NALIE ATHALIA..."Punyeta kang babae ka, hindi ko alam na marunong ka palang lumaban? Bakit ang sabi ng kapatid ko ay isa kang lampa?" nangangalaiti sa galit na sabi ni Dr. Ocampo sa kan'ya.Kahit s'ya ay nagulat din sa bilis ng kan'yang kilos at mas lalo s'yang nagulat dahil ngayon n'ya lang napag-alaman na marunong pala s'yang sumipa.Nakita n'yang papalapit sa kan'ya si Dr. Ocampo kaya naman ay inihanda n'ya ang kan'yang sarili. Hindi n'ya alam pero parang bigla na lamang s'ya nagkaroon ng lakas at tapang para protektahan ang kan'yang sarili."Akala mo ba hindi kita papatulan na babae ka! Halika nga dito at babaliin ko ang mga buto mo," gigil na sabi ni Dr. Ocampo sabay hablot sa kan'ya ngunit bago pa s'ya nito mahawakan ay mabilis na s'yang umiwas at umikot sa gilid nito at binigyan ito ng malakas na suntok sa leeg.Bumagsak ito sa lupa habang umuubo. Nakita n'ya kung paano maglabasan ang mga ugat ng lalaki sa leeg.Pinakiramdaman n'ya ang kan'yang sarili at nararamdaman n'ya na p
NALIE ATHALIA ...Mas lalo n'ya pang binilisan ang kan'yang pagtakbo ng marinig ang sunod-sunod na putok na baril mula sa kan'yang likod.Hindi alintana ang sakit at sugat sa kan'yang mga paa dahil sa mga sanga ng mga kahoy na natatapakan n'ya.Kailangan n'yang makalayo sa mga kamay ni Lincoln at makabalik sa kan'yang pamilya.Hindi n'ya na nilingon pa ang nasa likod. Basta ang alam n'ya lang ay mabilis s'yang tumatakbo ngayon para makalayo sa humabahabol sa kan'ya."Hulihin n'yo! Ayon!" ang malakas na boses ni Lincoln na sinundan ng sunod-sunod na putok ng baril.Napahiyaw s'ya ng tamaan ang puno na nasa kan'yang tabi ngunit hindi s'ya tumigil sa pagtakbo.Mas lalo n'ya pa itong binilisan at hindi n'ya na alam kung saan s'ya dinala ng kan'yang mga paa. Ang nasa isip n'ya lang ng mga oras na iyon ay ang makatakas sa mga kamay ng dating asawa na humahabol sa kan'ya.Naisip n'ya si Adrian. Sumilay ang isang mapait na ngiti sa kan'yang labi ng maalala ang kasintahan. Kung totoo man ang s
ADRIAN KYLE...Kanina pa s'ya pabalik-balik ng lakad sa kanilang living room. Parang hindi s'ya mapakali at ang lakas ng kan'yang kaba. Pinagpawisan s'ya na hindi n'ya alam kung saan galing. Naka centralized aircon ang kanilang buong bahay kaya malabong pagpawisan s'ya dahil sa init.Nanlalamig din ang kan'yang kalamnan at hindi s'ya mapakali kaya hindi s'ya makapirmi ng upo sa upoan. Kailangan n'yang tumayo at magpalakad-lakad para kahit papaano ay maibsan ang kan'yang nararamdaman."Dad are you ok? Bakit parang balisa ka?" nagulat pa s'ya ng biglang magsalita si Alonso mula sa kan'yang likuran. Hinarap n'ya agad ang anak ng marinig ang boses nito. Nakatayo ito sa likod ng sofa at salubong ang mga kilay habang nakatingin sa kan'ya."I don't know son! Kinakabahan ako Alonso,na hindi ko alam kung bakit at kung para saan. Teka anong oras ba matatapos ang duty ng mommy mo? Did she tell you anything?" tanong n'ya rito. Actually ay kakarating n'ya lang sa bahay mula sa korte.Pagdating n'
ADRIAN KYLE...Halos halughugin n'ya na ang buong Pilipinas para hanapin ang kasintahan ngunit walang Nalie ang natagpuan. Halos mabaliw na din s'ya sa kakahanap dito araw-araw.Wala na s'yang matinong kain at tulog sa loob ng mahigit dalawang buwan na simula ng mawala si Nalie. Palagi din s'yang lasing at halos hindi na naasikaso ang kan'yang sarili.Masakit para sa kan'ya ang pagkawala ng kasintahan at magpahanggang ngayon ay wala pa rin s'yang ideya kung sino ang nasa likod ng pagkawala nito.Walang nagawa ang kan'yang pera at koneksyon. Walang kahit na anong bakas na naiwan si Nalie, maliban na lamang sa cellphone na nakita n'ya noong pinuntahan n'ya ito sa hospital."Adrian, anak tama na yan. Inaabuso mo na ang katawan mo sa ginagawa mo," ang boses ng kan'yang mommy ang nagpagising sa kan'ya. Nasa kwarto lang s'ya at may hawak na isang bote ng alak.Umaga pa lang at kagigising lang yata ng kan'yang ina ngunit s'ya ay umiinom na."I'm ok mom!" tipid na sagot n'ya rito. Naupo ito
