Pagkatapos magsalita, muling humiga si Natalie. “Nasabi ko na ang lahat ng kailangan kong sabihin. Gusto ko lang magpahinga ngayon.” Ngunit hindi siya basta-basta tinantanan ni Mateo. Matalim ang tingin nito sa kanya, matigas at hindi natitinag. Nang muli itong magsalita, puno ito ng malamig na pang-uuyam. “Ang pagiging patas ba para sayo ay hindi ko na dapat inaalam kung sinu-sino ang mga lalaking kinikita mo, tulad ng sinasabi mong hindi ka nakikialam sa mga babaeng kasama ko? Sinasabi mo bang pikit-mata na lang akong manonood habang naglalambingan kayo ng ibang lalaki? Iyon ba?” Natigilan si Natalie sa gulat. Iba ang pagkakaunawa nito sa pagkakasabi niya. Kung sa bagay, sa mata ni Mateo, ganoong klase ng babae siya. Nakaramdam siya ng matinding kirot sa puso sa isiping iyon. Bago pa siya makasagot, nagpatuloy na muli si Mateo, tumataas ang boses na puno ng awtoridad. “Kung iyon ang gusto mo, ngayon pa lang, sinasabi ko na sayo na hinding-hindi ako papayag! Sinabi ko ng hindi k
Ang sampal ni iyon ay hindi masakit sa pisikal, ngunit ito ang nagpaalab sa galit na matagal ng itinatago ni Mateo. Sa loob ng dalawang araw, binabagabag siya ng pagbubuntis ni Irene at ang mahirap na desisyon na kaakibat nito. Alam niya sa kaibuturan ng puso niya na hindi niya kayang bitawan si Natalie. Ngunit may kasalanan din naman si Natalie. Tumanggi itong pumili ng wedding dress at nakipagkita pa sa dating kasintahan. Higit sa lahat, walang ipinakitang malasakit sa kanya. Ang pagmamahal niya dito tila isang biro lang. Mas nanaig ang galit niya kaysa sa lohika. Yumuko si Mateo at mariing hinalikan si Natalie kahit na ayaw pa nito. “Ano ba, tigilan mo—mmph…” Nagpupumiglas si Natalie, ang mga sigaw niya ay napipi sa ilalim ng kanyang halik, ngunit hindi siya pinansin ni Mateo. Lalo lang nitong pinalakas ang determinasyon na magawa ang gusto niya. Nang matapos ito, nakahiga pa rin si Natalie at walang buhay na nakatingin sa kisame. Ang mga luha sa kanyang pisngi ay natuyo n
“Wow.” Pagpasok ni Leo sa kwarto, agad siyang kumaway kay Ivan. “Buksan mo ang mga bintana, bilis. Sigurado ba kayong ospital pa ang lugar na ito? Dinaig pa ang club sa usok, eh.” Napatitig siya sa ashtray sa ibabaw ng mesa, punong-puno ng upos ng sigarilyo ito. Malinaw na indikasyon na hindi tumigil si Mateo sa paninigarilyo. Nang itinuon ni Leo ang kanyang tingin sa kaibigan, halos ayaw nitong salubungin ang mga titig niya. Puno ng panunuya ang ekspresyon ni Leo. “Hoy, Mateo. Sinisira mo ba ang sarili mong kalusugan? Nawawala lang siya ng pansamantala, pero parang katapusan na ng mundo para sayo. Malay mo naman, lumabas lang si Natalie saglit.” Tahimik si Mateo. Dahan-dahan siyang bumuga ng usok at sumandal sa kanyang upuan, isang bihirang tagpo para sa isang taong laging kalmado at maayos ang kilos. Naging seryoso si Leo at nawala ang mapaglaro niyang tono. Umupo siya sa tapat ng kaibigan. “Ano ang ginawa mo sa kanya? Sabi ni Ivan, hindi raw maganda ang kalagayan niya.” Ib
