ADRIAN KYLE...Halos halughugin n'ya na ang buong Pilipinas para hanapin ang kasintahan ngunit walang Nalie ang natagpuan. Halos mabaliw na din s'ya sa kakahanap dito araw-araw.Wala na s'yang matinong kain at tulog sa loob ng mahigit dalawang buwan na simula ng mawala si Nalie. Palagi din s'yang lasing at halos hindi na naasikaso ang kan'yang sarili.Masakit para sa kan'ya ang pagkawala ng kasintahan at magpahanggang ngayon ay wala pa rin s'yang ideya kung sino ang nasa likod ng pagkawala nito.Walang nagawa ang kan'yang pera at koneksyon. Walang kahit na anong bakas na naiwan si Nalie, maliban na lamang sa cellphone na nakita n'ya noong pinuntahan n'ya ito sa hospital."Adrian, anak tama na yan. Inaabuso mo na ang katawan mo sa ginagawa mo," ang boses ng kan'yang mommy ang nagpagising sa kan'ya. Nasa kwarto lang s'ya at may hawak na isang bote ng alak.Umaga pa lang at kagigising lang yata ng kan'yang ina ngunit s'ya ay umiinom na."I'm ok mom!" tipid na sagot n'ya rito. Naupo ito
ADRIAN KYLE...2 YEARS LATER..."Alonso c'mon! Hurry up son, we will be late," pasigaw na tawag n'ya sa kan'yang anak. Aalis sila ngayon kasama ang kan'yang mga magulang.Inimbitahan ang pamilya nila sa isang party na hindi n'ya alam kung saan at kung kaninong party dahil sabit lang man s'ya. Ayaw n'ya din sanang pumunta ngunit ang kan'yang nga magulang ang mapilit lalo na ang kan'yang ina.Kaya wala na din s'yang nagawa kundi ang paunlakan ang mga ito. Simula ng mawala si Nalie at magpahanggang ngayon ay hindi n'ya pa rin ito natatagpuan ay nawalan na s'ya ng gana sa mga party o lumabas kasama ang mga pinsan o mga kaibigan.Mas gusto n'ya pang magkulong sa kan'yang silid at magpahinga kaysa makihalubilo sa ibang tao sa mga party.Hindi pa rin s'ya nakaka move on hanggang ngayon. Masakit pa rin sa kan'ya ang lahat ng nangyari dalawang taon na ang nakalipas. Ngunit kahit dumaan pa ang ilang dekada ay hindi pa rin s'ya naniniwala na patay na ang kasintahan. Ramdam n'ya na buhay na buha
ADRIAN KYLE..."Dad, she looks like mom!" may kalakasan na sabi ni Alonso na nagpatigil sa kan'ya at biglang nagpakabog sa kan'yang dibdib.Parang bomba sa kan'yang tainga ang sinabi ni Alonso sa kan'ya na bigla na lang tumigil ang kan'yang paghinga."Dad! Are you not going to say or do something? Look at her, she looks like mom— no, she's my mom, I know she is, I knew it dad, she's back dad," hindi magkandauga na sabi ni Alonso sa kan'ya.Dahan-dahan s'yang tumingin sa babae na ngayon ay nasa harapan na at ganon na lang ang pagkalaglag ng kan'yang panga ng makita na kamukha nga ni Nalie ang nasa unahan.No! Si Nalie ang nasa unahan at alam n'ya iyon. Patunay lang ang malakas na pagkalabog ng kan'yang puso habang nakatingin sa babae na may matamis na ngiti habang nakatingin sa mga bisita nito."Oh my God! Adrian did you see her? Is she Na—,""She is mom! I know she is Nalie," seryosong sagot n'ya sa sinabi ng ina ngunit ang kan'yang mga mata ay nakapagkit sa babae sa unahan. Ngunit