ADRIAN KYLE...2 YEARS LATER..."Alonso c'mon! Hurry up son, we will be late," pasigaw na tawag n'ya sa kan'yang anak. Aalis sila ngayon kasama ang kan'yang mga magulang.Inimbitahan ang pamilya nila sa isang party na hindi n'ya alam kung saan at kung kaninong party dahil sabit lang man s'ya. Ayaw n'ya din sanang pumunta ngunit ang kan'yang nga magulang ang mapilit lalo na ang kan'yang ina.Kaya wala na din s'yang nagawa kundi ang paunlakan ang mga ito. Simula ng mawala si Nalie at magpahanggang ngayon ay hindi n'ya pa rin ito natatagpuan ay nawalan na s'ya ng gana sa mga party o lumabas kasama ang mga pinsan o mga kaibigan.Mas gusto n'ya pang magkulong sa kan'yang silid at magpahinga kaysa makihalubilo sa ibang tao sa mga party.Hindi pa rin s'ya nakaka move on hanggang ngayon. Masakit pa rin sa kan'ya ang lahat ng nangyari dalawang taon na ang nakalipas. Ngunit kahit dumaan pa ang ilang dekada ay hindi pa rin s'ya naniniwala na patay na ang kasintahan. Ramdam n'ya na buhay na buha
ADRIAN KYLE..."Dad, she looks like mom!" may kalakasan na sabi ni Alonso na nagpatigil sa kan'ya at biglang nagpakabog sa kan'yang dibdib.Parang bomba sa kan'yang tainga ang sinabi ni Alonso sa kan'ya na bigla na lang tumigil ang kan'yang paghinga."Dad! Are you not going to say or do something? Look at her, she looks like mom— no, she's my mom, I know she is, I knew it dad, she's back dad," hindi magkandauga na sabi ni Alonso sa kan'ya.Dahan-dahan s'yang tumingin sa babae na ngayon ay nasa harapan na at ganon na lang ang pagkalaglag ng kan'yang panga ng makita na kamukha nga ni Nalie ang nasa unahan.No! Si Nalie ang nasa unahan at alam n'ya iyon. Patunay lang ang malakas na pagkalabog ng kan'yang puso habang nakatingin sa babae na may matamis na ngiti habang nakatingin sa mga bisita nito."Oh my God! Adrian did you see her? Is she Na—,""She is mom! I know she is Nalie," seryosong sagot n'ya sa sinabi ng ina ngunit ang kan'yang mga mata ay nakapagkit sa babae sa unahan. Ngunit
ADRIAN KYLE...Simula ng umuwi sila mula sa party ay s'ya nakatulog dahil sa nangyari. Matapos n'yang makausap si Nalie sa party na hindi naman nagtagumpay na mapakiusap ito kay Alonso dahil ayaw pa rin nitong aminin na si Nalie ito ay may dumating na mga royal guards at iniskortan ang dalaga.Hindi din ito gumawa ng paraan na makakausap ang anak nila na mas lalo pang ikinasama ng kan'yang loob sa babae. Kahit si Alonso na lang sana ang kinausap nito. Umaasa ang anak nila kanina at masakit para sa kan'ya ang makita na malungkot ito ng bumalik s'ya sa kanilang mesa na hindi kasama ang ina.Wala naman s'yang nagawa at ayaw n'ya ding gumawa ng eksena sa party ng kaibigan ng kan'yang ina kaya kahit masakit ay hinayaan n'ya na lang na makaalis si Nalie.Humingi din s'ya ng tawad sa kan'yang anak at ipinaliwanag dito ang pag-uusap na naganap sa gitna nila ni Nalie. Nakita n'ya kung paano ito nasaktan at nakaramdam s'ya ng kaunting galit sa ina nito dahil sa pambabalewala sa nararamdaman ng
NALIE ATHALIA..."Bring him to the operating room!" pasigaw na utos n'ya sa mga nurse na s'yang sumalubong sa ambulance na kakarating lang.Nanginginig ang kan'yang katawan sa kaba, takot at galit. Dali-dali n'yang sinuot ang kan'yang doctor's gown habang malalaki ang mga hakbang na nakasunod sa stretcher na pinaglagyan sa pasyente.Halos hindi na s'ya magkandauga pagkapasok n'ya sa operating room ganon din ang mga nurses na kasama n'ya."Doc papunta na si Dr. Lewis at Dr. Cole," pagbibigay alam ng isang nurse sa kan'ya. Tumango s'ya bilang tugon kahit hindi n'ya naman masyadong naintindihan ang sinabi nito.Bago pa man s'ya nakarating kanina sa hospital habang nakasunod sa ambulansya ay tinawagan n'ya na ang kan'yang kapatid para pumunta sa hospital."Prepare everything! Let's do the operation now!" matigas na utos n'ya sa mga nurses. Wala na s'yang pakialam kung mag-isa s'ya. Ang mahalaga sa kan'ya ngayon ay ang mailigtas ang kan'yang pasyente.Nagkatinginan pa ang mga nurses at pa