Share

Kabanata 1695

Author: Lord Leaf
Ang Japan ay isang bansa kung saan legal na gumawa ng mga gang. Kaya, may iba’t ibang gang at organisasyon sa lipunan ng bansang ito.

Ang sikat na movie star, si Jackie Chan, ay dating naging bisa sa isang pelikula na tinatawag na ‘Shinjuku Incident’. Ang background ng balangkas sa pelikula ay tungkol sa Japanese yakuza.

Sa Japan, ang Yamaguchi Group at ang Inagawa-kai ang mga leader at boss sa tuktok ng pyramid.

Pero, hindi lahat ng yakuza ay galing sa Yamaguchi Group o Inagawa-kai.

Sa totoo lang, marami ring iba’t ibang maliliit na yakuza sa iba’t ibang siyudad at distrito.

Ang mga organisasyon na ito ay karaniwang tinatawag ang sarili nila na Bosozoku.

Mahilig sumakay sa mga maiingay na motor ang mga gangster mulas sa Bosozoku at may dala-dala silang malalamig na armas habang nakikipag-away sila sa kalye.

Syempre, kadalasan, madalas lang nila inaapi at pinagsasamantalahan ang mga mahihina at walang imik para makuha nila ang mga kalye.

Nang makita ng Oskian na babae na kumaka
Locked Chapter
Patuloy ang Pagbabasa sa GoodNovel
I-scan ang code upang i-download ang App

Kaugnay na kabanata

  • Ang Maalindog na Charlie Wade   Kabanata 1696

    Tumawa nang mapangahas si Ryuji bago siya nagngalit at sinabi, “Hindi mo talaga pinapahalagahan ang Bunkyo Bosozoku? Bata, tapos ka na ngayong araw!”Nagulat ang babae, at sumigaw siya nang nagmamadali, “Sir, dapat umalis ka na ngayon! Mga miyembro sila ng Bosozoku! Ang Bunkyo Bosozoku ang isa sa mga pinaka marahas na gang sa buong Bunkyo district. Hindi mo sila pwedeng kalabanin!”Hinawakan nang kaunti ni Charlie ang kanyang ilong bago siya tumingin kay Ryuji at ngumiti habang sinabi, “Narinig ko na may 23 na distrito sa Tokyo. Hindi ba’t ibig sabihin na may 23 rin na gang tulad ng Bunkyo Bosozoku sa Tokyo?”Galit na tinanong ni Ryuji, “Ano naman?! Ang Bunkyo Bosozoku ang isa sa top five sa lahat ng gang sa Tokyo! Kaya mo ba kaming kalabanin?”Suminghal si Charlie at sinabi, “Malalaman ko lang kung kaya kong labanan ang Bunkyo Bosozoku pagkatapos ko munang galitin at hamunin ang gang!”“G*go!” Sumigaw nang malakas ang isa sa mga gangster, “Bata, masyado kang mayabang!”Tumingin

  • Ang Maalindog na Charlie Wade   Kabanata 1697

    Biglang nakaramdam si Ryuji ng labis na lamig sa mga talampakan niya at sa buong katawan niya!Kailanman ay hindi pa siya nakakakita ng kasing lupit ni Charlie. Hindi lang siya mukhang medyo marahas dahil sa pambihirang lakas niya, ngunit may mas mataas na kalupitan din siya kumpara sa ordinaryong gang member ng Bosozoku.Kapag nagbigay ng banta ang isang miyembro ng Bosozoku, palagi nilang sasabihin ang mga salitang “Hinahanap mo ang kamatayan”, “Bubugbugin kita hanggang sa mamatay ka”, at iba pang walang saysay at walang kabuluhan na banta.Minsan, posible pa na sumigaw sila hanggang sa mapaos sila, pero sa uli, hindi naman sila naglaban.Pero, hindi ba’t ganito ang mundo ng underworld? Hindi ba’t umaasa ang isa sa kanilang mayabang na ugali at sa respeto na mayroon sila? Aasa lang sila sa pakikipaglaban para ipakita ang lakas nila pagkatapos nito.Pero sa sandaling nagsalita ang binatang ito, sinabi niya nang kaswal na kukunin niya ang kanang braso niya?! Parang isang gulong ng

