Share

CHAPTER 2

PAGKATAPOS ng maghapong trabaho nila, magkasabay sila ni Carol na lumabas sa building. 

“Bye. Take care.” 

“Bye, Carol.” Nagpalitan pa sila ng halik sa pisngi bago ito naunang umalis. May sundo kasi ito hindi kagaya niya na mag-isa na namang maglalakad pauwi sa apartment niya. Paano naman kasi, busy ang boyfriend niya. Hindi sila pareho ng working hour kaya minsan lang siya nito maihatid at masundo sa trabaho. 

Safe naman ang kalsada pauwi sa apartment niya kaya hindi siya nangangamba kahit minsan ay ginagabi siya ng uwi. 

Pagkarating sa kaniyang apartment, nagulat siya nang madatnan doon si Declan, her boyfriend. Nakangiti ito ng malapad at matamis sa kaniya habang nakatayo sa tapat ng pintuan, sa loob. Naka-topless ito at tanging apron lamang ang nakatabing sa maskuladong katawan nito. May hawak pang spatula.

“Hello darling!” bati nito sa kaniya.

Nakakunot man ang noo ay nakangiti pa rin siya sa kaniyang nobyo. “What... what are you doing here? I thought may work ka ngayon?” nagtatakang tanong niya. 

Well, isang taon na silang magkasintahan kaya kahit papaano ay kilala na niya ito; at ganoon din naman ito sa kaniya.

Naglakad ito palapit sa kaniya. Walang paalam na hinapit siya sa kaniyang baywang at kinabig palapit dito. H******n siya sa kaniyang mga labi na buong pagmamahal naman niyang tinugon.

“What are you doing, babe?”

“I’m cooking for our dinner.”

He’s a good cook, kaya hayon at biglang kumalam ang kaniyang sikmura lalo na no’ng may maamoy siyang pagkain mula sa kusina niya.

“Absent ka sa trabaho mo?”

“I took a leave.” Anito at pinakawalan siya. Kinuha nito ang bag sa kaniyang balikat at inilagay sa sofa ’tsaka pumuwesto sa kaniyang likuran at hinubad naman ang kaniyang coat. 

“But why?” 

Sa halip na sagutin ang kaniyang tanong, iginiya na siya nito papunta sa kusina. Nakita niyang may pagkain na ngang nakahain sa mesa. Ipinaghila siya nito ng silya at pinaupo pagkatapos ay hinubad ang suot na apron nito at pumuwesto na rin sa kaibayong silya. 

“Tomorrow is our first anniversary darling. And I wanna spent time with you so I took a three days leave.” 

Kinilig naman siya dahil sa sinabi nito. Wala na sana siyang balak na mag-celebrate sa anniversary nila bukas at babatiin na lamang niya ito dahil alam niyang busy ito sa trabaho; trabaho na hanggang ngayon ay hindi pa rin niya alam kung ano. Iyon na lamang ang hindi pa sinasabi sa kaniya ni Declan, pero may tiwala naman siya sa binata kaya hinahayaan na lang muna niya.

Since nag-leave pala ito ng tatlong araw, malamang na mapipilitan din siyang mag-leave bukas sa trabaho niya para makasama itong nobyo niya.

Nakilala niya si Declan mahigit isang taon na ang nakalilipas, sa isang coffee shop na madalas nilang puntahan ni Carol. Since the day he laid eyes on her, hindi nagdalawang-isip ang binata na lapitan siya para magpakilala. Ang akala pa niya noon ay pure Spanish ito, pero nalaman niyang may lahi rin pala itong Filipino at sa Pilipinas ito ipinangak at lumaki. After that day, ang akala niya rin ay roon na rin magtatapos ang pagkikita nila. Pero nagulat na lamang siya no’ng mga sumunod na araw, pagkalabas niya sa kaniyang trabaho ay naroon ito at naghihintay sa kaniya. Tinanong niya ito kung paano nito nalaman ang kaniyang pinagtatrabahuhan, ang sabi lamang nito ay magaling daw itong maghanap lalo na kapag gusto raw nito ang taong hinahanap nito. He’s a sweet and caring person, kaya hayon nga at hindi na rin niya napigilan ang kaniyang sarili na magkagusto rito. Well, sino ba naman ang hindi magkakagusto sa katulad ni Declan? Kung sa physical apperance pa lang ang pag-uusapan, para itong Spanish Model. Walang kalait-lait sa hitsura ng binata. He’s so perfect. At noong niligawan siya nito, roon niya nakilala ang ugali ng binata. Full package. Iyon ang discription niya kay Declan. Hindi lamang guwapo at may macho na katawan kun’di sobrang bait din. Maalaga sa kaniya. Kaya, pagkatapos ng halos apat na buwang panliligaw sa kaniya ay sinagot na rin niya ito.

“Kanina ka pa ba rito?” tanong niya.

“Two hours ago. Akala ko kasi maaga kang uuwi galing sa trabaho mo.” Inilagay nito sa tapat niya ang plato na may beef steak na tapos na nitong hiwa-hiwain.

“Thank you, babe.” Saad niya. “I’m sorry kung naghintay ka ng matagal. May tinapos lang kaming trabaho e kaya medyo late ang out namin kanina.”

“It’s okay darling. I could wait for you even all night.” 

Muli siyang ngumiti ng matamis bago nagsimulang kumain. Oh, sweet words. Kahinaan niya talaga ’yon kay Declan. Alam na alam nito kung paano palalambutin ang kaniyang puso.

“So, how’s your work baby?” tanong nito sa kaniya mayamaya.

