NALIE ATHALIA...Pumasok s'ya sa hospital kahit ayaw n'ya pa sana hindi dahil gusto n'ya ng magtrabaho kundi dahil para makaiwas s'ya kay Adrian at sa ama nito.Hindi mawala sa kan'yang isip ang kan'yang narinig at gustohin n'ya mang tanungin si Adrian ngunit wala s'yang lakas ng loob.Natatakot s'ya na baka may malalaman s'ya na ikakasakit ng kan'yang puso ngunit hindi n'ya rin maiwasan ang hindi mag-isip tungkol sa narinig n'ya na usapan ng mag-ama.Ang palaging tanong na bumabagabag sa kan'yang isip ay kung ano ang kasalanan ni Adrian sa kan'yang mga magulang at sa kan'ya mismo.May naiisip s'ya noong nakaraan pa ngunit ayaw n'yang tanggapin sa kan'yang isip at ayaw n'yang alamin dahil sa takot na baka masaktan s'ya ng husto sa kan'yang malalaman.Ngunit kahit anong pag-iwas n'ya ay hindi n'ya pa rin mapigilan ang mag-isip. Gabi-gabi s'yang hindi pinapatulog sa kakaisip tungkol sa narinig n'ya.Ipinarada n'ya ang kan'yang sasakyan ng makarating sa hospital. Nagbuga muna s'ya ng han
NALIE ATHALIA..."Sino kayo? At ano ang kailangan n'yo sa akin?" kinakabahan na tanong n'ya sa dalawang lalaki ngunit hindi n'ya ipinakita sa mga ito na natatakot s'ya."Magmaneho ka kung ayaw mong pasabugin namin ang ulo mo!" singhal ng isang lalaki na nasa kan'yang likuran.Nakatutok sa kan'ya ang dulo ng baril nito kaya hindi s'ya pwedeng magkamali sa kan'yang mga galaw. Ayaw n'ya pang mamatay dahil gusto n'ya pang makasama ang kan'yang anak at si Adrian."K-Kung pera ang kailangan n'yo ay bibigyan ko kayo," nauutal na sabi n'ya sa mga lalaki ngunit tinawanan lamang s'ya ng mga ito."Pera? Bayad na kami Ms. at malaki ang ibinayad sa amin kaya kung ako sayo ay magsisimula na akong magmaneho bago pa ako maubosan ng pasensya sayo at baka dito mismo sa loob ng sasakyan mo ay mabaril kita," singhal ng lalaki sa kan'ya na nasa kan'yang likuran.Kahit nanginginig ang mga kamay ay ginawa n'ya pa rin ang lahat para mamaniubra ang kan'yang sasakyan.Dahan-dahan s'yang nagmaneho palabas ng ca
NALIE ATHALIA..."Hindi totoo yan! Hindi magagawa ni Adrian sa akin ang mga pinagsasabi mo! Sinungaling!" nangangalaiti sa galit na sigaw n'ya kay Lincoln ngunit tinawanan lamang s'ya ng lalaki."Ayaw mo pa rin maniwala Nalie? Nakakaawa ka na nakakatawa, alam mo ba yan? Masyado kang bulag at bingi sa katotohanan na ang lalaking pinakamamahal mo ay s'ya ding sumira sa buhay mo! Tunay ngang isa kang tanga Nalie! Nakakaawa ka!" puno ng pangungutya na sabi ni Lincoln sa kan'ya.Ayaw n'ya pa ring tanggapin sa kan'yang sarili ang mga naririnig tungkol kay Adrian. Hindi s'ya naniniwala dito, hindi magagawa ni Adrian ang bagay na sinasabi ni Lincoln."No! No! Hindi magagawa ni Adrian sa akin ang bagay na yon. Mahal ako ni Adrian at nirerespeto!" pagtatanggol n'ya sa kasintahan."Sino ang mahal? Sino ang nirerespeto?" natigil s'ya ng marinig ang boses ng isang lalaki na hindi n'ya namalayan na nakapasok na pala sa loob ng silid na kinaroroonan nila.At nagulat pa s'ya ng makilala ang lalaking
NALIE ATHALIA..."Punyeta kang babae ka, hindi ko alam na marunong ka palang lumaban? Bakit ang sabi ng kapatid ko ay isa kang lampa?" nangangalaiti sa galit na sabi ni Dr. Ocampo sa kan'ya.Kahit s'ya ay nagulat din sa bilis ng kan'yang kilos at mas lalo s'yang nagulat dahil ngayon n'ya lang napag-alaman na marunong pala s'yang sumipa.Nakita n'yang papalapit sa kan'ya si Dr. Ocampo kaya naman ay inihanda n'ya ang kan'yang sarili. Hindi n'ya alam pero parang bigla na lamang s'ya nagkaroon ng lakas at tapang para protektahan ang kan'yang sarili."Akala mo ba hindi kita papatulan na babae ka! Halika nga dito at babaliin ko ang mga buto mo," gigil na sabi ni Dr. Ocampo sabay hablot sa kan'ya ngunit bago pa s'ya nito mahawakan ay mabilis na s'yang umiwas at umikot sa gilid nito at binigyan ito ng malakas na suntok sa leeg.Bumagsak ito sa lupa habang umuubo. Nakita n'ya kung paano maglabasan ang mga ugat ng lalaki sa leeg.Pinakiramdaman n'ya ang kan'yang sarili at nararamdaman n'ya na p