  • Ang Maalindog na Charlie Wade   Kabanata 1698

    Nang makita ni Charlie na tatakas na siya, agad niya siyang hinabol. Nagsalita nang kinakabahan ang babaeng taga-Oskia sa sandaling ito, “Sir, huwag mo na siyang habulin! Mapanganib ito!”Sumagot nang malamig si Charlie, “Sinabi ko na kukunin ko ang dalawang braso niya. Kaya, hindi ako pwedeng umatras sa sinabi ko. Kung hindi, marahil ay pagtawanan tayo ng mga kaibigan natin sa ibang bansa at sabihin na hindi tumutupad sa pangako ang mga Oskia na kagaya natin!”Nang marinig ni Ryuji ang mga sinabi ni Charlie, tumaas nang sobra ang takot sa kanyang puso, at medyo binilisan niya ang kanyang takbo habang sinubukan niya ang lahat ng makakaya niya para makatakas.Habang tumatakbo siya sa gitna ng kalsada, isang kotse na hindi nakatigil sa oras ang nakabangga sa kanya, at bumagsak siya agad.Pagkatapos masagasaan ng kotse ni Ryuji, nawalan siya ng balanse at bumagsak siya sa gilid ng kalsada.Sa sandaling ito, isang convoy ng mga Rolls-Royce ang mabilis na dumadaan sa gilid ng kalsada.

  • Ang Maalindog na Charlie Wade   Kabanata 1699

    Umuusok sa galit si Eikichi sa sandaling ito.Siya ang pinakamatandang apong lalaki ng pamilya Takahashi, at siya ang rising star ng pamilya Takahashi. Hindi lang na may pambihirang katayuan at pagkakakilanlan siya sa Tokyo, ngunit sobrang prominenteng tao rin siya na kilala sa buong Japan.Ang katayuan ni Eikichi sa Japan ay katulad sa isang national role model para sa mga lalaki na sikat na sikat sa mga nakaraang ilang taon.Kaya, noon pa man ay may suwail at mapanupil na pagkatao at ugali si Eikichi. Hinding-hindi niya titiisin ang kahit anong kabastusan, at hindi siya isang matiyaga at mapagpasensya na tao.Hindi makapaniwala si Eikichi na ang bianatang ito na mukhang kaedad niya ay hindi papansinin ang kanyang katayuan at katanyagan. Nangahas pa siyang labanan siya at tanungin kung may pasulpot-sulpot na kabingihan ba siya. Sa opinyon ni Eikichi, hinuhukay lang ng binatang ito ang sarili niyang libingan!Kaya, kumaway agad siya sa mga kotse na nasa harap at likod. Sa sandalin

  • Ang Maalindog na Charlie Wade   Kabanata 1700

    Tinanong ni Sophie, “Ito ba ang unang araw na nakilala mo ako?”***Sa oras na ito, nakatitig nang malamig si Eikichi kay Charlie.Gusto niya talagang utusan ang mga tauhan niya para bugbugin na lang nila nang direkta si Charlie hanggang sa mamatay siya.Pero, kahit ano pa, ang lugar na ito ay malapit sa University of Tokyo. Nasa gitna siya ng siyudad, at maraming tao ang nanonood sa sandaling ito. Kung paparusahan niya talaga si Charlie ngayon, hindi maiiwasan na kailangan niyang problemahin ang iba’t ibang public relation dahil dito.At saka, may dalawang marangal na bisita siya na nakaupo sa kotse. Lalo na si Sophie, na nagustuhan niya. Kaya, naramdaman ni Eikichi na dapat magtira siya ng sapat na karangalan sa harap niya. Kung ipapakita niya ang kanyang mayabang at marahas na ugali sa harap niya, alam ni Eikichi na siguradong maaapektuhan nito ang tingin ni Sophie sa kanya.Kaya, tumingin siya kay Charlie bago siya suminghal at sinabi sa mayabang at dominanteng paraan, “Bata,

