Sa halip na tumanggi, malumanay ang naging sagot ni Natalie. Nanatili itong nakasandal sa dibdib ni Mateo. “Sige, pupunta tayo.” Nagpatuloy ang kanilang umaga ng maayos---nagagahan sila, nagpatingin sa doktor at si Natalie na din ang nagasikaso ng mga sugat niya. Pagsapit ng hapon, tumulak sila papunta sa kilalang wedding atelier sa lungsod. Sinalubong sila ng manager ng may magiliw na ngiti. “Ah! Mr. and Mrs. Garcia! What an honor! Tuloy po kayo. Kailangan na po nating sukatin ng magkahiwalay ang groom at bride. Hindi naman matagal. Pagkatapos ay sabay na kayong mamili ng mga disenyo.” Pinisil ni Mateo ang kamay ni Natalie. “Mauna ka na, hihintayin kita dito.” “Sige.” Sagot ni Natalie. Medyo matagal ang pagsusukat sa kanya kaya paglabas niya, tapos na si Mateo. Ngunit abala ito sa pakikipag-usap sa telepono. Dinig na dinig ni Natalie ang boses ni Ed, mukhang nagaalala ito. [Mr. Garcia, sa tingin ko po, dapat pumunta kayo dito. Tatlong beses na pong sumusuka si Irene ngayon
Hindi pa rin makapaniwala ang manager at staff sa nangyayari. “Mrs. Garcia?” Lumapit ang manager na may hawak na mga disenyo sa kanyang mga braso. “Handa na po ang mga disenyo. Gusto niyo po bang maupo para maipaliwanag ko sa inyo ang mga ito?” tanong niya, may halong propesyonalismo at pag-aalala sa boses. “Hindi na kailangan.” Umiling ng bahagya si Natalie. “May kailangan din akong asikasuhin. Kaya mabilis lang ito.” “Ho? Hindi ko po kayo maintindihan.” Napatigil sa gulat ang manager. Hindi ito pwedeng mangyari iyon.Mukhang hindi nasisiyahan si Mrs. Garcia sa serbisyo nila. Isa si Mateo Garcia sa mga VIP client nila at malaking pasasalamat nila na sila ang napili nitong gumawa ng susuotin nila sa araw ng kasal nila at kung aalis ang mapapangasawa nito ng hindi man lang tumitingin sa mga disenyo, baka mawala ang trabaho ng manager dahil sa galit ng kanyang amo. “Mrs. Garcia, mayroon po ba kaming nagawang hindi ninyo nagustuhan? Patawarin niyo po kami kung—” “Hindi, wala nam
‘Sigurado ka ba? Hindi ka nakialam?’ Bahagyang yumuko si Irene, ang gilid ng kanyang labi ay bahagyang napangiti. Maingat niyang tina-type ang kanyang sagot. Mabilis namang nagreply si Ed sa mensahe niya. ‘Oo naman, hindi ako nakialam. Sinigurado ko na walang koneksyon ang paparazzi na kinuha ko para sigurado. Parang hindi mo ako kilala.’ Nagtatalon ang puso ni Irene. ‘Good job, Ed! Maasahan ka talaga. At dahil dyan, may bonus ka.’ Ibinaba n ani Irene ang telepono at sumandal sa upuan, dinadama niya ang bihirang katahimikan na bumalot sa kanya. Pagdating nila sa bahay nila muling binuhat ni Mateo si Irene mula sa sasakyan. Dumiretso siya sa pintuan at agad na umakyat sa ikalawang palapag kung saan naroon ang kwarto nito. Sumunod naman si Janet sa likuran niya. “Ay, Mateo, tulungan na kita.” “Hindi na kailangan.” Mariing umiling si Mateo. Maingat niyang inihiga si Irene sa kama at siya mismo ang nag-ayos ang kumot, at sinigurong komportable ang babae sa pagkakahiga. “Auntie,
