ADRIAN KYLE..."I look for you everywhere but I cannot find you. Ilang taon kitang hinanap Nalie at hindi ako sumuko hanggang sa naging isang ganap na akong abogado. Dahil sa propesyon ko ay naging busy ako at hindi ko na masyadong naaasikaso ang paghahanap sayo pero hindi ako tumigil Nalie," dagdag pa ni Adrian.Nakamata lang s'ya rito at hindi alam kung ano ang isasagot n'ya sa binata. Hindi n'ya alam kung totoo ang mga sinasabi nito ngunit sa mukha ni Adrian ay walang kahit maliit na pagsisinungaling sa hitsura nito.Ang taong kinamumuhian n'ya dahil sa pag-aakala na s'yang lumapastangan sa kan'ya ay wala palang kasalanan bagkus ay s'ya pa ang tumulong sa kan'ya.Ngunit hindi n'ya maintindihan kung bakit hindi n'ya naaalala ang parting iyon ng kan'yang buhay. Bakit ang nakatatak sa isip n'ya ay ang mga masalimuot na senaryo."B-Baki—,""Sorry to interrupt guys but I think kailangan ako dito," natigil s'ya sa akmang pagsasalita ng biglang bumukas ang pinto at pumasok si Black Lily.
NALIE ATHALIA...It's been five months since Adrian and she, talked about what happened from the past. At pagkatapos ng pag-uusap nila ay nagpasya s'yang bumalik sa Belgium para magpalamig muna.Kailangan n'ya iyon dahil gulong-gulo ang kan'yang isip sa mga nalaman. Wala din s'yang lakas ng loob na harapin si Adrian pagkatapos n'ya itong pag-isipan ng masama.Kinausap n'ya ang mga magulang ni Adrian na dadalhin n'ya si Khairo para makasama n'ya ang kan'yang anak ngunit nakiusap din si Khairo sa kan'ya na hindi na muna ito sasama kahit gusto nito dahil walang maiiwan sa daddy nito.Nangako naman ito sa kan'ya na kapag magaling na si Adrian ay susunod s'ya sa Belgium para makita nito at makasama ang mga lolo at lola.Khairo knows everything at hindi na s'ya nahirapan pa na magpaliwanag sa kan'yang anak. Matagal na pala nitong alam na si Adrian ang ama nito. At ito din ang gumawa ng paraan para magkita ang mga ito.Ang ama na lang nito ang huling pag-asa para gumaling kaya nito ginawa an
NALIE ATHALIA..."Oh saan ka pupunta princess?" natatarantang sigaw ng kan'yang kapatid ng iwan n'ya ito sa balkonahe ng kan'yang kwarto. Dumiretso s'ya sa kan'yang closet at inilabas ang isang maliit na maleta.Hindi n'ya naman kailangan ang isang closet na damit. Iilang piraso lang at bibili na s'ya pagdating n'ya sa Pilipinas.Kumuha s'ya ng ilang piraso ng damit at isinilid sa kan'yang maleta. Hindi s'ya papayag na maikasal si Adrian sa iba ng hindi sila nagkakausap at nagkakaliwanagan.Umalis lang s'ya para makapag-isip ng maayos ngunit hindi ibig sabihin n'on na wala na silang koneksyon na dalawa. Kung sino man ang pakakasalan nito ay sisiguraduhin n'ya na totoong nagmamahalan ang mga ito. Hindi s'ya basta-bastang susuko na lang lalo na kung makikita n'ya na hindi naman totoo ang pagmamahal ng mga ito.Para s'yang sinasakal habang naglalagay ng mga damit sa kan'yang maleta. Masakit at mabigat ang kan'yang kalooban sa nalaman. Umaasa pa naman s'ya na maaayos pa nila ni Adrian ang
NALIE ATHALIA...Matapos ang nangyari sa condo ni Adrian ay dali-dali s'yang umalis na hindi man lang nakahingi ng sorry sa binata. Limang araw na iyon at wala naman s'yang narinig mula sa lalaki kaya nawawalan na s'ya ng pag-asa na makakapag-usap sila. Talagang hindi na interesado sa kan'ya si Adrian at tatanggapin n'ya na lang ang katotohanan na iba na ang mahal nito.Umuwi s'ya sa bahay nila dito sa Pilipinas at kasalukoyan n'yang kasama si Khairo. Pinasundo n'ya ito sa kapatid dahil hindi n'ya alam kung kaya n'yang harapin ang mga magulang ni Adrian at baka magkita sila ng binata sa bahay ng mga magulang nito kapag pinuntahan n'ya ang anak.Mabuti na lang at mabait ang kuya n'ya at naintindihan nito ang kan'yang sitwasyon at nararamdaman. Mababait din ang mga magulang ni Adrian at walang reklamo na ipinadala si Khairo. Hindi pa s'ya nakapagpasalamat sa ama ni Adrian na s'yang tumulong din sa kan'yang pamilya noon. Kung tutuusin ay malaki ang utang na loob n'ya sa mga Carson at hab
