BriannaNagising ako dahil sa malakas na pagsampal sa mukha ko ng kung sino mang taong sumampal sa akin. Pagmulat ko ng aking mga mata ay nakita ko sa harapan ko ang nakangising mukha ni Bridget at ng kanyang amang si Roberto Suarez na isang takas sa kulungan.Lumapit sa akin si Mr. Suarez at mariing hinawakan ang aking baba at itinaas. "Ikaw pala ang Brianna na tinutukoy ng anak ko na siyang dahilan kung bakit ako nakulong at bakit nagkanda-letse ang aking negosyo." Ipiniling ko ang aking ulo ng malakas para makawala sa kanyang pagkakahawak. Nakawala nga ako ngunit mabilis niyang nahawakang muli ang mukha ko at mas mariin na ngayong ang kanyang pagkakahawak."Negosyo ang tawag mo sa basurang ginagawa mo? Ang dapat sa'yo ay mabulok sa bilangguan. Mamamatay tao!" sigaw ko sa kanya pagkatapos ay dinuraan ko siya sa mukha. Hindi ako magmamakaawa sa taong halang ang kaluluwa na kagaya niya dahil alam kong hindi niya ako pakikinggan. Siguradong papatayin din niya ako kaya bakit hindi ko n
Brianna Tama si Bridget nang sinabi niya na hindi lamang ang kanyang ama ang magiging customer ko dahil pagkatapos akong pagsamantalahan ng kanyang ama ay ipinasok niya ako sa lugar kung saan ang mga babae ay sapilitang nakikipagtalik sa mga customers. Hindi lamang mga kapwa Pilipino ang mga customers kundi maraming foreignera din. At sa tingin ko ay puro mayayaman ang mga pumapasok sa loob ng bahay-aliwan na pinagdalhan sa akin ni Roberto Suarez.Hindi lang isa o dalawang beses na may umaangkin sa akin na mga customer. At sa bawat pag-angkin nila sa katawan ko ay lihim kong hinihiling na sana ay mamatay na lang ako kaysa ang patuloy na babuyin ng mga hayok sa laman ang aking katawan. Ngunit sadyang madamot ang kapalaran sa akin dahil hindi pa ako namamatay. Ilang ko nang tinangkang magpakamatay ngunit palagi akong nahuhuli ng mga tauhan ni Suarez. At kapag nahuhuli nila ako ay pinapasakitan nila ako ng todo.Dalawang Linggo na akong nasa pugad ng mga taong makasalanan at hindi na ak
BRIANNASa tingin ko ay hindi alam ni Mr. Suarez ang tungkol sa binabalak na pagsalakay ng mga pulis sa lugar na ito dahil hindi naman kami inilipat sa ibang lugar katulad ng sinabi ng nakausap kong pulis kahapon. Sa katunayan ay may bagong pasok na naman ito na isang maganda at batam-batang babae. At katulad ko ay ito rin ang nauna sa batang pasok kaysa sa ibang mga customers. Siguradong maghapon siyang magpapakalunod sa kaawa-awang katawan ng babae. Kaya ang ibig sabihin ay wala itong kaalam-alam sa balak na pagsalakay ng mga pulis. Saka tsamba ang pagsalakay nila dahil maraming mga customers ngayon na parehong mga Pilipino at foreigners.Hindi ako nagdalawang isip na pindutin ang button ng dalawang beses na ang ibig sabihin ay maaari nilang salakayin ang bahay-aliwan na ito pagkat hindi natunugan ni Mr. Suareza ang balak ng mga pulis na pagsalakay. Pagkatapos ay mabilis akong naligo at nahiga sa maliit kong kama. Bawat isa kasi sa amin ay may kanya-kanyang kuwarto kaya kahit ganito