  • Ang Maalindog na Charlie Wade   Kabanata 1701

    Nang makita ni Sophie na napapaligiran si Charlie ng napakaraming bodyguard, determinado na siya na tapos na si Charlie at hindi siya makakatakas ngayong araw.Pero, hindi siya nakaramdam ng awa para kay Charlie.Ito ay dahil hindi niya nasaksihan ang buong sanhi ng pangyayari. Nakita niya lang na hinahabol ni Charlie ang lalaki, kaya tumakbo siya sa main road sa desperasyon. Pagkatapos, nasagasaan ng kotse ang lalaki, at nabali pa ang dalawang braso niya dahil dito.Isa na itong sobrang madugo at malupit na sitwasyon. Sa hindi inaasahan, hindi alam ni Charlie kung kailan siya hihinto, at kinalaban niya pa ang eldest young master ng pamilya Takahashi. Siguradong may mali sa kanya.Sa sandaling ito, nang makita ni Eikichi na medyo tumatagal na ang sitwasyon na ito, nawalan na siya ng pasensya. Agad niyang inutusan ang mga tauhan niya, “Bugbugin niyo siya! Gusto kong bugbugin niyo siya hanggang sa huling hininga na lang ang matitira sa kanya! Pagkatapos, pwede niyo siyang itapon at a

  • Ang Maalindog na Charlie Wade   Kabanata 1702

    Nagulat din sina Jaime at Sophie na nasa loob ng kotse!Nilunok ni Jaime ang kanyang laway at snabi, “Itong binatang ito… sobrang lakas niya talaga, tama?!”Nagulantang din si Sophie, at sinabi niya, “Isa talaga siyang top expert at master. Mukhang minaliit ko siya kanina…”Sa sandaling ito, natalo na ni Charlie ang lahat ng bodyguard ni Eikichi, at naglakad siya papunta kay Eikichi.Nanginginig sa takot si Eikichi, at nanghina na ang mga binti niya. Gusto niyang subukang tumakas o tumakbo, pero napagtanto niya na hindi niya magalaw ang mga binti niya.Bukod dito, alam niya sa puso niya na sobrang lakas at makapangyarihan ang lalaking ito, at imposibleng makatakas siya sa kanya…Kaya, tinanong niya na lang sa takot, “Anong gusto mo?! Sinasabi ko sayo! Ako ang eldest young master ng pamilya Takahashi!”Lumapit si Charlie kay Eikichi bago niya siya sinampal nang mahigpit sa mukha at sinabi nang malamig, “Wala akong pakialam kung sino ka. Pag-usapan natin ang dalawang braso na utan

  • Ang Maalindog na Charlie Wade   Kabanata 1703

    Nang makita ni Eikichi na talagang hindi natinag si Charlie, naramdaman niya na tapos na siya ngayong araw.Ito ay dahil, sa sandaling ito, wala na siyang maaasahan ngayon.Kahit na tawagan niya ang isang master mula sa kanyang pamilya na pumunta at iligtas ang buhay niya ngayon, huli pa rin ang lahat.Habang nahuhulog na si Eikichi sa estado ng kawalan ng pag-asa, biglang bumukas ang pinto ng Rolls-Royce sa tabi niya.Lumabas si Sophie sa kotse bago niya sinabi kay Charlie, “Sir, siguradong galing ka rin sa Oskia, tama? Dahil isa kang Oskian, hindi mo pa ba narinig ang kasabihan na kayang magkamali ng kahit sino at dapat mo silang patawarin kung kailan pwede?”Hindi inaasahan ni Charlie na may tao pa rin na mangangahas na lumabas para ipagtanggol si Eikichi sa sandaling ito.Hindi lamang iyon, isa pa itong babae.Kumunot ang noo ni Charlie habang tumingin siya kay Sophie, at tinanong niya sa malamig na boses, “Nakikita ko sa pananalita mo na galing ka rin sa Oskia, tama? Bakit?

