Kaharap ang tanong ng kanyang ama at kapatid na lalaki, sumagot nang kalmado si Sophie, “Una sa lahat, kahit na napakalakas ng resources at galing ng pamilya Ito sa Tokyo at kahit na malakas din sila sa Osaka at Nagoya, ang top port at harbour sa Japan ay ang Yokohama Port talaga na katabi ng Tokyo.”“Kahit na marahil ay medyo mas mababa ang pamilya Takahashi sa pamilya Ito sa Tokyo, napakalakas at magaling pa rin sila sa Yokohama. Masasabi na ang Yokohama ang base camp ng pamilya Takahashi.”“Pangalawa, may problema ang pamilya Ito ngayon. Nagkaroon malalang injury ang eldest young lady ng pamilya Ito noong international combat and fighting competition sa Aurous Hill kailan lang. Nagpapagaling siya ngayon at nagpapahinga para maibalik ang kanyang pisikal na kondisyon. Mahal na mahal ni Ito Yahiko ang kanyang anak na babae, kaya magiging gambala sa kanya ang pisikal na kondisyon ng anak niya ngayon. Hangga’t hindi makakapag-concentrate nang buo ang isang tao sa kanilang trabaho, mala
Kumunot ang noo ni Sheldon, na nakatayo sa gilid, bago niya tinanong, “Jaime, interesado ka ba sa eldest young lady ng pamilya Golding?”“Hindi, pa…” Kumaway nang nagmamadali si Jaime at sinabi, “Tapat lang na hinahangaan ko siya.”Tumango si Sheldon bago siya huminto saglit at sinabi, “Medyo mabuti talaga ang eldest young lady ng pamilya Golding. Kung gusto mo talaga siya, siguradong hindi ako tututol. Natatakot lang ako na mamaliitin ng lolo mo ang pamilya Golding…”Nang marinig ito ni Jaime, natuwa siya nang sobra. Sinabi niya agad, “Pa, hindi ka talaga tututol dito?”Sinabi ni Sophie, “Kuya, manhid ka ba talaga nang sobra? Hindi mo ba nakikita na sinusubukan lang ni papa na sabihin mo ang totoo?”“Ahh?!” Nataranta si Jaime bago siya tumingin nang nagmamadali kay Sheldon at tinanong, “Pa, ano ba talaga ang ibig mong sabihin?”Bumuntong hininga si Sheldon habang sinabi niya nang seryoso, “Jaime, hindi ka talaga kasing talino ng kapatid mong babae!”Biglang nahiya nang sobra si
Nagalit nang sobra si Sheldon sa mga sinabi ni Sophie.Tinuro niya si Sophie bago niya sinabi nang galit, “Sabihin mo lang dapat ito sa bahay natin. Tingnan natin kung papagalitan ka ng lolo mo kung sasabihin mo ito sa publiko!”Nilabas ni Sophie ang kanyang cellphone bago siya ngumiti at sinabi, “Kung gano’n, bakit hindi ko tawagan si Lolo ngayon at sabihin ko mismo kay lolo ang tungkol dito?”“Niloloko mo ba ako?!” Sumagot nang nagmamadali si Sheldon, “Okay, tama na. Hindi na ako makikipaglokohan sa iyo. Wala pa namang nangyayari. Magmadali na kayong dalawa at gawin niyo ang pananaliksik niya para sa pagpunta niyo sa Japan para makaalis na kayo sa lalong madaling panahon!”Sumagot nang nagmamadali si Jaime, “Bakit hindi natin ito gawin, kung gano’n? Aayusin namin ang bagay na ito ayon sa plano ni Sophie. Makikipagkita muna kami sa pamilya Takahashi bago kami makipagkita sa pamilya Ito. Para sa oras ng pag-alis namin, sa tingin ko ay mas mabuti kung aalis kami sa lalong madaling p
