“WHY did you suddenly file for leave today?” usisang tanong sa kaniya ni Carol nang kinabukasan ay tumawag siya sa kanilang office na hindi siya makakapasok ng dalawang araw.
Saglit niyang nilingon si Declan na masarap pa rin ang tulog habang nakayakap sa kaniyang unan. Mula sa pagkakaupo sa gilid ng kaniyang kama ay tumayo siya at naglakad palabas ng kaniyang kwarto.
“Just... don’t ask, Carol.” Saad niya. Hindi na niya sinabi rito ang totoong dahilan kung bakit bigla siyang nag-file ng leave ngayon. Baka kasi hindi siya payagan ng boss nila. Bahala na siyang magdahilan kapag pumasok na siya.
“Alright. I’ll just tell Mr. Fernandéz when he arrived.”
“Thank you, Carol.”
“No hay problema amiga.”
“Bye. Thanks.” Kaagad na pinatay niya ang kaniyang tawag. Nang makapasok siya sa kusina ay nag-asikaso rin agad siya ng lulutuin para sa almusal nila ni Declan. Nagluluto na siya nang tumunog naman ang kaniyang cellphone. Nang tingnan niya iyon, kaagad niyang dinampot ang aparato at sinagot ang tawag galing sa kaniyang ina. Nagvi-video call ito. “Hi mom!” masayang bati niya sa kaniyang mama.
“Oh, my God! What happened to your hair bata ka? Bakit mukha kang zombie sa hitsura mo Jzenaya? Ikaw ba ay kumakain pa ng masustansyang pagkain at nagpapa-araw ka riyan?”
Hindi niya napigilan ang mapahagikhik dahil sa bungad sa kaniya ng kaniyang ina. Hay! As always. Kapag tumatawag sa kaniya ang mama niya, ganoon lagi ang intro nito.
“Mom, relax.” Natatawa pang saad niya.
“Naku, kung nandiyan lang ako... kanina pa kita nakurot sa singit mo. Pinapabayaan mo na talaga ang sarili mo. Look at you, you’re so thin and... pale. Wala ka na atang dugo kakatrabaho mo riyan! Bakit hindi ka na lang—”
“Mom, mas lalong hindi uuwi si Naya rito kung ganiyan lagi ang linya mo sa kaniya. Of course kapag nandito na siya sa bahay, matatakot siya sa ’yo.”
Lumapad ang ngiti sa mga labi niya nang marinig niya ang boses ng kaniyang kuya.
“I love you kuya.” Saad niya.
Sumilip naman sa camera ang kaniyang kuya at nag-flying kiss sa kaniya, na ginantihan niya rin naman.
“Wala ka bang trabaho ngayon, Naya?”
“Nag-leave ako kuya,” sabi niya.
“Why?” ang mama niya ang nagtanong.
Bahagya siyang nagpakawala nang malalim na buntong-hininga. “We’re going to celebrate our anniversary.”
“Kailan mo ba balak na ipakilala sa amin ’yang nobyo mo Jzenaya?”
“Ma, I told you po... ’tsaka na lang kapag nakauwi po kami riyan sa Pilipinas.”
“Naku, ipinagdadamot mo lang ata sa amin ng papa mo ’yang lalaking ’yan. Even his name hindi namin alam. Bakit, natatakot ka ba na baka hindi namin magustohan ng papa mo ’yang boyfriend mo?”
Napabuntong-hininga naman siya at umiling. “It’s not like that mom. Ayoko lang po na ipakilala siya sa inyo ngayon through video call lang. Mas maganda po kung magkakakilala kayo in person.”
“E, paano nga namin makikilala ’yang boyfriend mo kung hindi ka naman umuuwi rito? Kahit itong papa mo ay nangungulit na rin sa akin na kausapin ka at piliting umuwi rito. E alam mo namang excited kami na makilala ’yang boyfriend mo.”
“Malapit na po akong umuwi, Ma.”
“Kailan naman ’yang malapit na ’yan? Lagi na lang ’yan ang sinasabi mo, pero hindi mo naman ginagawa.” Nasa tono ng boses nito ang pagtatampo sa kaniya.
“Basta mom, it’s a surprise. Susulpot na lang po ako riyan sa bahay kasama ang boyfriend ko. Just tell papa that I missed him too.”