Tahimik na tahimik ang loob ng kwartong iyon. Wala ni isa ang nangahas na magsalita dahil alam nilang hindi maipinta ang mukha ni Mateo. Ramdam din ang init ng galit niya kahit wala pa siyang sabihin. Ibinagsak niya ang telepono niya mesa ng may kalakasan at ang matalim niyang tingin ay parang kutsilyo na humihiwa sa katahimikan. Sinuklay din niya ang buhok niya gamit ang daliri. Nang magsalita siya, ang boses niya ay malamig at walang patawad. “Hanapin niyo ang demonyong iyon.” “Yes, boss!” Maagap na sagot ni Tomas at nagmamadaling saluhin ang telepono. “Gumagalaw na po si Leo. May balita na tayo anumang sandali.” Tumango si Mateo at lumapit sa balkonahe. Kinuha niya ang isa pang sigarilyo mula sa bulsa at sinindihan ito gamit ang matatag na mga kamay, ngunit ang kanyang ekspresyon ay nagpapakita ng gulo sa kanyang kalooban. Tahimik na pinapanood ni Irene ang lahat mula sa sulok, unti-unting nabuo sa isip niya ang sitwasyon: nawawala si Natalie. Paano nangyari iyon? Dahil ba
Tanging ang mga pinakamalapit kay Mateo lang ang nakakaalam na ang kasalukuyan niyang anyo—kalmado sa labas ngunit puno ng galit sa loob—ay senyales na narating na niya ang sukdulan ng kanyang galit. At kung kanino man nakatuon ang galit na iyon---ay inabot ng kamalasan. “S-sir…hindi ko po alam…!” pautal na sagot ng lalaki, halatang nalilito. Umiiling ito nang mabilis. “Sinabi ko na sa inyo ng paulit-ulit, wala akong alam—ah!” Bago pa niya matapos ang sinasabi, binitiwan siya ni Mateo. Bumagsak ang lalaki sa sahig ng malakas, ang dibdib nito ay tumama ng malakas sa lupa. “Ugh, ugh…” Pilit na inaayos ng lalaki ang kanyang hininga habang sinusubukang bumangon. Ngunit bago pa siya makagalaw, ipinatong na ni Mateo ang paa niya sa likod nito, pinipigilan siyang tumayo. “Ibalik mo siya,” mariing sabi ni Mateo, mababa at puno ng banta ang boses. “Buhay, walang galos, kahit isang hibla ng buhok niya ay hindi dapat nagalaw.” Nanlaki sa takot ang mukha ng lalaki. Alam niyang nakaharap
“Huwag mong sisihin ang sarili mo. Hindi mo naman ginusto ito,” malumanay na sabi ni Irene, may bahagyang kunot ang kanyang noo. Matapos ang saglit na pag-aalangan, nagtanong na siya, “Ang nangyari ba ngayon… ay dahil sa akin?” Nanlaki ang mga mata ni Mateo, at ang manipis niyang labi ay nanatiling mahigpit na nakatikom sa umpisa bago ito nagsalita. “Wala itong kinalaman sa’yo. Kasalanan ko ito.” Hindi siya ang tipo ng tao na iniiwasan ang responsibilidad. Ang kanyang mga aksyon ang nagdulot ng pagbubuntis ni Irene, at ang mga pagkakamali niya ang nanakit kay Natalie. Siya ang naiipit sa pagitan ng isang tungkulin at ng makasarili niyang kagustuhan kay Natalie. Ang sariling demonyo niya ang nagtulak sa kanya sa ganitong kaguluhan. Tumunog ang kanyang telepono, binasag nito katahimikan sa pagitan nilang dalawa. Tawag iyon mula kay Leo. Tiningnan muna ni Mateo si Irene ngunit hindi pa niya sinasagot ang tawag. “Sagutin mo,” sabi ni Irene na may mahinang ngiti. “Alam kong mas maha
“Hahanapin na namin siya agad, sir.” Sabi ni Ivan habang abalang paghahanda sa pagalis. “Hintayin niyo ako. Sasama ako,” madiing sabi ni Mateo. “Sigurado ka?” Tanong ni Leo sa kaibigan. “Mukha ba akong nagbibiro?” “Paunahin mo na sila. Tapusin mo muna ang IV drip mo. Wala ring patutunguhan ang paghahanap kung pati ikaw ay hindi maganda ang lagay, Mateo.” Pangungumbinsi pa ni Leo. Pumayag rin si Mateo sa bandang huli dahil may punto nga naman ang kaibigan. Mahigit isang oras ang inabot ng paghahanap nina Ivan, ngunit wala pa rin silang balita. Naiinis na si Mateo, kaya’t nagpasya siyang siya mismo ang kikilos. Matapos tapusin ang IV drip, nagpalit siya ng damit at nagtungo sa likurang bahagi ng unibersidad kasama si Tomas. Habang naglalakad, tinawagan ni Tomas si Ivan upang alamin kung aling mga inn ang nasuri na upang maiwasan ang pag-uulit. “Naiintindihan ko,” sagot ni Tomas bago ibinaba ang tawag. “Sir, tanong ko lang—” Naputol ang sinasabi niya ng mapansin niyang hindi
