Share

CHAPTER 4

MALALIM na paghinga ang muling pinakawalan ni Naya sa ere habang may malapad at matamis pa rin na ngiti sa mga labi niya. Ewan kung ilang minuto na siyang nakatitig lamang sa singsing na nasa daliri niya. Simula kagabi, nang mag-proposed sa kaniya si Declan sa tapat ng Eiffel tower, hanggang ngayon na nakabalik na sila sa Barcelona, tila ayaw pa rin mag-sink in sa kaniyang utak at parang panaginip pa rin para sa kaniya ang mga nangyari sa nagdaang gabi. Hindi pa rin siya tuluyang makapaniwala na nag-proposed na nga sa kaniya ang lalaking pinakamamahal niya, at soon, magiging Mrs. Declan Frontera na rin siya.

Bumuntong-hininga ulit siya pagkuwa’y masuyong hinaplos-haplos niya ang mamahaling singsing na nakasuot sa daliri niya. May malaking rose gold stone ang nasa ibabaw niyon na kumikinang pa sa tuwing matatamaan iyon ng ilaw.

Damn, halatang mamahalin ang engagement ring na ibinigay sa kaniya ni Declan. Siguro iyon ang dahilan kung bakit panay ang over time ng binata sa trabaho at madalas ay nagtitipid ito ng pera!

Dahil sa isiping iyon, muli na naman siyang nakadama ng labis na kilig sa kaniyang puso. Kinikiliti na naman ang kaibuturan niya. Nag-iinit na naman ang buong mukha niya.

“I will guess who is the reason for that wide and sweet smile on your lips”

Bigla siyang nag-angat ng kaniyang mukha nang marinig niya ang boses ni Declan. Mas lalong lumapad ang ngiti sa mga labi niya nang makita niyang papasok na sa kusina ang kaniyang fiancé.

“I am the reason there is a wide and sweet smile on your lips right now. Am I right, darling?” he asked and also smiled sweetly.

Mula sa pagkakaupo niya sa silya, sa tapat ng dining table, tumayo siya at sinalubong ito. Tumingkayad siya at kaagad niyang ipinulupot sa leeg ni Declan ang kaniyang mga braso, samantalang pumulupot din sa baywang niya ang mga braso nito at biglang inangkin ang kaniyang mga labi. She responded to those kisses with all her heart. And after a few seconds, Declan released her lips and placed a kiss on her nose and forehead.

“Still happy?”

Banayad ngunit malalim na paghinga ang muli niyang pinakawalan sa ere. “Am I really not dreaming right now?” sa halip ay tanong niya rito.

“Baby you’re not dreaming.” Sabi ni Declan sa kaniya.

“Hindi lang kasi talaga ako makapaniwalang... fiancé na kita.” Sabi niya habang mataman pa ring nakatitig sa mga mata nito.

Pinakawalan ni Declan ang kaniyang baywang at naglakad ito palapit sa mesa at umupo sa iniwan niyang silya kanina saka siya nito hinila sa baywang at pinaupo naman sa kandungan nito. “I’m happy that you said yes last night. Alam mo bang sobra akong kinakabahan kagabi kasi ang iniisip ko, baka hindi mo tanggapin ang proposal ko sa ’yo.” Seryosong sabi nito sa kaniya.

“What?” bahagyang nagsalubong ang kaniyang mga kilay dahil sa sinabi nito. “Bakit mo naman inisip ’yon?” tanong pa niya. “Of course I will accept your proposal because I love you. I can’t think of any reason not to accept your proposal, not to agree to marry you, not to choose you to be my husband and to be the father of my children in the future.”

“Really? You are thinking about our future children?” tanong din ni Declan sa kaniya.

Tumango naman siya at muling ipinulupot sa leeg nito ang isang braso niya. Ipinilig niya ang kaniyang ulo sa ulo nito. “Yeah,” sagot niya. “I imagine our future family. You are my loving husband and... and a loving father to our future children.” Nakangiting sabi pa niya habang nakatitig siya sa kawalan.

Yeah that’s true. Simula no’ng araw na maramdaman niya sa kaniyang puso kung gaano niya kamahal si Declan, nagsimula na rin siyang mangarap na balang araw ay aalukin siya nito ng kasal at magkakaroon sila ng maganda at guwapong mga anak. Nakatira sila sa isang simpleng bahay. Siya bilang simpleng asawa ni Declan, habang ito naman ang nagtatrabaho para sa pamilya nila. And last night, hindi niya inaasahan na magpo-proposed na nga sa kaniya ang binata, kaya labis-labis ang kaligayahan sa kaniyang puso.

