Share

Ang Ganti Ni Winter
Ang Ganti Ni Winter
Author: Amelie Pamp

Kabanata 1

Silas pov

Sinasabi ko na nga ba nandito siya! Hindi ko siya kailangang hanapin. Ngunit walang makakapaghanda sa’kin sa masasaksihan ko.

Nakita ko siyang nakaluhod sa tapat ng puntod ng aming anak habang tumutulo ang mga luha pababa sa kanyang mga pisngi. Nakalugay pababa sa kanyang likod ang kanyang mahaba at blonde na buhok.

Nagkapira-piraso ang sugatang puso ko, halos hindi ako makahinga! Hinawakan ko ang aking dibdib at sinubukang ibsan ang sakit. Para bang may pumipiga sa mga baga ko.

Ang Belle ko… mahal ko! Anong ginawa ko?

Nagsimula akong maglakad ng dahan-dahan palapit sa kanya. Noong narinig ko ang mahina niyang boses, napahinto ako sa paglalakad.

“Please, please kung sakaling magkaroon ako ulit ng pagkakataon na maging isang ina, please bumalik ka sa’kin Elina. Hindi ko alam kung paano ako mabubuhay ng wala ka. Lola Elise kung naririnig mo ako, please alagaan mo ang anak ko, yakapin mo siya sa mga bisig mo para sa’kin. Mahal na mahal ko kayong dalawa.

“Balang araw magkikita tayo ulit!"

Hindi ko na kaya. Tumatak sa isip ko ang bawat salitang sinabi niya. Ang hirap huminga, gusto ko siyang damayan. Hawakan siya. Bakit kailangang mangyari ‘to?

Anong ginawa ko, diyos ko anong ginawa ko?

Hindi ko siya madamayan, ni wala na nga akong karapatan na makipag-usap sa kanya. Pirmado na ang mga papeles. Wala na siya sa’kin! Ang asawa ko. Ang pinakamamahal ko, ang rason ko para mabuhay. Ang lahat-lahat para sa’kin. At wala akong ibang pwedeng sisihin kundi ang sarili ko.

Nagsimula akong umatras ng dahan-dahan. Kailangan kong makaalis dito, hindi niya ako pwedeng makita. Sana lang pwede kong bawiin ang lahat.

Nang marating ko ang mga palumpong na pinagtataguan ko kanina, huminto ako at lumingon para tingnan siya. Belle ko!

Nakita ko siyang bumangon at dahan-dahan at sa hindi matatag na mga paa ay tumalikod at lumakad palayo. Pagtingin ko sa likod niya habang nawawala ang sakit ng puso ko para sa kanya.

Aking mahal!

Balang araw babawi ako sayo, kailangan kitang bitawan para maipanalo ka ulit!

Isabella pov

”Mahal ko kayong dalawa ng buong puso, balang araw magkikita tayong muli. Alam ko ang ipinangako ko sa iyo lola at ipaglalaban ko araw-araw ang pangakong iyon. Ngunit ito ay napakahirap. Hindi ko alam kung kakayanin ko"

Umaagos ang mga luha sa pisngi ko, at ang sakit ng puso ko. Paano ko kukunin ang sarili ko at ipaglaban ang aking buhay kung ayaw ko nang mabuhay? Ang sakit ay labis na kayang tiisin. Maraming beses na sumagi sa isip ko na hindi na kailangan pang gumising at maramdaman ang lahat ng sakit na naging buhay ko. Upang muling magsama-sama, muli ang aking anak na babae at lola. Pero nangako ako bago mamatay si Elise. At gagawin ko ang lahat para matupad ang pangakong iyon.

Hindi ako makapaniwala na limang buwan na ang nakalipas mula nang mamatay ang aming anak at isang buwan mula nang mamatay ang aming lola. Sa mga buwang ito nawala sa akin ang lahat, ang aking anak na babae, ang aking lola, ang aking asawa, at ang aking tahanan. Naiwan sa akin ang kaunting pera na mayroon ako sa aking bank account at aking sasakyan. Iyon lang!

Alam kong tutulungan ako ng aking pamilya kung kaya nila, ngunit kailangan lang nilang i-invest ang lahat ng mayroon sila sa kanilang kumpanya upang subukan at i-save ito. I am convinced it is my ex-husband and his company's fault na nahirapan ang family company namin, but I don't have any proof. At wala akong magagawa kahit na may patunay.

Kaya kailangan ko lang gawin itong kahit anong meron ako.

”Pumunta ako dito para magpaalam saglit, hindi ko alam kung kailan ako babalik. Aalis ako ng bansa, kailangan kong hanapin muli ang aking sarili at malaman kung ano ang gagawin ngayon. Lagi kang mananatili sa puso at isipan ko. mahal kita!"

Feeling ko may nakatingin sa akin. Bumangon ako at lumingon pero walang tao. Pinawi ko ang pakiramdam at nagsimulang maglakad pabalik sa aking sasakyan. Bahagya akong dinadala ng aking mga paa.

Bawat hakbang ay lalong sumasakit ang puso ko. Ayaw kong umalis, hindi ko alam kung kailan ako babalik at bibisitahin ka muli. Hindi ako aalis ng tuluyan! balang araw babalik ako.

Huminto ako sa kotse ko at sumandal sa pinto. Nakatingin sa paligid. Taglagas na at ang mga dahon ay nagsimulang magbago ng kulay, ang hangin ay malutong. Ang ganda, Kung pwede lang manatili! Saglit na huminga, nakatayo ako dito na may malinis na sheet sa aking buhay sa anumang gagawin ko ngayon.

Nakatanggap ako ng text sa phone ko at alam kong oras na. Huling tingin sa sementeryo. Binuksan ko ang sasakyan at pumasok sa loob, ini-start ang makina at umalis. Iniiwan ang lahat. Oras na! walang babalikan.

Tumingin ako sa rearview mirror ko at nakita ko ang sementeryo sa malayo.

Ito na! Ang buhay sa pagkakaalam ko ay natapos na.

Ngayon nakasalalay na sa’kin kung ano ang magiging takbo ng buhay ko.

Balang araw kapag malakas na ulit ako. Babalik ako!

Pagdating ng araw na ‘yun mabuti pa tumakbo na ang lahat ng mga taong may sala sa kanya!

Makakabawi din ako!

Balang araw.
Mga Comments (2)
goodnovel comment avatar
Carl Cabornay
galing naman
goodnovel comment avatar
Divina Pongo
Gandan ng story ito.........
Tignan lahat ng Komento

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status