NALIE ATHALIA..."You need to move now Laurice," ang boses ng kan'yang kuya Red ang nagpabalik sa kan'ya sa kasalukuyan. Ang layo na pala ng nilakbay ng kan'yang isip."K-Kuya!" "Go and make sure that the person who did this to your what so called "kinamumuhian daw", will pay of what he did to this idiot," nang-uuyam na utos ng kapatid. Inirapan n'ya ito dahil alam n'ya naman na binubuska lang s'ya ng magaling na kapatid.Katunayan ay galit ito kay Adrian dahil sa ginawa ng lalaki sa kan'ya ngunit pinakiusapan n'ya ang kapatid na huwag nang makisali sa kan'yang problema dahil kaya n'ya namang ayusin ang gusot sa kanila ni Adrian.Aaminin n'ya na galit s'ya rito ngunit kapag naiisip n'ya ang mga mabubuting ginawa ng binata sa kan'ya noon ay nababawasan ang galit n'ya. Hindi naman kasi s'ya pinabayaan ni Adrian ng mga panahon ma kailangan n'ya ito.Pagkatapos ng ginawa ni Lincoln sa kan'ya at habang nakikipaglaban s'ya na mabuhay ay ang kapatid ang gumawa ng hakbang at binalikan si Linc
NALIE ATHALIA..."T-Tay!" nauutal na tawag n'ya sa matanda na nasa kan'yang harapan at minamaltrato ng mga kalalakihan.Parang bumalik sa kan'ya ang lahat ng galit noon sa nangyari sa kan'yang mga magulang. Nanikip ang kan'yang dibdib habang nakatingin sa kan'yang ama na sinasaktan ng ibang tao.Hindi n'ya maiiwasan ang bumalik sa mahinang Nalie kapag ang mga magulang n'ya ang pinag-uusapan. Ngunit dahil isa na s'yang matapang at malakas na uri ng babae ay ang pananakit sa kan'yang mga mahal sa buhay ang s'ya ring nagpasidhi ng kan'yang galit.Oo nga at itinago sa kan'ya ng mga kinalakhang magulang ang tungkol sa kan'yang totoong pagkatao ngunit minahal s'ya ng mga ito, inaruga, pinalaki ng maayos kahit mahirap ang sitwasyon at ang pinakamahalaga sa lahat ay itinuring s'ya ng dalawang matanda na mas higit pa sa tunay na anak.Hindi n'ya naramdaman mula sa mga ito na hindi s'ya tunay na anak ng kan'yang nanay Narsing at tatay Alonso. Naghirap din ang mga ito ng dahil sa kan'ya ay ginaw
NALIE ATHALIA..."Peanut, mauna ka na! Iligtas mo ang tatay mo, ako na ang bahala dito. Magkita tayo mamaya sa hideout," utos sa kan'ya ni Black Lily."What? No! Hindi kita iiwan dito Black Lily," giit n'ya."I can manage! Just go and save your father! Papunta na ang mga taohan ko," dagdag pa nito.Ayaw n'ya mang sundin at iwan ang kaibigan ngunit hindi din pwede na nakadikit ang tatay n'ya sa kan'ya sa pakikipaglaban n'ya.Masyadong delikado at matanda na ito. Mahina at hindi na kayang tumakbo ng mabilis kaya kahit labag sa kan'yang kalooban ay sinunod n'ya ang utos ni Black Lily sa kan'ya."Dito tayo tay," aya n'ya sa matanda at mabilis na iginiya ito sa kabilang bahagi ng lugar.Nauna s'ya at nasa likod ang kan'yang ama. Binaybay nila ang kahabaan ng tinatahak na lugar at may mga nakakasalubong sila na mga kalaban ngunit hindi ito nagkaroon ng pagkakataon na makaisa sa kan'ya.Mas mabilis at maliksi s'ya kaysa sa mga ito kaya palagi n'ya itong nauunahan at bumabagsak sa lupa ng wal
NALIE ATHALIA..."A-Adrian?" halos pabulong na tawag n'ya sa pangalan ng binata. Nanginginig ang kan'yang buong katawan sa mga narinig mula sa kan'yang ama."Nalie, anak ok ka lang? Kamusta si Adrian anak? Inaalagaan ka ba n'ya ng maayos?" tanong ng ama sa kan'ya. Doon lang s'ya parang nahimasmasan at nagising mula sa mahimbing na pagtulog."T-Tay! A-Ang sabi n'yo si A-Adrian ang nagligtas sa akin at ang tumulong sayo. A-Ano ang apelyedo n'ya tay?" kinakabahan na tanong n'ya sa ama. Nagsalubong ang kilay nito habang nakatingin sa kan'ya."Hindi ba at binanggit ko na sayo ang apelyedo n'ya? Carson anak, isang Carson ang tumulong sa atin," sagot ng kan'yang ama na mas lalo n'yang ikinawindang. Ang akala n'ya kanina ay guni-guni n'ya lang ang binanggit nitong apelyedo ngunit hindi eh, totoong Carson ang apelyedo na sinabi nito at totoong si Adrian na ama ni Khairo at ang Adrian na tumulong sa kanila ay iisa.Mahina s'yang natawa ng mahimasmasan at naihilamos ang mga palad sa mukha. Sino