Hindi kailanman nagsinungaling si Drake sa kanya, at madali para kay Natalie na isipin kung paano ito naghintay ng walang pagod, araw-araw at umasang makita siya. Ang sakripisyo at pasensya nito ay bahagyang nagpalambot ng kanyang puso. May mga bagay na kailangang pag-usapan nila kaya malumanay niyang sinabi, “Nagugutom ako, tsaka oras na din para kumain. Gusto mo, mag-dinner tayo?” Agad na lumiwanag ang mukha ni Drake sa tuwa. “Sige ba!” Sa simpleng karinderya lang sana gusto ni Natalie kumain ng hapunan pero nagpumilit si Drake na sa isang fastfood chain na lang sila kumain para makapag-usap sila. Inorder din niya ang alam niyang mga paborito nitong pagkain. Nang dumating ang mga pagkain, nakayuko na si Natalie at pilit na pinipigilan ang mga luhang nagbabantang tumulo mula sa kanyang mga mata. Nag-vibrate ang kanyang telepono, ngunit matapos sulyapan, iniwan niya ito sa tabi. “Hindi mo ba sasagutin?” tanong ni Drake matapos ang saglit na katahimikan. “Huwag na,” sagot ni
“Ano’ng nangyayari?” Mabilis ang tibok ng puso ni Natalie at basang-basa siya ng malamig na pawis—ito ang mga tipikal na sintomas ng hypoglycemia. Karaniwan, lumalabas lang ito kapag hindi siya nakakakain, ngunit ngayon ay tila mas malala.Siguro dahil sa pagbubuntis, naisip niya. Nakaupo siya sa isang upuan. Alam na ni Drake ang tungkol sa kanyang hypoglycemia mula noon kaya agad itong kumuha ng kendi mula sa bulsa. Nagulat si Natalie dahil may dala pa din itong kendi gaya ng nakagawian nila. “Nat, kainin mo ito.” Maingat na binuksan ni Drake ang kendi at iniabot ito sa kanyang labi. Tinanggap niya ito at agad na nakaramdam ng ginhawa. Pinawi ng tamis ng kendi ang pait ng damdamin niya. “S-salamat…” “Mas mabuti na ba ang pakiramdam mo?” tanong ni Drake, hinihilot pa nito ang braso niya at ang bawat kilos nito ay puno ng malasakit. Ngunit mas malala ito kaysa dati. Umiling si Natalie. Ramdam pa rin niya ang panghihina. Nang walang ano-ano ay binuhat siya ni Drake na parang w
Walang masagot si Natalie. Ngunit ang mga salitang iyon ni Drake ay tila langis na binuhos sa umaapoy na galit ni Mateo. Lumamig ang kanyang tingin at kahit na ang kanyang boses ay nanatiling normal, may bahid iyon ng pag-aalinlangan. “Bakit hindi mo sagutin, Natalie? May tanong sayo si Mr. Pascual. Bakit hindi ka sumasagot? Medyo bastos yata iyon, hindi ba?” Hindi maikakaila ang pang-uuyam sa kanyang tono. Nanigas ang mukha ni Natalie at lumingon kay Drake at malamig na sinabi, “Ayos na ako. Salamat sa paghatid mo sa akin. Pwede ka nang umalis.” “Natalie…” hindi pinansin ni Drake ang malamig niyang pagtataboy. Dumilim ang kanyang ekspresyon at hindi siya nagpadaig. “Sabihin mo sa akin—masaya ka ba sa kanya?” Muling tumahimik ang kwartong iyon. Muli, walang sinabi Natalie, ngunit ang kawalan ng sagot niya ay nagsabi na ng lahat. Hindi kailangan ni Drake ng kumpirmasyon para maintindihan iyon—hindi siya masaya. Kilalang-kilala niya si Natalie, mahal na mahal niya ito sa loob
Pagkatapos magsalita, muling humiga si Natalie. “Nasabi ko na ang lahat ng kailangan kong sabihin. Gusto ko lang magpahinga ngayon.” Ngunit hindi siya basta-basta tinantanan ni Mateo. Matalim ang tingin nito sa kanya, matigas at hindi natitinag. Nang muli itong magsalita, puno ito ng malamig na pang-uuyam. “Ang pagiging patas ba para sayo ay hindi ko na dapat inaalam kung sinu-sino ang mga lalaking kinikita mo, tulad ng sinasabi mong hindi ka nakikialam sa mga babaeng kasama ko? Sinasabi mo bang pikit-mata na lang akong manonood habang naglalambingan kayo ng ibang lalaki? Iyon ba?” Natigilan si Natalie sa gulat. Iba ang pagkakaunawa nito sa pagkakasabi niya. Kung sa bagay, sa mata ni Mateo, ganoong klase ng babae siya. Nakaramdam siya ng matinding kirot sa puso sa isiping iyon. Bago pa siya makasagot, nagpatuloy na muli si Mateo, tumataas ang boses na puno ng awtoridad. “Kung iyon ang gusto mo, ngayon pa lang, sinasabi ko na sayo na hinding-hindi ako papayag! Sinabi ko ng hindi k