Brainna"Brianna," ulit ni Dean sa pagsambit sa aking pangalan. Hindi ako makagalaw at basta na lamang tumulo ang luha ko dahil sa wakas ay muli kong nakita ang mahal ko. Akala ko talaga ay hindi ko na siya makikita pang muli. Ngunit sa halip na tumakbo ako palapit sa kanya at magpakulong sa kanyang mga bisig ay tinalikuran ko siya. Kahit na gustong-gusto ko siyang yakapin ng mahigpit ay pinigilan ko ang aking sarili. Nahihiya akong humarap sa kanya at makipag-usap. Nang akmang tatakbo siya palapit sa akin ay pinigilan ko siya."Hanggang diyan ka lang, Dean. Huwag mo akong lapitan," pinigil ko ang aking sarili na huwag pumiyok ang aking boses. "Bakit, Brianna? Hindi ka ba masaya na muli mo akong makita? Hindi ka ba nananabik na makita akong muli katulad ng pananabik ko sa'yo?" may pagdaramdam sa tono ng boses nito nang magsalitang muli.Nananabik din ako sa'yo, Dean. Miss na miss na kita. Kung alam mo lang. Ngunit wala na akong mukhang maihaharap pa sa'yo. Isa na akong maruming baba
Dean PovHindi ako mapakali habang nasa loob ng operating room si Brianna. Walang tigil ang pagdarasal ko na sana ay makaligtas siya. Hindi ko kakayanin kung may masamang mangyari sa kanya. Kanina nang makita ko ang pag-aalinlangan sa kanyang mukha nang makita ako ay nakadama ako ng takot. Alam ko kung ano ang iniisip niya. Alam kong iniisip niya na marumi na siyang babae kaya hindi na siya nararapat sa akin. Ngunit wala akong pakialam kahit ano pa man ang nangyari sa kanya. Para sa akin ay siya pa rin ang Brianna na minahal ko noon pang mga teenager pa lamang kami. At kahit kailan ay hinding-hindi na magbabago pa ang nararamdaman ko sa kanya."Kuya Dean, lumabas na ang doktor na nag-opera kay Ate Brianna," biglang kausap sa akin ni Bryle kaya naputol ang aking pag-iisip. Puno ng pag-aalala na tumayo kaming dalawa ni Bryle at sinalubong ang doktor na palapit sa amin."Sino sa inyo ang kapamilya ng pasyente?" salubong na tanong sa amin ng doktor habang pinaglilipat-lipat sa aming dal
Brianna PovGandang-ganda ako sa aking sarili habang tinititigan ko ang aking sarili sa harapan ng malaking salamin. Nakasuot ako ng puting-puting wedding dress na lalong nagpalitaw sa angkin kong kagandahan. It's been a month magmula nang makalabas na ako sa hospital. Hindi tumigil si Dean sa panunuyo sa akin hanggang sa muli niyang napalambot ang aking puso. Agad niya akong inalok ng kasal na hindi ko naman tinanggihan. Gusto niyang magpakasal muna kami sa huwes bago sabay kaming uuwi sa probinsiya namin para doon naman ganapin ang aming church wedding. Pinangarap kong makasal sa kanya kaya kahit saang huwes o korte ay pakakasalan ko siya. Alam ng mga malalapit sa puso namin na magpapakasal kami ngayon kaya naman nasa bahay nila ni Dean, kung saan gaganapin ang maliit na salu-salo, at hinihintay na lamang nila kami.Ngayon nga ay narito kami sa boutique na pag-aari ng sikat na fashion designer na kaibigan ni Dean. Namili kami ng isusuot namin para sa kasal namin mamaya. Natuwa ako
BriannaHalos magkasabay kaming pinagbalikan ng malay tao ni Dean. Nanlaki ang mga mata ko nang makitang nasa loob pa rin kami ng kanyang sasakyan ngunit parehong nakatali ang aming mga kamay at paa sa upuan. Si Dean ay nakatali at nakadiin ang paa sa may accelerator ng kotse. "Bri, are you okay? Hindi ka ba sinaktan ng lalaking iyon?" nag-aalalang tanong ni Dean sa akin nang pagbalikan siya ng malay. Hindi nito alintana ang umaagos na dugo mula sa ulo nito dahil sa malakas na pagkakapalo ng baril ng lalaki sa ulo nito. "I'm okay, Dean. Pero ikaw, may sugat ka." Ako itong labis na nag-aalala sa kalagayan niya kaysa sa akin dahil siya ang may sugat at hindi ako "I'm okay. Hindi mo ba kayang kalagan ang sarili mo? For sure, hindi masyadong mahigpit ang pagkakatali niya sa'yo dahil babae ka. Iisip ng taong iyon na kahit hindi niya higpitan ang pagkakatali sa'yo ay hindi ka pa rin naman makakakawala.""Susubukan ko." Sinubukan kong kalagin ang pagkakatali ng aking mga kamay. At tama si