Pinakabagong kabanata

  • Ang Maalindog na Charlie Wade   Kabanata 5669

    Kahit na palihim na hinahangad ni Charlie ang Thunderstrike wood ni Vera, nag-atubili siyang hingin ito nang lantaran. Dahil, pinahahalagahan ni Vera ang bagay na ito na mahigit tatlong daang taon, at siguradong napakahalaga nito sa kanya. Pero, alam ni Charlie na hindi niya kailangan mabalisa nang sobra.Sa kasalukuyang sitwasyon, kahit na ibigay sa kanya ni Vera ang Thunderstrike wood, hindi niya ito malilinang.Kaya, tumingin si Charlie kay Vera at tinanong ang isang tanong na nagpausisa sa kanya, “Miss Lavor, sobrang interesado akong malaman kung paano mo pinalampasa ang tatlong daang taon na ito?”Nagkibit balikat si Vera at tumawa na parang sinisisi ang sarili niya, “Hindi ako magaling sa Reiki tulad ni Fleurr, kaya hindi ko kayang makipaglaban sa kanya. Sa nagdaang tatlong daang taon, palagi akong tumatakbo.”Pagkatapos itong sabihin, nagpatuloy si Vera, “Medyo ayos lang ang unang dalawang daang taon. Sa oras na iyon, hindi madali ang transportasyon, at hindi pa maunlad ang

  • Ang Maalindog na Charlie Wade   Kabanata 5668

    Tumawa si Charlie na parang sinisisi ang sarili niya at tumango habang sinabi, “Wala man lang pala para sa Diyos ang mabuhay ng isang libong taon. Hindi ito karapat-dapat para magpadala siya ng mga kidlat.”Tumango nang bahagya si Vera, “Mukhang gano’n na nga.”Pagkatapos itong sabihin, hindi niya mapigilan na bumuntong hininga, “Pero, may koneksyon nga kayo ni Master Marcius Stark. Kahit na pumanaw na si Master Marcius Stark ng mahigit tatlong daang taon noong ipinanganak ka, may ugnayan ka pa rin sa kanya sa unang limang daang taon na buhay niya at ang pangalawang limang daang taon na buhay niya…”Sa puntong ito, biglang tinanong nang mausisa ni Vera, “Maaari ko bang itanong, paano ka nagsimulang mag-cultivate, Young Master? Sino ang marangal na nakatatanda na gumabay sayo at nagpasok sayo sa cultivation?”Nang makita ni Charlie na sinabi na ni Vera ang lahat ng nakaraan at sikreto niya, hindi na niya itinago ang kahit ano at sinabi, “Nagkataon na may nakuha akong isang sinaunang

  • Ang Maalindog na Charlie Wade   Kabanata 5667

    Nabigla si Vera sa pangalan na sinabi ni Charlie.Si Charlie ang tuloy-tuloy na nagulat ngayong gabi, habang nanatili siyang kalmado mula sa umpisa kahit na medyo malungkot siya habang pinag-uusapan ang kanyang ama. Pero, nang binanggit ni Charlie ang mga salitang ‘Marcius Stark’, biglang nagulat nang sobra si Vera!Sinabi niya nang hindi nag-iisip, “Paano mo nalaman ang totoong pangalan ng master?! Mahigit tatlong daang taon na simula noong pumanaw siya, at nag-cultivate siya sa seklusyon sa Mount Tason ng sa loob ng isang libong taon noong buhay pa siya. Sobrang kaunting tao lang ang may alam tungkol sa kanya kahit noong buhay pa siya…”Hindi mapigilan ni Charlie na bumuntong hininga at sabihin, “Marcius Stark, na ang orihinal na pangalan ay Martin, ay ipinanganak sa Coleham. Pagkatapos mag-cultivate, tinawag siyang Longevity Master at binago ang pangalan niya na Marcius Stark.”Mas lalong nagulat si Vera, “Young Master, paano mo nalaman ang napakaraming impormasyon tungkol sa ma