“Good. Um, I have to tell you something pala,” sabi niya nang maalala niya ang napag-usapan nila ng kaniyang boss kanina.

Saglit na tumigil sa pagkain ang binata at tiningnan siya. “What is it?” 

Saglit siyang uminom ng tubig bago nagsalita. “Kinausap ako ng boss ko kanina. He told me na ako raw ang napili ng CEO namin sa Pilipinas na pababalikin doon.”

Nagsalubong ang mga kilay ni Declan. “Why? Nagkaroon ba ng problema?”

“Nothing. There’s no problem with my work.”

“Bakit ka raw pababalikin doon?”

“Um,” nag-iwas siya ng tingin upang muling ipagpatuloy ang pagkain. “May project na gustong ibigay sa ’kin ang DLF.”

Nang hindi magsalita ang binata, muli siyang nag-angat ng mukha at tiningnan ito. Nang magtama ang mga mata nila, bigla itong ngumiti sa kaniya. 

“That’s a good news darling. Makakapagbaksyon ka na sa inyo.” Anito.

“But... ilang buwan din ako roon, babe.”

“So?”

“I mean, I’m gonna miss you and—”

“Then I’ll go with you.” Saad nito hindi pa man siya tapos sa kaniyang pagsasalita.

Napatitig siya sa mga mata nito. “Pero may trabaho ka rito, babe.”

“There’s no problem about that. Madali ko ng magagawan ng paraan ang trabaho ko,” sabi nito. “So, kailan ka ba uuwi sa Pilipinas?”

“Wait, I thought... may bago kang—”

“I can cancel my next contract baby para makasama mo akong umuwi sa Pilipinas. And besides, I’m excited to meet your family. Your parents.” Ngumiti pa ito ng matamis bago sumubo ng pagkain. 

Saglit niyang tinitigan si Declan. Oh, wala talagang ginawa itong nobyo niya kun’di paligayahin ang kaniyang puso. Lagi na lamang siyang sinusurprisa nitong mahal niya. 

“Are you sure babe?” hindi lamang siya makapaniwalang handa itong kanselahin ang susunod na trabaho nito para lamang makasama niya pag-uwi sa Pilipinas.

Binitawan ni Declan ang hawak na tenidor at inabot ang kamay niyang may hawak na kutsilyo. Masuyo iyong pinisil ng binata. “I love you.” Sa halip ay saad nito sa kaniya.

Napangiti na siya nang mas malawak. “And I love you, babe.” Binitawan na rin niya ang hawak na tenidor at tumayo sa kaniyang puwesto habang magkahawak pa rin ang mga kamay nila. Lumapit siya kay Declan at h******n ang mga labi nito. “Te amo, mi amor.”

“Te amo mucho mi amor.” Hinapit pa siya nito sa baywang at hinalikan din ang kaniyang braso. “Let’s finish our food. I know you’re tired already.”

Bumalik din siya sa kaniyang puwesto matapos siyang pakawalan ng binata at ipinagpatuloy ang pagkain.

“ARE YOU SLEEPY BABY?”

Napalingon siya kay Declan nang pumasok ito sa kaniyang kwarto. Nakaupo siya sa gilid ng kaniyang kama at naglalagay ng lotion sa kaniyang braso. Naglakad palapit sa kaniya ang binata at umupo sa kaniyang tabi. Hinalikan pa siya nito sa kaniyang balikat.

“Are you sleepy?” tanong nitong muli.

“Mmm.” Sagot niya.

“What’s mmm? Is it yes or no?” muli itong humalik sa kaniyang balikat paakyat sa kaniyang batok. 

Naramdaman pa niya ang pagtatayuan ng kaniyang balahibo roon dahil sa kiliti. 

“I’m sleepy babe.” Nakangiti at nakikiliting sagot niya.

“It’s too early baby. Wala naman tayong pasok bukas.”

“So?”

“So,” sabi nito at kinuha sa kamay niya ang hawak niyang bote ng lotion at itinapon iyon sa single sofa na nasa tabi ng kaniyang bedside table. 

“Hindi pa ako tapos babe.”

“That’s enough baby. Ako na naman ang asikasuhin mo.”

Nang pihitin siya nito paharap dito ay kaagad na inangkin ng binata ang kaniyang mga labi. Wala naman siyang nagawa kun’di ang tugunin iyon. Ipinulupot niya sa leeg nito ang kaniyang mga braso. Makalipas ang ilang sandali ay siya ang kusang pumutol sa palalim ng halik na kanilang pinagsasaluhan. Kapwa habol pa nila ang kanilang paghinga.

“What’s the problem baby?” nagtatakang tanong ni Declan sa kaniya.

Bumuntong-hininga siya. “Not tonight,” sabi niya. 

“Why?”

“Um, red days.” 

“Seriously? You’re kidding me darling!”

“I’m not, babe. Two days pa lang ngayon.”

Dismayadong ibinagsak na lamang ni Declan ang katawan sa malambot na kama. Nagpakawala rin ito ng malalim na paghinga. “Let’s sleep then.” Anito at kinabig ang kaniyang baywang upang humiga na rin siya sa tabi nito. 

Ginawa niyang unan ang isang braso ni Declan habang magkayakap sila sa isa’t isa. 

Nakangiti pa siyang nagpikit ng kaniyang mga mata nang maging payapa na siya sa kaniyang puwesto. Oh, God! Gustong-gusto talaga niyang nakukulong sa mga bisig ni Declan. Feeling niya talaga lagi siyang safe kapag yakap siya nito. “Good night babe.”

Naramdaman niyang hinalikan nito ang kaniyang noo. “I love you sweetheart. Good night.”

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status