ADRIAN KYLE...Simula ng umuwi sila mula sa party ay s'ya nakatulog dahil sa nangyari. Matapos n'yang makausap si Nalie sa party na hindi naman nagtagumpay na mapakiusap ito kay Alonso dahil ayaw pa rin nitong aminin na si Nalie ito ay may dumating na mga royal guards at iniskortan ang dalaga.Hindi din ito gumawa ng paraan na makakausap ang anak nila na mas lalo pang ikinasama ng kan'yang loob sa babae. Kahit si Alonso na lang sana ang kinausap nito. Umaasa ang anak nila kanina at masakit para sa kan'ya ang makita na malungkot ito ng bumalik s'ya sa kanilang mesa na hindi kasama ang ina.Wala naman s'yang nagawa at ayaw n'ya ding gumawa ng eksena sa party ng kaibigan ng kan'yang ina kaya kahit masakit ay hinayaan n'ya na lang na makaalis si Nalie.Humingi din s'ya ng tawad sa kan'yang anak at ipinaliwanag dito ang pag-uusap na naganap sa gitna nila ni Nalie. Nakita n'ya kung paano ito nasaktan at nakaramdam s'ya ng kaunting galit sa ina nito dahil sa pambabalewala sa nararamdaman ng
NALIE ATHALIA..."Bring him to the operating room!" pasigaw na utos n'ya sa mga nurse na s'yang sumalubong sa ambulance na kakarating lang.Nanginginig ang kan'yang katawan sa kaba, takot at galit. Dali-dali n'yang sinuot ang kan'yang doctor's gown habang malalaki ang mga hakbang na nakasunod sa stretcher na pinaglagyan sa pasyente.Halos hindi na s'ya magkandauga pagkapasok n'ya sa operating room ganon din ang mga nurses na kasama n'ya."Doc papunta na si Dr. Lewis at Dr. Cole," pagbibigay alam ng isang nurse sa kan'ya. Tumango s'ya bilang tugon kahit hindi n'ya naman masyadong naintindihan ang sinabi nito.Bago pa man s'ya nakarating kanina sa hospital habang nakasunod sa ambulansya ay tinawagan n'ya na ang kan'yang kapatid para pumunta sa hospital."Prepare everything! Let's do the operation now!" matigas na utos n'ya sa mga nurses. Wala na s'yang pakialam kung mag-isa s'ya. Ang mahalaga sa kan'ya ngayon ay ang mailigtas ang kan'yang pasyente.Nagkatinginan pa ang mga nurses at pa
NALIE ATHALIA..."You need to move now Laurice," ang boses ng kan'yang kuya Red ang nagpabalik sa kan'ya sa kasalukuyan. Ang layo na pala ng nilakbay ng kan'yang isip."K-Kuya!" "Go and make sure that the person who did this to your what so called "kinamumuhian daw", will pay of what he did to this idiot," nang-uuyam na utos ng kapatid. Inirapan n'ya ito dahil alam n'ya naman na binubuska lang s'ya ng magaling na kapatid.Katunayan ay galit ito kay Adrian dahil sa ginawa ng lalaki sa kan'ya ngunit pinakiusapan n'ya ang kapatid na huwag nang makisali sa kan'yang problema dahil kaya n'ya namang ayusin ang gusot sa kanila ni Adrian.Aaminin n'ya na galit s'ya rito ngunit kapag naiisip n'ya ang mga mabubuting ginawa ng binata sa kan'ya noon ay nababawasan ang galit n'ya. Hindi naman kasi s'ya pinabayaan ni Adrian ng mga panahon ma kailangan n'ya ito.Pagkatapos ng ginawa ni Lincoln sa kan'ya at habang nakikipaglaban s'ya na mabuhay ay ang kapatid ang gumawa ng hakbang at binalikan si Linc
NALIE ATHALIA..."T-Tay!" nauutal na tawag n'ya sa matanda na nasa kan'yang harapan at minamaltrato ng mga kalalakihan.Parang bumalik sa kan'ya ang lahat ng galit noon sa nangyari sa kan'yang mga magulang. Nanikip ang kan'yang dibdib habang nakatingin sa kan'yang ama na sinasaktan ng ibang tao.Hindi n'ya maiiwasan ang bumalik sa mahinang Nalie kapag ang mga magulang n'ya ang pinag-uusapan. Ngunit dahil isa na s'yang matapang at malakas na uri ng babae ay ang pananakit sa kan'yang mga mahal sa buhay ang s'ya ring nagpasidhi ng kan'yang galit.Oo nga at itinago sa kan'ya ng mga kinalakhang magulang ang tungkol sa kan'yang totoong pagkatao ngunit minahal s'ya ng mga ito, inaruga, pinalaki ng maayos kahit mahirap ang sitwasyon at ang pinakamahalaga sa lahat ay itinuring s'ya ng dalawang matanda na mas higit pa sa tunay na anak.Hindi n'ya naramdaman mula sa mga ito na hindi s'ya tunay na anak ng kan'yang nanay Narsing at tatay Alonso. Naghirap din ang mga ito ng dahil sa kan'ya ay ginaw
