BRIANNASa tingin ko ay hindi alam ni Mr. Suarez ang tungkol sa binabalak na pagsalakay ng mga pulis sa lugar na ito dahil hindi naman kami inilipat sa ibang lugar katulad ng sinabi ng nakausap kong pulis kahapon. Sa katunayan ay may bagong pasok na naman ito na isang maganda at batam-batang babae. At katulad ko ay ito rin ang nauna sa batang pasok kaysa sa ibang mga customers. Siguradong maghapon siyang magpapakalunod sa kaawa-awang katawan ng babae. Kaya ang ibig sabihin ay wala itong kaalam-alam sa balak na pagsalakay ng mga pulis. Saka tsamba ang pagsalakay nila dahil maraming mga customers ngayon na parehong mga Pilipino at foreigners.Hindi ako nagdalawang isip na pindutin ang button ng dalawang beses na ang ibig sabihin ay maaari nilang salakayin ang bahay-aliwan na ito pagkat hindi natunugan ni Mr. Suareza ang balak ng mga pulis na pagsalakay. Pagkatapos ay mabilis akong naligo at nahiga sa maliit kong kama. Bawat isa kasi sa amin ay may kanya-kanyang kuwarto kaya kahit ganito
Brainna"Brianna," ulit ni Dean sa pagsambit sa aking pangalan. Hindi ako makagalaw at basta na lamang tumulo ang luha ko dahil sa wakas ay muli kong nakita ang mahal ko. Akala ko talaga ay hindi ko na siya makikita pang muli. Ngunit sa halip na tumakbo ako palapit sa kanya at magpakulong sa kanyang mga bisig ay tinalikuran ko siya. Kahit na gustong-gusto ko siyang yakapin ng mahigpit ay pinigilan ko ang aking sarili. Nahihiya akong humarap sa kanya at makipag-usap. Nang akmang tatakbo siya palapit sa akin ay pinigilan ko siya."Hanggang diyan ka lang, Dean. Huwag mo akong lapitan," pinigil ko ang aking sarili na huwag pumiyok ang aking boses. "Bakit, Brianna? Hindi ka ba masaya na muli mo akong makita? Hindi ka ba nananabik na makita akong muli katulad ng pananabik ko sa'yo?" may pagdaramdam sa tono ng boses nito nang magsalitang muli.Nananabik din ako sa'yo, Dean. Miss na miss na kita. Kung alam mo lang. Ngunit wala na akong mukhang maihaharap pa sa'yo. Isa na akong maruming baba
Dean PovHindi ako mapakali habang nasa loob ng operating room si Brianna. Walang tigil ang pagdarasal ko na sana ay makaligtas siya. Hindi ko kakayanin kung may masamang mangyari sa kanya. Kanina nang makita ko ang pag-aalinlangan sa kanyang mukha nang makita ako ay nakadama ako ng takot. Alam ko kung ano ang iniisip niya. Alam kong iniisip niya na marumi na siyang babae kaya hindi na siya nararapat sa akin. Ngunit wala akong pakialam kahit ano pa man ang nangyari sa kanya. Para sa akin ay siya pa rin ang Brianna na minahal ko noon pang mga teenager pa lamang kami. At kahit kailan ay hinding-hindi na magbabago pa ang nararamdaman ko sa kanya."Kuya Dean, lumabas na ang doktor na nag-opera kay Ate Brianna," biglang kausap sa akin ni Bryle kaya naputol ang aking pag-iisip. Puno ng pag-aalala na tumayo kaming dalawa ni Bryle at sinalubong ang doktor na palapit sa amin."Sino sa inyo ang kapamilya ng pasyente?" salubong na tanong sa amin ng doktor habang pinaglilipat-lipat sa aming dal
Brianna PovGandang-ganda ako sa aking sarili habang tinititigan ko ang aking sarili sa harapan ng malaking salamin. Nakasuot ako ng puting-puting wedding dress na lalong nagpalitaw sa angkin kong kagandahan. It's been a month magmula nang makalabas na ako sa hospital. Hindi tumigil si Dean sa panunuyo sa akin hanggang sa muli niyang napalambot ang aking puso. Agad niya akong inalok ng kasal na hindi ko naman tinanggihan. Gusto niyang magpakasal muna kami sa huwes bago sabay kaming uuwi sa probinsiya namin para doon naman ganapin ang aming church wedding. Pinangarap kong makasal sa kanya kaya kahit saang huwes o korte ay pakakasalan ko siya. Alam ng mga malalapit sa puso namin na magpapakasal kami ngayon kaya naman nasa bahay nila ni Dean, kung saan gaganapin ang maliit na salu-salo, at hinihintay na lamang nila kami.Ngayon nga ay narito kami sa boutique na pag-aari ng sikat na fashion designer na kaibigan ni Dean. Namili kami ng isusuot namin para sa kasal namin mamaya. Natuwa ako
