Share

Chapter 64

Brianna

Nagising ako dahil sa malakas na pagsampal sa mukha ko ng kung sino mang taong sumampal sa akin. Pagmulat ko ng aking mga mata ay nakita ko sa harapan ko ang nakangising mukha ni Bridget at ng kanyang amang si Roberto Suarez na isang takas sa kulungan.

Lumapit sa akin si Mr. Suarez at mariing hinawakan ang aking baba at itinaas. "Ikaw pala ang Brianna na tinutukoy ng anak ko na siyang dahilan kung bakit ako nakulong at bakit nagkanda-letse ang aking negosyo."

Ipiniling ko ang aking ulo ng malakas para makawala sa kanyang pagkakahawak. Nakawala nga ako ngunit mabilis niyang nahawakang muli ang mukha ko at mas mariin na ngayong ang kanyang pagkakahawak.

"Negosyo ang tawag mo sa basurang ginagawa mo? Ang dapat sa'yo ay mabulok sa bilangguan. Mamamatay tao!" sigaw ko sa kanya pagkatapos ay dinuraan ko siya sa mukha. Hindi ako magmamakaawa sa taong halang ang kaluluwa na kagaya niya dahil alam kong hindi niya ako pakikinggan. Siguradong papatayin din niya ako kaya bakit hindi ko n
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status