Share

Chapter 66

BRIANNA

Sa tingin ko ay hindi alam ni Mr. Suarez ang tungkol sa binabalak na pagsalakay ng mga pulis sa lugar na ito dahil hindi naman kami inilipat sa ibang lugar katulad ng sinabi ng nakausap kong pulis kahapon. Sa katunayan ay may bagong pasok na naman ito na isang maganda at batam-batang babae. At katulad ko ay ito rin ang nauna sa batang pasok kaysa sa ibang mga customers. Siguradong maghapon siyang magpapakalunod sa kaawa-awang katawan ng babae. Kaya ang ibig sabihin ay wala itong kaalam-alam sa balak na pagsalakay ng mga pulis. Saka tsamba ang pagsalakay nila dahil maraming mga customers ngayon na parehong mga Pilipino at foreigners.

Hindi ako nagdalawang isip na pindutin ang button ng dalawang beses na ang ibig sabihin ay maaari nilang salakayin ang bahay-aliwan na ito pagkat hindi natunugan ni Mr. Suareza ang balak ng mga pulis na pagsalakay. Pagkatapos ay mabilis akong naligo at nahiga sa maliit kong kama. Bawat isa kasi sa amin ay may kanya-kanyang kuwarto kaya kahit ganito
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status