NALIE ATHALIA...Isang buwan na ang nakalipas simula ng makulong ang kan'yang ama. At sa loob ng mga panahong iyon ay walang humpay din ang pagdadalamhati nilang dalawa ng kan'yang nanay.Hindi sila nabigyan ng kahit na isang pagkakataon man lang na madalaw, makita at makausap ang kan'yang ama na sa pagkakaalam n'ya ay nakakulong pa rin sa bayan.Hindi na sila makakaalis sa lugar ng mga Abuena dahil nalaman ni senyor Romeo ang pagpunta n'ya sa presento kaya ngayon ay may mga taohan ito na nagbabantay sa paligid ng bahay nila.Pinuntahan din sila ng mga ito at pinagbantaan. Ngunit kahit ganon pa man ay nagpapasalamat pa rin s'ya na hindi sila sinaktan ng mga ito.Naaawa s'ya sa kan'yang ina. Simula ng mapagbintangan at makulong ang kan'yang tatay ay wala na itong ginawa kundi ang umiyak ng umiyak.Minsan ay nahuhuli n'ya itong kinakausap ang larawan ng kan'yang ama. Kahit s'ya ay hindi matatawarang pagdadalamhati din ang kan'yang nararamdaman ngunit pilit n'yang pinatatag ang kan'yang
NALIE ATHALIA...Itinago n'ya ang naturang card at agad na nag impake ng mga importanting gamit na pwede nilang madala. Isinilid n'ya ito sa isang bag na itim at lumipat sa kwarto ng kan'yang ina.Kumuha s'ya ng ilang pirasong damit ng kan'yang nanay at isinilid din ito sa bag. Hinalungkat n'ya din ang aparador ng mga magulang at nagbabasakali na makahanap ng kahit kaunting pera para may magamit sila sa pagtakas."Pssst, ano gawa mo? Ikaw nakaw din? Hala ka, lagot ka pag ikaw nahuli ni senyor Romeo, ikaw bangbang," ang kan'yang ina na magpahanggang ngayon ay nakaupo pa rin sa papag na hinihigaan nito habang hawak-hawak ang litrato ng kan'yang ama at ang unan na binihisan nito ng damit ng kan'yang tatay.Mabuti na lang at hindi ito nagwawala at kalmado lang na nakaupo sa papag na hinihigaan nito. Ngunit kahit ganon pa man ay hindi s'ya pakampanti. Kailangan pa rin na maipagamot n'ya agad ang kan'yang ina bago pa lumala ang nangyayari dito."Nay, kailangan natin ng pera, may naitabi ka
NALIE ATHALIA...Kanina pa s'ya pasilip-silip sa siwang ng kanilang dingding. Tinitingnan n'ya kung may nakabantay sa kanila na mga taohan sa labas ng bahay. Pagkatapos n'yang maghalungkat sa kwarto ng ina ay lumabas agad s'ya para magmanman sa sitwasyon sa labas.At may iilang tao s'yang nakita na may mga bitbit na baril. Bigla s'yang pinanghinaan ng loob ngunit ng maisip ang kan'yang pakay kung bakit sila tatakas ng ina ay agad n'yang iwinaksi sa puso ang takot at pangamba.Nakahanda na ang kanilang mga gamit na dadalhin. Isang back pack lang naman ang dala n'ya na may kaunting damit nila ng kan'yang nanay at ang pera na nakita n'ya kanina sa aparador ng mga ito.Kahit anong mangyari ay hindi n'ya iiwan ang pera dahil kailangan nila iyon. Ang nanay n'ya naman ay binihisan n'ya na kanina pa para kapag may pagkakataon ay aalis na agad sila.Nasa silid lang ito at nilalaro pa rin ang unan na dinamitan nito. Marahas s'yang bumuntong hininga dahil sa awa sa kan'yang mga magulang. Sino ang
NALIE ATHALIA...Lahat ng kan'yang iniisip ay pilit n'yang iwinaksi sa kan'yang utak. Hindi ito ang tamang oras para magulo ang isip n'ya sa ibang bagay. May mga mas importanting bagay pa s'yang kailangang unahin kaysa mga gumugulo sa kan'yang isip ngayon."Nalie kailan n'yo balak umalis ng nanay mo?" narinig n'yang tanong ni Aling Perlita sa kan'ya."Sa mas lalong madaling panahon Aling Perlita. Kapag may pagkakataon ay aalis agad kami ni nanay dito," sagot n'ya sa ginang."Sige! Kung iyan ang plano mo ay tutulongan kita. Uuwi muna ako at lalabas ako mamaya at ako ang magbabantay kung saan kayo pwedeng dumaan. Abesohan ko din si Tomas para makatulong sa atin anak," sagot ni Aling Perlita sa kan'ya.Nagpapasalamat s'ya rito dahil sa buong pusong pagtulong ng mga ito sa kanila. Hanggang nabubuhay s'ya ay tatanawin n'yang utang na loob ang lahat ng tulong ng mga kaibigan ng kan'yang mga magulang sa kanila."Maraming salamat sa lahat ng tulong n'yo sa amin ni nanay, Aling Perlita. Ang l