Ang sampal ni iyon ay hindi masakit sa pisikal, ngunit ito ang nagpaalab sa galit na matagal ng itinatago ni Mateo. Sa loob ng dalawang araw, binabagabag siya ng pagbubuntis ni Irene at ang mahirap na desisyon na kaakibat nito. Alam niya sa kaibuturan ng puso niya na hindi niya kayang bitawan si Natalie. Ngunit may kasalanan din naman si Natalie. Tumanggi itong pumili ng wedding dress at nakipagkita pa sa dating kasintahan. Higit sa lahat, walang ipinakitang malasakit sa kanya. Ang pagmamahal niya dito tila isang biro lang. Mas nanaig ang galit niya kaysa sa lohika. Yumuko si Mateo at mariing hinalikan si Natalie kahit na ayaw pa nito. “Ano ba, tigilan mo—mmph…” Nagpupumiglas si Natalie, ang mga sigaw niya ay napipi sa ilalim ng kanyang halik, ngunit hindi siya pinansin ni Mateo. Lalo lang nitong pinalakas ang determinasyon na magawa ang gusto niya. Nang matapos ito, nakahiga pa rin si Natalie at walang buhay na nakatingin sa kisame. Ang mga luha sa kanyang pisngi ay natuyo n
“Oo, ‘yan din sana ang gusto kong sabihin. Pasensya na kung padalos-dalos ako kanina. Minsan talaga walang preno ang bibig ko.” Paghingi ng paumanhin ni Drake. Malutong ang tawa ni Jean. “Naku, walang problema. Honestly, awkward naman talaga ng set-up na ito kaya kalimutan na lang natin. Total, nandito na rin tayo at sayang ang ibinayad natin, tapusin na natin ang palabas. This time, magkaibigan talaga tayo at hindi napwersang mag-date. Ano sa palagay mo?”Napangiti na din si Drake tsaka tumango. “Sige, gusto ko ‘yan. Tsaka wala namang masama kung tatapusin natin.”Dahil may napagkasunduan na silang dalawa, bumalik sila sa mga upuan nila at naging mas komportable sa isa’t-isa.**Habang ang lahat ito ay nangyayari, walang kaide-ideya si Natalie sa Broadway theater. Ang isip niya ay nakatuon sa nakaschedule na appointment sa korte sa lunes.Pagsapit ng lunes ng umaga, sinadya niyang maagang magising para maghanda. Magkahalo ang emosyon na nararamdaman niya. Mabigat ang araw na iyon pe
Alam niyang si Mateo ang tumatawag sa kanya at ang biglaang tawag na iyon ay kaagad na nag-iwan ng bigat sa kanyang dibdib. Dahil sa ito ang unang beses na tumawag ito sa kanya, nagkunwari siyang pormal. Ginawa niya ang karaniwan niyang ginagawa kapag may kliyenteng tumatawag sa kanya. Ngunit ang totoo ay bumangon ang kaba ng palabasin siya nito ora mismo.Hindi niya mapigilang kabahan. Nasa tanghalan din si Mateo. Ang lalong ipinagtataka niya ay kung bakit parang galit nag alit ito sa kanya gayong maayos naman ang naging huli nilang pag-uusap. Ibinilin pa nga nito si Natalie sa kanya.Nagpaalam siya kay Jean. “Sandali lang ako. Babalik din ako kaagad.”Tumango lang si Jean pero nanatili ang pagtataka nito hanggang sa makalabas siya sa VIP seat.**Wala ng tao sa lounge dahil naghudyat na ang pagsisimula ng pagtatanghal. Paglabas ni Drake, bago pa man niya magawang hanapin ang lalaki, dumapo na ang kamao ni Mateo sa kanyang mukha. Masyadong mabilis ang pangyayari kaya hindi siya nakai
