Nagalit nang sobra si Sheldon sa mga sinabi ni Sophie.Tinuro niya si Sophie bago niya sinabi nang galit, “Sabihin mo lang dapat ito sa bahay natin. Tingnan natin kung papagalitan ka ng lolo mo kung sasabihin mo ito sa publiko!”Nilabas ni Sophie ang kanyang cellphone bago siya ngumiti at sinabi, “Kung gano’n, bakit hindi ko tawagan si Lolo ngayon at sabihin ko mismo kay lolo ang tungkol dito?”“Niloloko mo ba ako?!” Sumagot nang nagmamadali si Sheldon, “Okay, tama na. Hindi na ako makikipaglokohan sa iyo. Wala pa namang nangyayari. Magmadali na kayong dalawa at gawin niyo ang pananaliksik niya para sa pagpunta niyo sa Japan para makaalis na kayo sa lalong madaling panahon!”Sumagot nang nagmamadali si Jaime, “Bakit hindi natin ito gawin, kung gano’n? Aayusin namin ang bagay na ito ayon sa plano ni Sophie. Makikipagkita muna kami sa pamilya Takahashi bago kami makipagkita sa pamilya Ito. Para sa oras ng pag-alis namin, sa tingin ko ay mas mabuti kung aalis kami sa lalong madaling p
Tumango si Isaac bago sinabi, “Kung walang mangyayari sa hapon, papuntahin ko siya doon para maranasan at mas makita ang mundo para sa sarili niya, kung gano’n.”Hindi pumunta si Charlie sa kahit saan sa tanghali.Hindi siya pamilyar sa Tokyo, at wala siyang kahit anong pagmamahal o interes sa ganitong uri ng maunlad at modernong siyudad.Sa kabaliktaran, mas gusto niya ang Eastcliff. Hindi lang na may maunlad at marangyang matataas na building sa siyudad, ngunit marami ring historical sites na may daan-daang o libo-libong taon ng kasaysayan doon. Sobrang lakas din ng kultural na kapaligiran at pundasyon doon kumpara sa Tokyo.Pero, ayaw ni Charlie na tutulan ang iba na mag-shopping dahil lang hindi siya interesado dito. Kaya, ipinadala niya si Isaac, Albert, at ang lahat.Lumabas ang mga tao sa abalang Ginza at Shinjuku para maglakad at mag-shopping. Nang bumalik sila, punong-puno ang mga kamay nila dahil may dala-dala silang iba’t ibang maliit at malaking shopping bags.Sa hapo
Ang galit ni Yahiko ay hindi dahil wala siya sa katwiran o dahil lang makitid ang isipan niya.Sa mga nagdaang panahon, masama na ang loob niya dahil hindi maayos ang lahat para sa kanya.Una, nagkaroon ng malalang injury ang mahal niyang anak na babae. Pagkatapos nito, biglang nawala nang hindi inaasahan ang kanyang magiging manugang sa hinaharap, si Jiro.Pagkatapos, agad siyang naglabas ng 4.5 billion US dollars dahil balak niyang mag-invest sa Kobayashi Pharma.Pagkatapos pirmahan ang kontrata at bayaran ang Kobayashi Pharma, biglang bumalik si Ichiro at idineklara na walang bisa ang kontrata na pinirmahan niya kasama si Masayoshi,Pagkatapos, malakas na sinabi ni Charlie na wala siyang ibibigay na shares sa kanya at hindi siya makakatanggap ng refund para sa 4.5 billion US dollars na ipinadala niya sa account ng Kobayashi Pharma. Kailanman ay hindi pa nakakakita ng ganito kabastos at kawalang-hiyang tao si Yahiko sa buong buhay niya.Kung hindi dahil mukhamg may kauntling la
