MALAKAS na tunog ng alarm clock ang nagpagising sa masarap na tulog ni Naya. Kahit medyo kumikirot ang kaniyang sentido dahil sa labis na pagkabigla, kinapa niya ang isturbong alarm clock na nasa ibabaw ng kaniyang bedside table. Pinatay niya iyon at inis na ibinalik doon.
“Ugh!” naiinis na nagtalukbong siya ng kaniyang kumot nang tumama sa kaniyang mukha ang sinag ng araw na pumasok sa nakabukas na bintana ng kaniyang silid. Muli siyang bumalik sa pagkakatulog. Niyakap pa niya ang kaniyang isang unan. Ngunit ilang minuto lamang ang nakalipas ay muli na namang tumunog ang alarm clock. “Ugh, seriously? What time is it?” galit na muli niyang tinanggal sa kaniyang mukha ang makapal na kumot at napipilitang umupo at sumandal sa headboard ng kaniyang kama kahit nahihilo pa siya dala sa antok. Kinuha niya ang kaniyang cellphone na nasa bedside table rin. “Damn it!” sambit niya nang makitang alas syete y medya na pala ng umaga. Kaya naman pala iniisturbo na siya ng kaniyang alarm clock kasi male-late na siya sa kaniyang trabaho. “I want to sleep... more.” Inaantok na usal niya. Kahit tinatamad pa siyang bumangon, napilitan na rin siya. Kaagad siyang lumabas sa kaniyang kwarto at tinungo ang banyo para kaagad na maligo. Mayroon na lamang siyang thirty minutes para pumasok sa kaniyang trabaho. Mabuti na nga lamang at walking distance lang ang apartment niya sa pinagtatrabahuan niya kaya sure hindi siya male-late; kung hindi siya babagal-bagal sa kilos niya ngayon. “Ahhh!” malakas na sigaw niya nang pagkabukas niya sa shower ay hindi niya pala na-open ang hot water. Ayon, biglang nagising ang buong sistema niya. Alright, thanks to the water nawala bigla ang antok niya.
Pagkatapos niyang maligo, hindi agad siya nagbihis. Sa halip ay nakatapis lamang siya ng tuwalya habang gumagawa ng cereal niya at kumain na rin. Pagkatapos ay saka siya nagbihis at kaagad ding umalis sa kaniyang apartment.
She’s in Barcelona, Spain right now. At nagtatrabaho siya sa isang Construction Firm bilang secretary ng Head Manager sa naturang business. She’s a pure Filipina, wala siyang lahing espanyola. Roon lang talaga siya nagtatrabaho limang taon na rin ang nakararaan dahil siya ang napili ng kanilang kumpanya sa Pilipinas na ipadala roon upang maging secretary ng HM sa pang-limang branch ng kumpanya nila. No’ng una ay ayaw pa siyang payagan ng kaniyang magulang dahil hindi naman daw niya kailangang magtrabaho abroad; ayon sa magulang niya ay kaya naman suportahan ng mga ito ang pangangailangan niya. But because she’s an independent woman at ayaw naman niyang habang-buhay na lamang na umasa sa magulang niya, hindi siya nagpapigil sa mga ito. May kaya naman sa buhay ang pamilya niya, pero mas pinili niyang bumukod sa mga ito para mapatunayan sa kaniyang sarili na kaya niyang mabuhay ng hindi nakadepende sa pamilya niya. Just like her two siblings. Sa paglipas ng panahon ay natanggap naman ng magulang nila ang kaniyang desisyon.
“¡Hola, Naya!” nakangiting bati sa kaniya ng kaniyang officemate na si Carol. Isang pure Spanish na una niyang naging close at naging kaibigan nang dumating siya roon.
“Hola!” bati niya rin dito at pumuwesto agad sa kaniyang mesa.
“Aquí está tu café.” Inilapag nito sa mesa niya ang kape.
