MADALING ARAW pa lang nang umalis si Coreen sa Mansiyon ng mga Cordillero. Binagtas niya ang madilim-dilim pang daan palabas ng subdivision ngunit meron naman siyang mangilan-ngilang taong nakakasabay kaya hindi siya kabado. Sabik na kasi siyang makauwi upang makita ang kapatid na si Rica.
Paglabas ng subdivision ay agad naman siyang nakakita ng masasakyang jeep pauwi sa kanila. Habang lulan ng jeep ay lumipad ang isip niya sa naiwang lalaki sa mansiyon. Paano kaya ito nakaka-survive nang mag-isa? Does he eat out? Order? Come to think of it, the most she's seen the man doing is to exercise, eat, leave for work at tulog na siya bago pa man ito dumating. Not much has changed between them. Royce is still an asshat and Coreen is still a maid.
Ipinilig ni Coreen ang ulo para iwaglit ang mga naiisip ukol sa binata. Tinitiis na nga niya ang ugali nito kapag kasama niya ito ay sasaktan pa niya ang sarili niya sa pag-iisip tungkol pa rin dito gayung sigurado siyang ni hindi man lang siya pag-aaksayahan nito ng oras na isipin.
Forget about that man and focus on your sister. Sabi ni Coreen sa sarili.
Nang sa wakas ay dumating siya sa kanto nila ay maaraw na. Bago sumakay ng tricycle ay hindi naman niya nakalimutang bilhan ng isang kahong donut na ni-request ng mahal na kapatid. Nakangiti niyang iniabot ang bayad at sumakay na pauwi sa kanila.
Nang makababa ay saglit niyang pinagmasdan ang maliit na bahay na tinirahan nilang magkapatid mula nang masunog ang kanilang bahay. Mayroon itong kinakalawang na gate na kupas na rin ang kulay puting pintura. Ang bahay nila ay gawa naman sa bato ngunit maging ang pintura nito ay unti-unti na ring natatanggal. Ang tiyuhin niya ay isang jeepney driver at ang tiyahin naman niya ay isang maybahay na paminsan-minsa'y tumatanggap ng tahiin.
Isang linggo pa lamang siyang hindi nakakauwi pero pakiramdam niya ay isang taon na mula nang huli niyang makita ang kapatid niya.
Binuksan niya ang pinto at narinig ang pamilyar na ingit nito. Ngunit nawala ang ngiti niya nang makita ang tiyuhin na may inaayos sa jeep nito. Lumapit pa rin siya dito upang magmano kahit na kailanman ay hindi ito naging mabait sa kanilang magkapatid. Ang tingin nito sa kanila ay pabigat lamang.
"Mano po, Tiyong." magalang niyang bati sabay mano dito. Ayaw naman niyang masabihang bastos dahil may pinag-aralang tao si Coreen.
"Buti naman at umuwi ka pa. Aba wala nang ginawa ang tiyahin mo kung hindi alagaan iyang kapatid mo. Mula noon hanggang ngayon ay pabigat pa rin kayo talaga." maaanghang ang mga salitang sabi nito bago bumalik sa ginagawa.
"Pasok na po ako sa loob." pagsasawalang bahala niya sa mga sinabi nito at naglakad na papasok sa bahay.
"Bwisit! Kailan kaya uunlad ang buhay ko?!" rinig pa niyang inis na sabi nito.
Napailing na lang si Coreen sa sinabi ni tiyuhin at agad na tinungo ang kwarto nila ng kapatid. Tatlo ang kwarto sa maliit nilang bahay, ang kwarto ng tiyuhin at tiyahin niya, ang kwarto ng dalawa nitong anak at ang kwarto nilang magkapatid.
Hindi nagpaapekto si Coreen sa mga narinig mula sa tiyuhin at agad na ngumiti pagkabukas ng pinto. Tumambad sa kaniya ang kapatid niyang nakaupo habang gumuguhit at ang tiyahin naman niya ay nagtatahi.
"Hi, bunso!" magiliw niyang bati sa kapatid sabay pakita ng kahon ng donut dito.