  • Ang Maalindog na Charlie Wade   Kabanata 5666

    “Sa sumunod na dalawang taon, kumuha ang aking ama at si Fleur ng mga determinadong makabayan na gustong ibalik ang bansa natin. Patuloy silang nakipaglaban sa Qing army, pero dahil sa limitadong lakas nila, hindi nila nabago ang unti-unting pagsasama-sama ng Qing army.”“Sa taong 1662, ang tanyag na traydor, si Sanguine, ay pinatay ang hari ng Yorkshire Hill. Napuno ng lungkot ang aking ama at nagdalamhati siya nang sobra. Nakipagtulungan siya kay Fleur at pinangunahan ang mga makatarungan na tao mula sa Qing Eliminating Society para patayin si Sanguine. Sa kasamaang palad, nabigo ang misyon nila.”“Ang aking ama at si Fleur ay hinabol ng sampu-sampung libong sundao mula sa Qing army, at dahil nasa ilalim na ng kontrol ng Qing army ang mga rehiyon sa loob ng bansa, nagpasya silang tumakas sa Taiwan at magtago doon para patuloy na labanan ang Qing army. Sa hindi-inaasahan, hindi matagal pagkatapos nilang umalis, dumating ang balita na biglang pumanaw ang leader ng Taiwan. Dahil wala

  • Ang Maalindog na Charlie Wade   Kabanata 5665

    Nang marinig niya ang pangalan na ‘Fleur Wiley’, lumaki ang mga mata ni Charlie sa gulat at tinanong, “Babae ang leader ng Qing Eliminating Society?”Tumango si Vera, nagngalit, at sinabi, “Hindi lang siya isang babae, ngunit siya ang pinakamalupit na babae sa buong mundo!”Tinanong ni Charlie sa sorpresa, “Kung siya ang kapatid ng sinumpaang kapatid ng iyong ama, hindi ba’t nabubuhay na rin siya ng tatlo o apat na raang taon?”Nag-isip saglit si Vera at sinabi, “Isang taon na mas bata si Felur sa ama ko, at dalawampu’t tatlong taon na mas matanda siya kaysa sa akin. Apat na raang taon na siya ngayon.”Sinabi ni Charlie, “Uminom din siguro siya ng Eternal Pill, tama?”“Syempre,” sinabi nang emosyonal ni Vera, “Ang Eternal Pill ay binigay sa ama ko at kay Fleur ng kanilang master. Sa una ay nag-iwan siya ng tig-isang pill sa kanila, umaasa na maipagpapatuloy nila ang layunin na pabagsakin ang Qing Dynasty. Bukod sa tig-isang Eternal Pill, ipinagkatiwala rin ng master nila sa ama ko

  • Ang Maalindog na Charlie Wade   Kabanata 5664

    “Mabilis kong pinahiga nang pansamantala ang aking ama, at binigyan niya ako ng isang hindi kilalang pill, inutusan ako na inumin ito nang masunurin nang hindi nagtatanong.”“Hindi ko alam ang mga epekto ng pill na ito, pero hindi ko kayang suwayin ang utos ng aking ama. Kaya, ininom ko ang pill. Pagkatapos ko itong inumin, sinabi sa akin ng ama ko kung anong pill ito at ang mga epekto nito.”Habang nagsasalita siya, namula ang mga mata niya, at sinabi niya sa malambot na boses, “Para naman sa kung bakit hindi ito ininom ng aking ama at binigay ang Eternal Pill sa akin, sinabi niya na ito ay dahil ayaw niyang makita ang araw nang siya, bilang ama, ay kailangan akong panoorin na tumanda at mamatay nang unti-unti sa harap niya. Sinabi rin ng ama ko na kung may pill na kayang hayaan ang isang ama na mabuhay para panoorin ang kanyang anak na babae na unti-unting tumanda at mamatay, hindi isang elixir ang pill na iyon ngunit isang lason.”‘Sinabi ng ama ko na kailangan niyang mamatay bag