Napangiti namang muli si Declan dahil sa mga narinig nito. “Really?” tanong nito. “Ilang anak ba ang gusto mo, babe?” tanong pa nito sa kaniya at nagsimulang kumilos ang isang kamay nito papunta sa kaniyang tiyan at masuyong humaplos-haplos doon.

Magkahalong kiliti at kilig naman ang bigla niyang naramdaman dahil sa ginagawa ni Declan sa kaniya.

“Well, in my imagination, we have two children. One girl and one boy.”

Mabilis na nagsalubong ang mga kilay ng binata at napahinto sa paghaplos sa kaniyang tiyan. “Just two?” takang tanong nito.

“Oo.” Sagot niya saka bahagyang inilayo ang kaniyang ulo mula sa pagkakapilig sa ulo nito at tinitigan ito ng mataman sa mga mata. “Bakit, ilan ba ang gusto mo?” tanong niya rin.

Biglang sumilay ang malapad at nakakalokong ngiti sa mga labi ni Declan. “Gusto ko ng isa,” sabi nito.

Nagsalubong ang kaniyang mga kilay. She was about to speak again para magtanong ulit, pero inunahan siya nito.

“Gusto ko ng isang dosenang anak,” dagdag nito.

Napasimangot siya at wala sa sariling bahagyang nahampas sa dibdib ang binata. “Ikaw talaga, puro ka kalokohan.” Nanulis pa ang kaniyang nguso at inismiran ito.

Tumawa lang naman si Declan.

“I cannot give you a dozen children, babe.”

“Why not? I mean, puwede naman natin gawin ’yon every year—ouch! Aray!” napadaing ito nang biglang lumanding sa pisngi nito ang kaniyang mga daliri upang kurutin ang guwapo nitong mukha.

Mas lalong nagsalubong ang kaniyang mga kilay at sinimangutan lalo ang kaniyang fiancé. “Every year bubuntisin mo ako?” naiinis at hindi makapaniwalang tanong niya.

“Why not? Wala naman law na nagbabawal na hindi puwedeng buntisin ang asawa taon-taon, right?”

“Bakit, akala mo ba madali lang magbuntis at manganak?” tanong niya habang nakataas ang isang kilay niya.

Nagkibit naman ito ng mga balikat. “I don’t know,” sabi nito. “Basta ang alam ko lang, madali lang magtanim ng bata sa loob ng tiyan mo—ouch! All right, babe. I’m just kidding.” D***g muli nito nang muling lumanding sa pisngi nito ang kaniyang mga daliri.

“Declan naman e, puro ka talaga kalokohan!” napabuntong-hininga na lamang siya ulit dahil sa kakulitan nitong irog niya.

Hinalikan ni Declan ang kaniyang pisngi pagkatapos ay ang kaniyang mga labi. “Kung ako lang ang masusunod, gusto ko ng anim na anak. Limang lalaki at isang babae. Pero siyempre, ikaw naman ang commander ko, kaya ikaw ang susundin ko. If you only want two kids, that’s fine with me.” Nakangiting sabi nito sa kaniya.

Hindi na rin niya napigilan ang mapangiting muli. “Bakit naman isang babae lang at limang lalaki ang gusto mo?”

“Kasi gusto kong maging prinsesa siya sa pamilya natin. Gusto kong maging prinsesa siya sa mga kuya niya. You know, nag-iisang anak lang ako ng magulang ko. Pero simula nang bata pa ako, gusto ko na talagang magkaroon ng kapatid na babae. Iniisip ko noon na ako ang magiging tagapagligtas niya kapag may mang-aaway sa kaniya. Ako ang laging mag-aalaga sa kaniya, ako ang laging magpapatahan sa kaniya kapag iiyak siya. But sad to say, hindi ako nagkaroon ng kapatid dahil hindi na kayang magbuntis ni mama.” Pagkukuwento nito sa kaniya.

Oh, sa tagal na nilang magkasintahan ni Declan, ngayon lamang niya narinig ang isturyang iyon ng buhay nito. At dahil doon, nagkaroon na naman siya ng dahilan upang mas lalo pang mahalin ang lalaking ito. Ngayon pa lamang, sigurado na siyang magiging mabuting ama si Declan sa mga magiging anak nila in the future.

“E bakit ako? Nag-iisang anak na babae at may dalawa akong kuya, pero lagi naman nila akong binu-bully. Hindi ko naman naramdaman na itinuring nila akong prinsesa.” Sabi niya.

Hinapit siya lalo ni Declan sa kaniyang baywang. “That’s okay, my love. I treated you like the queen of my life.”

Napahagikhik na siya dahil sa labis na kilig na kaniyang naramdaman sa mga sandaling iyon. Parang feeling niya tuloy bigla siyang lumipad sa alapaap. Declan treated her as his queen? Sabagay, sa klase ng pag-aalaga at pagmamahal ni Declan sa kaniya, para nga siyang reyna. Ngayon lamang niya iyon naisip.

