Share

Chapter 68

Dean Pov

Hindi ako mapakali habang nasa loob ng operating room si Brianna. Walang tigil ang pagdarasal ko na sana ay makaligtas siya. Hindi ko kakayanin kung may masamang mangyari sa kanya.

Kanina nang makita ko ang pag-aalinlangan sa kanyang mukha nang makita ako ay nakadama ako ng takot. Alam ko kung ano ang iniisip niya. Alam kong iniisip niya na marumi na siyang babae kaya hindi na siya nararapat sa akin. Ngunit wala akong pakialam kahit ano pa man ang nangyari sa kanya. Para sa akin ay siya pa rin ang Brianna na minahal ko noon pang mga teenager pa lamang kami. At kahit kailan ay hinding-hindi na magbabago pa ang nararamdaman ko sa kanya.

"Kuya Dean, lumabas na ang doktor na nag-opera kay Ate Brianna," biglang kausap sa akin ni Bryle kaya naputol ang aking pag-iisip.

Puno ng pag-aalala na tumayo kaming dalawa ni Bryle at sinalubong ang doktor na palapit sa amin.

"Sino sa inyo ang kapamilya ng pasyente?" salubong na tanong sa amin ng doktor habang pinaglilipat-lipat sa aming dal
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status