NALIE ATHALIA...Kinabukasan ay maaga pa lang ay gising na s'ya at ganon din ang kan'yang tatay Alonso.Susunduin sila ng kuya Red n'ya gamit ang helicopter nito para walang abala daw. Ayon dito ay tamad na itong linisin ang daan at bakit pa daw ito gagamit ng kotse kung may sariling helicopter naman daw ito at hindi maharangan ng mga kalaban.Kahit kailan talaga ay napaka salbahe ng kapatid n'ya lalo na kapag sinumpong ito ng kapilyohan."Tay parating na si kuya," pagbibigay alam n'ya sa ama. Nakita n'ya ang takot at pag-alala sa mga mata ng ama kaya naman ay nilapitan n'ya ito at hinawakan sa kamay."Tay, mabait sila, huwag kang matakot. Walang galit sayo sa pamilya ko tay. Ama din kita at mahal kita tay, at ang lahat ng mahal ko sa buhay ay mahal din ng pamilya ko," pagbibigay assurance n'ya sa ama. Tipid itong ngumiti sa kan'ya ngunit alam n'ya na sa loob nito ay may pag-alala pa rin ito.Sinigurado n'ya na maging kampante ang kan'yang ama at mawala ang takot nito at pag-alala sa
NALIE ATHALIA..."T-Tell me everything!" nauutal na pakiusap n'ya kay Adrian. Mataman s'ya nitong tiningnan at nagpakawala ng hangin bago nagsimulang magkwento."Saan mo ako gustong magsimula?" tanong sa kan'ya ng binata."S-Sa p-panggagaha—,""I didn't rape you!" putol ni Adrian sa gusto n'yang sabihin. Napaawang ang kan'yang labi ng marinig ang sinabi nito."What did you just say?" nagtatakang tanong n'ya rito ng mahimasmasan."I didn't rape you, Nalie! You threw yourself to me," tahasang sabi nito sa kan'ya na ikinainit ng kan'yang ulo."How dare you say that Adrian! Hindi ako pakawalang babae!" galit na sigaw n'ya sa binata ngunit hindi man lang ito natinag."I know!" "Alam mo naman pala pero bakit sinabi mo na ako ang nagbigay ng sarili ko sayo!" nangangalaiti sa galit na sigaw n'ya sa lalaki."Because you did!" giit pa ng binata sa kan'ya na ikinatulos n'ya sa kinatatayuan. Hindi n'ya alam kung nagsasabi ito ng totoo pero alam n'ya na hindi n'ya magagawang ibigay ang kan'yang
ADRIAN KYLE..."I look for you everywhere but I cannot find you. Ilang taon kitang hinanap Nalie at hindi ako sumuko hanggang sa naging isang ganap na akong abogado. Dahil sa propesyon ko ay naging busy ako at hindi ko na masyadong naaasikaso ang paghahanap sayo pero hindi ako tumigil Nalie," dagdag pa ni Adrian.Nakamata lang s'ya rito at hindi alam kung ano ang isasagot n'ya sa binata. Hindi n'ya alam kung totoo ang mga sinasabi nito ngunit sa mukha ni Adrian ay walang kahit maliit na pagsisinungaling sa hitsura nito.Ang taong kinamumuhian n'ya dahil sa pag-aakala na s'yang lumapastangan sa kan'ya ay wala palang kasalanan bagkus ay s'ya pa ang tumulong sa kan'ya.Ngunit hindi n'ya maintindihan kung bakit hindi n'ya naaalala ang parting iyon ng kan'yang buhay. Bakit ang nakatatak sa isip n'ya ay ang mga masalimuot na senaryo."B-Baki—,""Sorry to interrupt guys but I think kailangan ako dito," natigil s'ya sa akmang pagsasalita ng biglang bumukas ang pinto at pumasok si Black Lily.
NALIE ATHALIA...It's been five months since Adrian and she, talked about what happened from the past. At pagkatapos ng pag-uusap nila ay nagpasya s'yang bumalik sa Belgium para magpalamig muna.Kailangan n'ya iyon dahil gulong-gulo ang kan'yang isip sa mga nalaman. Wala din s'yang lakas ng loob na harapin si Adrian pagkatapos n'ya itong pag-isipan ng masama.Kinausap n'ya ang mga magulang ni Adrian na dadalhin n'ya si Khairo para makasama n'ya ang kan'yang anak ngunit nakiusap din si Khairo sa kan'ya na hindi na muna ito sasama kahit gusto nito dahil walang maiiwan sa daddy nito.Nangako naman ito sa kan'ya na kapag magaling na si Adrian ay susunod s'ya sa Belgium para makita nito at makasama ang mga lolo at lola.Khairo knows everything at hindi na s'ya nahirapan pa na magpaliwanag sa kan'yang anak. Matagal na pala nitong alam na si Adrian ang ama nito. At ito din ang gumawa ng paraan para magkita ang mga ito.Ang ama na lang nito ang huling pag-asa para gumaling kaya nito ginawa an