Masikip ang dormitoryong iyon, may mga kama na nakahanay sa pader at isang maliit na mesa sa gitna, halos wala ng natitirang espasyo para tumanggap ng bisita sa silid na iyon. Nakakapaso rin init ang roon, walang air conditioning na pwedeng magpalamig sa loob. Isang lumang ceiling fan lang ang umiikot ng mabagal, na parang may kasabay pang pag-iyak sa bawat pag-ikot, ngunit halos walang nabawas sa init ng hangin. Pinagpapawisan na siya kahit ilang saglit pa lang siya doon. Sa ibabaw ng mesa, may nakapatong na takure at ilang baso. Kumuha si Mateo ng tubig at tumingin sa paligid para maghanap ng honey ngunit wala siyang makita. Tumalikod siya at tinanong, “Nat, nasaan ang honey?” Nang marinig ang boses niya, naestatwa si Natalie, nakahiga siya ng patagilid at paharap sa dingding ngunit hindi siya pwedeng magkamali. Hindi makapaniwala ang kanyang ekspresyon ng dahan-dahan siyang bumaling paharap sa pinanggalingan ng pamilyar na tinig na iyon. Siya nga. Naroon nga siya. Nagtagpo a
Ang mapanuyang mga salitang binitawan ni Natalie ay umalingawngaw sa loob ng tahimik na silid. Ang madilim at tahimik na pasilyo ay sumasalamin sa bagyong namumuo sa mga mata ni Mateo. Siya na rin ang unang bumitaw sa titigan nila, gayunpaman, sinubukan pa rin niyang maghanap ng kahit na anong palatandaan na maaaring magpalambot ng pagkakait ni Natalie ng emosyon.“Nat,” bungad niya ng puno ng depresyon. “Kailangan ba talaga na sa isang lalaking may asawa ka makipagrelasyon?”Bumigat lalo ang tensyon sa pagitan nila. Isang malamlam at mapanuyang ngiti ang gumuhit sa labi ni Natalie, inasahan niyang may isasagot sa kanya ang babae pero nanatili itong tahimik at lalo lang itong nagpaliyab sa apoy ng galit ni Mateo.“Hindi mo ba ako narinig?” Sumabog na ng tuluyan ang inip at galit nito, sabay hakbang palapit. Ramdam ni Natalie ang init ng hininga nito sa sobrang lapit. “Ano na ba ang naibigay niya sayo? Sagutin mo ako! Ano man ‘yon, kaya kong ibigay ng doble o kahit isang daang beses pa
Ang larawang natagpuan niya sa pitaka ng ama ay parang kidlat na tumama kay Natalie. Ang babaeng nasa larawan ay puno ng sigla at saya at ang kanyang maliwanag na ngiti ay pamilyar ngunit bahagi na lang ng isang magandang alaala nila pareho.Si Emma Natividad, ang kanyang pinakamamahal na ina ang babaeng nasa larawan. Minsan na niyang nakita ang larawan na hawak niya ngayon sa pitaka ng ama pero matagal na iyon. Maraming taon na ang nakalipas. Ngunit bagong kopya ito ngayon. Parehong larawan, pero ang nakita niya noon ay luma na. Ang larawang nasa kamay niya gayon ay isang replica. Sa teknolohiya ngayon, madali na lang ang restoration process ng isang lumang larawan. Ang hindi lang malinaw sa kanya ay kung bakit naroon pa iyon at bakit pinabayaan ni Janet na maiwan ang larawan ni Emma sa pitaka ng asawa gayong para itong sinisilaban sa tuwing nababanggit ang pangalan ng yumaong ina.Ang una rin nitong ginawa noong unang dating ito sa bahay nila ay tanggalin ang lahat ng bagay na may k
