BriannaPagkatapos mahuli ni Mr. Suarez ay agad akong niyayang magpakasal ni Dean na siyempre, hindi ko tinanggihan at hindi na rin ako nagpakipot pa. Bakit ko gagawin iyong gayong bata pa lamang ako ay ito na ang pangarap ko. Ang makasal kay Dean at maging asawa niya. Nang malaman naman ni Peter na ikakasal na ako kay Dean ay nalungkot ito at nagpauna nang nagpaalam sa akin na hindi makaka-attend sa kasal namin dahil busy pa raw ito sa ibang bansa. Hanggang ngayon ay nagpa-praktis pa rin daw ang team nito para sa nalalapit na international racing competion. Medyo nalungkot ako nang nalaman ko na hindi siya makakarating ngunit naiintindihan ko siya. Alam kong nasasaktan siya na ikakasal ako sa ibang lalaki at excuse na lang niya ang pagiging busy sa training kaya hinayaan ko na lamang siya. Alam ko na balang-araw ay makakakimutan din niya ako at makakahanap din siya ng babae na tunay at tapat na magmamahal sa kanya at siyempre, iyong babaeng mamahalin din niya. Si Bryle naman ay tuwa
BriannaNagising ako dahil sa malakas na pagsampal sa mukha ko ng kung sino mang taong sumampal sa akin. Pagmulat ko ng aking mga mata ay nakita ko sa harapan ko ang nakangising mukha ni Bridget at ng kanyang amang si Roberto Suarez na isang takas sa kulungan.Lumapit sa akin si Mr. Suarez at mariing hinawakan ang aking baba at itinaas. "Ikaw pala ang Brianna na tinutukoy ng anak ko na siyang dahilan kung bakit ako nakulong at bakit nagkanda-letse ang aking negosyo." Ipiniling ko ang aking ulo ng malakas para makawala sa kanyang pagkakahawak. Nakawala nga ako ngunit mabilis niyang nahawakang muli ang mukha ko at mas mariin na ngayong ang kanyang pagkakahawak."Negosyo ang tawag mo sa basurang ginagawa mo? Ang dapat sa'yo ay mabulok sa bilangguan. Mamamatay tao!" sigaw ko sa kanya pagkatapos ay dinuraan ko siya sa mukha. Hindi ako magmamakaawa sa taong halang ang kaluluwa na kagaya niya dahil alam kong hindi niya ako pakikinggan. Siguradong papatayin din niya ako kaya bakit hindi ko n
Brianna Tama si Bridget nang sinabi niya na hindi lamang ang kanyang ama ang magiging customer ko dahil pagkatapos akong pagsamantalahan ng kanyang ama ay ipinasok niya ako sa lugar kung saan ang mga babae ay sapilitang nakikipagtalik sa mga customers. Hindi lamang mga kapwa Pilipino ang mga customers kundi maraming foreignera din. At sa tingin ko ay puro mayayaman ang mga pumapasok sa loob ng bahay-aliwan na pinagdalhan sa akin ni Roberto Suarez.Hindi lang isa o dalawang beses na may umaangkin sa akin na mga customer. At sa bawat pag-angkin nila sa katawan ko ay lihim kong hinihiling na sana ay mamatay na lang ako kaysa ang patuloy na babuyin ng mga hayok sa laman ang aking katawan. Ngunit sadyang madamot ang kapalaran sa akin dahil hindi pa ako namamatay. Ilang ko nang tinangkang magpakamatay ngunit palagi akong nahuhuli ng mga tauhan ni Suarez. At kapag nahuhuli nila ako ay pinapasakitan nila ako ng todo.Dalawang Linggo na akong nasa pugad ng mga taong makasalanan at hindi na ak
BRIANNASa tingin ko ay hindi alam ni Mr. Suarez ang tungkol sa binabalak na pagsalakay ng mga pulis sa lugar na ito dahil hindi naman kami inilipat sa ibang lugar katulad ng sinabi ng nakausap kong pulis kahapon. Sa katunayan ay may bagong pasok na naman ito na isang maganda at batam-batang babae. At katulad ko ay ito rin ang nauna sa batang pasok kaysa sa ibang mga customers. Siguradong maghapon siyang magpapakalunod sa kaawa-awang katawan ng babae. Kaya ang ibig sabihin ay wala itong kaalam-alam sa balak na pagsalakay ng mga pulis. Saka tsamba ang pagsalakay nila dahil maraming mga customers ngayon na parehong mga Pilipino at foreigners.Hindi ako nagdalawang isip na pindutin ang button ng dalawang beses na ang ibig sabihin ay maaari nilang salakayin ang bahay-aliwan na ito pagkat hindi natunugan ni Mr. Suareza ang balak ng mga pulis na pagsalakay. Pagkatapos ay mabilis akong naligo at nahiga sa maliit kong kama. Bawat isa kasi sa amin ay may kanya-kanyang kuwarto kaya kahit ganito
