Share

KABANATA 182 

Author: Lin Kong
last update Last Updated: 2024-12-27 16:13:28
“Ano’ng nangyayari?”

Mabilis ang tibok ng puso ni Natalie at basang-basa siya ng malamig na pawis—ito ang mga tipikal na sintomas ng hypoglycemia. Karaniwan, lumalabas lang ito kapag hindi siya nakakakain, ngunit ngayon ay tila mas malala.Siguro dahil sa pagbubuntis, naisip niya.

Nakaupo siya sa isang upuan. Alam na ni Drake ang tungkol sa kanyang hypoglycemia mula noon kaya agad itong kumuha ng kendi mula sa bulsa. Nagulat si Natalie dahil may dala pa din itong kendi gaya ng nakagawian nila.

“Nat, kainin mo ito.” Maingat na binuksan ni Drake ang kendi at iniabot ito sa kanyang labi.

Tinanggap niya ito at agad na nakaramdam ng ginhawa. Pinawi ng tamis ng kendi ang pait ng damdamin niya. “S-salamat…”

“Mas mabuti na ba ang pakiramdam mo?” tanong ni Drake, hinihilot pa nito ang braso niya at ang bawat kilos nito ay puno ng malasakit.

Ngunit mas malala ito kaysa dati. Umiling si Natalie. Ramdam pa rin niya ang panghihina. Nang walang ano-ano ay binuhat siya ni Drake na parang w
Continue to read this book for free
Scan code to download App
Locked Chapter
Comments (31)
goodnovel comment avatar
BB Say
ganito rin opinion ko, parang nasobrahan na paikot ikot.
goodnovel comment avatar
Jo Brillo
pang ilang kabanata malalaman ni Mateo n sya ang Ama ng pinagbubuntis ni Nath?
goodnovel comment avatar
Kurtmalou Villacacan
nakita na ni mateo before na sinapak ni janet c natalie tapos di manlang nagka instinct na bakit anung meron sa kanila? 8080 mo mateo di na lumaki tyan ni natalie anung petsa na... nabuntis nako lahat lahat mauna pa ata lumaki sakin ...... ano ba writer ganto nalang ba to hangang matapos.
VIEW ALL COMMENTS

Related chapters

  • Arranged Marriage with the Ruthless CEO   KABANATA 183

    Walang masagot si Natalie. Ngunit ang mga salitang iyon ni Drake ay tila langis na binuhos sa umaapoy na galit ni Mateo. Lumamig ang kanyang tingin at kahit na ang kanyang boses ay nanatiling normal, may bahid iyon ng pag-aalinlangan. “Bakit hindi mo sagutin, Natalie? May tanong sayo si Mr. Pascual. Bakit hindi ka sumasagot? Medyo bastos yata iyon, hindi ba?” Hindi maikakaila ang pang-uuyam sa kanyang tono. Nanigas ang mukha ni Natalie at lumingon kay Drake at malamig na sinabi, “Ayos na ako. Salamat sa paghatid mo sa akin. Pwede ka nang umalis.” “Natalie…” hindi pinansin ni Drake ang malamig niyang pagtataboy. Dumilim ang kanyang ekspresyon at hindi siya nagpadaig. “Sabihin mo sa akin—masaya ka ba sa kanya?” Muling tumahimik ang kwartong iyon. Muli, walang sinabi Natalie, ngunit ang kawalan ng sagot niya ay nagsabi na ng lahat. Hindi kailangan ni Drake ng kumpirmasyon para maintindihan iyon—hindi siya masaya. Kilalang-kilala niya si Natalie, mahal na mahal niya ito sa loob

    Last Updated : 2024-12-27
  • Arranged Marriage with the Ruthless CEO   KABANATA 184