Nakita naman niya ang pag-irap ng kaniyang ina dahil sa sinabi niya. Alam na niya kung ano ang ibig sabihin niyon. Sasabihin na naman nito sa kaniya, kung nami-miss na niya ang mga ito bakit natitiis niyang huwag umuwi ng ganoon katagal?!
“I love you mom.” Malambing na saad na lamang niya mayamaya.
“I love you too sis.” Ang kuya niya ang sumagot habang may nginunguya itong pagkain. “Mag-iingat ka riyan lagi.”
“Always, kuya. Kayo rin diyan. Mom, I love you. Bye na po muna at may niluluto pa ako.” Saad niya.
“I love you. Tumawag ka naman dito at huwag mong hintayin na ako pa ang tatawag sa ’yo.” Panenermon pa ng kaniyang ina sa kaniya.
Muli siyang napangiti. “I’m sorry mom. Bye. I love you.”
“I love you too.”
Kaagad na namatay ang tawag ng kaniyang ina.
“Who are you talking with, babe?”
Napatingin siya sa may pinto ng kusina nang marinig niya roon ang boses ni Declan.
“Oh, it was my mom... and my kuya.” Saad niya.
“Hindi mo manlang ako ginising para nakausap ko sila.” Anang binata at hinalikan siya sa pisngi pagkalapit sa kaniya at kinuha sa kaniyang kamay ang tong at ito na ang nagpatuloy sa nasusunog na niyang niluluto.
“You’re just like my mom you know that? Nangungulit din siya sa akin na makita ka kapag nagvi-video call siya sa akin.”
“Ayaw mo ata akong ipakilala sa kanila. Siguro...” lumingon ito sa kaniya.
Nagsalubong naman ang kaniyang mga kilay habang nakatitig sa nobyo. “Siguro ano?” tanong niya.
Ngumiti ito ng nakakaloko. “Siguro hindi mo ako mahal.”
“Hey!” kunwari ay iritadong saway niya rito. Alam naman niyang nagbibiro lang ito sa kaniya. Naglakad siya palapit dito at niyakap ito mula sa likuran. “You know how much I love you, babe.”
Tumawa naman ng pagak ang binata at nilingon siya. “I know,” sabi nito at kinabig siya sa kaniyang leeg at inakbayan siya. Dahil six feet ang tangkad ng binata at hanggang kilikili lamang siya nito, walang kahirap-hirap na inipit nito ang leeg niya roon. Hinalikan din nito ang gilid ng kaniyang noo. “I love you my future...”
Hindi na niya naintindihan ang huling sinabi nito dahil halos pabulong na iyon.
“What is that?” kunot ang noo na tanong niya nang tumingala siya rito.
“Nothing.”
“May sinabi ka.”
“Wala.”
“Mayroon.”
“Narinig mo?”
“Oo.”
“Ano ang sinabi ko?”
“I don’t know. Hindi ko naintindihan.”
“Thank you.”
“Ang daya mo,” sabi niya at bahagya pang pinalo sa tapat ng dibdib ang nobyo at nanulis ang kaniyang nguso. “Ano nga ang sinabi mo?”
Tumawa lamang ito at muli siyang h******n sa noo. “I said I love you baby. Let’s eat. Sunog na itong niluto mo. Masarap pa kaya ito?” ’tsaka siya pinakawalan at ito na ang naghain ng pagkain nila.
“Of course. Ako naman ang nagluto niyan kaya masarap pa rin kahit nasunog.”
“Yeah right. Ilang beses mo na ba akong pinakain ng sunog na bacon at hotdog, my love? Pero kinakain ko pa rin kasi... baka magtampo ka sa akin.”
“Ang sama mo sa akin.” Nakanguso pa ring saad niya habang dumudulog siya sa hapag.
Kinabig siya ni Declan sa kaniyang baywang at h******n ang kaniyang mga labi. “Hindi ako masama sa ’yo. Mahal nga kita e.” Nang pakawalan nito ang mga labi niya.
Napaismid na lamang siya at pilit na itinago ang matamis na ngiti sa kaniyang mga labi, maging ang kilig na nararamdaman ng kaniyang puso sa mga sandaling iyon.
“WHERE ARE WE GOING BABE?” tanong niya habang sakay na sila sa taxi.
“We’re going to Paris.”
Bigla siyang napalingon sa binata at seryosong napatitig sa guwapong mukha nito. “What?” gulat na tanong niya.