NALIE ATHALIA..."Peanut, mauna ka na! Iligtas mo ang tatay mo, ako na ang bahala dito. Magkita tayo mamaya sa hideout," utos sa kan'ya ni Black Lily."What? No! Hindi kita iiwan dito Black Lily," giit n'ya."I can manage! Just go and save your father! Papunta na ang mga taohan ko," dagdag pa nito.Ayaw n'ya mang sundin at iwan ang kaibigan ngunit hindi din pwede na nakadikit ang tatay n'ya sa kan'ya sa pakikipaglaban n'ya.Masyadong delikado at matanda na ito. Mahina at hindi na kayang tumakbo ng mabilis kaya kahit labag sa kan'yang kalooban ay sinunod n'ya ang utos ni Black Lily sa kan'ya."Dito tayo tay," aya n'ya sa matanda at mabilis na iginiya ito sa kabilang bahagi ng lugar.Nauna s'ya at nasa likod ang kan'yang ama. Binaybay nila ang kahabaan ng tinatahak na lugar at may mga nakakasalubong sila na mga kalaban ngunit hindi ito nagkaroon ng pagkakataon na makaisa sa kan'ya.Mas mabilis at maliksi s'ya kaysa sa mga ito kaya palagi n'ya itong nauunahan at bumabagsak sa lupa ng wal
CHARLES MALCOLM... "Fvck! Champ, Charlie, tulongan n'yo ako sa mga kapatid n'yo," hindi magkandauga na paghingi n'ya ng tulong sa kan'yang mga panganay. Naiwan silang walo sa bahay dahil may pinuntahan si Dee. At rules na sa bahay nila na kapag may pupuntahan ang isa sa kanila ng asawa ay kailangan na may maiiwan na isa kahit pa may tig-isang yaya ang kan'yang mga anak. Pito na lahat ang kanilang mga anak at dalawang taon na ang bunso nila ni Dee na kambal ulit. Halos dalawang taon lang ang pagitan ng triplets at ng bunso nila ng kan'yang asawa. Hindi naman problema sa kanila ang maraming anak dahil kaya naman nilang buhayin ngunit kapag may ganitong pagkakataon na s'ya ang nakatoka na magbabantay sa pito ay pakiramdam n'ya ay malalagas ang kan'yang mga bolbol. "Papa, you can do it. Busy ako sa paghuhugas ng mga feeding bottle nila," sagot ni Charlie sa kan'ya na ngayon ay mag- wawalong taong gulang na. Parang kailan lang ay katulad din ito ng mga kapatid ngunit ngayon ay katuwan
ABRIELLE DEE... "Ahhhhhh! Ang sakit ng t'yan ko! Charles! Charles!" namimilipit sa sakit na sigaw n'ya sa asawa. Nasa loob s'ya ng isang private room sa hospital na pinagdalhan sa kan'ya. Dalawang linggo na s'yang naka confine dahil sa OA n'yang asawa. May dalawang linggo pa bago s'ya manganak ngunit hindi na ito magkandauga sa pagpunta sa hospital at dito na sila nanatili simula pa noong nakaraang dalawang linggo. Nang malaman n'ya na tatlo ang nasa loob ng kan'yang sinapupunan ay agad n'yang ipinaalam ito kay Charles dahil aaminin n'ya na kahit anong tapang n'ya ngunit may takot s'yang nararamdaman na baka kung may mangyari sa kanilang mga anak kung itatago n'ya ito sa asawa. Mas mabuti ng alam nito para matulongan s'ya nitong alagaan ang kan'yang pagbubuntis. At hindi naman s'ya nabigo dahil trumiple pa ang pag-aalaga at pag-iingat ni Charles sa kan'ya. Very hands-on ito sa lahat ng bagay pati na sa kanilang dalawang anak. Halos hindi na s'ya nito pagalawin sa bahay nila dahil