BriannaHalos magkasabay kaming pinagbalikan ng malay tao ni Dean. Nanlaki ang mga mata ko nang makitang nasa loob pa rin kami ng kanyang sasakyan ngunit parehong nakatali ang aming mga kamay at paa sa upuan. Si Dean ay nakatali at nakadiin ang paa sa may accelerator ng kotse. "Bri, are you okay? Hindi ka ba sinaktan ng lalaking iyon?" nag-aalalang tanong ni Dean sa akin nang pagbalikan siya ng malay. Hindi nito alintana ang umaagos na dugo mula sa ulo nito dahil sa malakas na pagkakapalo ng baril ng lalaki sa ulo nito. "I'm okay, Dean. Pero ikaw, may sugat ka." Ako itong labis na nag-aalala sa kalagayan niya kaysa sa akin dahil siya ang may sugat at hindi ako "I'm okay. Hindi mo ba kayang kalagan ang sarili mo? For sure, hindi masyadong mahigpit ang pagkakatali niya sa'yo dahil babae ka. Iisip ng taong iyon na kahit hindi niya higpitan ang pagkakatali sa'yo ay hindi ka pa rin naman makakakawala.""Susubukan ko." Sinubukan kong kalagin ang pagkakatali ng aking mga kamay. At tama si
BriannaPagmulat ko ng mga mata ay nasa loob na ako ng hospital at binabantayan nina Peter, Bryle, at Desna."Thank God, gising ka na rin sa wakas, Ate Bri," kausap sa akin ng kakambal ko nang makita niyang iminulat ko ang aking mga mata. Nilapitan niya ako at hinawakan ng mahigpit ang ang dalawa kong mga kamay.Bahagya kong itinulak ang kakambal ko at nagpalinga-linga ako sa paligid ng room. Hinahanap ko si Dean. "Nasaan si Dean, Bryle? Nasaan siya? Gusto ko siyang makita."Unfortunately, nasa in-denial stage pa ako. Hindi ko matanggap ang nangyari kay Dean kaya pilit kong iniisip na nakaligtas siya t nasa loob din siya ng hospital."Ate Bri, wala na si Kuya Dean. Masyadong mataas at matarik ang bangen tapos sumabog pa ang kotse niya kaya imposibleng mabuhay siya." Isinampal ni Bryle sa mukha ko ang katotoohanan na pilit kong tinakasan."No! Hindi totoo iyn, Bryle! Nakaligtas si Dean! Dalawa kaming nakaligtas!" sigaw ko. Pilit akong bumangon sa kama dahil pupuntahan ko si Dean ngunit
BriannaMabilis na lumipas ang mga araw hanggang sa naging Linggo, naging buwan at umabot na ng isang taon. Isang taon nang patay si Dean ngunit sariwa pa rin sa aking puso ang sakit at alaala ng kanyang mga huling sandali na kapiling ko siya.Sa loob ng isang taon ay pinilit kong mabuhay. Kumakain ako, umiinom, natutulog ngunit pakiramdam ko ay patay na ang kaluluwa ko. Sumama na ito kung nasaan man ngayon si Dean. Minsan ngumiti rin ako na hindi umaabot sa aking mga mata. Nabubuhay na lamang ako dahil ayokong masayang ang pagbubuwis ng buhay ni Dean para lamang mailigtas ako."Aalis ka, Ma'am Brianna?" tanong sa akin ni Petchy, ang cashier ng aking coffeeshop.Pinalaki ko ang aking coffeeshop at dito na lamang ibinugos ko ang lahat ng aking atensiyon. Ako ang madalas nagbabantay sa cashier ngunit kapag umaalis ako at may lakad ako ay si Petchy ang humahalili sa akin."Yes, Petchy. First death anniversary ngayon ng asawa ko at dadalawin ko siya ngayon." Hindi man kami natuloy na ikin
Brianna"D-Dean?" mahina ang boses na sambit ko sa taong pumigil sa kamay nang akmang gagantihan ko na ang ginawang pananampal sa akin ng babae."Don't you dare hurt her," nagtatagis ang mga ngipin na babala sa akin ni Dean. Matalim ang tingin niya at para bang hindi niya ako kilala na aking ipinagtaka."Dean. Is that really you? You're alive!" bulalas ko. Hindi ako makapaniwala sa aking nakikita. Narito sa harapan ko si Dean at buhay na buhay. Pero paano nangyari iyon?Akmang yayakapin ko na siya ngunit biglang humarang ang babaeng nanampal sa akin."Hey! Bitch! Get away from him!" galit na sigaw nito sa akin."Let's go, Mina. Ipinapasundo ka na sa akin ng ama mo," kausap ni Dean sa babaeng Mina ang pangalan. Hinawakan nito sa balikat ang babae at hinila para umalis sa bar na kinaroroonan namin.Isang taon akong nangulila sa kanya. Isang taon akong nagdusa dahil inakala kong patay na siya. At ngayong nandito siya sa harapan ko ay hindi ko siya hahayaang mawala sa paningin ko nang hin