Share

Chapter 5

"Okay ka lang ba, Ate?" dinig niyang tanong ni Anna ng may pag-aalala sa tono.

Bumuga muna siya ng hangin bago itininuloy ang ginagawa. Mabigat ang kalooban at masama ang loob sa tiyuhin. '"Oo, ayos lang."

Kahit hindi na. Kahit sawa na ako at ubos na. Pagod na pagod na ako na sa tuwing uuwi ako ay parang bangko ang tingin sa akin ni tiyong. Hindi maiwasang sabihin niya sa sarili.

"Wow, ang galing naman ng kapatid ko." puri niya sa kapatid nang ipakita nito sa kaniya ang ipininta nito ngunit kusa rin siyang natigilan nang mapagtanto kung ano ang iginuhit nito.

Ito ang bahay nila noon, sa harap ng bahay ay magkakahawak sila ng Kamay ng nasira niyang mga magulang. Malungkot siyang ngumiti sa kapatid na may namumuong mga luha sa mata.

"Ate, miss na miss ko na sila Papa at Mama." naluluhang sabi nito at wala siyang nagawa kung hindi yakapin ang kapatid at aluhin ito.

"Ssh, bunso. Nandito naman si Ate, 'di ba? Hinding-hindi ka iiwan ni Ate." hinalikan niya ito sa ulo. "Hinding-hindi aalis si Ate sa tabi mo." ipinikit ni Coreen ang mga mata upang pigilan ang sariling maiyak dahil sa mga pagsubok na pinagdaanan, pinagdaraanan at pagdaraanan pa nilang dalawa.

Maya-maya ay natahimik ang kapatid niya at natigilan si Coreen. "Ano ang iniisip mo, bunso? May bumabagabag ba sa'yo? Sabihin mo sa ate." Malumanay niyang sabi habang hinihimas ang braso ng kapatid.

"Kasi ate... sabi ni Ate Iya pabigat daw ako sa'yo. Sabi niya pinapahirapan lang daw kita at dahil daw sa akin ay hindi ka magiging masaya. Ate, totoo ba 'yun?"

Umusbong ang galit sa puso niya dahil sa narinig at hinawakan sa magkabilang pisngi ang kapatid para titigan.

"Hindi totoo 'yun, Rica. Nagsisinungaling lang siya. Ikaw ang dahilan kung bakit ako masaya at kailanman ay hindi ka magiging pabigat sa akin. Ikaw ang lakas ko, tatandaan mo iyan palagi, bunso, ha?"

Tumango ito at pinunasan naman niya ang luha sa mukha nito bago ito muling niyakap. Nang makatulog ang kapatid ay agad niyang pinuntahan ang kwarto ng pinsang limang taon lamang ang tanda niya. Ang pinsang mula naman noon ay hindi na niya nakasundo. Nadatnan niya itong hawak-hawak ang cellphone.

"Kung may galit ka sa amin ng kapatid ko ay akin mo ibunton huwag sa kapatid ko! Pati bata ba naman ay pinapatulan mo?!" Nanggagalaiti niyang bulyaw sa pinsan na hindi na nakapagpigil.

Itinigil nito ang ginagawa at nakapamaywang siyang hinarap. "Bakit? Totoo naman lahat ng sinasabi ko! Pabigat siya sa'yo at pabigat naman kayo sa amin. Hindi na nga umangat-angat ang buhay namin dito ay dumadagdag pa kayong mga hampas lupa kayo!"

Hindi napigilan ni Coreen ang sarili at nasampal ang pinsan. Mabilis ang tibok ng puso niya dahil sa labis na galit na nararamdaman ng mga sandaling iyon at nanginginig ang kamay. Gusto pa niya! Hindi lang sampal ang gusto niyang pakawalan pero ayaw niyang sumama ang loob sa kanya ng tiyahin niya.

"Sabihin mo na lahat sa akin pero huwag na huwag mong kakantiin ang kapatid ko. Ako ang harapin mo at huwag ang batang walang muwang dahil magmumukha ka lang na isang duwag." may diing sabi niya kay Iya na sapo-sapo ang pisngi at masama ang tingin sa kaniya. "And for your information, ako ang nagpapalamon sa iyo."

Hindi ito sumagot at iniwan niya itong nanggagalaiti. Bumalik siya sa kwarto nila ng kapatid niya at muli itong tinabihan. Alam niyang magsusumbong ito sa tiyuhin niya ngunit alam rin niyang hindi siya kayang paalisin nito dahil kapag nawala sila, wala nang magbibigay ng tulong sa kanila.

"Hangga't nabubuhay ako ay hindi ako makakapayag na api-apihin ka ng ninuman." Pangako niya sa natutulog na kapatid.

MABIGAT MAN SA PUSO niyang iwan ang kapatid ay umalis rin ng madaling araw ng Lunes si Coreen para bumalik sa Mansion ng mga Cordillero. Naglakad lamang siya mula sa kanto ng subdivision dahil hindi nagpapapasok ng tricycle sa loob. Habang naglalakad papasok ay nadaanan pa ni Coreen ang matandang katulong na nakatingin sa kaniya. Nginitian niya ito ngunit hindi nito iyon sinuklian at bagkus ay nanatili lamang na nakatingin sa kaniya.

Nang makalayo-layo at nang lingunin niya ito ay nahintatakutan siya nang makitang nakatingin pa rin ito sa kaniya. Dumaloy ang kilabot sa buo niyang katawan at mas lalo niyang binilisan ang paglalakad.

Ngunit kung mamalasin ka nga naman ay biglang bumuhos ang malakas na ulan at napamura na lamang siya nang maalalang naiwan niya ang payong sa bahay nila. Nakataas ang mga kamay sa ulo ay tinakbo niya ang Mansion at nang sa wakas ay makapasok sa loob ng gate ay basang-basa siya.

"Paano ako papasok nito sa loob? Ay, bahala na! Pupunasan ko na lang ang mga mababasa ko." sabi niya sa sarili bago binuksan ang pinto at patakbong umakyat sa kwarto niya at dali-daling pumasok sa banyo para kumuha ng tuwalya. Nilagay niya ito sa ulo niya at inilapag ang hawak na bag sa sahig bago sinimulang hubarin ang suot na basang pantalon, sinunod niya ang damit na halos dumikit na sa katawan niya.

Ngayon ay nakatayo siya sa gitna ng kwarto na walang suot kung hindi ang undergarments niya. Tinuyo-tuyo niya ang buhok niya at ang katawan niya nang kusang matigilan. Biglang nagtaasan lahat ng balahibo niya sa katawan at nanlaki ang kaniyang mga mata nang maramdaman ang pamilyar na sensasyon ng pakiramdam na may nakatitig sa iyo. At hindi lang ito basta titig.

Imposible. Sabi niya sa sarili at kumabog ang dibdib.

Unti-unti ang ginawa niyang paglingon sa kaniyang likuran habang yakap-yakap ang tuwalya at ganoon na lamang ang gulat niya nang walang makitang bakal kung hindi salaming pader.

At hindi, hindi lang iyon ang dahilan kung bakit siya nagulat. Kung hindi ang katotohanang ang lalaki sa kabilang banda ay kasalukuyan siyang hinuhubaran gamit ang pares ng mga mata nitong tila nag-aapoy at halos lamunin na si Coreen. Hindi niya lang nasaksihan kung paano siya nito tignan mula ulo hanggang paa, halos maramdaman na rin iyon ni Coreen na para bang nasa harapan lamang niya si Royce.

At nang mapagtanto niya ang nangyari, isang sigaw ang pinakawalan niya.

 

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status