    Pagkatapos magsalita, muling humiga si Natalie. “Nasabi ko na ang lahat ng kailangan kong sabihin. Gusto ko lang magpahinga ngayon.” Ngunit hindi siya basta-basta tinantanan ni Mateo. Matalim ang tingin nito sa kanya, matigas at hindi natitinag. Nang muli itong magsalita, puno ito ng malamig na pang-uuyam. “Ang pagiging patas ba para sayo ay hindi ko na dapat inaalam kung sinu-sino ang mga lalaking kinikita mo, tulad ng sinasabi mong hindi ka nakikialam sa mga babaeng kasama ko? Sinasabi mo bang pikit-mata na lang akong manonood habang naglalambingan kayo ng ibang lalaki? Iyon ba?” Natigilan si Natalie sa gulat. Iba ang pagkakaunawa nito sa pagkakasabi niya. Kung sa bagay, sa mata ni Mateo, ganoong klase ng babae siya. Nakaramdam siya ng matinding kirot sa puso sa isiping iyon. Bago pa siya makasagot, nagpatuloy na muli si Mateo, tumataas ang boses na puno ng awtoridad. “Kung iyon ang gusto mo, ngayon pa lang, sinasabi ko na sayo na hinding-hindi ako papayag! Sinabi ko ng hindi k

    Last Updated : 2024-12-27
  • Arranged Marriage with the Ruthless CEO   KABANATA 185

    Ang sampal ni iyon ay hindi masakit sa pisikal, ngunit ito ang nagpaalab sa galit na matagal ng itinatago ni Mateo. Sa loob ng dalawang araw, binabagabag siya ng pagbubuntis ni Irene at ang mahirap na desisyon na kaakibat nito. Alam niya sa kaibuturan ng puso niya na hindi niya kayang bitawan si Natalie. Ngunit may kasalanan din naman si Natalie. Tumanggi itong pumili ng wedding dress at nakipagkita pa sa dating kasintahan. Higit sa lahat, walang ipinakitang malasakit sa kanya. Ang pagmamahal niya dito tila isang biro lang. Mas nanaig ang galit niya kaysa sa lohika. Yumuko si Mateo at mariing hinalikan si Natalie kahit na ayaw pa nito. “Ano ba, tigilan mo—mmph…” Nagpupumiglas si Natalie, ang mga sigaw niya ay napipi sa ilalim ng kanyang halik, ngunit hindi siya pinansin ni Mateo. Lalo lang nitong pinalakas ang determinasyon na magawa ang gusto niya. Nang matapos ito, nakahiga pa rin si Natalie at walang buhay na nakatingin sa kisame. Ang mga luha sa kanyang pisngi ay natuyo n

    Last Updated : 2024-12-27
  • Arranged Marriage with the Ruthless CEO   KABANATA 186

    “Wow.” Pagpasok ni Leo sa kwarto, agad siyang kumaway kay Ivan. “Buksan mo ang mga bintana, bilis. Sigurado ba kayong ospital pa ang lugar na ito? Dinaig pa ang club sa usok, eh.” Napatitig siya sa ashtray sa ibabaw ng mesa, punong-puno ng upos ng sigarilyo ito. Malinaw na indikasyon na hindi tumigil si Mateo sa paninigarilyo. Nang itinuon ni Leo ang kanyang tingin sa kaibigan, halos ayaw nitong salubungin ang mga titig niya. Puno ng panunuya ang ekspresyon ni Leo. “Hoy, Mateo. Sinisira mo ba ang sarili mong kalusugan? Nawawala lang siya ng pansamantala, pero parang katapusan na ng mundo para sayo. Malay mo naman, lumabas lang si Natalie saglit.” Tahimik si Mateo. Dahan-dahan siyang bumuga ng usok at sumandal sa kanyang upuan, isang bihirang tagpo para sa isang taong laging kalmado at maayos ang kilos. Naging seryoso si Leo at nawala ang mapaglaro niyang tono. Umupo siya sa tapat ng kaibigan. “Ano ang ginawa mo sa kanya? Sabi ni Ivan, hindi raw maganda ang kalagayan niya.” Ib

    Last Updated : 2024-12-27
  • Arranged Marriage with the Ruthless CEO   KABANATA 187