Nakita niya kung paanong nagliwanag ang mukha nito at tila ba nawala lahat ng pagod ni Coreen sa bago niyang trabaho. Tinabihan niya ang kapatid at niyakap ito.
"Kumusta? Na-miss mo ba ang Ate?" nakangiting tanong niya dito sabay halik sa noo ng kapatid at himas sa nakatakip nitong ulo.
Unti-unti na kasing naglalagas ang buhok ng kapatid niya dahil sa sakit nito at alam niyang oras na sumailalim ito sa chemotherapy ay mawawala lalo ang mga buhok nito. Ngunit gayunpaman ay isang napakagandang bata ang tingin niya sa kapatid niya. Para kay Coreen ay mukhang anghel ang kapatid niyang si Rica.
"Oo naman, Ate!" masigla rin namang tugon ni Rica sabay kuha sa hawak niyang kahon at binuksan ito.
"Paborito mo 'yan lahat."
"Wow! The best ka talaga, Ate! Kaya love na love kita, eh!" pang-uuto nito sabay kuha sa isang donut at nilantakan na ito.
"Sus! Love mo lang ang Ate kapag may uwi siyang donut." natatawang biro niya dito sabay lapit sa tiyahin para magmano. "Magandang umaga po, Tiyang." nakangiting bati niya sa butihing tiyahin.
"Kaawaan ka ng Diyos." nakangiting bati nito sa kaniya.
"Hindi naman po ba kayo nahirapan dito sa makulit na ito?" tanong niya dito sabay marahang pisil sa pisngi ng kapatid at ibinaba ang hawak na malaking bag na naglalaman ng mga ginamit niyang damit.
"Hindi kaya ako makulit, Ate. Behave kaya ako."
"Oo na, oo na. Naniniwala na ako."
"Kumusta naman sa bago mong trabaho, Coreen?" dinig niyang tanong ng tiyahin habang inilalabas ang mga maruruming damit mula sa bag niya.
"Okay lang naman po. Medyo masungit nga lang 'yung amo ko pero okay naman po. Kayang-kaya po." nakalingong sagot niya dito bago ibinalik ang atensyon sa ginagawa.
"Masungit? Bakit matandang binata ba?"
Bahagya siyang natawa sa tinuran ng tiyahin. "Nako,' tiyang. Mas matanda lang ho sa akin ng dalawa pero opo, parang matandang lalaki kung magsungit."
'"Ayieh. Gwapo, Ate?" panunukso naman ng kapatid niyan
"Tse."
Ginugol ni Coreen ang buong araw ng Sabado niya sa paglalaba ng mga damit niya at ng kapatid niya. Pagkatapos ay sinamahan naman niya ito sa pagguhit at pagkukulay sa kama nila. Kung tutuusin ay nakakapaglakad pa naman si Rica ngunit mabilis siyang mapagod at pinayuhan na rin sila ng doktor nito noon na huwag na ito masiyadong paglakarin dahil napu-pwersa raw ang mga buto nito kaya naman gustuhin man niyang ipasyal ang kapatid ay hindi maaari. Kapag nakapagipon-ipon pa siya ay bibili siya ng wheelchair na magagamit nito.
Kinagabihan ay tahimik nilang pinagsaluhan ang isang masarap na hapunan na pinagtulungan nilang lutuin ng tiya niya. Matapos magdasal ay inasikaso iya ang kapatid.
"Kumain ka ng marami, ha?" malambing na sabi niya sa kapatid sabay himas sa ulo nito.
"'Wag lang mas marami sa amin." ismid ng isa sa dalawang pinsan niyang babae. Si Iya ang masasabi niyang nagmana ng ugali ng tiyuhin niya samantalang ang kapatid naman nitong si Anna ay mabait namang kagaya ng tiyahin niya.
"Kumain ka nang kumain, Iya." saway ng tiyahin niya sa anak.
"Bakit mo sinasaway ang Anak mo? Hayaan mo siyang magsalita sa sarili niyang pamamahay." pagtatanggol naman ng tiyuhin niya sa panganay na anak.
