NALIE ATHALIA..."Nay!" sigaw n'ya ng makita na nawalan ng malay ang kan'yang ina. Mabuti na lang at maagap s'ya sa pagsalo dito at hindi ito tuloyan na nabuwal sa lupa. Bigla na lamang itong nawalan ng malay ng marinig ang balitang hatid ni Aling Perlita tungkol sa kan'yang ama na kanina pa nila hinihintay na umuwi."Nalie sandali lang at tutulongan kita na maipasok sa loob ng bahay n'yo ang nanay mo," boluntaryo ni Aling Perlita na agad na nilagay ang lampara na dala sa upoan at dinaluhan s'ya para tulongan na maipasok sa loob ang kan'yang ina.Kahit mahirap dahil parehong walang lakas ay ginawa nila ang lahat para maipasok sa loob ng bahay ang walang malay na nanay. Pinahiga nila ito sa kawayan na upoan sa sala ng kanilang bahay.Agad na kumuha ng pamaypay ang matandang kasama at pinaypayan ang kan'yang nanay."Nalie maghanap ka ng pwedeng maipahid sa nanay mo para madali s'yang magising mula sa pagkawala ng kan'yang malay," utos sa kan'ya ni Aling Perlita.Dali-dali naman s'yang
NALIE ATHALIA..."Nalie, anak ang tatay mo? Nasaan ang tatay mo anak? " napabalikwas s'ya ng bangon ng marinig ang nag-aalala na boses ng kan'yang ina."Nay," tawag n'ya rito."Anak ang tatay mo nasaan? Nasaan ang tatay mo?" umiiyak at balisa na tanong ng kan'yang ina. Mabilis s'yang bumangon at agad na niyakap ito ng mahigpit."Nay, kumalma ka nay. Makakauwi din si tatay dito, pangako ko yan sayo," naiiyak na din na awat n'ya sa kan'yang ina para pakalmahin ito. Masakit sa kan'ya na nakikita ito sa ganitong sitwasyon. Saksi s'ya kung gaano kamahal ng kan'yang mga magulang ang isa't-isa at napakasakit para sa kan'ya bilang anak ang makikita na nasasaktan ang mga ito dahil sa paghihiwalay ng hindi inaasahan."Nalie pauwiin mo na ang tatay mo anak, maawa ka Nalie, sunduin na natin ang tatay mo,"napahagulhol na sabi nito habang mahigpit na nakayakap sa kan'ya.Masuyo n'yang hinahagod ang likod nito habang mariin na pinipigilan ang kan'yang luha sa pagbagsak nito.Nakatulog pala s'ya ka
NALIE ATHALIA..."Iwan na kita dito Nalie, may emergency pa kasi ako na pupuntahan," paalam ni Spike sa kan'ya ng marating nila ang harapan ng police station."Maraming salamat," pagpapasalamat n'ya dito. Nawala talaga sa isip n'ya ang manghingi ng tulong sa lalaki na nagmagandang loob na ihatid s'ya sa police station kung saan ikinulong ang kan'ya ama."Maliit na bagay! Oh s'ya, aalis na ako at pasensya na kung nabangga kita kanina dahil sa pagmamadali ko," ang lalaki sa kan'ya. Tipid s'yang tumango dito at ngumiti bilang tugon.Tinapunan pa muna s'ya nito ng tingin bago tuloyang iniwan sa harapan ng police station. "Your eyes looks familiar," mahinang sabi ni Spike ngunit malinaw n'yang narinig. Agad din itong umalis pagkatapos sambitin ang mga katagang iyon.Nagpakawala muna s'ya ng hangin at tinapangan ang kan'yang sarili na naglakad palapit sa mismong bungad ng naturang istasyon ng pulisya.Pagpasok n'ya ay nakita n'ya agad ang isang pulis na nasa isang mesa sa harapan malapit s
NALIE ATHALIA...Umuwi s'yang bigo at luhaan. Parang wala s'ya sa kan'yang sarili habang sakay ng pamapasaherong jeep pauwi sa kanila.Narating n'ya ang bungad ng lupain ng mga Abuena na parang lutang. Ang nasa isip n'ya ay ang kan'yang ina. Ang mararamdaman nito mamaya kapag nakita nito na hindi n'ya kasama ang kan'yang ama sa pag-uwi.Paano n'ya sasabihin sa kan'yang nanay ang balita na dala n'ya. Natatakot s'ya na baka damdamin ng kan'yang ina ang pag-uwi n'ya na hindi kasama ang kan'yang tatay.Bumaba s'ya sa jeep at naglakad papasok na parang wala sa sarili. Hindi n'ya alintana ang mga security guard na sinisigawan s'ya ng papasok s'ya sa balwarte ng mga Abuena.Basta na lamang s'yang pumasok at walang pakialam sa paligid."Hoy! Saan ka pupunta?" sigaw ng isang gwardiya sa kan'ya. Nahinto s'ya sa paglalakad dahil hinarangan s'ya nito ng maabutan.Nakayuko lang s'ya at ng hindi pa umaalis ang gwardiya sa kan'yang harapan kaya nag-angat s'ya ng ulo para harapin ito. At ganon na la