Pagkatapos itong pag-isipan, napagtanto niya na sinusundan ng mga Japanese ang Gregorian calendar.Kaya, ang pinakamalaki at pinaka taimtim na piyesta at holiday sa Japan ay ang New Year.Mukhang kapapasok lang ng University of Tokyo sa bisperas ng winter vacation sa oras na ito, at naghahanda na ang mga estudyante para sa kanilang exam.Habang naglalakad si Charlie sa paligid ng campus ng University of Tokyo, hindi niya maiwasang isipin si Nanako na nag-aaral sa university na ito.Kung hindi niya ito mismo nakita, hindi niya maisip kung paano ang isang babaeng mukhang mahina ay hindi lamang isa sa mga top student sa University of Tokyo, ngunit isa ring napakalakas na atleta ng combat and fighting.Puno ng kontradiksyon ang babaeng ito.Habang lumalapit siya sa library, nakikita ni Charlie ang mga poster ni Nanako na nakadikit pa rin sa poste ng ilaw sa kalye.May litrato si Nanako na may suot na uniporme sa poster, at sobrang agaw-tingin ng ngiti niya.Ang laman ng poster ay p
Ang Japan ay isang bansa kung saan legal na gumawa ng mga gang. Kaya, may iba’t ibang gang at organisasyon sa lipunan ng bansang ito.Ang sikat na movie star, si Jackie Chan, ay dating naging bisa sa isang pelikula na tinatawag na ‘Shinjuku Incident’. Ang background ng balangkas sa pelikula ay tungkol sa Japanese yakuza.Sa Japan, ang Yamaguchi Group at ang Inagawa-kai ang mga leader at boss sa tuktok ng pyramid.Pero, hindi lahat ng yakuza ay galing sa Yamaguchi Group o Inagawa-kai.Sa totoo lang, marami ring iba’t ibang maliliit na yakuza sa iba’t ibang siyudad at distrito.Ang mga organisasyon na ito ay karaniwang tinatawag ang sarili nila na Bosozoku.Mahilig sumakay sa mga maiingay na motor ang mga gangster mulas sa Bosozoku at may dala-dala silang malalamig na armas habang nakikipag-away sila sa kalye.Syempre, kadalasan, madalas lang nila inaapi at pinagsasamantalahan ang mga mahihina at walang imik para makuha nila ang mga kalye.Nang makita ng Oskian na babae na kumaka
Tumawa nang mapangahas si Ryuji bago siya nagngalit at sinabi, “Hindi mo talaga pinapahalagahan ang Bunkyo Bosozoku? Bata, tapos ka na ngayong araw!”Nagulat ang babae, at sumigaw siya nang nagmamadali, “Sir, dapat umalis ka na ngayon! Mga miyembro sila ng Bosozoku! Ang Bunkyo Bosozoku ang isa sa mga pinaka marahas na gang sa buong Bunkyo district. Hindi mo sila pwedeng kalabanin!”Hinawakan nang kaunti ni Charlie ang kanyang ilong bago siya tumingin kay Ryuji at ngumiti habang sinabi, “Narinig ko na may 23 na distrito sa Tokyo. Hindi ba’t ibig sabihin na may 23 rin na gang tulad ng Bunkyo Bosozoku sa Tokyo?”Galit na tinanong ni Ryuji, “Ano naman?! Ang Bunkyo Bosozoku ang isa sa top five sa lahat ng gang sa Tokyo! Kaya mo ba kaming kalabanin?”Suminghal si Charlie at sinabi, “Malalaman ko lang kung kaya kong labanan ang Bunkyo Bosozoku pagkatapos ko munang galitin at hamunin ang gang!”“G*go!” Sumigaw nang malakas ang isa sa mga gangster, “Bata, masyado kang mayabang!”Tumingin
Biglang nakaramdam si Ryuji ng labis na lamig sa mga talampakan niya at sa buong katawan niya!Kailanman ay hindi pa siya nakakakita ng kasing lupit ni Charlie. Hindi lang siya mukhang medyo marahas dahil sa pambihirang lakas niya, ngunit may mas mataas na kalupitan din siya kumpara sa ordinaryong gang member ng Bosozoku.Kapag nagbigay ng banta ang isang miyembro ng Bosozoku, palagi nilang sasabihin ang mga salitang “Hinahanap mo ang kamatayan”, “Bubugbugin kita hanggang sa mamatay ka”, at iba pang walang saysay at walang kabuluhan na banta.Minsan, posible pa na sumigaw sila hanggang sa mapaos sila, pero sa uli, hindi naman sila naglaban.Pero, hindi ba’t ganito ang mundo ng underworld? Hindi ba’t umaasa ang isa sa kanilang mayabang na ugali at sa respeto na mayroon sila? Aasa lang sila sa pakikipaglaban para ipakita ang lakas nila pagkatapos nito.Pero sa sandaling nagsalita ang binatang ito, sinabi niya nang kaswal na kukunin niya ang kanang braso niya?! Parang isang gulong ng