NALIE ATHALIA...Nasa sasakyan na sila ngunit nakatulala pa rin s'ya at hindi nagsasalita. Wala s'yang ibang ginawa kundi ang matulala. Sino ba ang hindi? Eh ang inaasahan n'ya na nagkaroon s'ya ng kaso kaya pinadalhan s'ya ng subpoena ay hindi pala totoo."Baby are you mad at me?" ang boses ni Adrian ang nagpabalik sa kan'yang diwa na umabot na yata hanggang sa North Pole."Saan mo ako dadalhin?" imbes na sagutin ang tanong nito ay tinanong n'ya din ang binata. Seryoso ang kan'yang mukha pati na ang boses para itago ang kan'yang kilig na nararamdaman ng mga oras na iyon.Hindi n'ya alam kung paano nagawa ni Adrian ang makawala sa babaeng pakakasalan nito na nandoon din sa korte kanina. Ngunit hindi n'ya na iyon iisipin pa, bahala na kung mahusgahan s'yang mang-aagaw, ang mahalaga ay magkasama na sila ni Adrian ngayon."Itatanan na kita para hindi ka na makakawala pa sa akin. Ang hirap mo kayang hanapin, hmmm!" sagot ng binata sa kan'ya na nakausli pa ang labi na parang bata. Ito ang
NALIE ATHALIA...True to his word, kinabukasan ay idinaos ang isang engrandeng kasalan sa kanilang private resort na pag-aari nila ni Adrian.Hindi n'ya alam na may ganito silang resort na nakapangalan sa kanilang dalawa ng binata. Marami pang surpresa sa kan'ya ang binata na nagpawindang sa kan'yang buong sistema.Kagabi bago sila nakatulog ay marami silang pinag-usapan ng kasintahan. Ipinaliwanag sa kan'ya ni Adrian ang lahat-lahat at pati na ang mga bagay na hindi nasabi sa kan'ya ni Black Lily ay kay Adrian n'ya nalaman.Humingi s'ya ng tawad sa binata at ganon din ito. Nangako sila sa isat-isa na simula ng nagdaang gabi ay wala na silang itatago pa sa isat-isa. Magiging mag-asawa na sila kaya kailangan na magiging honest sila sa bawat isa at walang sekreto."Hi, can I come in?" ang boses ng isang babae ang pumukaw sa tahimik na silid na kinaroroonan n'ya kung saan ay inaayusan s'ya ng tatlong make-up artist na nakatalaga na mag-aayos sa kan'ya.Nang lingunin n'ya ito ay nakita n'
NALIE ATHALIA...Naging matagumpay ang kanilang kasal ni Adrian. Lahat ay masaya lalo na silang apat ng kanilang mga anak. Parang kailan lang ay nakikipaglaban pa s'ya sa buhay ngunit ngayon ay larawan na sila ng isang masayang pamilya.Sobrang mahal s'ya ng nasa itaas dahil hindi s'ya nito pinabayaan. Dumaan man s'ya sa mga mahihirap na pagsubok sa buhay ngunit nalampasan n'ya naman lahat at naging malakas at matapang para sa mga susunod pang pagsubok na ibibigay sa kan'ya.Binigyan din s'ya ng lalaki na tanggap s'ya at totoong nagmamahal sa kan'ya. Who would have thought na mamahalin s'ya ni Adrian sa kabila ng kan'yang nakaraan kasama na ang katotohanan na kasal na s'ya sa iba dati."What are you thinking wife?" pukaw sa kan'ya ng asawa. Nakayapos sa bewang n'ya ang braso nito habang karga-karga naman sa kabilang braso ang kanilang prinsesa na halos hindi na maalis sa pagkakayakap sa leeg ng ama nito."I'm happy," nakangiting sagot n'ya rito. "Ako ba ang dahilan ng kasiyahan na ya
KHAIRO ALONSO..."Fvck! Damn it!" malutong na mura n'ya sabay sipa sa isang upoan na nasa kan'yang harapan. Napatungo s'ya sa sahig habang ang isip ay nasa kay Dominique.Reese Dominique El Frio is her childhood love hanggang ngayon ngunit tanging isang matalik na kaibigan lamang ang turing nito sa kan'ya.Kailanman ay hindi s'ya nagtangka na ligawan o kahit magpalipad hangin man lang sa dalaga dahil natatakot s'ya na baka masira ang pagkakaibigan nila at lumayo ito sa kan'ya.Kaya nagtiis na lamang s'ya na lihim itong mamahalin. Minsan ay parang nadedemonyo na s'yang sabihin dito ang kan'yang nararamdaman at kung kailan na nagkaroon na s'ya ng lakas ng loob para magtapat sa babaeng matagal n'ya ng minamahal ay doon naman at dumating ang lalaking nagpapatibok ng puso nito.He was hurt and totally in a big messed ng malaman n'yang ikakasal na si Dominique kay attorney Montero. Ngunit kahit gaano pa s'yang nasaktan ay never n'yang ipinakita sa kahit na kanino ang totoong nararamdaman n'y