BriannaPagmulat ko ng mga mata ay nasa loob na ako ng hospital at binabantayan nina Peter, Bryle, at Desna."Thank God, gising ka na rin sa wakas, Ate Bri," kausap sa akin ng kakambal ko nang makita niyang iminulat ko ang aking mga mata. Nilapitan niya ako at hinawakan ng mahigpit ang ang dalawa kong mga kamay.Bahagya kong itinulak ang kakambal ko at nagpalinga-linga ako sa paligid ng room. Hinahanap ko si Dean. "Nasaan si Dean, Bryle? Nasaan siya? Gusto ko siyang makita."Unfortunately, nasa in-denial stage pa ako. Hindi ko matanggap ang nangyari kay Dean kaya pilit kong iniisip na nakaligtas siya t nasa loob din siya ng hospital."Ate Bri, wala na si Kuya Dean. Masyadong mataas at matarik ang bangen tapos sumabog pa ang kotse niya kaya imposibleng mabuhay siya." Isinampal ni Bryle sa mukha ko ang katotoohanan na pilit kong tinakasan."No! Hindi totoo iyn, Bryle! Nakaligtas si Dean! Dalawa kaming nakaligtas!" sigaw ko. Pilit akong bumangon sa kama dahil pupuntahan ko si Dean ngunit
BRIANNAMalayang tinatangay ng hangin ang mahaba kong buhok habang nakatayo ako sa gilid ng baybayin sa isang isla sa Samar kung saan ako naroon ngayon. Probinsiya ito ni Desna at siya ang nagsabi sa akin na masarap daw magbakasyon sa probinsiya nito dahil malapit sila sa tabing-dagat kaya presko ang hangin. Kaya nang inalok ako ni Desna na magbakasyon sa bahay-bakasyunan nito ay hindi ako nagpatumpik-tumpik pa at tinanggap ang alok niya. At hindi naman ako nagsisi na nagpunta ako rito dahil maliban sa totoong presko ang hangin ay nakapag-isip-isip na rin ako ng maayos. Tama si Bryle. Ang lahat ng hindi magagandang nangyari sa amin ay pagsubok lamang sa amin ni Dean. Pagsubok na parehong nalampasan namin. Bryle was right when he said that I should give myself another chance to feel happiness. And only Dean could give me that happiness. Only he would make me happy. Sa loob ng halos tatlong buwan kong pananatili rito sa isla ay madalas tumatawag sa akin si Bryle para sabihin na nakikiu
BRIANNANang pagbalikan ako ng malay ay nasa loob na ako ng aking silid at nakahiga sa aking kama, sa tabi ko ay naroon si Peter at nakayupyop ang ulo sa gilid ng aking kama at natutulog. Biglang umahon ang galit ko nang maalala ko ang sinabi niya bago ako nawalan ng malay. Bigla ko siyang pinaghahampas ng aking mga kamay."Bakit mo pinatay si Dean? Ano ang kasalanan niya sa'yo?" umiiyak na tanong ko kay Peter habang walang tigil ko siyang hinahampas ng aking mga kamay.Pupungas-pungas pa si Peter nang magising dahil sa sakit ng mga hampas ko sa kanya. Bigla itong napatayo at napaatras palayo sa akin."Calm down, Brianna! I am just kidding, okay?" pag-amin ni Peter sa akin. "Ganyan ba ang tingin mo sa akin? Mamamatay tao? At isa pa, hahayaan ba ni Dean na patayin ko siya? Eh, mas magaling siyang makipaglaban kaysa sa akin."Sa aking narinig ay bigla akong napaiyak ng malakas. "I hate you, Peter. How could you joke at me like that?"Lumapit si Peter sa akin at nako-konsensiyang niyakap