ABRIELLE DEE... "Charles aalis na ako, ikaw na muna ang bahala sa dalawang bata, ha!" paalam n'ya sa asawa. Tatlong taon na silang kasal ni Charles at mag-aapat na taon na din ang kambal. Hindi pa nila ito nasundan sa hindi malamang dahilan. Active naman ang kanilang sex life na dalawa at halos walang pahinga na nga sila. Nag resign si Charles sa pagiging sundalo ngunit hindi ito pinayagan ng presidente bagkus ay binigyan ito ng posisyon sa opisina ng militar. Kaya isang mataas na opisyal na ngayon ang kan'yang asawa at mataas ang posisyon nito. S'ya naman ay hindi pinigilan ni Charles sa kan'yang gustong gawin sa kan'yang buhay kahit kasal na sila at may mga anak bagkus ay sinuportahan pa s'ya nito. Ngunit ang kan'yang focus sa ngayon ay ang kan'yang pamilya kaya hindi na muna s'ya gaanong nagtatrabaho. May mga misyon s'ya pero hindi na ganon ka dilikado katulad ng dati. Ang kan'yang routine ngayon ay pamilya, ang kanilang negosyo ni Charles at ang kan'yang shelter na mas luma
ABRIELLE DEE... The ceremony went well and fast at hindi n'ya man lang namalayan na tapos na pala ang lahat. She can't even remember kung ano ang mga sinabi n'ya sa kan'yang vows para kay Charles at ganon din ang mga sinabi nito para sa kan'ya dahil ang kan'yang isip ay kung saan-saan nakarating. Ang daming bagay ang kan'yang na-imagine na magkasama silang apat ni Charles at ang kanilang mga anak habang patuloy ang seremonyas ng kanilang kasal. At nagbalik na lang s'ya sa kan'yang sarili ng halikan s'ya sa labi ng asawa. Patunay na tapos na pala ang kanilang kasal and she is now officially Mrs. Charles Malcolm Carson. "You're spacing out, mi amore," pabulong na sabi ng asawa sa kan'ya ng maghiwalay ang kanilang mga labi. "I imagined too much but don't worry dahil kasama naman kita at ang mga anak natin sa imagination ko," sagot n'ya rito at sinundan ng hagikhik. Mahinang natawa si Charles at pinanggigilan na pinisil ang kan'yang ilong. "Silly mama," sabi nito at hinalikan s'ya
CHARLES MALCOLM... The day he was dreaming of came at wala ng pinakamasayang lalaki sa buong mundo kundi s'ya. Standing in front of the man-made altar sa gitna ng kanilang ubasan sa Italy habang hinihintay ang pinakamaganda at pinakamamahal n'yang babae ay isa sa pinakamasayang sandali ng kan'yang buhay. Pagkalipas ng isang linggo, matapos ang kan'yang proposal kay Dee ay idinaos ang kanilang kasal na dalawa. Parehong masaya ang lahat lalo na ang kan'yang pamilya. Bailey is Dee's maid of honor at magkasundo ang dalawa sa lahat ng bagay. Natatawa pa s'ya kapag naiisip n'ya na naging matalik na magkaibigan ang kan'yang dating asawa at ang present wife n'ya. Kung sabagay ay wala namang involve na pagmamahal ang sa kanilang dalawa ni Bailey at nangyari lamang iyon dahil sa kanilang mga pamilya. At malaki din ang pasasalamat n'ya sa babae na hindi na s'ya pinahirapan pa nito. Hiling n'ya na sana ay makita at matagpuan na rin ni Bailey ang totoong pag-ibig nito. Hindi n'ya napansin na
ABRIELLE DEE... "Warm up lang to Charles! We have more on this sa honeymoon natin and yes— I will marry you," pilyang sagot n'ya sa lalaki na pareho nilang ikinatawa na dalawa. "And speaking of the proposal, this is not the plan pero dahil nandito na din tayo. Let me do it in a romantic and sensual way," sagot ng lalaki at agad na bumangon. Walang kahit na suot na naglakad ito at pinulot sa sahig ang pantalon na hinubad nito kanina. Nakagat n'ya pa ang kan'yang pang-ibabang labi ng makita ang maumbok at maputi na puwetan ni Charles. Nahuli pa s'ya nito ng humarap ito sa kan'ya at agad na sumilay ang isang ngiti sa labi ng lalaki ng maglakad pabalik sa kama. Mas lalong nag-init ang kan'yang mukha ng tumayo ito sa gilid ng kama at tumapat mismo sa kan'yang mukha ang nakatayo at parang galit na galit pa rin na pagkalalaki nito. "Enough of that kind of look, mi amore dahil simula sa araw na ito ay araw-araw mo ng makikita ang galit na galit na sandata ko d'yan sa baba at kasalanan mo