Tumango si Isaac bago sinabi, “Kung walang mangyayari sa hapon, papuntahin ko siya doon para maranasan at mas makita ang mundo para sa sarili niya, kung gano’n.”Hindi pumunta si Charlie sa kahit saan sa tanghali.Hindi siya pamilyar sa Tokyo, at wala siyang kahit anong pagmamahal o interes sa ganitong uri ng maunlad at modernong siyudad.Sa kabaliktaran, mas gusto niya ang Eastcliff. Hindi lang na may maunlad at marangyang matataas na building sa siyudad, ngunit marami ring historical sites na may daan-daang o libo-libong taon ng kasaysayan doon. Sobrang lakas din ng kultural na kapaligiran at pundasyon doon kumpara sa Tokyo.Pero, ayaw ni Charlie na tutulan ang iba na mag-shopping dahil lang hindi siya interesado dito. Kaya, ipinadala niya si Isaac, Albert, at ang lahat.Lumabas ang mga tao sa abalang Ginza at Shinjuku para maglakad at mag-shopping. Nang bumalik sila, punong-puno ang mga kamay nila dahil may dala-dala silang iba’t ibang maliit at malaking shopping bags.Sa hapo
Ang galit ni Yahiko ay hindi dahil wala siya sa katwiran o dahil lang makitid ang isipan niya.Sa mga nagdaang panahon, masama na ang loob niya dahil hindi maayos ang lahat para sa kanya.Una, nagkaroon ng malalang injury ang mahal niyang anak na babae. Pagkatapos nito, biglang nawala nang hindi inaasahan ang kanyang magiging manugang sa hinaharap, si Jiro.Pagkatapos, agad siyang naglabas ng 4.5 billion US dollars dahil balak niyang mag-invest sa Kobayashi Pharma.Pagkatapos pirmahan ang kontrata at bayaran ang Kobayashi Pharma, biglang bumalik si Ichiro at idineklara na walang bisa ang kontrata na pinirmahan niya kasama si Masayoshi,Pagkatapos, malakas na sinabi ni Charlie na wala siyang ibibigay na shares sa kanya at hindi siya makakatanggap ng refund para sa 4.5 billion US dollars na ipinadala niya sa account ng Kobayashi Pharma. Kailanman ay hindi pa nakakakita ng ganito kabastos at kawalang-hiyang tao si Yahiko sa buong buhay niya.Kung hindi dahil mukhamg may kauntling la
Pagkatapos itong pag-isipan, napagtanto niya na sinusundan ng mga Japanese ang Gregorian calendar.Kaya, ang pinakamalaki at pinaka taimtim na piyesta at holiday sa Japan ay ang New Year.Mukhang kapapasok lang ng University of Tokyo sa bisperas ng winter vacation sa oras na ito, at naghahanda na ang mga estudyante para sa kanilang exam.Habang naglalakad si Charlie sa paligid ng campus ng University of Tokyo, hindi niya maiwasang isipin si Nanako na nag-aaral sa university na ito.Kung hindi niya ito mismo nakita, hindi niya maisip kung paano ang isang babaeng mukhang mahina ay hindi lamang isa sa mga top student sa University of Tokyo, ngunit isa ring napakalakas na atleta ng combat and fighting.Puno ng kontradiksyon ang babaeng ito.Habang lumalapit siya sa library, nakikita ni Charlie ang mga poster ni Nanako na nakadikit pa rin sa poste ng ilaw sa kalye.May litrato si Nanako na may suot na uniporme sa poster, at sobrang agaw-tingin ng ngiti niya.Ang laman ng poster ay p
Ang Japan ay isang bansa kung saan legal na gumawa ng mga gang. Kaya, may iba’t ibang gang at organisasyon sa lipunan ng bansang ito.Ang sikat na movie star, si Jackie Chan, ay dating naging bisa sa isang pelikula na tinatawag na ‘Shinjuku Incident’. Ang background ng balangkas sa pelikula ay tungkol sa Japanese yakuza.Sa Japan, ang Yamaguchi Group at ang Inagawa-kai ang mga leader at boss sa tuktok ng pyramid.Pero, hindi lahat ng yakuza ay galing sa Yamaguchi Group o Inagawa-kai.Sa totoo lang, marami ring iba’t ibang maliliit na yakuza sa iba’t ibang siyudad at distrito.Ang mga organisasyon na ito ay karaniwang tinatawag ang sarili nila na Bosozoku.Mahilig sumakay sa mga maiingay na motor ang mga gangster mulas sa Bosozoku at may dala-dala silang malalamig na armas habang nakikipag-away sila sa kalye.Syempre, kadalasan, madalas lang nila inaapi at pinagsasamantalahan ang mga mahihina at walang imik para makuha nila ang mga kalye.Nang makita ng Oskian na babae na kumaka