Nang makita ni Charlie na tatakas na siya, agad niya siyang hinabol. Nagsalita nang kinakabahan ang babaeng taga-Oskia sa sandaling ito, “Sir, huwag mo na siyang habulin! Mapanganib ito!”Sumagot nang malamig si Charlie, “Sinabi ko na kukunin ko ang dalawang braso niya. Kaya, hindi ako pwedeng umatras sa sinabi ko. Kung hindi, marahil ay pagtawanan tayo ng mga kaibigan natin sa ibang bansa at sabihin na hindi tumutupad sa pangako ang mga Oskia na kagaya natin!”Nang marinig ni Ryuji ang mga sinabi ni Charlie, tumaas nang sobra ang takot sa kanyang puso, at medyo binilisan niya ang kanyang takbo habang sinubukan niya ang lahat ng makakaya niya para makatakas.Habang tumatakbo siya sa gitna ng kalsada, isang kotse na hindi nakatigil sa oras ang nakabangga sa kanya, at bumagsak siya agad.Pagkatapos masagasaan ng kotse ni Ryuji, nawalan siya ng balanse at bumagsak siya sa gilid ng kalsada.Sa sandaling ito, isang convoy ng mga Rolls-Royce ang mabilis na dumadaan sa gilid ng kalsada.
Kahit na palihim na hinahangad ni Charlie ang Thunderstrike wood ni Vera, nag-atubili siyang hingin ito nang lantaran. Dahil, pinahahalagahan ni Vera ang bagay na ito na mahigit tatlong daang taon, at siguradong napakahalaga nito sa kanya. Pero, alam ni Charlie na hindi niya kailangan mabalisa nang sobra.Sa kasalukuyang sitwasyon, kahit na ibigay sa kanya ni Vera ang Thunderstrike wood, hindi niya ito malilinang.Kaya, tumingin si Charlie kay Vera at tinanong ang isang tanong na nagpausisa sa kanya, “Miss Lavor, sobrang interesado akong malaman kung paano mo pinalampasa ang tatlong daang taon na ito?”Nagkibit balikat si Vera at tumawa na parang sinisisi ang sarili niya, “Hindi ako magaling sa Reiki tulad ni Fleurr, kaya hindi ko kayang makipaglaban sa kanya. Sa nagdaang tatlong daang taon, palagi akong tumatakbo.”Pagkatapos itong sabihin, nagpatuloy si Vera, “Medyo ayos lang ang unang dalawang daang taon. Sa oras na iyon, hindi madali ang transportasyon, at hindi pa maunlad ang
Tumawa si Charlie na parang sinisisi ang sarili niya at tumango habang sinabi, “Wala man lang pala para sa Diyos ang mabuhay ng isang libong taon. Hindi ito karapat-dapat para magpadala siya ng mga kidlat.”Tumango nang bahagya si Vera, “Mukhang gano’n na nga.”Pagkatapos itong sabihin, hindi niya mapigilan na bumuntong hininga, “Pero, may koneksyon nga kayo ni Master Marcius Stark. Kahit na pumanaw na si Master Marcius Stark ng mahigit tatlong daang taon noong ipinanganak ka, may ugnayan ka pa rin sa kanya sa unang limang daang taon na buhay niya at ang pangalawang limang daang taon na buhay niya…”Sa puntong ito, biglang tinanong nang mausisa ni Vera, “Maaari ko bang itanong, paano ka nagsimulang mag-cultivate, Young Master? Sino ang marangal na nakatatanda na gumabay sayo at nagpasok sayo sa cultivation?”Nang makita ni Charlie na sinabi na ni Vera ang lahat ng nakaraan at sikreto niya, hindi na niya itinago ang kahit ano at sinabi, “Nagkataon na may nakuha akong isang sinaunang