Hindi siya umimik at nginitian na lamang ang kapatid at sinenyasan itong kumain nang kumain. Ano ba ang sasabihin niya? Masakit man ang kaniyang mga naririnig ay pawang katotohanan lang naman ang mga ito.
Pangarap ni Coreen na magkaroon rin sila ng sarili nilang bahay balang-araw ngunit sa ngayon ay ang paggaling muna ng kapatid niya ang pagtutuunan niya ng pansin. Sa ngayon ay titiisin muna niyang makisama sa mga ito.
Napabuntong-hininga na lamang si Tiya ngunit hindi na nagsalita pa. Pinagpatuloy nila ang pagkain at nang matapos ay dumiretso na si Iya sa kwarto nito habang si Anna ay tinulungan siya sa pagliligpit at pag-uurong.
"Pasensya ka na kay Ate Iya, Ate, ha? Medyo may pagka-m*****a talaga 'yon, eh." hinging paumanhin nito para sa kapatid.
"Okay lang,' no? Medyo sanay na ako at tiyaka isa pa, tama naman siya." nakangiting sabi niya sa pinsan habang sinasabon ang mga pinggan.
"Pamilya kaya tayo, dapat nagtutulungan tayo at hindi nagsasakitan." sabi nito habang itinataob ang mga inurong niya. "Isa pa, ang totoo niyan ay hanga ako sa'yo, Ate Coreen. Biruin mo nagpapakahirap ka mag-trabaho para kay Rica."
Parang may humaplos naman sa puso ni Coreen sa narinig na sinabi ni Anna. "Salamat, Anna."
"Wala 'yun."
Naputol ang usapan nila nang lumapit ang tiyuhin niya. "Coreen, bigyan mo nga ako ng limang daan at magpapainom lang ako." utos nito sa kaniya.
Napabuntong-hininga siya. Hindi na talaga ito nagbago, mula nang mga bata pa lamang sila ay manginginom na ito at kalahati ng kita nito ay napupunta sa alak. Madalas rin siyang hingan nito at kahit pa tutol siya ay wala siyang magawa.
"Pasensya ba po, Tiyong. Ngayong darating na linggo pa ho ang sweldo ko."
"Anak ng puta!" mura nito sabay hampas sa mesa na ikinapiksi nilang magpinsan. "Wala na akong napala sa inyong magkapatid! Mga pabigat na wala pang maitulong!" bulyaw nito at padabog na lumabas ng bahay.
Napapikit si Coreen at napakapit sa lababo nila. Pinigilan niya ang sariling mapaiyak dahil sa awa sa sarili niya at sa kapatid niya. Ilang taon na ba nilang tinitiis ang mga salita nito? Ilang taon pa ba silang magtitiis?
"Okay ka lang ba, Ate?" dinig niyang tanong ni Anna ng may pag-aalala sa tono.Bumuga muna siya ng hangin bago itininuloy ang ginagawa. Mabigat ang kalooban at masama ang loob sa tiyuhin. '"Oo, ayos lang."Kahit hindi na. Kahit sawa na ako at ubos na. Pagod na pagod na ako na sa tuwing uuwi ako ay parang bangko ang tingin sa akin ni tiyong. Hindi maiwasang sabihin niya sa sarili."Wow, ang galing naman ng kapatid ko." puri niya sa kapatid nang ipakita nito sa kaniya ang ipininta nito ngunit kusa rin siyang natigilan nang mapagtanto kung ano ang iginuhit nito.Ito ang bahay nila noon, sa harap ng bahay ay magkakahawak sila ng Kamay ng nasira niyang mga magulang. Malungkot siyang ngumiti sa kapatid na may namumuong mga luha sa mata."Ate, miss na miss ko na sila Papa at Mama." naluluhang sabi nito at wala siyang nagawa kung hindi yakapin ang kapatid at aluhin ito."Ssh, bunso. Nandito naman si Ate, 'di ba? Hinding-hindi ka iiwan ni Ate." hinalikan niya ito sa ulo. "Hinding-hindi aalis s