Habang hawak ni Justin ang remote control ng laruan, tinapunan niya ng mabilis na tingin si Rigor na may halong pag-aalinlangan. May bahagyang panginginig ang kanyang maliliit na daliri. Halatang kinakabahan ang bata at panay ang tingin sa ate at sa lalaking nagbigay sa kanya ng eroplano.“Ate?”“Ano ‘yon?”“Pwede ba natin siyang yayain na maglaro kasama natin?” Mahinang bulong ng bata sa kapatid.Lumuhod si Natalie sa tabi ni Justin at inayos ang medyo magulo nitong buhok. Ang banayad na ngiti ay nagbigay kaagad ng lakas ng loob sa kapatid. “Justin, lumalaki ka na. Pwede ka ng magdesisyon para sa sarili mo.”“Oh,” dahan-dahang tumango ang bata, pagkatapos ay tumingin kay Rigor ng seryoso. “Uncle, laro tayo!”Natigilan si Rigor, nanlaki ang mga mata na sinundan ng panginginig ng labi. May gusto siyang sabihin pero nagpipigil. Pagkatapos ng mahabang sandali, nakapagsalita na siya ulit, sa pagkakataong ito, puno na ng emosyon ang tinig. “S-sige…pero, Justin…hindi uncle ang dapat na itaw
“Pare, ano ba talaga ang nararamdaman mo?” Hindi pa rin nagpaawat si Leo.Nanatiling tahimik si Mateo habang ang tanong na iyon ng kaibigan ay parang patalim na tumatagos sa pilit niyang pagtanggi sa katotohanan. Hiniwa rin nito ang manipis na pader ng kang tunay na emosyon at iniwang hubad ang kanyang nararamdaman. May maliit na bahagi ng pag-unawa sa kanyang kaisipan, ngunit hindi ito mabuo-buo.“Pakinggan mo ako,” dagdag ni Leo. “Lagi mong sinasabi na wala kang ibang gusto kundi ang kabutihan ni Natalie. Na gusto mo siyang makausad, pero sa tuwing nakikita mo siyang nagiging malapit sa ibang lalaki---nagkakaganyan ka. Isang tingin lang mula kay Natalie, nawawala na ang kontrol mo.” Paliwanag nito. “Kaya kung ako sayo, tanungin mo muna ang sarili mo kasi mas alam mo ‘yan---ano ba talaga ‘yang nararamdaman mo?”Parang may kung anong bumara sa lalamunan ni Mateo at pilit niyang nilunok iyon. Nagsimulang manginig ang kamay niya at wala siyang maisagot kay Leo.Para kay Leo naman, sapat
Pilit na pinakalma ni Mateo ang bagyong nag-aalab sa kanyang kalooban sa pamamagitan ng paghinga ng malalim. Ang kanyang emosyon ay binubuo ng magulong mga alon ng selos, pagkabigo at isang bagay na hindi niya maipaliwanag. Sa pamamagitan ng mahahaba niyang hakbang, nakalapit siya muli kay Natalie at ang boses niya at matalas at puno ng awtoridad.“Tumigil ka na sa kakaiyak!” Bagamat may bahid ng desperasyon, may bahid din iyon ng galit. “Para isang cake lang---ibibili kita ng bago. Kahit ilan pa ang gusto mo. Para ‘yan lang!”Hindi pa man siya tapos magsalita, biglang tumayo si Natalie. Hindi man lang siya nito tiningnan, tumalikod na ito at naglakad palayo.Nagpalitan ng hindi komportableng tingin sina Alex at Tomas. Wala silang balak makialam at mas gugustuhin pa nilang maglaho na lang para hindi na nila nakita ang nangyari.Nagtiim ang panga ni Mateo, nasapol ang kanyang pride dahil sa pagwawalang-bahala sa kanya ni Natalie. Hinabol niya ito at hinawakan sa braso, pilit niyang pin
Umalab ang galit ni Mateo, ang hawak niya sa kahon ng cake ay lalong humigpit, halos masira na ito. Ang matalim niyang tingin ay sinalubong ang matapang na tingin ni Natalie. Ang bawat hibla ng kanyang kalamnan ay puno ng tensyon.“Paano kung sirain ko ‘to? Kung itapon ko’ to?”Hindi natinag si Natalie kahit pa katakot-takot na ang ekspresyon sa mukha ng kausap. “Inuulit ko, akin na ang cake na ‘yan. Ibigay mo sa akin. Hindi ako nagbibiro.”Ang pinapakita nitong tapang ay lalo lang nagpaningas ng galit ni Mateo. “Bakit? Bakit napakahalaga ng cake na ito para sayo, Natalie?”Ang katanungang iyon ay dumagdag lamang sa napakaraming tanong niya. Hindi niya maiwasang isipin na niloko siya---hindi lang ni Natalie kundi ng buong sitwasyon. Isang mapait na tawa ang tumakas mula sa mga labi ni Mateo habang lalong humigpit ang pagkakahawak niya sa kahon.“Mukha bang nagbibiro rin ako? Malalaman natin ngayon kung gaano kahalaga sayo ang cake na ‘to.”Pagkatapos ideklara iyon, sa pamamagitan ng i