NALIE ATHALIA ...Mas lalo n'ya pang binilisan ang kan'yang pagtakbo ng marinig ang sunod-sunod na putok na baril mula sa kan'yang likod.Hindi alintana ang sakit at sugat sa kan'yang mga paa dahil sa mga sanga ng mga kahoy na natatapakan n'ya.Kailangan n'yang makalayo sa mga kamay ni Lincoln at makabalik sa kan'yang pamilya.Hindi n'ya na nilingon pa ang nasa likod. Basta ang alam n'ya lang ay mabilis s'yang tumatakbo ngayon para makalayo sa humabahabol sa kan'ya."Hulihin n'yo! Ayon!" ang malakas na boses ni Lincoln na sinundan ng sunod-sunod na putok ng baril.Napahiyaw s'ya ng tamaan ang puno na nasa kan'yang tabi ngunit hindi s'ya tumigil sa pagtakbo.Mas lalo n'ya pa itong binilisan at hindi n'ya na alam kung saan s'ya dinala ng kan'yang mga paa. Ang nasa isip n'ya lang ng mga oras na iyon ay ang makatakas sa mga kamay ng dating asawa na humahabol sa kan'ya.Naisip n'ya si Adrian. Sumilay ang isang mapait na ngiti sa kan'yang labi ng maalala ang kasintahan. Kung totoo man ang s
ADRIAN KYLE...Kanina pa s'ya pabalik-balik ng lakad sa kanilang living room. Parang hindi s'ya mapakali at ang lakas ng kan'yang kaba. Pinagpawisan s'ya na hindi n'ya alam kung saan galing. Naka centralized aircon ang kanilang buong bahay kaya malabong pagpawisan s'ya dahil sa init.Nanlalamig din ang kan'yang kalamnan at hindi s'ya mapakali kaya hindi s'ya makapirmi ng upo sa upoan. Kailangan n'yang tumayo at magpalakad-lakad para kahit papaano ay maibsan ang kan'yang nararamdaman."Dad are you ok? Bakit parang balisa ka?" nagulat pa s'ya ng biglang magsalita si Alonso mula sa kan'yang likuran. Hinarap n'ya agad ang anak ng marinig ang boses nito. Nakatayo ito sa likod ng sofa at salubong ang mga kilay habang nakatingin sa kan'ya."I don't know son! Kinakabahan ako Alonso,na hindi ko alam kung bakit at kung para saan. Teka anong oras ba matatapos ang duty ng mommy mo? Did she tell you anything?" tanong n'ya rito. Actually ay kakarating n'ya lang sa bahay mula sa korte.Pagdating n'
ADRIAN KYLE...Halos halughugin n'ya na ang buong Pilipinas para hanapin ang kasintahan ngunit walang Nalie ang natagpuan. Halos mabaliw na din s'ya sa kakahanap dito araw-araw.Wala na s'yang matinong kain at tulog sa loob ng mahigit dalawang buwan na simula ng mawala si Nalie. Palagi din s'yang lasing at halos hindi na naasikaso ang kan'yang sarili.Masakit para sa kan'ya ang pagkawala ng kasintahan at magpahanggang ngayon ay wala pa rin s'yang ideya kung sino ang nasa likod ng pagkawala nito.Walang nagawa ang kan'yang pera at koneksyon. Walang kahit na anong bakas na naiwan si Nalie, maliban na lamang sa cellphone na nakita n'ya noong pinuntahan n'ya ito sa hospital."Adrian, anak tama na yan. Inaabuso mo na ang katawan mo sa ginagawa mo," ang boses ng kan'yang mommy ang nagpagising sa kan'ya. Nasa kwarto lang s'ya at may hawak na isang bote ng alak.Umaga pa lang at kagigising lang yata ng kan'yang ina ngunit s'ya ay umiinom na."I'm ok mom!" tipid na sagot n'ya rito. Naupo ito
ADRIAN KYLE...2 YEARS LATER..."Alonso c'mon! Hurry up son, we will be late," pasigaw na tawag n'ya sa kan'yang anak. Aalis sila ngayon kasama ang kan'yang mga magulang.Inimbitahan ang pamilya nila sa isang party na hindi n'ya alam kung saan at kung kaninong party dahil sabit lang man s'ya. Ayaw n'ya din sanang pumunta ngunit ang kan'yang nga magulang ang mapilit lalo na ang kan'yang ina.Kaya wala na din s'yang nagawa kundi ang paunlakan ang mga ito. Simula ng mawala si Nalie at magpahanggang ngayon ay hindi n'ya pa rin ito natatagpuan ay nawalan na s'ya ng gana sa mga party o lumabas kasama ang mga pinsan o mga kaibigan.Mas gusto n'ya pang magkulong sa kan'yang silid at magpahinga kaysa makihalubilo sa ibang tao sa mga party.Hindi pa rin s'ya nakaka move on hanggang ngayon. Masakit pa rin sa kan'ya ang lahat ng nangyari dalawang taon na ang nakalipas. Ngunit kahit dumaan pa ang ilang dekada ay hindi pa rin s'ya naniniwala na patay na ang kasintahan. Ramdam n'ya na buhay na buha