Nabigla si Vera sa pangalan na sinabi ni Charlie.Si Charlie ang tuloy-tuloy na nagulat ngayong gabi, habang nanatili siyang kalmado mula sa umpisa kahit na medyo malungkot siya habang pinag-uusapan ang kanyang ama. Pero, nang binanggit ni Charlie ang mga salitang ‘Marcius Stark’, biglang nagulat nang sobra si Vera!Sinabi niya nang hindi nag-iisip, “Paano mo nalaman ang totoong pangalan ng master?! Mahigit tatlong daang taon na simula noong pumanaw siya, at nag-cultivate siya sa seklusyon sa Mount Tason ng sa loob ng isang libong taon noong buhay pa siya. Sobrang kaunting tao lang ang may alam tungkol sa kanya kahit noong buhay pa siya…”Hindi mapigilan ni Charlie na bumuntong hininga at sabihin, “Marcius Stark, na ang orihinal na pangalan ay Martin, ay ipinanganak sa Coleham. Pagkatapos mag-cultivate, tinawag siyang Longevity Master at binago ang pangalan niya na Marcius Stark.”Mas lalong nagulat si Vera, “Young Master, paano mo nalaman ang napakaraming impormasyon tungkol sa ma
“Sa sumunod na dalawang taon, kumuha ang aking ama at si Fleur ng mga determinadong makabayan na gustong ibalik ang bansa natin. Patuloy silang nakipaglaban sa Qing army, pero dahil sa limitadong lakas nila, hindi nila nabago ang unti-unting pagsasama-sama ng Qing army.”“Sa taong 1662, ang tanyag na traydor, si Sanguine, ay pinatay ang hari ng Yorkshire Hill. Napuno ng lungkot ang aking ama at nagdalamhati siya nang sobra. Nakipagtulungan siya kay Fleur at pinangunahan ang mga makatarungan na tao mula sa Qing Eliminating Society para patayin si Sanguine. Sa kasamaang palad, nabigo ang misyon nila.”“Ang aking ama at si Fleur ay hinabol ng sampu-sampung libong sundao mula sa Qing army, at dahil nasa ilalim na ng kontrol ng Qing army ang mga rehiyon sa loob ng bansa, nagpasya silang tumakas sa Taiwan at magtago doon para patuloy na labanan ang Qing army. Sa hindi-inaasahan, hindi matagal pagkatapos nilang umalis, dumating ang balita na biglang pumanaw ang leader ng Taiwan. Dahil wala
Nang marinig niya ang pangalan na ‘Fleur Wiley’, lumaki ang mga mata ni Charlie sa gulat at tinanong, “Babae ang leader ng Qing Eliminating Society?”Tumango si Vera, nagngalit, at sinabi, “Hindi lang siya isang babae, ngunit siya ang pinakamalupit na babae sa buong mundo!”Tinanong ni Charlie sa sorpresa, “Kung siya ang kapatid ng sinumpaang kapatid ng iyong ama, hindi ba’t nabubuhay na rin siya ng tatlo o apat na raang taon?”Nag-isip saglit si Vera at sinabi, “Isang taon na mas bata si Felur sa ama ko, at dalawampu’t tatlong taon na mas matanda siya kaysa sa akin. Apat na raang taon na siya ngayon.”Sinabi ni Charlie, “Uminom din siguro siya ng Eternal Pill, tama?”“Syempre,” sinabi nang emosyonal ni Vera, “Ang Eternal Pill ay binigay sa ama ko at kay Fleur ng kanilang master. Sa una ay nag-iwan siya ng tig-isang pill sa kanila, umaasa na maipagpapatuloy nila ang layunin na pabagsakin ang Qing Dynasty. Bukod sa tig-isang Eternal Pill, ipinagkatiwala rin ng master nila sa ama ko
“Mabilis kong pinahiga nang pansamantala ang aking ama, at binigyan niya ako ng isang hindi kilalang pill, inutusan ako na inumin ito nang masunurin nang hindi nagtatanong.”“Hindi ko alam ang mga epekto ng pill na ito, pero hindi ko kayang suwayin ang utos ng aking ama. Kaya, ininom ko ang pill. Pagkatapos ko itong inumin, sinabi sa akin ng ama ko kung anong pill ito at ang mga epekto nito.”Habang nagsasalita siya, namula ang mga mata niya, at sinabi niya sa malambot na boses, “Para naman sa kung bakit hindi ito ininom ng aking ama at binigay ang Eternal Pill sa akin, sinabi niya na ito ay dahil ayaw niyang makita ang araw nang siya, bilang ama, ay kailangan akong panoorin na tumanda at mamatay nang unti-unti sa harap niya. Sinabi rin ng ama ko na kung may pill na kayang hayaan ang isang ama na mabuhay para panoorin ang kanyang anak na babae na unti-unting tumanda at mamatay, hindi isang elixir ang pill na iyon ngunit isang lason.”‘Sinabi ng ama ko na kailangan niyang mamatay bag