Walang naging agad na sagot si Drake, ang mukha niya ay walang bakas ng anumang emosyon. Nagpalitan ng tingin ang kanyang mga magulang, ramdam nila ang pagdapo ng tensyon sa paligid. Hindi na bago sa kanilang tatlo ang ganitong eksena. Ilang beses na itong nangyari sa kanila at mas maraming beses na hindi pabor sa kanila ang resulta ng ganitong pag-uusap. Binasag na ni Felix ang nakakabinging katahimikan na sumukob sa kanilang tatlo. “Anak, isang beses lang. Wala ng kasunod pa. Alam mo namang matagal ng magkaibigan ang mga pamilya natin, kabastusan kung tatanggihan natin sila at mapapahiya ang mommy mo sa bestfriend niya. Hindi naman natin gustong mangyari ang ganoon, hindi ba?” Nanigas ang panga ni Drake, may pangamba siya sa kanyang mukha. Kinonsensya pa siya ng ama. “Isang pagkikita lang?” Inulit niya ang sinabi ni Felix na puno ng pagdududa. “Oo naman,” sagot ni Felix, sabay tawa ng pilit na parang sinusubukan pagaangin an
“Sorry, hindi ko matandaan kung sino ka, Miss.” Nakakunot ang noo ni Drake. Alam niyang nagkita na sila noon pero hindi lang niya maalala kung saan. Isang magaan na tawa ang nagmula sa babae at mapagbirong tinitigan si Drake. “Hindi mo talaga ako nakikilala?” Umiling si Drake. “Hindi.” “Ano ka ba, ako ‘to. Si Jean. Jean Marcos! Naaalala mo ba yung tabachingching na batang babaeng nakatirintas ang buhok at parating nakasunod sayo?” Dahil sa deskripsiyon na iyon, unti-unting nagliwanag ang memoryang iyon kay Drake. Bumalik sa isipan niya ang imahe ng isang malusog na batang babae na laging nakabuntot sa kanya kahit saan man siya magpunta. Matalik na magkaibigan ang pamilya Pascual at Marcos sa loob ng maraming taon. Ang nanay ni Jean at ang nanay niya ay matalik na magkaibigan noon pa man. “Jean? Ikaw na ‘yan?” Napangiti si Drake. “Oo, naalala ko na. Grabe, ang tagal nating hindi nagkita. Kamusta ka na?” Malaki ang pinagbago ni Jean. And dating tabac
Nasa 40 mahigit pa lamang si Amanda Pascual—isa siyang masiglang babae at matibay na ilaw ng tahanan. Kaya naman para Drake, isang dagok ang malamang may karamdaman ang ina. Parang isa itong madilim na ulap na biglang bumalot sa pamilya nila ng walang babala.Huminga siya ng malalim at pilit na pinakalma ang sarili. “Dad, ano pong sabi ng doktor? Gaano kalala ang kondisyon ni mommy?”Umiling si Felix, bakas sa mukha ng ama ang tindi ng pagod at pangamba. “Hindi pa nila alam talaga, Drake. Kailangan pa ng maraming pagsusuri, pagkatapos, sasailalim si Amanda sa biopsy. Doon pa lang makukumpirma ang resulta pagkatapos ng mga iyon.”Tila mabigat na bato ang nakapatong sa dibdib ni Drake. Ang walang katiyakan ng mga salitang iyon ay hindi niya inaasahan. Pareho silang natahimik ng ama, pareho silang puno ng hindi masabing takot at pag-aalala.“Sige na, anak. Pumasok ka sa loob, samahan mo ang mommy mo,” utos ni Felix sa anak. Tinapik pa niya ang braso ng anak bilang pampalakas-loob.“Pwede
“Si Natalie? Anong nangyari? Natuloy ba siya sa opisina mo kanina?” Lumambot ang tono ng pananalita ni Mateo. Nagkaroon siya kaagad ng interes pagkabanggit ng abogado sa asawa. “Nakikinig ako, anong tungkol sa kanya?”Hindi nakaligtas kay Jose Panganiban ang biglaang pagbago ng mood at boses ni Mateo, napangiti na rin ang abogado. Sa tagal ng pagsasama nila bilang kliyente at abogado, nabibilang lang sa daliri ang mga pagkakataong nagpakita ito ng emosyon. Karaniwang malamig ang pakikitungo nito sa lahat ng nakakasalamuha nito.[Mr. Garcia, ganito kasi ang nangyari,] panimula ng abogado. [Hiniling ni Natalie na hindi daw muna niya pipirmahan ang alimony agreement. Hihintayin daw muna niyang bumaba ang desisyon ng korte para sa divorce ninyo.]Naestatwa si Mateo dahil sa narinig. Mabigat ang dating ng bawat katagang narinig niya. Nagmamadali si Natalie na tapusin ang ugnayan nilang dalawa.Unti-unting naramdaman ni Mateo ang pait sa dibdib niya. Nilalamon hanggang sa malunod na siya, k