Brainna"Brianna," ulit ni Dean sa pagsambit sa aking pangalan. Hindi ako makagalaw at basta na lamang tumulo ang luha ko dahil sa wakas ay muli kong nakita ang mahal ko. Akala ko talaga ay hindi ko na siya makikita pang muli. Ngunit sa halip na tumakbo ako palapit sa kanya at magpakulong sa kanyang mga bisig ay tinalikuran ko siya. Kahit na gustong-gusto ko siyang yakapin ng mahigpit ay pinigilan ko ang aking sarili. Nahihiya akong humarap sa kanya at makipag-usap. Nang akmang tatakbo siya palapit sa akin ay pinigilan ko siya."Hanggang diyan ka lang, Dean. Huwag mo akong lapitan," pinigil ko ang aking sarili na huwag pumiyok ang aking boses. "Bakit, Brianna? Hindi ka ba masaya na muli mo akong makita? Hindi ka ba nananabik na makita akong muli katulad ng pananabik ko sa'yo?" may pagdaramdam sa tono ng boses nito nang magsalitang muli.Nananabik din ako sa'yo, Dean. Miss na miss na kita. Kung alam mo lang. Ngunit wala na akong mukhang maihaharap pa sa'yo. Isa na akong maruming baba
Dean PovHindi ako mapakali habang nasa loob ng operating room si Brianna. Walang tigil ang pagdarasal ko na sana ay makaligtas siya. Hindi ko kakayanin kung may masamang mangyari sa kanya. Kanina nang makita ko ang pag-aalinlangan sa kanyang mukha nang makita ako ay nakadama ako ng takot. Alam ko kung ano ang iniisip niya. Alam kong iniisip niya na marumi na siyang babae kaya hindi na siya nararapat sa akin. Ngunit wala akong pakialam kahit ano pa man ang nangyari sa kanya. Para sa akin ay siya pa rin ang Brianna na minahal ko noon pang mga teenager pa lamang kami. At kahit kailan ay hinding-hindi na magbabago pa ang nararamdaman ko sa kanya."Kuya Dean, lumabas na ang doktor na nag-opera kay Ate Brianna," biglang kausap sa akin ni Bryle kaya naputol ang aking pag-iisip. Puno ng pag-aalala na tumayo kaming dalawa ni Bryle at sinalubong ang doktor na palapit sa amin."Sino sa inyo ang kapamilya ng pasyente?" salubong na tanong sa amin ng doktor habang pinaglilipat-lipat sa aming dal
Brianna PovGandang-ganda ako sa aking sarili habang tinititigan ko ang aking sarili sa harapan ng malaking salamin. Nakasuot ako ng puting-puting wedding dress na lalong nagpalitaw sa angkin kong kagandahan. It's been a month magmula nang makalabas na ako sa hospital. Hindi tumigil si Dean sa panunuyo sa akin hanggang sa muli niyang napalambot ang aking puso. Agad niya akong inalok ng kasal na hindi ko naman tinanggihan. Gusto niyang magpakasal muna kami sa huwes bago sabay kaming uuwi sa probinsiya namin para doon naman ganapin ang aming church wedding. Pinangarap kong makasal sa kanya kaya kahit saang huwes o korte ay pakakasalan ko siya. Alam ng mga malalapit sa puso namin na magpapakasal kami ngayon kaya naman nasa bahay nila ni Dean, kung saan gaganapin ang maliit na salu-salo, at hinihintay na lamang nila kami.Ngayon nga ay narito kami sa boutique na pag-aari ng sikat na fashion designer na kaibigan ni Dean. Namili kami ng isusuot namin para sa kasal namin mamaya. Natuwa ako
BriannaHalos magkasabay kaming pinagbalikan ng malay tao ni Dean. Nanlaki ang mga mata ko nang makitang nasa loob pa rin kami ng kanyang sasakyan ngunit parehong nakatali ang aming mga kamay at paa sa upuan. Si Dean ay nakatali at nakadiin ang paa sa may accelerator ng kotse. "Bri, are you okay? Hindi ka ba sinaktan ng lalaking iyon?" nag-aalalang tanong ni Dean sa akin nang pagbalikan siya ng malay. Hindi nito alintana ang umaagos na dugo mula sa ulo nito dahil sa malakas na pagkakapalo ng baril ng lalaki sa ulo nito. "I'm okay, Dean. Pero ikaw, may sugat ka." Ako itong labis na nag-aalala sa kalagayan niya kaysa sa akin dahil siya ang may sugat at hindi ako "I'm okay. Hindi mo ba kayang kalagan ang sarili mo? For sure, hindi masyadong mahigpit ang pagkakatali niya sa'yo dahil babae ka. Iisip ng taong iyon na kahit hindi niya higpitan ang pagkakatali sa'yo ay hindi ka pa rin naman makakakawala.""Susubukan ko." Sinubukan kong kalagin ang pagkakatali ng aking mga kamay. At tama si