NALIE ATHALIA...Kumain sila at masaya ang lahat sa kanilang family day ngunit s'ya ay binabagabag ng sinabi kanina sa kan'ya ni Black Lily.Matapos n'yang makausap ang babae at dumating si Adrian para sunduin s'ya sa banyo ay hindi n'ya na nakita pa ulit ang babae. Nakaabang s'ya sa paglabas nito sa banyo ngunit hindi n'yang ito nakita na lumabas.Hindi n'ya ito kilala at nakita n'ya lang ito noong inoperahan si Khairo dahil isa ito sa mga doctor ni Khairo. Ngunit may pakiramdam na s'ya noon pa man na malapit sa kan'yang puso ang babae. Magaan ang kan'yang loob dito at nararamdaman n'ya ang kanilang koneksyon.Ngunit kahit anong gawin n'yang pag-iisip ay hindi n'ya matatandaan ang babae. Hindi n'ya maalala kung saan n'ya ito nakita maliban sa hospital at naisip n'ya rin kung nagkataon na ba na naging magkasama sila noon.Bakit sa uri ng pananalita ng babae ay parang kilalang-kilala na s'ya nito. Hindi n'ya maintindihan ang mga pinagsasabi nito sa kan'ya ngunit may isang bagay na sina
NALIE ATHALIA...Lumipas ang isang buwan at naging maayos naman ang kanilang pagsasama ni Adrian.Nagpasya silang umuwi ng Pilipinas kasama ang mga magulang nito. At napagkasunduan nila na maiiwan si Khairo sa bahay ng mga magulang ni Adrian habang nagpapagaling ito ng tuloyan.Babalik na kasi sila sa trabaho at mas panatag pareho ang kanilang isip kapag kasama ni Khairo ang lolo at lola nito kaya naman ay agad na s'yang pumayag sa alok ng mga ito.Maayos na naman ang kalagayan ng kan'yang anak ngunit ipinaliwanag ni Dr. Lewis sa kanila na mas mainam kung papagpahingahin muna ito sa mga activities katulad sa mga ginagawa ng mga normal na bata para mas makabawi ang katawan nito.Payag naman ang kanilang anak at walang pagtutol na sumang-ayon si Khairo sa sinabi nila.Ngunit kahit ganon pa man ay maykinuha silang tutor na magtuturo dito ng highschool lesson.Highschool na dapat si Khairo ngunit hindi ito nakapag-aral dahil sa sakit. At gusto n'yang maturuan ito ng tutor ng mga aralin s
NALIE ATHALIA...Pumasok s'ya sa hospital kahit ayaw n'ya pa sana hindi dahil gusto n'ya ng magtrabaho kundi dahil para makaiwas s'ya kay Adrian at sa ama nito.Hindi mawala sa kan'yang isip ang kan'yang narinig at gustohin n'ya mang tanungin si Adrian ngunit wala s'yang lakas ng loob.Natatakot s'ya na baka may malalaman s'ya na ikakasakit ng kan'yang puso ngunit hindi n'ya rin maiwasan ang hindi mag-isip tungkol sa narinig n'ya na usapan ng mag-ama.Ang palaging tanong na bumabagabag sa kan'yang isip ay kung ano ang kasalanan ni Adrian sa kan'yang mga magulang at sa kan'ya mismo.May naiisip s'ya noong nakaraan pa ngunit ayaw n'yang tanggapin sa kan'yang isip at ayaw n'yang alamin dahil sa takot na baka masaktan s'ya ng husto sa kan'yang malalaman.Ngunit kahit anong pag-iwas n'ya ay hindi n'ya pa rin mapigilan ang mag-isip. Gabi-gabi s'yang hindi pinapatulog sa kakaisip tungkol sa narinig n'ya.Ipinarada n'ya ang kan'yang sasakyan ng makarating sa hospital. Nagbuga muna s'ya ng han
NALIE ATHALIA..."Sino kayo? At ano ang kailangan n'yo sa akin?" kinakabahan na tanong n'ya sa dalawang lalaki ngunit hindi n'ya ipinakita sa mga ito na natatakot s'ya."Magmaneho ka kung ayaw mong pasabugin namin ang ulo mo!" singhal ng isang lalaki na nasa kan'yang likuran.Nakatutok sa kan'ya ang dulo ng baril nito kaya hindi s'ya pwedeng magkamali sa kan'yang mga galaw. Ayaw n'ya pang mamatay dahil gusto n'ya pang makasama ang kan'yang anak at si Adrian."K-Kung pera ang kailangan n'yo ay bibigyan ko kayo," nauutal na sabi n'ya sa mga lalaki ngunit tinawanan lamang s'ya ng mga ito."Pera? Bayad na kami Ms. at malaki ang ibinayad sa amin kaya kung ako sayo ay magsisimula na akong magmaneho bago pa ako maubosan ng pasensya sayo at baka dito mismo sa loob ng sasakyan mo ay mabaril kita," singhal ng lalaki sa kan'ya na nasa kan'yang likuran.Kahit nanginginig ang mga kamay ay ginawa n'ya pa rin ang lahat para mamaniubra ang kan'yang sasakyan.Dahan-dahan s'yang nagmaneho palabas ng ca