Tumawa nang mapangahas si Ryuji bago siya nagngalit at sinabi, “Hindi mo talaga pinapahalagahan ang Bunkyo Bosozoku? Bata, tapos ka na ngayong araw!”Nagulat ang babae, at sumigaw siya nang nagmamadali, “Sir, dapat umalis ka na ngayon! Mga miyembro sila ng Bosozoku! Ang Bunkyo Bosozoku ang isa sa mga pinaka marahas na gang sa buong Bunkyo district. Hindi mo sila pwedeng kalabanin!”Hinawakan nang kaunti ni Charlie ang kanyang ilong bago siya tumingin kay Ryuji at ngumiti habang sinabi, “Narinig ko na may 23 na distrito sa Tokyo. Hindi ba’t ibig sabihin na may 23 rin na gang tulad ng Bunkyo Bosozoku sa Tokyo?”Galit na tinanong ni Ryuji, “Ano naman?! Ang Bunkyo Bosozoku ang isa sa top five sa lahat ng gang sa Tokyo! Kaya mo ba kaming kalabanin?”Suminghal si Charlie at sinabi, “Malalaman ko lang kung kaya kong labanan ang Bunkyo Bosozoku pagkatapos ko munang galitin at hamunin ang gang!”“G*go!” Sumigaw nang malakas ang isa sa mga gangster, “Bata, masyado kang mayabang!”Tumingin
Habang nagsasalita siya, ngumisi siya, “Pero walang saysay na sabihin mo ito sa akin. Ang gusto ko lang ay ang singsing sa kamay mo! Kaya kitang bigyan ng mabilis at walang sakit na kamatayan kung ibibigay mo ang singsing!”Hindi siya pinansin ni Charlie, humagikgik, at sinabi, “Dalawampung taon na akong nabuhay sa pangangalaga ng iba sa aurous Hill. Kahit na mahirap at nakakapagod ang buhay, kahit kailan ay hindi ako pumunta sa mga Wade o Acker. Alam mo ba kung bakit?”Kumunot ang noo ni Mr. Chardon at tinanong, “Bakit?”Sumagot nang kalmado si Charlie, “Natural dahil kinamumuhian ko sila! Kahit ngayon, hindi ko sila kayang patawarin para sa pagtataksil at pag-abandona nila sa mga magulang ko dati.”Tinanong ni Mr. Chardon, “Bakit mo sila niligtas nang paulit-ulit kung kinamumuhian mo sila?”Sinabi nang nakangiti ni Charlie, “Nagkataon lang na naligtas ko sila. Alam mo rin siguro na concert ni Quinn Golding sa oras na iyon sa New York. Pumunta ang mga Acker sa concert na iyon, at
Sa una ay akala ni Mr. Chardon na ipinapakita ni Charlie ang kanyang gitnang daliri para galitin siya, pero biglang lumiit ang mga mata niya nang makita niya ang singsing.Kahit hindi niya pa nakikita ang singsing na ito gaimt ang sarili niyang mga mata, inilarawan ito nang detalyado ng British Lord. Ayon sa British Lord, ang singsing ay kulay tanso na may magandang kinang at walang disenyo. Ang singsing ay halos 0.66 centimeter ang laki, at ang laki ng singsing ay sakto sa isang karaniwang daliri ng lalaki na nasa hustong gulang.Perpekto ang lahat ng detalye na ito sa singsing sa daliri ni Charlie. Bukod dito, nagkusa si Merlin na banggitin si Vera at ang singsing, kaya naisip ni Mr. Chardon na ang singsing na ito ay ang kayamanan na matagal nang inaasam ng British Lord.Binanggit ng British Lord na may malaking mistero na nakatago sa loob ng singsing, at hindi lang nito palalakasin ang cultivation ng isang tao kung mabubuksan ang misteryo, ngunit bibigyan din nito ng imortalidad