May kinuha si Natalie sa bag niya, isang card. Cafeteria card niya ito. May ngiti siya sa mga labi habang iwinawagayway iyon sa harapan ng lalaki. “Oh, ako ang magbabayad ngayon.”“Hindi, ako ang lalaki.” Salungat ni Drake.“Ako ang magbabayad dahil hinddi naman tayo magkasintahan. Bukod pa doon, lagi mo na lang akong nililibre. Narito ka sa university, kaya ako ang taya.”Mahinang tumawa si Drake. “Sige na nga.”Kilala niya si Natalie mula noong mga bata pa sila. Alam niyang walang saysay ang makipagtalo lalo na kapag nakapagpasya na ito.Habang papunta na sila sa canteen, sinalubong sila ng amoy ng mga bagong lutong pagkain. May mangilan-ngilang estudyanteng naroon at nanananghalian rin. Maaliwalas ang school canteen ng university. Pagpasok nila, agad na nakahanap si Natalie ng pagpwe-pwestuhan nila. Malapit iyon sa bintana at natatamaan ng liwanag ng araw.“Nat, ako na ang kukuha ng makakain natin. Umupo ka na lang.” Alok ni Drake, tinupi pa nito ang manggas ng damit na parang maki
“Pwede bang mapag-isa ako habang sinusuri ko ang mga dokumento, attorney?” Pakiusap ni Natalie.“Oo naman,” bumangon si Jose mula sa pagkakaupo at iniwan si Natalie sa opisina niya. Pagbalik niya ay wala na ang babae pero maayos na nakasalansan ang mga dokumento at sa tabi ay isang ballpen, senyales na nakapirma na ito.Hind na nag-aksaya pa ng oras si Jose at muling sinuri ang mga napirmahang dokumento. Natigil siya sa pagsusuri ng may mapansing kakaiba. Kaagad niyang tinawagan si Natalie.“Hello, attorney. Pasensya na, hindi na ako nakapagpaalam.” Kalmadong sagot ni Natalie.[Natalie,] tinitingnan pa rin ni Jose ang hawak na dokumento. Magalang pa rin siya kahit na naguguluhan siya. [Isang dokumento lang ang pinirmahan mo. Hindi mo pinirmahan ang alimony agreement.]“Talaga?” Nagkunwaring gulat si Natalie. “Pasensya na, nakaligtaan ko siguro. Ang buong akala ko ay napirmahan ko na lahat.”Hindi kumbinsido si Jose Panganiban. Nangunot ang noo niya, sa tagal niya sa industriya ay hind
Naghihintay ang isang magarang sasakyan. Pinagbuksan ni Isaac ng pinto ang boss niya. Matapos masigurong nakasakay na si Mateo at tsaka pa lang nito tinungo ang driver’s seat. Mula naman sa kinaroroonan nina Drake, kitang-kita niya si Mateo. Kahit saan magpunta ang lalaki ay lumulutang ang presensya nito. Ang ipinagtataka niya ay kung bakit umalis na lang ito ng basta-basta. Malaki ang posibilidad na nakita sila nito. Naguluhan si Drake, minabuti niyang ituon na lang ang atensyon sa kasama. Abala si Natalie sa pag-aayos ng strap ng bag niya. Interesado sana si Drake at gusto niyang magtanong pero itinago na lang niya iyon. “Nat, kayo ba ni…” simula sana niya, ngunit naputol ang kung anong sasabihin sana niya ng titigan siya ni Natalie. “Kalimutan mo na.” Ang gusto sana niyang itanong ay kung paano nagagawa nina Mateo at Natalie na ipakita na wala na silang pakialam sa isa’t-isa, oo, hiwalay na sila pero hindi pa naman iyon ganoon katagal. Kung ituring nilang dalawa ang isa’t-is