Ngumiti naman sa kaniya si Declan at kinintalan ng halik ang gilid ng nakaawang niyang mga labi. “I’m sure you heard what I said, darling.”
“We... we’re going to Paris?”
“Uh huh!”
“Seriously babe?” ayaw pa niyang maniwala. God, isa sa pinapangarap niyang mapuntahang bansa ang Paris. Is he kidding right now? “Are you kidding me, Declan?”
“Do I look like I’m kidding right now?” balik na tanong nito sa kaniya.
Bigla siyang napangiti. Oo nga, seryoso ito ngayon. “Really? Oh, my God!” hindi niya tuloy napigilan ang kaniyang sarili na yakapin ito nang mahigpit. “We’re going to Paris!”
“Yes darling. But first, behave. Nakatingin na sa atin ang driver.”
Bigla naman siyang natigilan nang makita niya sa rare view mirror ang driver. Nakatingin nga ito sa kanila ng seryoso.
“Sorry babe. I’m just happy and... excited.”
“I know.” Anito at ipinagsalikop ang kanilang mga palad.
Ilang minuto ang naging biyahe nila papunta sa airport. Pagkarating doon ay kaagad din silang nakasakay sa eroplano dahil may ticket na pala si Declan para sa kanila. Dala rin nito ang passport niya. Sa sobrang saya niya kanina, nawala na sa isipan niya na kunin iyon. Ngunit, dahil planado naman pala ng binata ang lakad nila, hawak na pala nito ang kaniyang passport. Hindi niya alam kung paano nito nahanap iyon sa loob ng apartment niya.
Mahigit dalawang oras lamang ang naging flight nila papunta sa Paris. For the first time, nakarating din siya sa lugar na matagal na niyang pinapangarap. Of course her heart was full of happiness. Lalo na at kasama niya ang lalaking mahal niya.
Inilibot siya ni Declan sa mga sikat na pasyalan sa Paris. Tila pareho silang walang kapaguran sa kakalibot sa magagandang mga lugar doon. Pagsapit ng gabi, sa isang sikat na hotel naman siya dinala ng binata. Doon sila nag-check in para sa two days na vacation nila. Wow! Paano nito na-afford ang isa sa pinaka-expensive na hotel sa Paris? Ang sabi naman sa kaniya ni Delcan ay pinag-ipunan daw nito ang bakasyon nilang iyon kaya wala na siyang dapat na alalahanin. And of course she trusted him kaya hinayaan na nga lamang niya ito.
Bukod sa mga sikat na pasyalan doon, dinala rin siya ni Declan sa mga kilalang beach sa Paris. Hindi siya ang tipo ng babae na masiyadong outgoing, mahilig sa mga public beaches, pero dahil si Declan ang kasama niya, go na go siya sa lahat ng gagawin nila. Kahit kulang ang dalawang araw na bakasyon nila, pero marami pa rin silang napuntahang lugar doon. Susulitin niya ang date na iyon kasama ang lalaking pinakamamahal niya.
“Are you tired baby?” tanong sa kaniya ni Declan habang sakay na sila ng bus pabalik sa hotel nila.
Ngumiti naman siya at isinandal niya sa dibdib nito ang kaniyang ulo. “A little. But I’m fine, babe.” Sagot niya.
“Alright. Magpahinga muna tayo at mamayang gabi na tayo lumabas.”
“Okay.”
Pagkarating nga nila sa kanilang hotel, kaagad silang nagpahinga. Kinagabihan, inaya siya ulit ni Declan sa labas para mag-dinner. Sa isang expensive restaurant din siya nito dinala. She wasn’t expecting this kind of date, sa anniversary nila, pero labis na pinaligaya ni Declan ang kaniyang puso.
“So babalik na ba tayo sa hotel?” tanong niya pagkatapos nilang kumain.
“Not yet. May pupuntahan muna tayo, then we’ll go back to the hotel para makapagpahinga na tayo.”
“Saan tayo pupunta babe?”
Ipinagsalikop ni Declan ang kanilang mga kamay at iginiya na siya palabas ng kainan at sumakay sila sa taxi na naroon at naghihintay sa kanila. Ilang minutong biyahe, bigla niyang natanaw ang napakataas at maliwanag na Eiffel Tower. Bigla siyang napasinghap at napatitig doon. Ang akala niya ay hindi siya dadalhin doon ng kaniyang nobyo. Iyon pa man din ang gusto niyang puntahan doon.