BriannaNanlalaki ang mga mata ko at hindi ako makapaniwala habang nakatitig kay Dean na siya palang kausap ni Rex sa opisina nito. Buhay si Dean. At higit sa lahat ay tama ang una kong hinala na siya at si Lance ay si Dean. Pero bakit niya iyon ito ipinagkaila sa akin? Bakit hinayaan niya ako magdusa sa pagkawala niya?Mabilis na tumayo sa kinauupuan niya si Dean at nilapitan ako. Kinabig niya ako at niyakap ng mahigpit. "I'm sorry, Brianna. I'm sorry that I lied to you. I'm very sorry that I hid the truth that I'm alive."Ipinikit ko ng mariin ang aking mga mata at dinama ang mainit niyang yakap. Akala ko ay hindi ko na mararanasan pang muli ang mayakap ng lalaking pinakamamahal ko.Akmang tutugunin ko na ang yakap niya nang sumagi sa isip ko ang mga paghihirap ng loob na ininda ko dahil sa pag-aakala kong patay na siya. Sukat sa isiping iyon ay itinulak ko siya at binigyan ng isang malakas na sampal sa mukha."Masaya ka ba sa ginawa mong pagpapanggap na patay ka na? Nag-enjoy ka ban
BriannaPapasok na ako sa kotse ko nang biglang may tumawag sa pangalan ko. Napakunot ang noo ko nang makita kong si Lance ang tumawag sa akin. Biglang bumilis ang pintig ng aking puso pagkakita ko sa kanya ngunit agad kong isinantabi ang dahilan kung bakit ganoon ang reaksiyon ko nang makita ko siya. Mas napagtuunan ko ng pansin ang ginawa niyang pagbanggit sa pangalan ko."Bry, sandali lang. Gusto lang kitang makausap," sabi niya nang makalapit siya sa akin."Bakit mo alam ang pangalan ko? Kung hindi ka si Dean ay bakit alam mo ang palayaw niya sa akin?" Hindi siya si Dean pero bakit alam niya ang palayaw ko?"Nakalimutan mo na ba na binanggit mo nag palayaw mo noong unang beses na nagkita tayo? Kahit ang kaibigan mong si Desna ay tinawag binanggit naman niya ang pangalan mo," mabilis na paliwanag ni Dean.Huminga na lamang ako ng malalim. Hindi ko matandaan kung binanggit ko pa ang oangalan ko o hindi nang gabing iyon."Ano ang kailangan mo sa akin? Bakit mo ako sinundan? Hindi ka
BriannaKagagaling ko pa lamang sa lugar kung saan nahulog ang kotse ni Dean. Binisita ko ang lugar na iyon dahil gusto kong suriing mabuti kung may pag-asa bang makaligtas ang taong nahulog sa bangin na iyon. Ngunit kahit anong suri at posibilidad ay mukhang malayo na makaligtas si Dean sa nangyaring aksidente maliban na lamang kung may kapangyarihan siya. But he is just an ordinary person kaya imposible talaga na makaligtas siya.Sa halip na magtungo sa aking coffee shop ay nagdesisyon akong magtungo na muna sa mall at mag-ikot-ikot. Nang mapagod ay pumasok ako sa isang cake shop para mag-megmeryenda. Kasalukuyan akong kumakain ng isang slice ng strawberry cheesecake na binili ko nang makatanggap ako ng text mula kay Desna. Inimbitahan niya ako na dumalo sa award night next day, kung saan ay isa ito sa mga young fashion designer sa bansa na makatanggap ng award.Naisip ko na kailangan ko rin libangin ang sarili ko kaya sinabi ko sa kanya na aattend ako. Agad ko nang tinapos ang akin
BriannaMagmula nang nalaman ko na hindi si Dean ang lalaking nakita ko na kamukha niya sa loob ng bar ay pilit kong iwinaglit siya sa aking isip. Naisip ko na tama si Rex. Dapat mag-move on na ako. Ayokong hindi matahimik ang kaluluwa ni Dean dahil hanggang ngayon ay hindi ko pa rin nakakalimutan ang mapait niyang sinapit.Para malibang ko ang sarili ko ay madalas akong nagtutungo sa mall pagkatapos magsara ng coffee shop ko. Kagaya ngayon, maaga kaming nagsara dahil birthday ng dalawang staff ko. At dahil maaga pa kaya ipinasya kong maglibot sa mall hanggang sa mapgod ako. Kagaya ng madalas kong ginagawa ay saka lamang ako uuwi sa bahay ko kapag nakaramdam na ako ng pagod at antok. Pagdating ko sa bahay ay matutulog agad ako kaya hindi ko na maiisip si Dean.Ngayon ay naabutan ako ng pagsasara ng mall dahil nanuod pa ako ng sine kaya paglabas ko ay mga sarado na pala ang bawat stall sa loob ng mall. Nagmamadaling lumaba ako ng mall dahil nakakaramdam na ako ng antok.Punuan ang park