  • Ang Maalindog na Charlie Wade   Kabanata 5663

    Humagikgik si Vera, itinupi ang mga kamay niya nang matiwasay sa isang bahagi ng kanyang baywang, at yumuko nang bahagya kay Charlie. Sinabi niya nang magalang, “Young Master, hindi mo ako kailangan maging magalang nang sobra sa akin. Tawagin mo na lang ako na Vera.”Sinabi nang tapat ni Charlie, “Hindi, halos 400 years old ka na, kaya dapat kitang tawagin bilang nakakatanda ko…”Ngumiti si Vera at sinabi nang seryoso, “Sa pananaw ko, isa lang akong babae na hindi lumaki, hindi isang imortal at matandang mangkukulam. Kahit na halos apat na raang taon na talaga ako nabubuhay, pakiramdam ko na tila ba 17 years old lang ako…”“Ah…” Nalaman ni Charlie na hindi akma ang sitwasyon niya, na may dalawang magkasalungat na boses na nagtatalo sa isipan niya.Sinabi ng isang boses, “Tama siya. Kahit na halos apat na raang taon na siyang nabubuhay, noon pa man ay 17 o 18 years old lang siya.”Sinabi ng isang boses, “Pero halos 400 years old na siya ngayon! Anong ibig sabihin ng 400 years old?!

  • Ang Maalindog na Charlie Wade   Kabanata 5662

    Nang maglaho ang katawan ni Vera sa itaas ng bundok, agad bumalik ang kamalayan ni Charlie sa realidad mula sa kailaliman ng mga bundok sa timog ng Yorkshire Hill.Sa sandaling binuksan niya ang mga mata niya, naniwala na siya nang buo sa mga sinabi ni Vera. Naniniwala siya na ang babaeng ito ay nabubuhay na mula tatlong daang taon na ang nakalipas hanggang ngayon. Sa sandaling ito, sa wakas ay napagtanto na niya kung bakit palagi niyang nararamdaman na kahanga-hanga si Vera kahit na hindi niya maintindihan kung ano ang mayroon sa kanya.Sa edad na 17 o 18, bihasa na siya sa halos mala-diyos na sining ng panghuhula, na kahit ang isang katulad ni Chandler, na 100 years old, ay hindi na-master.Sa 17 o 18, walang tigil siyang hinabol ng Qing Eliminating Society. Kung limang taon na siya hinabol ng Qing Eliminating Society, hindi ba’t nakikipagtagisan ng talas ng isip na siya sa kanila noong 12 years old pa lang siya?Bukod dito, sa edad na 17 o 18, misteryoso siyang lumitaw sa Aurous

  • Ang Maalindog na Charlie Wade   Kabanata 5661

    Tinanong ni Charlie si Vera nang hindi namamalayan, “Ipininta mo ba ang painting na ito?”Tumango si Vera at sinbi, “Ipininta ko ito ilang araw na ang nakalipas. Ipininta ko ito para sayo, Young Master.”Hindi maiwasang mamangha ni Charlie. Hindi niya inaasahan na may pambihirang galing si Vera sa pagpipinta. Kailan lang, sinabi ng biyenan na lalaki niya na may isang art exhibition na isasagawa ng Calligraphy and Painting Association, at nahihirapan siyang makahanap ng mga magagandang likha. Kung dadalhin ni Charlie ang painting na ito doon, marahil ay gumawa ito ng kaguluhan sa mga landscape painter sa buong bansa!Biglang sinunggaban ni Vera nang kanang kamay ni Charlie, na may singsing, at pinagsama ang daliri nila. Pagkatapos ay sinabi niya nang may umaasang ekspresyon, “Young Master, maaari ko bang imungkahi na dalhin ka para makita ang hitsura nito gamit ang sarili mong mga mata noong tatlong daang taon na ang nakalipas?”Pagkasabi nito, ang singsing, na nanatiling tahimik ka

I-scan ang code para mabasa sa App
DMCA.com Protection Status