Share

CHAPTER 5

INILAPAG ni Naya sa desk niya ang hawak niyang cellphone nang matapos niyang tawagan ang number ni Declan, ngunit hindi pa rin sumasagot sa kabilang linya ang kaniyang fiancé. Muli siyang napabuntong-hininga nang malalim pagkuwa’y itinukod niya sa gilid ng kaniyang mesa ang dalawa niyang siko at hinagod niya ang kaniyang buhok. Hinilot-hilot pa niya ang kaniyang sentido nang kumirot na naman iyon.

“Why are you not answering my calls, Declan?” magkahalong inis at pag-aalala na tanong niya sa kaniyang sarili habang nakatungo pa rin siya.

Hindi na niya mabilang kung nakailang tawag na siya sa kaniyang fiancé simula kanina, pero ni isang tawag niya ay hindi manlang nagawang sagutin ni Declan. Hindi niya tuloy malaman kung ano ang dapat niyang maramdaman sa mga sandaling ito. Maiinis ba siya o magagalit sa fiancé niya. Okay naman sila nang huling pagkikita nila, dalawang araw na ang nakalilipas. Okay rin sila nang magkausap sila sa cellphone no’ng nakaraang gabi, tapos ngayon bigla na lamang ganito at hindi sinasagot ang tawag niya.

Kilala niya kasi si Declan, kahit gaano pa ito ka-busy sa trabaho, hindi naman nito iniignora ang kaniyang mga tawag at text. Pero ngayon, halos mapudpod na ang kaniyang daliri kakapindot sa screen ng kaniyang cellphone upang tawagan at i-text ito, pero wala talaga. Puro voicemail lang ang naririnig niya mula sa kabilang linya.

Muli siyang napabuntong-hininga nang malalim.

“Are you okay, Naya?” dinig niyang tanong sa kaniya ni Carol.

Dahan-dahan siyang nag-angat ng mukha at binalingan ng tingin ang kaniyang kaibigan. Nang makita ni Carol ang kaniyang hitsura, mabilis na nagsalubong ang mga kilay nito.

“Why? What happened?” nagtatakang tanong nito sa kaniya. “Is there a problem?”

Muli siyang napabuntong-hininga nang malalim at tila tamad na tamad na sumandal sa kaniyang swivel chair. “He’s not answering my calls and messages, Carol,” sabi niya sa malungkot na boses. “I can’t count how many missed calls and messages I’ve sent to him, but he doesn’t answer. Carol, I’m worried about him.” There was a lot of concern on her face in those moments.

Tumayo naman sa puwesto nito si Carol at lumapit sa kaniya. Umupo ito sa gilid ng kaniyang mesa. “Maybe... maybe he’s just busy so he can’t answer your calls and messages,” sabi nito at inayos ang buhok niyang bahagyang nagulo at nalaglag ang ibang hibla sa tapat ng kaniyang mukha.

“Carol, it’s not Declan’s habit to not answer my calls no matter how busy he is. Even though he was at work, he always answered my calls, even my text messages.”

“Maybe he’s really busy right now or maybe he just left his cellphone somewhere so he didn’t hear someone calling him?!” Anito at hinagod ang kaniyang likod. Inaalo siya nito kasi baka masiyado lang siyang napa-paranoid kaya kung anu-ano na agad ang iniisip niya ngayon. “Don’t worry, your fiancé will call you later. I’m sure he’s just busy right now, so don’t worry, okay?” ngumiti pa ito sa kaniya.

Muli siyang napabuntong-hininga nang malalim. Baka nga tama si Carol, baka masiyado lang busy ngayon si Declan kaya hindi nito masagot ang mga tawag niya. Masiyado lang kasi siyang nasanay na isang tawag niya lang sa kaniyang irog ay kaagad itong sumasagot. Maybe, tatawagan niya na lamang ulit ito mamaya.

“Naya!”

Napalingon siya sa may pinto ng office ng kanilang boss.

“Yes, Mr. Fernandez?”

“Come here for awhile. I need to talk to you.”

“Alright. Give me a second,” sabi niya at kaagad na inayos ang kaniyang sarili.

Si Carol naman ay umalis na rin mula sa pagkakaupo sa gilid ng mesa niya at bumalik sa puwesto nito. “Smile now. Don’t think about anything,” sabi nito sa kaniya.

Ngumiti na nga siya saka tumayo sa kaniyang puwesto at naglakad na papunta sa opisina ng boss nila.