Brianna"D-Dean?" mahina ang boses na sambit ko sa taong pumigil sa kamay nang akmang gagantihan ko na ang ginawang pananampal sa akin ng babae."Don't you dare hurt her," nagtatagis ang mga ngipin na babala sa akin ni Dean. Matalim ang tingin niya at para bang hindi niya ako kilala na aking ipinagtaka."Dean. Is that really you? You're alive!" bulalas ko. Hindi ako makapaniwala sa aking nakikita. Narito sa harapan ko si Dean at buhay na buhay. Pero paano nangyari iyon?Akmang yayakapin ko na siya ngunit biglang humarang ang babaeng nanampal sa akin."Hey! Bitch! Get away from him!" galit na sigaw nito sa akin."Let's go, Mina. Ipinapasundo ka na sa akin ng ama mo," kausap ni Dean sa babaeng Mina ang pangalan. Hinawakan nito sa balikat ang babae at hinila para umalis sa bar na kinaroroonan namin.Isang taon akong nangulila sa kanya. Isang taon akong nagdusa dahil inakala kong patay na siya. At ngayong nandito siya sa harapan ko ay hindi ko siya hahayaang mawala sa paningin ko nang hin
BriannaMabilis na lumipas ang mga araw hanggang sa naging Linggo, naging buwan at umabot na ng isang taon. Isang taon nang patay si Dean ngunit sariwa pa rin sa aking puso ang sakit at alaala ng kanyang mga huling sandali na kapiling ko siya.Sa loob ng isang taon ay pinilit kong mabuhay. Kumakain ako, umiinom, natutulog ngunit pakiramdam ko ay patay na ang kaluluwa ko. Sumama na ito kung nasaan man ngayon si Dean. Minsan ngumiti rin ako na hindi umaabot sa aking mga mata. Nabubuhay na lamang ako dahil ayokong masayang ang pagbubuwis ng buhay ni Dean para lamang mailigtas ako."Aalis ka, Ma'am Brianna?" tanong sa akin ni Petchy, ang cashier ng aking coffeeshop.Pinalaki ko ang aking coffeeshop at dito na lamang ibinugos ko ang lahat ng aking atensiyon. Ako ang madalas nagbabantay sa cashier ngunit kapag umaalis ako at may lakad ako ay si Petchy ang humahalili sa akin."Yes, Petchy. First death anniversary ngayon ng asawa ko at dadalawin ko siya ngayon." Hindi man kami natuloy na ikin
BriannaPagmulat ko ng mga mata ay nasa loob na ako ng hospital at binabantayan nina Peter, Bryle, at Desna."Thank God, gising ka na rin sa wakas, Ate Bri," kausap sa akin ng kakambal ko nang makita niyang iminulat ko ang aking mga mata. Nilapitan niya ako at hinawakan ng mahigpit ang ang dalawa kong mga kamay.Bahagya kong itinulak ang kakambal ko at nagpalinga-linga ako sa paligid ng room. Hinahanap ko si Dean. "Nasaan si Dean, Bryle? Nasaan siya? Gusto ko siyang makita."Unfortunately, nasa in-denial stage pa ako. Hindi ko matanggap ang nangyari kay Dean kaya pilit kong iniisip na nakaligtas siya t nasa loob din siya ng hospital."Ate Bri, wala na si Kuya Dean. Masyadong mataas at matarik ang bangen tapos sumabog pa ang kotse niya kaya imposibleng mabuhay siya." Isinampal ni Bryle sa mukha ko ang katotoohanan na pilit kong tinakasan."No! Hindi totoo iyn, Bryle! Nakaligtas si Dean! Dalawa kaming nakaligtas!" sigaw ko. Pilit akong bumangon sa kama dahil pupuntahan ko si Dean ngunit