Umangat ang isang palad niya at masuyo niyang hinaplos ang pisngi ni Declan habang matamang nakatitig sa mga mata nito. Mga matang puno ng pagmamahal para sa kaniya. Mayamaya ay dumukwang siya upang hagkan ang mga labi nito na kaagad din namang tinugon ng binata. Ang balak niyang magaan na halik lamang ay nauwi sa malalim at mapusok na halik nang hawakan ni Declan ang kaniyang batok at mas nilaliman pa nito ang mga halik sa kaniya, hanggang sa nauwi iyon sa mainit na tagpo sa loob mismo ng kusina.

***

“Hi, Carol!” nakangiting bati niya sa kaniyang kaibigan nang dumating siya sa kanilang opisina.

Bigla namang sumilay ang malapad na ngiti sa mga labi ng dalaga nang makita siya. Nagmamadali din itong lumapit sa kaniya upang salubungin siya ng mahigpit na yakap ay halik sa magkabilang pisngi niya.

“Hi.” Bati pa nito sa kaniya. “Where did you go, and you took leave for two days? Then yesterday you didn’t come in either.”  kaagad na tanong nito sa kaniya.

Bago sagutin ang katanungan ng kaniyang kaibigan, naglakad siya palapit sa kaniyang mesa at inilagay roon ang kaniyang bag. “Before I answer your question, here is for you.” Sabi niya at iniabot dito ang isang paper bag.

Magkasalubong man ang mga kilay ni Carol, ngumiti ito sa kaniya ng malapad. “What is this? Is this your bribe for me because I did your work for three days?” pabirong tanong nito sa kaniya.

Napahagikhik naman siya. “No, it’s not. It’s my present to you. Open it.”

Nagtataka man ay binuksan na nga ng dalaga ang paper bag. Biglang nanlaki ang mga mata nito nang makita kung ano ang laman niyon. “Oh, my God! Really? You bought this for me?” hindi makapaniwalang tanong pa nito habang inilalabas mula sa paper bag ang isang mamahaling perfume na matagal ng gustong bilhin ng dalaga.

Nang makita niya iyon sa store na pinuntahan nila ni Declan, binili niya agad iyon para pasalubong para dito

“I know you like it.”

“I love this perfume, Naya, you know that. Oh, thank you.” Sabi nito at muli siyang niyakap.

“You’re welcome, amiga.”

“By the way, where did you go? Why did you took leave?” mayamaya ay tanong nito ulit.

Banayad siyang nagbuntong-hininga saka hinila ang kaniyang swivel chair at umupo siya roon. “In Paris,” tipid na sagot niya.

Bigla naman naging seryoso ang mukha ni Carol habang nakatitig sa kaniya. Tila hindi makapaniwala sa narinig nito. “You went to Paris without telling me?” tanong nito. “I thought we were going to go there together?”

“I’m sorry, Carol. Declan is with me because we celebrated our first anniversary.” Pagpapaliwanag niya rito. “And... he, he proposed to me.” Sabi pa niya at kaagad na itinaas ang kaniyang kamay upang ipakita rito ang kaniyang engagement ring.

Muling nanlaki ang mga mata ni Carol at biglang hinawakan ang kaniyang kamay at pinakatitigan ng malapitan ang singsing na suot niya. “Is this for real? You’re engaged to Declan?”

Sinagot naman niya ng tango ang tanong nito.

“¡Ay dios mío! Chicos, Naya ya está comprometida.” Pag-aanunsyo nito sa mga kasamahan nila roon.

“Wow! Congrats, Naya!”

Dinig niyang bati sa kaniya ng mga ito.

“Thank you, guys.” Nakangiti pa ring sabi niya.

“Oh, it’s so beautiful, Naya, just like you.”

“Thank you, Carol.”

“And, oh, don’t forget, I’ll be your maid of honor. We’re best friends, right?” matamis ang ngiti sa mga labi na sabi ni Carol sa kaniya.

Napangiti siyang lalo. “Of course. You’re the only one that suddenly came to my mind when Declan proposed to me in front of the Eiffel Tower.”

“Declan proposed to you in front of the Eiffel Tower?” ulit na tanong nito habang nanlalaki na naman ang mga mata nito. “You are very lucky with Declan. I suddenly felt jealous.” Sabi nito na ikinahagikhik niyang muli.

Mayamaya ay naputol ang pag-uusap nilang dalawa nang ipatawag siya ng kanilang boss, kaya kaagad din siyang napatayo sa kaniyang puwesto at naglakad papunta sa opisina nito.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status