nice reflexes." tumatango-tangong sabi nito at pumasok sa isang silid."Bwisit!" inis niyang sabi sa sarili at bumalik sa kwarto para muling ayusin ang mga gamit niya.Nang oras na para matulog ay tahimik siyang nahiga sa kama niya at nagkumot. Iisipin na lamang niyang muling bakal ang pader niya at walang lalaki ang posibleng pinagmamasdan siyang matulog. Ipinikit na niya ang mga mata at pinilit ang sariling makatulog. Nang unti-unti na siyang hinihila ng antok ay napadilat siya bigla nang makarinig ng tunog
"YOU USED TO BE a secretary before so what I'm about to say wouldn't be too hard to remember." he said while walking back and front at the other side of the mirror wall. "There will be five stages for being my plaything at sa bawat pagtaas ng stages ay ang pagtaas rin ng amount. When do you wanna start this?""Kahit ngayon na." pikit mata niyang sabi kahit na kinakabahan siya. Hindi niya alam kung ano ang ipapagawa nito sa kaniya. Paano kung ang pagkabirhen kaagad niya ang hingin nito?Para namang nabasa nito ang nasa isipan niya. "Don't worry, hindi ko gagalawin ang iniingatan mong yaman."Palihim siyang huminga nang malalim. "Sino may sabing virgin ako?" pagtanggi niya pero ang nag-iinit niyang mga pisngi ay sapat na upang maging sagot at gusto niyang sampalin ang sarili."Oh, believe me, I knew the moment you walked in." he mysteriously said that left her confused ngunit bago pa siya makapagtanong ay dinugtungan nito ang sinasabi. "The first stage is fifty thousand pesos."Sa nari
"ANG TAPANG-TAPANG naman ni bunso." nakangiting bati niya sa kapatid.Kakatapos lamang ng unang session nito sa chemotherapy at mababakas sa mukha ni Rica ang pagod. Pinaalam na sa kanila ng Doktor ang ilang side effects na maaari nitong maranasan, kasama na riyan ang unti-unting pagkaubos ng mga buhok nito, madaliang pagkakaroon ng pasa at iba pang sintomas.Sa kabila ng takot na alam niyang naramdaman ng kapatid ay nagpakatatag ito para sa kaniya kaya naman walang pagsidlan ang kaligayahan ni Coreen. Wala siyang pinagsisisihan at pagsisisihan sa mga ginawa at gagawin pa niya dahil lahat naman ito ay para kay Rica."Siyempre, Ate. Mana sa'yo." nakangiti ngunit inaantok na sabi ni Rica.Hinaplos niya ang ulo nito. "Tulog ka na muna, bunso. Mukhang antok na antok ka na." malambing niyang sabi."Eh, Ate, gusto pa kitang makasama, eh. Mamaya kasi papasok ka na at iiwan mo na ako." may himig pagtatampong sabi nito."Bunso, alam mo naman na may work si Ate, 'di ba? Pero araw-araw rin naman