Humagikgik si Vera, itinupi ang mga kamay niya nang matiwasay sa isang bahagi ng kanyang baywang, at yumuko nang bahagya kay Charlie. Sinabi niya nang magalang, “Young Master, hindi mo ako kailangan maging magalang nang sobra sa akin. Tawagin mo na lang ako na Vera.”Sinabi nang tapat ni Charlie, “Hindi, halos 400 years old ka na, kaya dapat kitang tawagin bilang nakakatanda ko…”Ngumiti si Vera at sinabi nang seryoso, “Sa pananaw ko, isa lang akong babae na hindi lumaki, hindi isang imortal at matandang mangkukulam. Kahit na halos apat na raang taon na talaga ako nabubuhay, pakiramdam ko na tila ba 17 years old lang ako…”“Ah…” Nalaman ni Charlie na hindi akma ang sitwasyon niya, na may dalawang magkasalungat na boses na nagtatalo sa isipan niya.Sinabi ng isang boses, “Tama siya. Kahit na halos apat na raang taon na siyang nabubuhay, noon pa man ay 17 o 18 years old lang siya.”Sinabi ng isang boses, “Pero halos 400 years old na siya ngayon! Anong ibig sabihin ng 400 years old?!
Nang maglaho ang katawan ni Vera sa itaas ng bundok, agad bumalik ang kamalayan ni Charlie sa realidad mula sa kailaliman ng mga bundok sa timog ng Yorkshire Hill.Sa sandaling binuksan niya ang mga mata niya, naniwala na siya nang buo sa mga sinabi ni Vera. Naniniwala siya na ang babaeng ito ay nabubuhay na mula tatlong daang taon na ang nakalipas hanggang ngayon. Sa sandaling ito, sa wakas ay napagtanto na niya kung bakit palagi niyang nararamdaman na kahanga-hanga si Vera kahit na hindi niya maintindihan kung ano ang mayroon sa kanya.Sa edad na 17 o 18, bihasa na siya sa halos mala-diyos na sining ng panghuhula, na kahit ang isang katulad ni Chandler, na 100 years old, ay hindi na-master.Sa 17 o 18, walang tigil siyang hinabol ng Qing Eliminating Society. Kung limang taon na siya hinabol ng Qing Eliminating Society, hindi ba’t nakikipagtagisan ng talas ng isip na siya sa kanila noong 12 years old pa lang siya?Bukod dito, sa edad na 17 o 18, misteryoso siyang lumitaw sa Aurous
Tinanong ni Charlie si Vera nang hindi namamalayan, “Ipininta mo ba ang painting na ito?”Tumango si Vera at sinbi, “Ipininta ko ito ilang araw na ang nakalipas. Ipininta ko ito para sayo, Young Master.”Hindi maiwasang mamangha ni Charlie. Hindi niya inaasahan na may pambihirang galing si Vera sa pagpipinta. Kailan lang, sinabi ng biyenan na lalaki niya na may isang art exhibition na isasagawa ng Calligraphy and Painting Association, at nahihirapan siyang makahanap ng mga magagandang likha. Kung dadalhin ni Charlie ang painting na ito doon, marahil ay gumawa ito ng kaguluhan sa mga landscape painter sa buong bansa!Biglang sinunggaban ni Vera nang kanang kamay ni Charlie, na may singsing, at pinagsama ang daliri nila. Pagkatapos ay sinabi niya nang may umaasang ekspresyon, “Young Master, maaari ko bang imungkahi na dalhin ka para makita ang hitsura nito gamit ang sarili mong mga mata noong tatlong daang taon na ang nakalipas?”Pagkasabi nito, ang singsing, na nanatiling tahimik ka