“Thanks amiga.” Saad niya. One of the reason kung bakit hindi na siya nagkakape bago siya umalis sa kaniyang apartment, dahil lagi siya nitong binibigyan tuwing magkikita sila sa trabaho.
“Por cierto, el señor Fernández llegó temprano,” (Siya nga pala, maagang dumating si Mr. Fernandéz,) sabi nito. “He said you need go to his office.”
Bigla naman siyang napatingin sa wrist watch na suot niya. It’s seven fifty nine. One minute before eight. Bakit kaya masiyadong maagang dumating ang boss nila? Nakapagtataka naman. Samantalang, dumadating ito sa office mga bandang alas otso y medya na.
“Alright,” sabi niya ’tsaka tumayo sa kaniyang puwesto kahit hindi pa nag-iinit ang kaniyang puwet sa kaniyang upuan. Naglakad siya palapit sa office ng kanilang boss at kumatok siya roon bago pinihit ang seradura. “Morning, sir.”
“Naya, come in. Have a sit.” Anang lalaki na nasa late 40s ang edad.
Pumasok siya at pumuwesto sa visitor’s chair na nasa tapat ng mesa nito. “May kailangan po ba kayo sir?” tanong niya. Wala siyang ideya kung ano ang sasabihin nito sa kaniya kaya siya ipinatawag agad.
Saglit na inayos ng kaniyang boss ang mga papel na nasa tapat nito. Tinanggal din nito ang suot na salamin pagkuwa’y tinitigan siya. Her boss is also a pure Filipino. Sa kumpanyang pinagtatrabahuhan nila ngayon sa Barcelona, dalawa silang Pinoy roon. Kasabay niya rin itong nagtungo roon five years ago.
“May problema po ba sir?” tanong niya ulit. Sa klase kasi ng titig nito sa kaniya, hindi niya tuloy maiwasang hindi makadama ng kaba.
“No. There’s no problem, Naya!” anito. “Maaga lang akong pumasok ngayon dahil may importante akong ginawa. And... I have something to tell you.”
Hindi naman siya nagsalita. Hinintay lamang niya na muling magsalita ang kaniyang boss.
“Nakausap ko si Mr. Gambles kagabi. I’m sure kilala mo kung sino siya right?”
Tumango naman siya. “Siya po ang bagong acting CEO ng DLF Construction Firm sa Pilipinas,” sabi niya.
“Right.” Anito. “And like what I have said, nagkausap kami kagabi. Sinabi niya sa akin na ikaw ang pinili niyang empleyado rito na pababalikin sa Pilipinas para humawak sa new project ng DLF Construction Firm.”
Nagulat siya. “But sir, I’m just a secretary. Bakit naman po ako ang pahahawakin ni Mr. Gambles sa bagong project ng DLF?”
“We both know you’re not just a secretary, Naya,” sabi nito pagkatapos ay nagpakawala nang malalim na buntong-hininga at sumandal sa swivel chair nito. Mas lalong pinakatitigan ng mataman ang dalaga. “You’re an architect, Naya. At isa ako sa naniniwalang magaling ka talaga. Saksi ako sa ilang successful project natin dito sa Barcelona na ikaw ang nakaisip ng fantastic ideas. So, I’m sure kaya mo ring hawakan ang bagong project ng DLF.”
She used to work as an architect sa isang firm din sa Pilipinas noon bago siya magtrabaho sa DLF Construction Firm. Pero nang minsang pinagbintangan siyang nagnakaw lamang daw siya ng ideas kaya nakagawa siya ng magandang plano para sa project na hawak niya noon, nag-resign siya sa kaniyang trabaho. Nang mag-apply naman siya sa DLF, hindi na bilang architect kun’di secretary na lamang. At hanggang ngayon ay iyon nga ang kaniyang trabaho. Ang sinasabi naman ngayon ng kaniyang boss na successful project nila sa Barcelona, nagbigay lang naman siya ng ideas na naiisip niya upang makatulong sa project nila. Iyon lamang iyon at wala na siyang balak na humawak ng malalaking project kagaya sa sinasabi nito ngayon sa kaniya.