Hindi mapigilan ni Lord Acker na mapaiyak habang nakatingin siya kay Charlie, na lumabo na ang hitsura nang ganap sa paningin niya. Humikbi siya at tinanong nang emosyonal, “Charlie, ikaw ba talaga ito?”Lumuluha na rin ang tatlong tito at ang tita niya ngayon. Hinding-hindi nila inaakala na si Charlie, na dalawampung taon nilang hinahanap, ay kusang lilitaw sa harap nila. Ang mas hindi kapani-paniwala pa ay ang Charlie na hinahanap nila sa nakaraang dalawang dekada ay ang benefactor na nagligtas sa mga Acker kailan lang!May kumplikadong emosyon si Charlie nang makita ang mga miyembro ng pamilya Acker na umiiyak. Natural na inisip niya na mga kamag-anak niya ang mga Acker, at mas makapal ang dugo kaysa sa tubig. Ito ang dahilan kung bakit paulit-ulit niyang niligtas ang mga Acker sa panganib.Pero, may hindi mapapatawad na sama ng loob si Charlie sa mga Acker, tulad sa mga Wade.Masama ang loob niya sa mga Wade dahil pinilit ng mg Wade na umalis ang mga magulang niya sa Eastcliff
Walang nag-aakala na sa kalagitnaan ng sitwasyon kung saan pinatay ang mga bodyguard ng mga Acker at nakakalat ang mga bangkay nila, may maglalakas-loob pa rin na pumasok sa pinto na iyon!”Si Mr. Chardon, na sobrang yabang, ay sumabog agad sa galit nang marinig ang mapanuyang boses. Tumalikod siya, sabik makita kung sino ang mapangahas na gago na naglakas-loob na tawagin siyang alalay!Agad nakilala ni Merlin at ng mga miyembro ng pamilya Acker ang pamilyar na boses na ito. Alam ni Merlin na si Charlie ang dumating, at alam ng mga Acker na ito ang benefactor nila.Kahit na nakilala nila ang boses ni Charlie, ibang-iba ang emosyon nila.Matagal nang inaasahan ni Merlin na darating si Charlie, at iniisip niya pa, ‘Charlie, oh Charlie, sa wakas ay nagpasya ka nang magpakita! Kung nahuli ka ng ilang segundo, nawala na ang buhay ko dito…”Para naman sa mga miyembro ng pamilya Acker, sa sandaling ito, ang iniisip lang nila ay maligtas sa isang kritikal na sandali at mabuhay sa isang kr
Kung magpapatuloy ang ganitong uri ng Reiki, walang duda na ang pananatili at ang pag-cultivate dito ay magkakaroon ng dobleng resulta gamit ang kalahating pagsisikap!Sabik na sabik siya at tinuro ang kanyang kahoy na ispada sa mga tao habang sinabi nang malamig, “Walang sasagot sa akin, tama? Dahil walang sasagot sa akin, pipili na lang ako ng isang tao at puputulan siya ng ulo bilang isang halimbawa!”Pagkatapos itong sabihin, napansin niya si Lulu, na may maayos na damit, at ngumisi, “Si Lulu Acker siguro ang binibini na ito, ang second young lady ng mga Acker, tama?”Tinanong nang maingat ni Lulu, “Anong kailangan mo?”Ngumisi si Mr. Chardon, “Gusto kong turuan ng leksyon ang mga magulang at kuya mo. Ang leksyon na ito ay tinatawag na ‘Ang epekto ng kawalan ng kooperasyon’.”Pagkatapos itong sabihin, iwinasiwas niya aga ang kanyang kahoy na ispada, at agad umatake ang isang invisible na patalim kay Lulu. Nakaramdam si Lulu ng isang bugso ng hangin na papunta sa kanya, at para
Minaliit niya si Mr. Chardon sa mahabang panahon, palaging iniisip na naka-focus lang sa cultivation ang matandang lalaki na ito. Pero, ngayong araw niya lang napagtanto na may malakas na pagnanasa pala ang matandang lalaki na ito sa pagkatay ng tao!Habang naramdaman niya na sobrang lupit ni Mr. Chardon, isang helicopter na lumilipad nang mababa ang lumitaw sa ere, mabilis na lumapit sa Willow Manor!Sa sandaling ito, nakaramdam ng bukol sa lalamunan nila ang mga miyembro ng pamilya Acker nang marinig ang sigawan sa labas. Hindi nila inaasahan na pagkatapos ng krisis nila kailan lang sa New York, mabilis silang susundan ng kabila sa Oskia.Ang pangatlong tito ni Charlie, si Jaxson, ay sinabi nang kinakabahan, “Pa, Ma, natatakot ako na kritikal na sitwasyon ito ngayon. Dapat mauna muna kayong umalis sa pinto sa likod!”Napagtanto rin ni Christian ang sitwasyon at sinabi nang mabilis, “Tama, Pa. Mauna muna kayo ni Mama. Mananatili kami dito at magbabantay!”Suminghal nang malamig s