NALIE ATHALIA...Dumating ang hapon, agad s'yang nag-ayos para kapag bumalik na si mang Tomas ay handa na sila ng kan'yang ina."Nay, maghanda ka na, aalis na tayo maya-maya," pagbibigay alam n'ya sa kan'yang nanay. Kahit hindi naman s'ya naintindihan nito ay kailangan n'ya pa rin na ipagbigay alam sa ina ang kailangan nilang gawin.Wala s'yang sagot na nakuha mula dito at ayos lang sa kan'ya iyon, ang mahalaga ay nasabihan n'ya ito.Inayos n'ya ang dadalhin nilang bag at sinigurado na kumpleto ang kanilang mga kakailanganin. Kinakabahan s'ya ngunit nilakasan n'ya ang kan'yang loob para sa kan'yang mga magulang.Lihim s'yang nagdadasal na sana ay walang aberya sa kanilang pagtakas mamaya.Hindi naman nagtagal ang kan'yang paghihintay at may kumatok sa kanilang pinto. Dali-dali s'yang lumabas para silipin ang nasa labas.Nakita n'ya si mang Tomas sa labas ng kanilang bahay. Agad n'yang binuksan ang pinto at pinapasok ang matanda."Mang Tomas," tawag n'ya rito."Aalis na tayo Nalie, an
NALIE ATHALIA...Malakas na kumalabog ang kan'yang puso. Akala n'ya ay mahuhuli na sila ng mga taohan ng kanilang amo. Mabuti na lang at ang anak lang pala ni mang Tomas na lalaki ang nakakita sa kanila.Inutosan daw ito ng tatay nito na pa simply silang sisilipin para masigurong ayos lang silang dalawa ng kan'yang ina. Malaki ang tulong na ibinigay ng pamilya ni mang Tomas sa kanilang pamilya at hindi n'ya alam kung paano pasasalamatan ang mga ito."Nahuli na ba tayo ng demonyo?" tanong ng kan'yang ina. Kahit wala ito sa tamang pag-iisip ay mukhang alam naman nito at naintindihan ang nangyayari sa paligid nila.Alam n'ya na kahit hindi naintindihan ng kan'yang ina ang nangyayari sa paligid ay nararamdaman nito ang tinatawag na panganib.Dahil kung hindi ay baka kanina pa ito gumawa ng ingay o eksena dahil sa mga pinagagawa n'ya rito. Ngunit hindi n'ya naringgan ang kan'yang nanay ng kahit na anong reklamo. Oo nga at noong umpisa ay naging mahirap ito lalo na ng inutosan na umakyat
NALIE ATHALIA...PRESENT..."Baby are you ok?" ang boses ni Adrian ang nagpagising sa kan'yang naglalakbay n'yang diwa. Hindi n'ya alam kung gaano na s'ya katagal sa ilalim ng shower. Ngayo n'ya lang napansin na nasa ilalim pa rin pala s'ya ng dutsa kung saan ay malayang bumabagsak ang tubig sa kan'yang hubad na katawan.Parang tubig na dumaloy sa kan'yang alaala ang lahat ng kan'yang mapait na nakaraan. Ang kan'yang mga magulang, ang buhay nila bago mangyari ang trahedya sa pamilya nila.Ang nakaraan na nagturo s'ya kan'ya kung paano lumaban at maging matapang sa pagharap sa hamon ng buhay at sa mga tao na mapanakit at mapagsamantala.Ang lahat ng kanilang nakaraan kung saan at masaya silang tatlo ng kan'yang mga magulang kahit mahirap lamang ang kanilang buhay. "I miss them, I miss them so much," naiiyak na sabi n'ya. Mabilis na pumulupot sa kan'yang hubad na katawan ang mga braso ni Adrian. Hindi n'ya man lang namalayan na nakapasok na pala ito sa loob ng banyo.Siguro ay kani
NALIE ATHALIA...."K-Kyle," nauutal na tawag n'ya sa pangalan ng kasintahan habang mahigpit na nakakapit sa mga braso nito. Hindi n'ya alam kung sisigaw s'ya o uungol sa mga oras na iyon.Nag-uumpisa pa lang sila pero para na s'yang lalagnatin dahil sa sobrang init ng kan'yang katawan gawa ni Adrian.Adrian's lips travelled from her jaw down to her neck. At dahil sa ginagawa nito ay mas lalo pang sumidhi ang kan'yang nararamdaman na init sa kan'yang katawan na binuhay ni Adrian.Ang kan'yang mga kamay ay naglakbay din mula sa batok ng binata patungo sa buhok nito at mahigpit na sumabunot sa buhok ng kasintahan ng bumaba pa sa kan'yang dibdib ang labi ng lalaki."Ohhhhh!" malakas na ungol n'ya ng walang pasabi na kinagat ni Adrian ang kaniyang naninigas na utong. Ang isang kamay nito ay umakyat sa isa n'yang dibdib at pinisil iyon kasabay ng pagsipsip ng labi nito sa isa n'ya pang korona na tayong-tayong at namumula.Halos hindi na s'ya makahinga dahil sa sobrang pagpipigil. Sobrang sa