“Copy, sir,” mahinahong tugon ni Alex sa utos ng boss niya habang inaanyayahan si Natalie na sumunod sa kanya papunta sa naghihintay na sasakyan.Umugong ang makina at dahan-dahang umalis ang sasakyan. Hindi maitatangging tahimik ngunit nanatiling mabigat pa rin ang hangin. Kinuha ni Alex ang karton ng cake kay Natalie at nagpaalam kung pwede na sa trunk compartment na lang iyon ilagay. Pumayag naman siya para makapagpahinga naman siya. Napapikit si Natalie dahil sa dami ng nangyari ngayong gabi.Habang papalayo ang sasakyan ni Natalie, nakahinga na ng maluwag si Irene. Nanumbalik din ang ngiti nito sa labi. Dahil wala na ang itinuturing niyang pinakamalaking banta sa pwesto niya sa buhay ni Mateo---nabawasan ang kaba sa dibdib niya.Samantala, nananatiling walang emosyon si Mateo habang pinapanood ang kotseng sinasakyan ni Natalie. Malinaw niyang inuulit sa isipan ang mga nangyari kanina sa loob ng restaurant. Pagkatapos ay siniguro niyang maayos na nakasakay sa isa pang sasakyan ang
Nakatuon ang atensyon ni Natalie sa natitirang piraso ng cake sa kanyang plato. Bagamat pabago-bago ang gana niya sa pagkain nitong mga nakaraang araw, ang saktong tamis at creamy texture nito ay nagdulot sa kanya ng kakaibang ginhawa sa gitna ng tensyon sa silid na iyon.Napansin ni Rigor ng simutin niya ang laman ng platito gamit ang kutsara. Napapikit pa si Natalie sa sobrang ligaya. “Mukhang nagustuhan mo nga ang cake.”“Mm, masarap. Sakto ang tamis.” Sagot ni Natalie habang maingat na inilalapag ang kutsara.“Nat, marami pa,” udyok nito sa kanya. “Gusto mo bang ipaghiwa kita ulit?”Hindi sumagot si Natalie pero nang tingnan niya ang cake, parang inaanyayahan siya nitong kumain pa. Napalunok siya ng laway. Nakangiting pinagmasdan ni Rigor ang anak kaya hindi na niya hinintay pa ang sagot nito. Sapat na ang mapungay na mga mata ni Natalie na nakatutok sa cake. Naghiwa siya ng panibago at inilagay sa platito ng anak. Ang kaniyang maamo at maalagang kilos bilang ama ay hindi akma sa
“Naku, hindi mangyayari ‘yan, Dad.” Malambing na pagtutol ni Irene sa sinabi ng ama. “Paano naman mangyayari ‘yon? Hindi ko mapapantayan ang regalo ni mommy sayo dahil gawa iyon ng may pagmamahal---isang bagay na hindi kailanman nabibili ng pera. Hindi ba, Dad?”Humagalpak ng tawa si Rigor, tumango ito habang tinitingnan ang sweater na bigay ng asawa. “Tama ka, wala itong katumbas.”“Suotin mo, Dad, para makita natin kung bagay sayo.” Mungkahi ni Irene.“Sige,” maingat na sinunod ni Rigor ang mungkahi ng anak at tinanggal ito sa kahon. Sinuot niya ang relo at inikot-ikot sa kanyang kanang kamay para pagmasdan ang ganda at pagkapulido ng gawa nito. “Napakaganda. Ito ang unang Rolex ko. Maraming salamat, anak.”“You’re welcome, Dad,” sagot ni Irene. May pagmamalaki ito sa boses at sinadyang lakasan ang boses. “Ang mahalaga, nagustuhan mo ang regalo ko.”Ang lahat ng mga mata ay lumipat kay Mateo na tahimik lang sa kanyang pwesto kanina pa. Wala pa ring mababasang ekspresyon sa mukha nit