Sa sandaling ito, naging isang mala-impyernong lugar ng digmaan ang paligid ng villa!May hawak si Mr. Chardon na isang kahoy na ispada na wala pang tatlumpung sentimetro sa kanyang kamay, pero ang invisible na talim nito ay may haba na halos dalawang metro!Ito ang pansamantalang mahiwagang instrumento na ipinagkatiwala ng British Lord kay Mr. Chardon.Kahit na mukhang maikli, maliit, at karaniwan ang kahoy na ispada, sa totoo lang, parang isa itong lightsaber mula sa Star Wars, na may pambihirang saklaw ng atake.Sa lohika ng pelikula na ito, may plasma ang lightsabe mula sa hawakan hanggang sa patalim. Lampas sa konsepto na ito ang kahoy na ispada ni Mr. Chardon. Kaya nitong gawing isang patalim ang Reiki, at kaya niyang kontrolin ang patalim!Ilang bodyguard ang sinubukang palibutan at atakihin si Mr. Chardon, pero kaswal niyang iwinasiwas ang ispada sa hangin gamit lang ang isang kamay. Isang invisible na enerhiya ang mabilis na lumabas sa ispada, tumagos sa dibdib ng mga nas
Ang nag-iisang anak nina Ashley at Curtis, si Charlie, ay naglaho rin dalawampung taon na ang nakalipas.Pakiramdam ng lahat ng tila ba naghahanap sila nang bulag ng dalawampung taon sa buong mundo, at sa sandaling ito, pakiramdam nila na tila ba may sa wakas ay may nakita na sila.Sinabi nang naiinip ni Christian, “Sabihin mo sa amin nang detalyado ang oras ng pagpasok ng labing-anim na tao na ito!”Mabilis na sumagot si Azure, “Sa labing-anim na tao na ito, labing-apat na tao ang pumasok sa dulo ng taglamig sa Pebrero, dalawampung taon na ang nakalipas, at ang dating dean nila, si Killian Caito, ay pumasok sa taglagas ng Nobyembre, dalawampung taon na ang nakalipas. Bukod sa labing-limang tao an ito, ang pinakabagong pumasok ay isang babae na pumasok sa taglamig sa Disyembre, dalawampung taon na ang nakalipas. Magda-dalawampung taon at tatlong buwan na simula ito.”Biglang nagkaroon ng takot na ekspresyon si Lady Acker. Napaiyak siya at humikbi habang sinabi, “Umalis sina Ashley
“Simple lang ito!” Sinabi nang sabik ni Lulu, “Pwede nating suriin ang mga social security file ng dating team! Ang welfare institute ay isang welfare organization na pinopondohan ng gobyerno at ng mga private donation. Bilang isang unit na binabantayan ng publiko, siguradong kumpleto rin ang record ng mga tauhan nila, lalo na kung nasa isang malaking misyon talaga sila, tulad ng sinabi ni Merlin. Kailangan nilang sumunod at maging walang pintas, kung hindi, kung may makakapanasin na may kakaiba sa record ng mga tauhan nila, agad itong gagawa ng pagdududa!”Pinuri ni Merlin, “Sobrang linaw ng pag-iisip ni Lulu. Marahil ay makakuha tayo ng ilang bakas kung makakahanap tayo ng paraan para suriin ang mga personnel record ng dating staff ng Aurous Hill Welfare Institute!”Sinabi ni Kaeden, “Kukuha ako ng tao para suriin agad ito!”Pagkatapos itong sabihin, nilabas niya agad ang kanyang cellphone at tumawag.Maraming taon nang retirado si Keith, at sa mga nagdaang panahon, nabawasan ang