    Tahimik na tahimik ang loob ng kwartong iyon. Wala ni isa ang nangahas na magsalita dahil alam nilang hindi maipinta ang mukha ni Mateo. Ramdam din ang init ng galit niya kahit wala pa siyang sabihin. Ibinagsak niya ang telepono niya mesa ng may kalakasan at ang matalim niyang tingin ay parang kutsilyo na humihiwa sa katahimikan. Sinuklay din niya ang buhok niya gamit ang daliri. Nang magsalita siya, ang boses niya ay malamig at walang patawad. “Hanapin niyo ang demonyong iyon.” “Yes, boss!” Maagap na sagot ni Tomas at nagmamadaling saluhin ang telepono. “Gumagalaw na po si Leo. May balita na tayo anumang sandali.” Tumango si Mateo at lumapit sa balkonahe. Kinuha niya ang isa pang sigarilyo mula sa bulsa at sinindihan ito gamit ang matatag na mga kamay, ngunit ang kanyang ekspresyon ay nagpapakita ng gulo sa kanyang kalooban. Tahimik na pinapanood ni Irene ang lahat mula sa sulok, unti-unting nabuo sa isip niya ang sitwasyon: nawawala si Natalie. Paano nangyari iyon? Dahil ba

    Last Updated : 2024-12-27
  • Arranged Marriage with the Ruthless CEO   KABANATA 188

    Tanging ang mga pinakamalapit kay Mateo lang ang nakakaalam na ang kasalukuyan niyang anyo—kalmado sa labas ngunit puno ng galit sa loob—ay senyales na narating na niya ang sukdulan ng kanyang galit. At kung kanino man nakatuon ang galit na iyon---ay inabot ng kamalasan. “S-sir…hindi ko po alam…!” pautal na sagot ng lalaki, halatang nalilito. Umiiling ito nang mabilis. “Sinabi ko na sa inyo ng paulit-ulit, wala akong alam—ah!” Bago pa niya matapos ang sinasabi, binitiwan siya ni Mateo. Bumagsak ang lalaki sa sahig ng malakas, ang dibdib nito ay tumama ng malakas sa lupa. “Ugh, ugh…” Pilit na inaayos ng lalaki ang kanyang hininga habang sinusubukang bumangon. Ngunit bago pa siya makagalaw, ipinatong na ni Mateo ang paa niya sa likod nito, pinipigilan siyang tumayo. “Ibalik mo siya,” mariing sabi ni Mateo, mababa at puno ng banta ang boses. “Buhay, walang galos, kahit isang hibla ng buhok niya ay hindi dapat nagalaw.” Nanlaki sa takot ang mukha ng lalaki. Alam niyang nakaharap

    Last Updated : 2024-12-27
  • Arranged Marriage with the Ruthless CEO   KABANATA 189

    “Huwag mong sisihin ang sarili mo. Hindi mo naman ginusto ito,” malumanay na sabi ni Irene, may bahagyang kunot ang kanyang noo. Matapos ang saglit na pag-aalangan, nagtanong na siya, “Ang nangyari ba ngayon… ay dahil sa akin?” Nanlaki ang mga mata ni Mateo, at ang manipis niyang labi ay nanatiling mahigpit na nakatikom sa umpisa bago ito nagsalita. “Wala itong kinalaman sa’yo. Kasalanan ko ito.” Hindi siya ang tipo ng tao na iniiwasan ang responsibilidad. Ang kanyang mga aksyon ang nagdulot ng pagbubuntis ni Irene, at ang mga pagkakamali niya ang nanakit kay Natalie. Siya ang naiipit sa pagitan ng isang tungkulin at ng makasarili niyang kagustuhan kay Natalie. Ang sariling demonyo niya ang nagtulak sa kanya sa ganitong kaguluhan. Tumunog ang kanyang telepono, binasag nito katahimikan sa pagitan nilang dalawa. Tawag iyon mula kay Leo. Tiningnan muna ni Mateo si Irene ngunit hindi pa niya sinasagot ang tawag. “Sagutin mo,” sabi ni Irene na may mahinang ngiti. “Alam kong mas maha

    Last Updated : 2024-12-27
  • Arranged Marriage with the Ruthless CEO   KABANATA 190

    “Hahanapin na namin siya agad, sir.” Sabi ni Ivan habang abalang paghahanda sa pagalis. “Hintayin niyo ako. Sasama ako,” madiing sabi ni Mateo. “Sigurado ka?” Tanong ni Leo sa kaibigan. “Mukha ba akong nagbibiro?” “Paunahin mo na sila. Tapusin mo muna ang IV drip mo. Wala ring patutunguhan ang paghahanap kung pati ikaw ay hindi maganda ang lagay, Mateo.” Pangungumbinsi pa ni Leo. Pumayag rin si Mateo sa bandang huli dahil may punto nga naman ang kaibigan. Mahigit isang oras ang inabot ng paghahanap nina Ivan, ngunit wala pa rin silang balita. Naiinis na si Mateo, kaya’t nagpasya siyang siya mismo ang kikilos. Matapos tapusin ang IV drip, nagpalit siya ng damit at nagtungo sa likurang bahagi ng unibersidad kasama si Tomas. Habang naglalakad, tinawagan ni Tomas si Ivan upang alamin kung aling mga inn ang nasuri na upang maiwasan ang pag-uulit. “Naiintindihan ko,” sagot ni Tomas bago ibinaba ang tawag. “Sir, tanong ko lang—” Naputol ang sinasabi niya ng mapansin niyang hindi