“But sir—”
“No more buts, Naya! Si Mr. Gambles na mismo ang nagsabi na ikaw ang uuwi sa Pilipinas para sa project na ito.”
Hindi niya mapigilan ang mapabuntong-hininga nang malalim at napasandal na rin sa kaniyang puwesto.
“Wala pa namang specific date kung kailan ka uuwi ng Pilipinas. Sinabi ko lang sa ’yo ng maaga para makapag-prepare ka. Maybe... ilang buwan pa bago ang final decision sa project na ito. I know na ayaw mo pang bumalik sa Pilipinas. But... we have no choice. Malaki ang project na ito, Naya. At ikaw ang pinili ng boss natin.” Anito.
Hindi na lamang siya nakaimik.
“Go on, you can go back to your table.” Makalipas ang ilang sandaling katahimikan sa pagitan nilang dalawa.
Kaagad siyang tumayo sa kaniyang puwesto at lumabas na nga sa opisina na iyon.
Maybe it’s time for her to go back to the Philippines. To take a vacation. Not totally a vacation, dahil trabaho rin naman ang dahilan kung bakit siya uuwi. Pero at least may dahilan na talaga siya para umuwi. And, no’ng nakaraan pa naman siya kinukulit ng mama niya na magbakasyon siya. And recently lang din ay kinukulit ulit siya nito na kung uuwi siya roon ngayong darating na pasko ay isama niya ang kaniyang boyfriend para makilala na ng mga ito.
“Are you okay, Naya?” untag na tanong sa kaniya ni Carol nang makabalik na siya sa kaniyang lamesa.
Tiningnan niya ito; ngumiti siya at tumango. “Yeah.” Tipid na sagot niya.
“I thought you’re not, because you are already stunned.”
“I’m just thinking of something.”
“Why, what did Mr. Fernandéz tell you?” usisang tanong pa nito.
Muli siyang nagbuntong-hininga ’tsaka sinimulang buksan ang kaniyang desktop. “I have to go back to the Philippines.”
Mabilis na nagsalubong ang mga kilay nito at napatitig sa kaniya ng mataman. “What? You are leaving?”
“Not now,” sabi niya.
“But, you will leave... soon?”
Nilingon niya ito ulit nang mahimigan niya ang lungkot sa boses nito. Kitang-kita nga niya sa mukha nito ang lungkot.
“I mean, I just have a project to handle there. After that I will come back too.” Saad niya kahit hindi pa naman nila iyon napag-usapan ng kanilang boss.
Nakita niya ang relief sa mukha ng kaniyang kaibigan. Ngumiti ito sa kaniya. “I thought you’re going to stay in the Philippines again. For good.”
“Of course not. Barcelona is my second home, Carol. So I will still come back here.” Nakangiting saad niya at itinuon na ang kaniyang atensyon sa desktop.
“Good. Because I’m gonna miss you, amiga.”
Ngumiti lamang siyang muli at hindi na nagsalita at nag-focus na sa kaniyang trabaho.