“Yes James? May kailangan ka ba?” tanong niya.

“Have a sit first.”

Naglakad siya palapit sa single couch na nasa tabi ng lamesa nito at doon umupo. “May problema ba?” tanong niya ulit.

“Katatapos lang ng pag-uusap namin ni Mr. Gamble, at sinabi niya sa akin na kinansela raw muna sa ngayon ang bagong project ng DLF dahil nagkaroon ng malaking problema about sa mga materyales na gagamitin sa construction. So, mamo-move ang schedule ng pag-uwi mo sa Pilipinas na dapat sana ay sa susunod na buwan na.” Pagpapaliwanag nito sa kaniya.

“Kailan na lang daw ako uuwi roon?” kunot ang noo na tanong niya.

“Base sa napag-usapan namin kanina, mukhang aabutin ata ng ilang buwan bago ma-settle ulit ang deal between DLF at Global Incorporation dahil sa kapalpakang nagawa ng kumpanya nila. In two months sana ay mag-uumpisa na ang constuction ng project na ’yon, pero kinansela na muna ito ni Mr. President. Once na maging okay na ang problema roon, Mr. Gamble will inform me kung kailan ulit ang schedule ng pagbalik mo sa Pilipinas.” Pagpapaliwanag nito sa kaniya. “Sayang lang at hindi ka matutuloy sa pag-uwi ngayon.” Tipid pa itong ngumiti sa kaniya.

Napatango naman siya at ngumiti rin. Wala namang problema iyon sa kaniya, tutal at hindi pa rin naman niya nasasabihan ang magulang niya na uuwi siya sa Pilipinas para sa trabaho niya, at para na rin makapagbakasyon. Pero medyo nakadam siya ng lungkot dahil sa sinabi ng kaniyang boss. Excited na rin kasi siyang umuwi sa kanila lalo na at kasama niyang uuwi si Declan. Masusurprisa na sana niya ang magulang niya at maia-announce niya sa mga ito na engaged na siya sa nobyo niya, pero maaantala pala iyon dahil sa naging problema ng kompanya nila sa Pilipinas.

“Are you okay, Naya?” mayamaya ay tanong nito sa kaniya.

Napatingin naman siya sa kaniyang boss. “Um, y-yeah. I’m okay,” sabi niya.

“Are you sure?” kunot ang noo na tanong pa nito sa kaniya. Mataman siya nitong tinitigan na tila ba binabasa kung ano ang iniisip niya ngayon.

Sa tagal na magkatrabaho sila ni James, kahit papaano ay isa na rin ito sa itinuring niyang matalik na kaibigan niya. Minsan ay ito rin ang nasasabihan niya sa kaniyang mga problema.

Malalim na buntong-hininga ang kaniyang pinakawalan sa ere. “May iniisip lang ako,” aniya.

“Like what? You can tell me, baka makatulong ako.”

“It’s about Declan.”

“So ano ang problema ngayon? Nag-away ba kayo or something happened?”

“Hindi kami nag-away,” sabi niya at muling bumuntong-hininga nang malalim. “Nag-aalala lang ako sa kaniya. Kanina ko pa kasi siya tinatawagan pero hindi siya sumasagot.”

“Baka naman busy lang siya?!”

Just like what Carol said earlier, iyon din ang sinabi ni James sa kaniya.

“I don’t know. Maybe,” sabi na lamang niya at tipid na ngumiti.

“Huwag ka ng mag-alala. I’m sure tatawag ’yon sa ’yo mamaya. Busy lang ’yon sa trabaho or maybe may surprise na naman para sa ’yo.” Ngumiti pa ito sa kaniya ng makahulugan.

Pagkatapos ng kanilang pag-uusap ay bumalik na rin siya sa kaniyang lamesa. Itinuloy na niya ang kaniyang trabaho at pilit na iwinaglit na muna sa kaniyang isipan ang pag-aalala para kay Declan. Mamaya ay tatawagan na lamang niya ulit ang kaniyang fiancé.

“Bye! Mag-iingat ka,” sabi ni Carol sa kaniya nang nasa labas na sila ng kanilang building.

“You too,” sabi niya at ngumiti pa bago nagsimula na ring maglakad upang tahakin ang daan pauwi sa apartment niya.

Habang naglalakad ay kinuha na rin niya sa kaniyang bag ang kaniyang cellphone upang tingnan kung tumawag na rin sa kaniya si Declan, pero ganoon na lamang ang kaniyang pagkadismaya nang wala manlang siyang nakitang kahit isang missed call or message sa screen ng cellphone niya.