    Last Updated : 2024-12-27

Latest chapter

  • Arranged Marriage with the Ruthless CEO   KABANATA 299

    May kakaibang katangian si Antonio Garcia. Magaling itong magbasa ng mga tao---minsan pati pagbasa ng mga puso ay kaya rin nito. Mula ng tumapak si Natalie sa pintuan, nakita na niya ang lahat.Subukan man na itago ni Natalie at nagawa niyang panatilihin ang kalmadong panlabas na anyo, ang mabigat na bumabagabag sa puso ay mahirap na maitago. Maaring matagumpay niyang malinlang alng ibang tao pero hindi si Antonio.Hindi kailanman.“Apo, sabihin mo sa akin kung ano ang nangyari.”Mabini at puno ng kabaitan ang tinig ng matanda. May dalang karunungan para sa isang taong napakarami ng nakita sa buhay. “Ano man ang mangyari sa inyo ni Mateo, ito ang pakakatandaan mo---ako pa rin ang Lolo Antonio mo. Okay?”Ang pagmamalasakit na iyon ay sapat na para bumigay si Natalie.Nagsimulang manikip ang kanyang lalamunan at lumabo ang kanyang paningin dahil sa mga luhang pilit niyang pinipigilan. Mariin niyang nakagat ang ibabang labi pero lumabas pa rin ang kanyang tinig na punong-puno ng hilaw na

  • Arranged Marriage with the Ruthless CEO   KABANATA 298

    “Makinig ka sa akin, Natalie, dahil ako ang masusunod dahil---”“Irene!” Pigil ni Rigor sa anak dahil tila alam na niya kung ano ang sasabihin nito. Matigas ang kanyang tinig ngunit may bahid ng pag-aatubili at hindi niya maitago iyon. “Tama na.”Ngunit hindi nagpatinag si Irene. Humarap ito kay Rigor ng may huwad na pag-aalala at kawalan ng pag-asa sa mukha. “Dad, hindi mo ako pwedeng sisihin. Sa puntong ito, wala ng ibang paraan. Kitang-kita mo naman---kahit anong kabutihan pa ang ipakita mo sa kanila, wala pa rin silang konsensya at wala silang puso.”Mabagal na umiling si Irene, habang bumubuntong-hininga na tila ipinapakitang lubos siyang nadismaya sa kawalan ng utang ng loob ni Natalie sa ama nila. Ngunit ang kakaibang kislap sa kanyang mga mata ay nagsasabi ng totoong nararamdaman niya---nag-eenjoy si Irene sa ginagawa niya.Saglit na nag-atubili si Rigor, kitang-kita ang pag-aalangan niya. Ngunit sa huli, mas nanaig ang kagustuhan niyang mabuhay.Dahan-dahang ipinikit ni Rigor

  • Arranged Marriage with the Ruthless CEO   KABANATA 297

    “Ang kapal ng mukha mo para sabihin ‘yan sa akin, Natalie!” Halos sumabog sa galit si Irene. Ang mukha nito ay namumula at namumutla ng sabay, halatang pinipigilan ang matinding poot. “Naturingan kang doktor pero ganyan ang mga lumalabas sa bibig mo! Karumaldumal ‘yang mga sinasabi mo!”Humalukipkip si Natalie at isang tusong ngiti ang sumilay sa mga labi niya habang pinagmamasdan ng maigi si Irene. “Karumaldumal? Baka hindi mo alam ang ibig sabihin ng salitang ‘yan, mahal kong kapatid.”Tumikhim si Natalie, puno ng panunuya ang kanyang tinig. “Oh, anong problema? Bobo ka pa talaga kahit noon pa? Hindi mo pa rin ba maintindihan ang konsepto ng ‘cause and effect’? Kawawa ka naman---isang walang pag-asang mangmang. Kaya ka siguro nag-artista kasi wala kang tsansa sa akademya. Matanong ko lang, mabuti at nababasa mo ang script mo, ano?”“Sumosobra ka na!” Nanginginig sa matinding galit si Irene, halos kapusin ito sa hininga at ang mga kamao ay mahigpit na nakakuyom.“Ay, naiinis ka na ni