PAGKATAPOS ng maghapong trabaho nila, magkasabay sila ni Carol na lumabas sa building. “Bye. Take care.” “Bye, Carol.” Nagpalitan pa sila ng halik sa pisngi bago ito naunang umalis. May sundo kasi ito hindi kagaya niya na mag-isa na namang maglalakad pauwi sa apartment niya. Paano naman kasi, busy ang boyfriend niya. Hindi sila pareho ng working hour kaya minsan lang siya nito maihatid at masundo sa trabaho. Safe naman ang kalsada pauwi sa apartment niya kaya hindi siya nangangamba kahit minsan ay ginagabi siya ng uwi. Pagkarating sa kaniyang apartment, nagulat siya nang madatnan doon si Declan, her boyfriend. Nakangiti ito ng malapad at matamis sa kaniya habang nakatayo sa tapat ng pintuan, sa loob. Naka-topless ito at tanging apron lamang ang nakatabing sa maskuladong katawan nito. May hawak pang spatula.“Hello darling!” bati nito sa kaniya.Nakakunot man ang noo ay nakangiti pa rin siya sa kaniyang nobyo. “What... what are you doing here? I thought may work ka ngayon?” nagtata
“WHY did you suddenly file for leave today?” usisang tanong sa kaniya ni Carol nang kinabukasan ay tumawag siya sa kanilang office na hindi siya makakapasok ng dalawang araw.Saglit niyang nilingon si Declan na masarap pa rin ang tulog habang nakayakap sa kaniyang unan. Mula sa pagkakaupo sa gilid ng kaniyang kama ay tumayo siya at naglakad palabas ng kaniyang kwarto.“Just... don’t ask, Carol.” Saad niya. Hindi na niya sinabi rito ang totoong dahilan kung bakit bigla siyang nag-file ng leave ngayon. Baka kasi hindi siya payagan ng boss nila. Bahala na siyang magdahilan kapag pumasok na siya.“Alright. I’ll just tell Mr. Fernandéz when he arrived.”“Thank you, Carol.”“No hay problema amiga.”“Bye. Thanks.” Kaagad na pinatay niya ang kaniyang tawag. Nang makapasok siya sa kusina ay nag-asikaso rin agad siya ng lulutuin para sa almusal nila ni Declan. Nagluluto na siya nang tumunog naman ang kaniyang cellphone. Nang tingnan niya iyon, kaagad niyang dinampot ang aparato at sinagot ang t
MALALIM na paghinga ang muling pinakawalan ni Naya sa ere habang may malapad at matamis pa rin na ngiti sa mga labi niya. Ewan kung ilang minuto na siyang nakatitig lamang sa singsing na nasa daliri niya. Simula kagabi, nang mag-proposed sa kaniya si Declan sa tapat ng Eiffel tower, hanggang ngayon na nakabalik na sila sa Barcelona, tila ayaw pa rin mag-sink in sa kaniyang utak at parang panaginip pa rin para sa kaniya ang mga nangyari sa nagdaang gabi. Hindi pa rin siya tuluyang makapaniwala na nag-proposed na nga sa kaniya ang lalaking pinakamamahal niya, at soon, magiging Mrs. Declan Frontera na rin siya. Bumuntong-hininga ulit siya pagkuwa’y masuyong hinaplos-haplos niya ang mamahaling singsing na nakasuot sa daliri niya. May malaking rose gold stone ang nasa ibabaw niyon na kumikinang pa sa tuwing matatamaan iyon ng ilaw. Damn, halatang mamahalin ang engagement ring na ibinigay sa kaniya ni Declan. Siguro iyon ang dahilan kung bakit panay ang over time ng binata sa trabaho at m
INILAPAG ni Naya sa desk niya ang hawak niyang cellphone nang matapos niyang tawagan ang number ni Declan, ngunit hindi pa rin sumasagot sa kabilang linya ang kaniyang fiancé. Muli siyang napabuntong-hininga nang malalim pagkuwa’y itinukod niya sa gilid ng kaniyang mesa ang dalawa niyang siko at hinagod niya ang kaniyang buhok. Hinilot-hilot pa niya ang kaniyang sentido nang kumirot na naman iyon. “Why are you not answering my calls, Declan?” magkahalong inis at pag-aalala na tanong niya sa kaniyang sarili habang nakatungo pa rin siya.Hindi na niya mabilang kung nakailang tawag na siya sa kaniyang fiancé simula kanina, pero ni isang tawag niya ay hindi manlang nagawang sagutin ni Declan. Hindi niya tuloy malaman kung ano ang dapat niyang maramdaman sa mga sandaling ito. Maiinis ba siya o magagalit sa fiancé niya. Okay naman sila nang huling pagkikita nila, dalawang araw na ang nakalilipas. Okay rin sila nang magkausap sila sa cellphone no’ng nakaraang gabi, tapos ngayon bigla na lam