NALIE ATHALIA..."Hindi totoo yan! Hindi magagawa ni Adrian sa akin ang mga pinagsasabi mo! Sinungaling!" nangangalaiti sa galit na sigaw n'ya kay Lincoln ngunit tinawanan lamang s'ya ng lalaki."Ayaw mo pa rin maniwala Nalie? Nakakaawa ka na nakakatawa, alam mo ba yan? Masyado kang bulag at bingi sa katotohanan na ang lalaking pinakamamahal mo ay s'ya ding sumira sa buhay mo! Tunay ngang isa kang tanga Nalie! Nakakaawa ka!" puno ng pangungutya na sabi ni Lincoln sa kan'ya.Ayaw n'ya pa ring tanggapin sa kan'yang sarili ang mga naririnig tungkol kay Adrian. Hindi s'ya naniniwala dito, hindi magagawa ni Adrian ang bagay na sinasabi ni Lincoln."No! No! Hindi magagawa ni Adrian sa akin ang bagay na yon. Mahal ako ni Adrian at nirerespeto!" pagtatanggol n'ya sa kasintahan."Sino ang mahal? Sino ang nirerespeto?" natigil s'ya ng marinig ang boses ng isang lalaki na hindi n'ya namalayan na nakapasok na pala sa loob ng silid na kinaroroonan nila.At nagulat pa s'ya ng makilala ang lalaking
NALIE ATHALIA..."Punyeta kang babae ka, hindi ko alam na marunong ka palang lumaban? Bakit ang sabi ng kapatid ko ay isa kang lampa?" nangangalaiti sa galit na sabi ni Dr. Ocampo sa kan'ya.Kahit s'ya ay nagulat din sa bilis ng kan'yang kilos at mas lalo s'yang nagulat dahil ngayon n'ya lang napag-alaman na marunong pala s'yang sumipa.Nakita n'yang papalapit sa kan'ya si Dr. Ocampo kaya naman ay inihanda n'ya ang kan'yang sarili. Hindi n'ya alam pero parang bigla na lamang s'ya nagkaroon ng lakas at tapang para protektahan ang kan'yang sarili."Akala mo ba hindi kita papatulan na babae ka! Halika nga dito at babaliin ko ang mga buto mo," gigil na sabi ni Dr. Ocampo sabay hablot sa kan'ya ngunit bago pa s'ya nito mahawakan ay mabilis na s'yang umiwas at umikot sa gilid nito at binigyan ito ng malakas na suntok sa leeg.Bumagsak ito sa lupa habang umuubo. Nakita n'ya kung paano maglabasan ang mga ugat ng lalaki sa leeg.Pinakiramdaman n'ya ang kan'yang sarili at nararamdaman n'ya na p
NALIE ATHALIA ...Mas lalo n'ya pang binilisan ang kan'yang pagtakbo ng marinig ang sunod-sunod na putok na baril mula sa kan'yang likod.Hindi alintana ang sakit at sugat sa kan'yang mga paa dahil sa mga sanga ng mga kahoy na natatapakan n'ya.Kailangan n'yang makalayo sa mga kamay ni Lincoln at makabalik sa kan'yang pamilya.Hindi n'ya na nilingon pa ang nasa likod. Basta ang alam n'ya lang ay mabilis s'yang tumatakbo ngayon para makalayo sa humabahabol sa kan'ya."Hulihin n'yo! Ayon!" ang malakas na boses ni Lincoln na sinundan ng sunod-sunod na putok ng baril.Napahiyaw s'ya ng tamaan ang puno na nasa kan'yang tabi ngunit hindi s'ya tumigil sa pagtakbo.Mas lalo n'ya pa itong binilisan at hindi n'ya na alam kung saan s'ya dinala ng kan'yang mga paa. Ang nasa isip n'ya lang ng mga oras na iyon ay ang makatakas sa mga kamay ng dating asawa na humahabol sa kan'ya.Naisip n'ya si Adrian. Sumilay ang isang mapait na ngiti sa kan'yang labi ng maalala ang kasintahan. Kung totoo man ang s
ADRIAN KYLE...Kanina pa s'ya pabalik-balik ng lakad sa kanilang living room. Parang hindi s'ya mapakali at ang lakas ng kan'yang kaba. Pinagpawisan s'ya na hindi n'ya alam kung saan galing. Naka centralized aircon ang kanilang buong bahay kaya malabong pagpawisan s'ya dahil sa init.Nanlalamig din ang kan'yang kalamnan at hindi s'ya mapakali kaya hindi s'ya makapirmi ng upo sa upoan. Kailangan n'yang tumayo at magpalakad-lakad para kahit papaano ay maibsan ang kan'yang nararamdaman."Dad are you ok? Bakit parang balisa ka?" nagulat pa s'ya ng biglang magsalita si Alonso mula sa kan'yang likuran. Hinarap n'ya agad ang anak ng marinig ang boses nito. Nakatayo ito sa likod ng sofa at salubong ang mga kilay habang nakatingin sa kan'ya."I don't know son! Kinakabahan ako Alonso,na hindi ko alam kung bakit at kung para saan. Teka anong oras ba matatapos ang duty ng mommy mo? Did she tell you anything?" tanong n'ya rito. Actually ay kakarating n'ya lang sa bahay mula sa korte.Pagdating n'