Hindi niya namalayan na nakahinto na pala ang taxi at nakalabas na si Declan. Basta, nakatitig at manghang-mangha lamang siya sa ganda ng Eiffel Tower.
Pinagbuksan siya ng pinto ni Declan at inalalayang makababa roon.
“Babe,” halos maluha-luhang sambit niya. “Is... is this true?” tanong niya.
“Yeah. We’re in Paris. In front of Eiffel Tower.”
“Oh, my God!” tanging nasambit niya at napatutop siya sa kaniyang bibig. Hindi siya makapaniwala. Parang panaginip lang ata itong nangyayari ngayon sa kaniya. Pero no’ng lihim niyang kinagat ang likod ng kaniyang pisngi, nasaktan siya. So that means, she’s not dreaming?!
Muling hinawakan ni Declan ang kaniyang kamay at iginiya siya papunta sa gitna ng kalsada.
“Happy anniversary, babe.” Saad nito sa kaniya habang may malapad at matamis na ngiti sa mga labi.
“Oh, you really made me happy, Declan.”
Nakangiti pa rin ang binata sa kaniya. “Since the day I met you and admitted to myself that I love you, I promised myself that I would do everything for you, just to make you happy, Jzenaya.” Anito at may kung ano’ng dinukot sa bulsa ng pantalon nito at dahan-dahang lumuhod sa harapan niya.
Mas lalo siyang napasinghap; nanlaki ang kaniyang mga mata. What is he doing right now? Ang kabog ng kaniyang puso ay unti-unti ng bumibilis. Tila ba may mga kabayong biglang nagkarera roon. Ang mga paru-paro sa sikmura niya ay bigla ring nagising at nagliparan. Oh, God!
“I fell deeply in love with you, Naya. I think, this is the right time.” Binuksan nito ang maliit na kaheta. Tumambad sa paningin niya ang mamahaling singsing na may malaking dyamante sa ibabaw niyon. “Please, marry me!”
Hindi na niya napigilan ang pagpatak ng kaniyang mga luha. She didn’t expect this to happen. Hindi sumagi sa isipan niya na magpo-propose ngayon sa kaniya si Declan. God, kaya pala dinala siya nito roon dahil may plano ito.
“Marry me, Jzenaya!”
Sunod-sunod na tumango siya habang patuloy pa rin sa pagpatak ang kaniyang mga luha. “Y-yes. Of course... I will marry you!” sagot niya rito.
MALALIM na paghinga ang muling pinakawalan ni Naya sa ere habang may malapad at matamis pa rin na ngiti sa mga labi niya. Ewan kung ilang minuto na siyang nakatitig lamang sa singsing na nasa daliri niya. Simula kagabi, nang mag-proposed sa kaniya si Declan sa tapat ng Eiffel tower, hanggang ngayon na nakabalik na sila sa Barcelona, tila ayaw pa rin mag-sink in sa kaniyang utak at parang panaginip pa rin para sa kaniya ang mga nangyari sa nagdaang gabi. Hindi pa rin siya tuluyang makapaniwala na nag-proposed na nga sa kaniya ang lalaking pinakamamahal niya, at soon, magiging Mrs. Declan Frontera na rin siya. Bumuntong-hininga ulit siya pagkuwa’y masuyong hinaplos-haplos niya ang mamahaling singsing na nakasuot sa daliri niya. May malaking rose gold stone ang nasa ibabaw niyon na kumikinang pa sa tuwing matatamaan iyon ng ilaw. Damn, halatang mamahalin ang engagement ring na ibinigay sa kaniya ni Declan. Siguro iyon ang dahilan kung bakit panay ang over time ng binata sa trabaho at m
