Ruth Abellana is egocentric, self-centered and ambitious. She never values anyone except for herself and her sister, Tina. Loves money and materialistic. On the night of May 25th, Ruth involved in an unfortunate event. In the halfway of a calm and tranquil night, an accident occurs in the bridge. Due to it, she was lying in a coma for a couple of months. After 6 months long, Ruth was finally awake, but something odd happened, she sees the soul of an unknown man, asking for help. He can't remember anything except the tragedy of his death, which was the accident on the bridge on the night of May 25.
View MorePagdating nila sa convenience store ay sumalubong kaagad ang kapalitan ni Ruth."Mauuna na ko Ruth, tapusin mo nalang ang pagsasalansan ng mga cigarettes, kaunti na lang naman," paalam nito sa kanya. Tumango naman ang dalaga bilang tugon, pumasok na siya sa counter saka inumpisahang tapusin ang mga naiwang gawain sa kanya.Nagdilim ang paligid, kalauna'y bumuhos ang ulan. Dahil doon ay nagpuputik ang sahig sa tuwing may papasok na customers. Matrabaho ang pag-mop ng sahig subalit wala naman siyang magagawa.Matapos niyang masuklian ang isang customer ay agad na nakuha ng atensyon niya ang mga pumasok ng store. Ni hindi nila nakuhang magpunas ng sapatos bagamat may basahan sa tapat ng pinto.Sina Levie at Harriet, ihinagis ang mga bag na dala sa upuan. Ang mga payong na dala nila ay hindi rin nila nakuhang ilagay ng maayos sa lagayan, basang-basa iy
Walang kahit na sino sa mga guro ang umawat sa mga estudyante kung hindi ang mga malalapit lamang sa punong-guro. Ilang beses na sermon at pakiusapan ang nangyari bago napabalik sa classroom ang mga ito.Tinapos parin ni Mrs. Perez ang oras ng klase hanggang sa mag-uwian, inayos ni Ruth ang mga gamit niya sa lamesa, ito na nga ba talaga ang huling araw niya na papasok ng eskwelahan?Bago tuluyang lumabas sina Levie at Harriet ay iniwan siya ng nakakaasar na ngiti ng mga ito, sinasabi ng mga ngiting iyon na sila ang nanalo. Pinasya niyang hindi na sila pansinin pa, isinukbit niya ang bag sa likuran saka pinagmasdan ang mga libro na hawak.Tahimik siyang pinagmamasdan ni Reese, maging nina Jake at Tina. Ramdam niya naman iyon subalit hindi na lamang niya pinansin.Ang lahat ng nasa classroom ay sinundan siya ng tingin hanggang
Napabuntong-hininga si Ruth habang pinagmamasdan sina Tina at Jake na mag-abot ng papel sa mga napapadaang estudyante sa quadrangle. Hawak niya lamang ang mga papel at hindi niya alam kung dapat pa bang ipamigay ang mga iyon.Lumapit sa kanya si Tina, "paubos na iyong akin, lahat nang abutan ko tinatanggap iyong papel," masayang balita nito sa kanya. Ngumiti na lamang siya bilang tugon."May problema ba?" tanong ni Tina sa kanya.Nag-iisip siya kung dapat niya bang sabihin ang nasa isip niya ngayon, ayaw niya namang putulin ang pag-asa na natitira sa kapatid."Huwag na nating subukan," sabi niya rito saka umiling. "Magsasayang lang kayo ng pagod, tama ka, kahit na anong gawin natin hindi nila tayo pakikinggan."Alam din naman ni Tina na may punto ang ang sinabi niy
Tinatahak ni Ruth ang daan pauwi noon, malakas ang ulan subalit hindi niya iyon alintana. Ang mga tao ay kanya-kanyang silong sa mga saradong tindahan at naghihintay ng pagtila ng ulan. Ang ilan sa mga batang nakasilip sa bintana ng mga bahay nila ay sinusundan siya ng tingin, naiinggit sa kanya na isiping naliligo siya sa ulan.Nagpapasalamat si Ruth sapagkat walang nakakakita ng mga luha niya ngayon, naghahalong galit at awa sa sarili ang narararamdam niya. Palaging ipinamumuka sa kanya na wala siyang lugar para mangarap sapagkat mahirap lang siya.Napakabigat noon sa dibdib, napakasakit sa puso at literal sapagkat napahawak siya sa dibdib nang manikip iyon. Bago pa man siya magpatuloy sa paglalakad ay huminto ang isang pulang sasakyan malapit sa kanya, napahinto siya at napabaling doon.Bumaba ang salamin ng sasakyan, sumilip mula sa loob noon si Mrs. Perez.