MABILIS NIYANG ITINAKIP ang tuwalya sa kaniyang katawan ngunit alam niyang huli na ang lahat dahil nakita na nito iyon at ang kaninang gulat na naramdaman ay napalitan ng galit. Lumapit siya sa salaming pader na may ilang butas na hindi na niya gusto pang isipin kung para saan at dinuro ang lalaking ngayon ay nakangisi na sa kaniya."Isa kang malaking manyak! Bakit salamin 'to gayung bago ako umalis ay pader pa ito, ha?!"Royce raised his eyebrow and sat up from his leaning position earlier. Pinagsiklop niya ang mga naka-guwantes na kamay sa harapan niya. "I don't know, actually. It just ended up that way." kibit balikat na sabi nito na lalong ikinalaki ng ulo niya."Ano'ng akala mo sa akin, tanga? Look here, Mr. Cordillero. Hindi ko alam kung ano ang plano mo o nilalaro mo but if this is another scheme of yours to kick me out, I'm sorry to tell you this pero hindi ka mananalo."Hindi nagbago ang ekspresyon nito sa sinabi niya, tila hindi tinablan ng mga salita niya. "I don't know wha
Mabilis niyang iniligpit ang mga gamit at nagmamadaling lumabas ng kwarto, muntik pa siyang madapa dahil sa pagtakbo para lang matigilan nang pagbaba niya ay makita niya ang tumatawang si Royce na pinatay ang tunog ng alarm.Umakyat lahat ng dugo niya sa ulo at marahas na binitawan ang mga bitbit na gamit na hindi maayos ang pagkakalagay. "Hindi nakakatawa!" galit niyang sigaw dito."Sinusubukan ko lang naman kung alisto ka at kung maililigtas mo ba ako," he said with a snicker. "Nice reflexes." tumatango-tangong sabi nito at pumasok sa isang silid."Bwisit!" inis niyang sabi sa sarili at bumalik sa kwarto para muling ayusin ang mga gamit niya.Nang oras na para matulog ay tahimik siyang nahiga sa kama niya at nagkumot. Iisipin na lamang niyang muling bakal ang pader niya at walang lalaki ang posibleng pinagmamasdan siyang matulog. Ipinikit na niya ang mga mata at pinilit ang sariling makatulog. Nang unti-unti na siyang hinihila ng antok ay napadilat siya bigla nang makarinig ng tunog
"YOU USED TO BE a secretary before so what I'm about to say wouldn't be too hard to remember." he said while walking back and front at the other side of the mirror wall. "There will be five stages for being my plaything at sa bawat pagtaas ng stages ay ang pagtaas rin ng amount. When do you wanna start this?""Kahit ngayon na." pikit mata niyang sabi kahit na kinakabahan siya. Hindi niya alam kung ano ang ipapagawa nito sa kaniya. Paano kung ang pagkabirhen kaagad niya ang hingin nito?Para namang nabasa nito ang nasa isipan niya. "Don't worry, hindi ko gagalawin ang iniingatan mong yaman."Palihim siyang huminga nang malalim. "Sino may sabing virgin ako?" pagtanggi niya pero ang nag-iinit niyang mga pisngi ay sapat na upang maging sagot at gusto niyang sampalin ang sarili."Oh, believe me, I knew the moment you walked in." he mysteriously said that left her confused ngunit bago pa siya makapagtanong ay dinugtungan nito ang sinasabi. "The first stage is fifty thousand pesos."Sa nari
"ANG TAPANG-TAPANG naman ni bunso." nakangiting bati niya sa kapatid.Kakatapos lamang ng unang session nito sa chemotherapy at mababakas sa mukha ni Rica ang pagod. Pinaalam na sa kanila ng Doktor ang ilang side effects na maaari nitong maranasan, kasama na riyan ang unti-unting pagkaubos ng mga buhok nito, madaliang pagkakaroon ng pasa at iba pang sintomas.Sa kabila ng takot na alam niyang naramdaman ng kapatid ay nagpakatatag ito para sa kaniya kaya naman walang pagsidlan ang kaligayahan ni Coreen. Wala siyang pinagsisisihan at pagsisisihan sa mga ginawa at gagawin pa niya dahil lahat naman ito ay para kay Rica."Siyempre, Ate. Mana sa'yo." nakangiti ngunit inaantok na sabi ni Rica.Hinaplos niya ang ulo nito. "Tulog ka na muna, bunso. Mukhang antok na antok ka na." malambing niyang sabi."Eh, Ate, gusto pa kitang makasama, eh. Mamaya kasi papasok ka na at iiwan mo na ako." may himig pagtatampong sabi nito."Bunso, alam mo naman na may work si Ate, 'di ba? Pero araw-araw rin naman