Malalim na buntong-hininga ang kaniyang pinakawalan sa ere at muling pinatay ang gadget at ibinalik sa loob ng kaniyang bag.

Puno ng sari-saring tanong at bagay ang isipan niya sa mga sandaling iyon, hanggang sa makarating siya sa apartment niya.

Iniisip pa nga niya kanina, baka naroon na ito sa kaniyang apartment at may surprise na naman para sa kaniya, pero mas lalo lamang siyang nadismaya nang wala siyang nadatnan na Declan sa loob ng kaniyang apartment.

Laglag ang mga balikat na naglakad na lamang siya papunta sa kusina nang mailapag niya sa sofa ang kaniyang bag. Kumuha siya roon ng malamig na tubig para inumin. Pagkatapos ay tinungo na rin niya ang kaniyang silid upang magbihis. Tutal naman at hindi pa siya nagugutom, hindi na muna siya magluluto para sa haponan niya.

Pagkatapos niyang magbihis ay muli siyang lumabas sa kaniyang silid at pasalampak na umupo sa mahabang sofa. Muli niyang kinuha ang kaniyang cellphone sa bag niya at muling sinubukang tawagan si Declan.

“Ugh, Declan! Where are you? Why are you not answering my calls?” sa puntong iyon, labis na ang pagkainis na kaniyang nararamdaman para sa kaniyang fiancé.

Kagaya kanina ay nakailang ulit na naman siya ng tawag sa number ng binata, pero hindi talaga nito sinasagot ang kaniyang mga tawag.

Muli siyang napabuga nang malalim na paghinga at inilapag sa tabi niya ang kaniyang cellphone. Humiga siya sa sofa at seryosong tumitig sa kisame habang puno na naman ng katanungan ang kaniyang isipan. Mayamaya ay mariin niyang ipinikit ang kaniyang mga mata at banayad na hinilot ang kaniyang sentido nang kumirot iyon.

Hindi na rin namalayan ni Naya na nakatulog na siya sa sofa. Basta, naalimpungatan na lamang siya nang tumunog ng malakas ang kaniyang cellphone. Dahil sa pagkagulat, bigla siyang napaupo sa sofa.

“Where am I?” kunot ang noo at nagtataka pang tanong niya nang makita niyang wala siya sa kaniyang kwarto, pero nang makilala niya ang hitsura ng sala, napabuntong-hininga siya nang malalim at napasandal sa sofa. Nang tumunog ulit ang kaniyang cellphone na nasa may paanan niya, napatingin siya roon at kinuha niya iyon. Alarm clock niya lang pala ang nag-iingay, akala niya ay kung ano na.

Nang mabuksan niya ang home screen ng kaniyang cellphone, nakadama na naman siya ng lungkot at kirot sa kaniyang puso nang wala pa rin siyang natanggap na missed calls or messages galing kay Declan.

Isinandal niya ang kaniyang ulo sa itaas ng sofa at tumitig sa kisame. Makaraan ang ilang sandali ay tiningnan niyang muli ang kaniyang cellphone. Sinubukan niyang tawagan ang number ni Declan, pero hindi na iyon makontak, hindi na nag-ri-ring ang kabilang linya.

“Ugh, Declan! Where are you? What are you doing? Yesterday, you didn’t answer my calls and messages, now I can’t contact you anymore. What is really happening to you? Are you okay? I’m so worried about you!” magkahalong lungkot at inis na sambit niya nang ipikit niya nang mariin ang kaniyang mga mata habang nasa tapat ng tainga niya ang kaniyang cellphone.

Mayamaya ay naagaw ang kaniyang atensyon nang may kumatok sa labas ng kaniyang apartment.

Napatingin siya sa nakasaradong pinto. Nang muling may kumatok doon ay kaagad na siyang tumayo sa kaniyang puwesto. Napangiti na rin siya sa isiping baka si Declan na iyon at pinuntahan na siya sa kaniyang apartment dahil alam nitong nagtatampo o nagagalit na siya ngayon dahil sa hindi nito pagsagot sa kaniyang mga tawag kahapon.

“Declan!” nakangiti pa siya nang malawak nang buksan niya ang pinto.

“Good morning!”

Ngunit ang ngiti sa kaniyang mga labi ay unti-unting naglaho nang hindi si Delcan ang kaniyang nabungaran sa labas ng kaniyang apartment.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status