ABRIELLE DEE... "Huwag ka ng magselos kay Bailey, mi amore dahil ikaw ang asawa ko at ikaw ang pakakasalan ko ulit. Hmmmm! Let's build our family together at sa pagkakataong ito ay wala ng hahadlang pa sa pagmamahalan natin, Mrs. Abrielle Dee Lopez— Carson," puno ng lambing na sabi ng lalaki sa kan'ya ngunit parang bomba na sumabog sa kan'yang pandinig ang lahat ng binitawan nitong salita na s'yang dahilan ng ilang segundo n'yang pagkatulala sa kawalan. "Mi amore?" nagbalik lang s'ya sa kan'yang sarili ng mahina s'yang tinapik ni Charles sa mukha. Ipinilig n'ya ang kan'yang ulo at hinamig ang kan'yang sarili. "Stop playing with me, Charles," matapang na sabi n'ya rito. Nagsalubong ang mga kilay nito at puno ng pagtataka na nagsalita. "Playing with you? Who says na pinaglalaruan kita, Dee? I'm telling you the truth. Bago pa ako pumunta dito ay inayos ko na ang lahat sa amin ni Bailey. We are no longer married. Tinupad n'ya ang pangako n'ya sa akin na kapag naibalik ko sa kan'ya ang
ABRIELLE DEE... Binuksan n'ya iyon at agad na pumasok ngunit ng akmang isasarado n'ya na ito ay may malaking kamay ang pumigil sa pinto at mabilis ang mga kilos na pumasok sa loob at ito na mismo ang nagsarado ng pinto. Dahil sa pagkagulat ay hindi agad s'ya nakahuma at awang lamang ang mga labi na nakatingin sa mukha ni Charles na walang emosyon na nakatingin sa kan'ya. "Charles, anong ginagawa mo dito? Baka makita ka nila at kung ano pa ang sasabihin nila tungkol sa akin. Ayoko ng gulo Charles kaya pakiusap, lumabas ka na," taboy n'ya sa lalaki ng makabawi sa pagkagulat. Sino ba naman kasi ang hindi magugulat kung bigla na lamang itong sumulpot sa kan'yang silid. Ngunit imbes na umalis ito at sundin ang kan'yang sinabi ay hindi ito ginawa ni Charles bagkus ay lumapit pa ito sa kan'ya hanggang sa ikinulong s'ya sa dalawang mga braso nito. Mas lalo s'yang hindi nakahuma ng ilapit ni Charles ang mukha sa kan'yang mukha. "Bakit ka umalis sa hapag-kainan? Hmmmmm!" paanas ang boses
ABRIELLE DEE... Kanina pa s'ya nakaupo sa kama habang tulala. Hindi n'ya inaasahan na magkita-kita silang tatlo ni Charles at Bailey sa bahay ng abuela nito. Kung tutuusin ay s'ya ang sampid sa pamamahay ng mga ito dahil hindi naman s'ya kamag-anak ng mga Carson. Inanakan lang s'ya ni Charles ngunit hindi ibig sabihin na bahagi na s'ya ng pamilya nito. Mapait s'yang napangiti at pinahid ang luha na naglandas sa kan'yang pisngi. Ngayong gabi ay magkakaroon ng dinner to formally welcome Bailey as part of the family. At kanina pa lang ay inabesohan na s'ya ni Nana na sumabay sa dinner. Ayaw n'ya namang magmukhang better kaya kahit masakit para sa kan'ya ay sasabay s'ya sa mga ito. Aalis na lang s'ya rito pagkatapos ng kasal ng dalawa dahil nangako na s'ya sa abuela ni Charles na tutulong sa paghahanda at hindi n'ya na mababawi pa iyon. Matapos ang kan'yang pag-eemote sa kan'yang silid ay tumayo s'ya at inayos ang suot na damit. Naglagay s'ya ng powder sa mukha at kaunting lipstick