UNTI-UNTING HINUBAD ni Coreen ang suot na roba na tumatakip sa kaniyang kahubdan gamit ang nanginginig na mga kamay. Roba ba tila isang sawa na sinasakal siya. Nang tuluyang matanggal mula sa pagkakabuhol ay hinayaan niya itong malaglag sa kaniyang paanan.She bit her lip and resisted the urge to cover herself as she felt Royce's burning gaze at her body. She just let her long black hair cover her breasts for a while. Coreen stood at her room, at the foot of her own bed not knowing what to do.Sa totoo lang ay kailanman ay hindi pa niya nagawang paligayahin o hawakan man lamang ang kaniyang sarili sa ganoong paraan. Yes, she experienced pleasure before and even got her first ever orgasm from James but she never touched herself down there. She didn't feel the need to. Never."Lay back and give me a good view of your most prized possession, woman." Rinig niyang utos ni Royce.Heat rushed in her cheeks at his words before she obeyed. Nahiga siya sa sariling kama at nanginginig na itinaas
Despite whatever's happening in her life, Coreen still considered herself lucky. Oo nga't ulilang lubos na silang magkapatid, oo nga't mayroong sakit ang kaniyang kapatid ngunit nagpapasalamat pa rin siya sa Diyos dahil ibinigay nito sa kaniya ang kaniyang kapatid na si Rica. There are ups and downs, but what is life without challenge? Ang buhay naman kasi ay hindi puro kasiyahan at pag-ibig lamang.Kung ibang tao lamang ang nasa katayuan niya baka kinamuhian na nila ang Panginoon at kwinestiyon at inaamin niyang may pagkakataong sumasama ang kaniyang loob ngunit sa huli, siya lang rin ang matatakbuhan natin."Maraming salamat po, Mama Mary, Jesus at Papa God. Sana po ay lagi ninyong gabayan ang aking kapatid na si Rica at huwag niyo sana siyang pababayaan." taimtim niyang bulong sa itaas habang nakaluhod at nakayuko. Pagkuwa'y tumayo na para pumunta sa palengke.Tumungin siya sa orasan at nakitang mag-a-alas-sais na kaya naman binilisan na niya ang lakad. Kailangan niyang matapos mam
Diyos ko, kung ito na po talaga ang katapusan ko ay kayo na ho sana ang bahala sa kapatid ko. Diyos ko si Rica. Napapikit nang mariin si Coreen habang hinihintay na tapusin ni Royce ang kaniyang buhay. Hindi ko man lamang nasabi sa kapatid ko kung gaano ko siya kamahal. Ni hindi ko man lamang siya makikitang gumaling. Paano na siya? Sino na lang ang ang magbabantay sa kapatid ko kapag patay na ako?Tears started falling from her face while her lips are shaking because of the fear; fear of actually leaving her Sister behind and not because of dying."That's it? Hindi ka man lang magmamakaawang huwag kang patayin? Hindi ka man lamang lalaban? Where is the fight in you, woman?" She heard Royce's sigh and when she opened her eyes, nakita niyang ibinaba nito ang baril na hawak habang umiiling na nakaupo sa mesa.Nakahinga nang maluwag si Coreen sa nakita bago ibinuka ang nanunuyong mga labi. "H-hindi mo na ako p-papatayin?"Royce stared at her with a blank face before he kicked the body on