  • Arranged Marriage with the Ruthless CEO   KABANATA 296

    Agad na umayos ng pagkakaupo si Janet. Ang tono ng pananalita ay naging matalim at may hindi matitibag na paninindigan. “Ano pa ang hinihintay natin? Kausapin na natin si Natalie. Hayaan natin siyang siya ang magdonate ng atay. Nang makabawi naman siya sayo bilang ama niya!”Ngunit hindi sang-ayon si Rigor sa ideyang iyon. Nag-aalinlangan sita at napakapit ng mahigpit sa kumot ng ospital. Ang mga pagod niyang mata ang nagpakita ng pagdadalawang-isip niya.“Pero hindi ko pa nasabi kay Natalie ang tungkol dito…”“Dad,” kalkulado ang tinig ni Irene. Nag-isip muna siya bago siya muling magsalita. “Kung nahihirapan kang sabihin kay Natalie ang tungkol sa bagay na ito, hayaan mong ako na ang kumausap sa kanya.”Muling nangibabaw ang pag-aalinlangan ni Rigor. “Alam niyo, siguro mas mas mabuti kung maghintay muna tayo.”Umiling si Irene, hindi niya nagustuhan ang mungkahi ng ama. “Dad, ang sabi ng doktor mo, wala na tayong panahon para maghintay. Sinabi din niya na kung mas maagang magagawa a

  • Arranged Marriage with the Ruthless CEO   KABANATA 295

    Ikinagulat ni Janet ang tanong na iyon. Bumuka ang kanyang labi, ngunit sa loob ng ilang sandali, wala ni isang salita ang lumabas. Pagkatapos, pilit itong ngunit ngunit halatang hindi ito komportable.“Bakit mo naman natanong ‘yan?” Napalunok ito. “Alam mo…ang pagdodonate ng atay ay hindi basta-basta. Kailangan ng masusing pag-aaral dyan kung hindi ako nagkakamali…” May takot sa boses ni Janet at hind iyon nakaligtas sa pandinig ni Rigor.Ang totoo, inaasahan na niya ang ganitong reaksyon mula sa asawa.Nang banggitin pa lang sa kanya ang posibilidad ng pagdodonate, nagsimula na itong mautal at pagpawisan. Hindi maitago ni Janet ang kanyang kaba.Humigpit ang pagkakakapit ni Rigor sa kumot. Ito mismo ang dahilan kung bakit hindi niya sinabi sa dalawa ang kanyang sakit mula ng malaman niya.Naramdaman ni Irene ang tensyon sa pagitan ng mga magulang kaya mabilis siyang sumingit sa usapan. “Dad, anak mo ako. Malamang, tugma ang atak ko sa atay mo, hindi ba?”Nabuhayan ng pag-asa si Rigo

  • Arranged Marriage with the Ruthless CEO   KABANATA 294

    Pagkalapag niya ng kanyang maleta, ang unang ginawa ni Natalie ay ang maligo. Hinayaan niyang bumalot sa kanya ang mainit na tubig at nilinis nito ang pagod ng isang mahabang biyahe. Ngunit kahit gaano pa kainit ang tubig, hindi naman nito nagawang payapain ang gulo sa kanyang isipan.Pagkatapos niyang maligo at magpatuyo ng buhok, hinayaan niyang igiya siya ng katawan sa kamay. Doon, ilang oras din siyang nakatingin lang sa kisame habang binabagabag ng iisang tanong.“Bakit ka nagbago, Rigor? Hindi pwedeng wala kang dahilan. Alam kong mayroon.” Iyon ang huling naisip niya bago siya nilamon ng antok at tuluyang nakatulog ng mahimbing.**Sa tahanan ng mga Natividad.Nang dumating si Rigor sa bahay, pagod na pagod ito mula sa mahabang biyahe. Idagdag pa ang bigat ng stress sa kanyang katawan nitong mga nagdaang araw.Halos hindi pa siya nakakatapak sa loob ng pintuan ay sinalubong na siya ni Janet. Nakapamewang at ang mga mata ay naglalagablab sa tindi at dami ng hinala.“Aba, mabuti n