INILAPAG ni Naya sa desk niya ang hawak niyang cellphone nang matapos niyang tawagan ang number ni Declan, ngunit hindi pa rin sumasagot sa kabilang linya ang kaniyang fiancé. Muli siyang napabuntong-hininga nang malalim pagkuwa’y itinukod niya sa gilid ng kaniyang mesa ang dalawa niyang siko at hinagod niya ang kaniyang buhok. Hinilot-hilot pa niya ang kaniyang sentido nang kumirot na naman iyon. “Why are you not answering my calls, Declan?” magkahalong inis at pag-aalala na tanong niya sa kaniyang sarili habang nakatungo pa rin siya.Hindi na niya mabilang kung nakailang tawag na siya sa kaniyang fiancé simula kanina, pero ni isang tawag niya ay hindi manlang nagawang sagutin ni Declan. Hindi niya tuloy malaman kung ano ang dapat niyang maramdaman sa mga sandaling ito. Maiinis ba siya o magagalit sa fiancé niya. Okay naman sila nang huling pagkikita nila, dalawang araw na ang nakalilipas. Okay rin sila nang magkausap sila sa cellphone no’ng nakaraang gabi, tapos ngayon bigla na lam
MALAKAS na tunog ng alarm clock ang nagpagising sa masarap na tulog ni Naya. Kahit medyo kumikirot ang kaniyang sentido dahil sa labis na pagkabigla, kinapa niya ang isturbong alarm clock na nasa ibabaw ng kaniyang bedside table. Pinatay niya iyon at inis na ibinalik doon.“Ugh!” naiinis na nagtalukbong siya ng kaniyang kumot nang tumama sa kaniyang mukha ang sinag ng araw na pumasok sa nakabukas na bintana ng kaniyang silid. Muli siyang bumalik sa pagkakatulog. Niyakap pa niya ang kaniyang isang unan. Ngunit ilang minuto lamang ang nakalipas ay muli na namang tumunog ang alarm clock. “Ugh, seriously? What time is it?” galit na muli niyang tinanggal sa kaniyang mukha ang makapal na kumot at napipilitang umupo at sumandal sa headboard ng kaniyang kama kahit nahihilo pa siya dala sa antok. Kinuha niya ang kaniyang cellphone na nasa bedside table rin. “Damn it!” sambit niya nang makitang alas syete y medya na pala ng umaga. Kaya naman pala iniisturbo na siya ng kaniyang alarm clock kasi
PAGKATAPOS ng maghapong trabaho nila, magkasabay sila ni Carol na lumabas sa building. “Bye. Take care.” “Bye, Carol.” Nagpalitan pa sila ng halik sa pisngi bago ito naunang umalis. May sundo kasi ito hindi kagaya niya na mag-isa na namang maglalakad pauwi sa apartment niya. Paano naman kasi, busy ang boyfriend niya. Hindi sila pareho ng working hour kaya minsan lang siya nito maihatid at masundo sa trabaho. Safe naman ang kalsada pauwi sa apartment niya kaya hindi siya nangangamba kahit minsan ay ginagabi siya ng uwi. Pagkarating sa kaniyang apartment, nagulat siya nang madatnan doon si Declan, her boyfriend. Nakangiti ito ng malapad at matamis sa kaniya habang nakatayo sa tapat ng pintuan, sa loob. Naka-topless ito at tanging apron lamang ang nakatabing sa maskuladong katawan nito. May hawak pang spatula.“Hello darling!” bati nito sa kaniya.Nakakunot man ang noo ay nakangiti pa rin siya sa kaniyang nobyo. “What... what are you doing here? I thought may work ka ngayon?” nagtata

“WHY did you suddenly file for leave today?” usisang tanong sa kaniya ni Carol nang kinabukasan ay tumawag siya sa kanilang office na hindi siya makakapasok ng dalawang araw.Saglit niyang nilingon si Declan na masarap pa rin ang tulog habang nakayakap sa kaniyang unan. Mula sa pagkakaupo sa gilid ng kaniyang kama ay tumayo siya at naglakad palabas ng kaniyang kwarto.“Just... don’t ask, Carol.” Saad niya. Hindi na niya sinabi rito ang totoong dahilan kung bakit bigla siyang nag-file ng leave ngayon. Baka kasi hindi siya payagan ng boss nila. Bahala na siyang magdahilan kapag pumasok na siya.“Alright. I’ll just tell Mr. Fernandéz when he arrived.”“Thank you, Carol.”“No hay problema amiga.”“Bye. Thanks.” Kaagad na pinatay niya ang kaniyang tawag. Nang makapasok siya sa kusina ay nag-asikaso rin agad siya ng lulutuin para sa almusal nila ni Declan. Nagluluto na siya nang tumunog naman ang kaniyang cellphone. Nang tingnan niya iyon, kaagad niyang dinampot ang aparato at sinagot ang t