NALIE ATHALIA...Isang buwan na ang nakalipas simula ng makulong ang kan'yang ama. At sa loob ng mga panahong iyon ay walang humpay din ang pagdadalamhati nilang dalawa ng kan'yang nanay.Hindi sila nabigyan ng kahit na isang pagkakataon man lang na madalaw, makita at makausap ang kan'yang ama na sa pagkakaalam n'ya ay nakakulong pa rin sa bayan.Hindi na sila makakaalis sa lugar ng mga Abuena dahil nalaman ni senyor Romeo ang pagpunta n'ya sa presento kaya ngayon ay may mga taohan ito na nagbabantay sa paligid ng bahay nila.Pinuntahan din sila ng mga ito at pinagbantaan. Ngunit kahit ganon pa man ay nagpapasalamat pa rin s'ya na hindi sila sinaktan ng mga ito.Naaawa s'ya sa kan'yang ina. Simula ng mapagbintangan at makulong ang kan'yang tatay ay wala na itong ginawa kundi ang umiyak ng umiyak.Minsan ay nahuhuli n'ya itong kinakausap ang larawan ng kan'yang ama. Kahit s'ya ay hindi matatawarang pagdadalamhati din ang kan'yang nararamdaman ngunit pilit n'yang pinatatag ang kan'yang
NALIE ATHALIA...Itinago n'ya ang naturang card at agad na nag impake ng mga importanting gamit na pwede nilang madala. Isinilid n'ya ito sa isang bag na itim at lumipat sa kwarto ng kan'yang ina.Kumuha s'ya ng ilang pirasong damit ng kan'yang nanay at isinilid din ito sa bag. Hinalungkat n'ya din ang aparador ng mga magulang at nagbabasakali na makahanap ng kahit kaunting pera para may magamit sila sa pagtakas."Pssst, ano gawa mo? Ikaw nakaw din? Hala ka, lagot ka pag ikaw nahuli ni senyor Romeo, ikaw bangbang," ang kan'yang ina na magpahanggang ngayon ay nakaupo pa rin sa papag na hinihigaan nito habang hawak-hawak ang litrato ng kan'yang ama at ang unan na binihisan nito ng damit ng kan'yang tatay.Mabuti na lang at hindi ito nagwawala at kalmado lang na nakaupo sa papag na hinihigaan nito. Ngunit kahit ganon pa man ay hindi s'ya pakampanti. Kailangan pa rin na maipagamot n'ya agad ang kan'yang ina bago pa lumala ang nangyayari dito."Nay, kailangan natin ng pera, may naitabi ka
NALIE ATHALIA...Kanina pa s'ya pasilip-silip sa siwang ng kanilang dingding. Tinitingnan n'ya kung may nakabantay sa kanila na mga taohan sa labas ng bahay. Pagkatapos n'yang maghalungkat sa kwarto ng ina ay lumabas agad s'ya para magmanman sa sitwasyon sa labas.At may iilang tao s'yang nakita na may mga bitbit na baril. Bigla s'yang pinanghinaan ng loob ngunit ng maisip ang kan'yang pakay kung bakit sila tatakas ng ina ay agad n'yang iwinaksi sa puso ang takot at pangamba.Nakahanda na ang kanilang mga gamit na dadalhin. Isang back pack lang naman ang dala n'ya na may kaunting damit nila ng kan'yang nanay at ang pera na nakita n'ya kanina sa aparador ng mga ito.Kahit anong mangyari ay hindi n'ya iiwan ang pera dahil kailangan nila iyon. Ang nanay n'ya naman ay binihisan n'ya na kanina pa para kapag may pagkakataon ay aalis na agad sila.Nasa silid lang ito at nilalaro pa rin ang unan na dinamitan nito. Marahas s'yang bumuntong hininga dahil sa awa sa kan'yang mga magulang. Sino ang
NALIE ATHALIA...Lahat ng kan'yang iniisip ay pilit n'yang iwinaksi sa kan'yang utak. Hindi ito ang tamang oras para magulo ang isip n'ya sa ibang bagay. May mga mas importanting bagay pa s'yang kailangang unahin kaysa mga gumugulo sa kan'yang isip ngayon."Nalie kailan n'yo balak umalis ng nanay mo?" narinig n'yang tanong ni Aling Perlita sa kan'ya."Sa mas lalong madaling panahon Aling Perlita. Kapag may pagkakataon ay aalis agad kami ni nanay dito," sagot n'ya sa ginang."Sige! Kung iyan ang plano mo ay tutulongan kita. Uuwi muna ako at lalabas ako mamaya at ako ang magbabantay kung saan kayo pwedeng dumaan. Abesohan ko din si Tomas para makatulong sa atin anak," sagot ni Aling Perlita sa kan'ya.Nagpapasalamat s'ya rito dahil sa buong pusong pagtulong ng mga ito sa kanila. Hanggang nabubuhay s'ya ay tatanawin n'yang utang na loob ang lahat ng tulong ng mga kaibigan ng kan'yang mga magulang sa kanila."Maraming salamat sa lahat ng tulong n'yo sa amin ni nanay, Aling Perlita. Ang l