  • Arranged Marriage with the Ruthless CEO   KABANATA 293

    Hindi naman hinimatay si Natalie dahil sa tindi ng halikan nil ani Mateo gaya ng inaakala ni Tomas. Matapos siyang madala sa ospital at sinuri ng doktor, doon pa lang nila nalaman ang diagnosis niya.“Nakaranas siya ng matinding emotional stress. Dahil sa kanyang pagbubuntis, ang labis na pag-iyak ay naging sanhi ng dehydration at matinding pagod. Sa ngayon, bukod sa IV, ang kailangan niya ay mahabang pahinga, tamang hydration at emosyonal na katatagan sa mga susunod na araw.”Tumango si Mateo, hindi mabasa ang emosyon na mayroon siya. “Thank you, doc.”Sa loob ng tahimik na silid ng ospital, nakahiga si Natalie at gaya ng sabi ng doktor, may IV line siya para sa karagdagang nutrisyonal na suporta. Namumutla pa rin ito at nanunuyo ang labi, ngunit kalmado na ang paghinga.Naupo si Mateo sa tabi ng kama at hindi inalis ang tingin kay Natalie. Bahagyang gumalaw ang mga daliri nito at maingat na nilapat ang kanilang mga daliri.“Nag-aalala ka para sa akin, Natalie. Dahil kung hindi, wala

  • Arranged Marriage with the Ruthless CEO   KABANATA 292

    Pagkalito at gulat. Yan ang mga bagay na naramdaman ni Mateo habang nakaluhod si Natalie a sa semento at tuloy-tuloy ang pagbagsak ng masaganang luha mula sa mga mata at tinatawag ng paulit-ulit ang pangalan niyaHindi makapaniwala si Mateo.Isa lang ang sigurado niya sa mga sandaling iyon---ang taong natatabunan ng putting kumot sa stretcher ay hindi siya.Dahil buhay na buhay siya.At kasalukuyang nagatataka.“Bakit niya iniiyakan ang bangkay na ito, pero pangalan ko ang tinatawag niya? Maliban na lang kung…” Ilang segundo ang lumipas bago naunawaan ni Mateo kung ano ang nangyayari. “Ang akala niya ay patay na ako…na ako ang taong iniiyakan niya…”Palakas ng palakas ang tibok ng puso ni Mateo hindi pantay at hindi mapigil. Habang pinagtatagpi-tagpi ang mga maaaring nangyari.Maaring nakita ni Natalie ang balita sa TV at nagmadali itong pumunta doon at hinanap siya. At ng makita niya ang stretcher kasabay ng pangalang maaring tugma ng kanya---inakala nitong wala na siya.Kaya ganoon

  • Arranged Marriage with the Ruthless CEO   KABANATA 291

    Halos hindi makahinga si Natalie. Parang pinipiga ang puso niya at hindi niya maintindihan. Ilang oras lang ang nakaraan ng huli silang magkita ni Mateo---maayos pa ito.Paano ito nangyari?Muling nanumbalik sa alaala ni Natalie ang huling beses na nakita niya ito---nang alukin siya nito na ihatid siya sa hotel na tinutuluyan niya pero tinanggihan niya ito.Kung alam lang niya na iyon na ang huling pagkakataon na magkakasama sila, sana ay pumayag na siya. Sana ay hinayaan niya itong ihatid siya, sana hindi siya dumistansya dito, sana hinayaan niyang magkausap silang dalawa ng mas matagal. Sana hinayaan niyang manatili ito sa tabi niya kahit sandali pa.Pero kabaligtaran ang lahat ng ginawa niya at ngayon ay huli na ang lahat.“Hindi…hindi…” nanginginig ang boses niya habang mahigpit pa ring nakakapit sa bakal ng stretcher.Malalaking patak ng mainit na luha ang nagsipagbagsakan sa mainit na semento at humalo sa alikabok at abo. Hindi makontrol ni Natalie ang panginginig niya. “Hindi i

Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status