Sa loob ng opisina ng principal, naroon sina Ruth at Tina at ang ilan sa mga head teachers."Seventy eight," bilang ni Ruth, napapikit siya ng tumama ang stick sa palad niya sa ika pitumpu't walong beses. Kanina pa hindi matigil sa pag-iyak si Tina habang pinagmamasdan ang namumula at nagsusugat na palad ni Ruth."Ano bang mahirap sa paghingi ng tawad?" tanong ng guro saka inihataw sa palad niya ang patpat.Napakagat siya sa labi sabay bumilang, "seventy nine."Matapos siyang kausapin sa couceling, kung counseling nga bang maituturing kung walang ibang ipinayo ang guidance counselor kundi ang hikayatin si Ruth na humingi na lamang ng tawad kay Deserie. Tumanggi siya, hindi siya hihingi ng tawad para sa nagawa niya.Kaya naman ngayon ay ito ang sinapit niya, kapalit ng pagmamatigas. Hindi
"I will turn you into a good person."Nagkakagulo ang lahat, subalit naroon siya, walang lakas na pinagmamasdan ang mga ito. Namanhid na ang mga sugat at mga kalmot niya sa katawa. Mapait siyang natawa, dahil doon ay mas lalong lumayo ang mga estudyanteng nakakakita sa kanya habang sinasabihan siyang nababaliw.Walang kahit isa sa kanila ang nagtanong at umusisa kung ayos lang ba siya, ang lahat ng simpatya ay sa taong naargabyado lamang ng oras na iyon at hindi ng kung sino ang totoong biktima.Hindi siya nagsisisi, kaya niyang gawin ang mas higit pa roon para kay Tina.Alam niyang malulungkot si Austin na makita siyang ganito, subalit nais din niyang makita ni Austin na ito ang dahilan kung bakit iniisip niyang hindi dapat mahalin ang mga katulad nila. Iniwan si Deserie ng mga kaibigan niya dahil sa takot na madamay, iniwan
Habang pauwi galing sa palengke ng umaga ding iyon ay walang tigil si Tina sa kakakuwento habang ipinapakita ang larawan nila ni Jake kay Ruth."Ano sa tingin mo, magkakatuluyan ba kami?" tanong ni Tina.Natatawa itong tinapunan ng tingin ni Ruth, bitbit niya ang mga supot ng mga pinamili nila para sa tindahan ni Ester. Masakit na nga ang balikat niya dahil sa bigat ng mga iyon, pinagpapalit-palit niya nalang kung minsan ang hawak ng dalawa niyang kamay."Gusto mo talaga siya?" pabalik niyang tanong.Napangiti si Tina saka tumango bilang tugon, "anong tingin mo sa kanya?" Tina."Mayaman si Jake, maraming pera ang pamilya niya. Kaya sige payag ako," sagot niya rito.Napanguso naman si Tina dahil sa sinabi niya, "paano kung mahirap lang
"Happy birthday," bati nina Jake at Tina kay Ruth, kasabay nilang lumabas ang maraming estudyante matapos ang klase, palubog na ang araw ng oras na iyon."Alam mo sabi bukas na yung perya sa kabilang bayan, punta tayo mamaya libre ko. Iyon nalang gift ko sayo," aya ni Jake.Napangiti si Tina, tila na excited ito sa narinig at bumaling sa kanya."May gagawin ba tayo mamaya?" tanong nito sa kanya. Nag-aalangan naman siyang tinignan ni Ruth, mukhang natutuwa talaga ito na makasama si Jake at makapag-enjoy man lang."Silence means yes, pupuntahan ko kayo sa bahay niyo mamaya," ani ni Jake na napapilantik pa ng daliri, matapos ay tumakbo na palapit ng sasakyan.Sinundan siya ng tingin ng dalawa, gusto sanang bawiin iyon ni Ruth. Nag-fefeeling close nanaman kasi si Jake.
Napabuntong hinunga si Ruth, pinagmasdan niya ang kabuuan ng mukha ng binata."Nasisiraan na ata talaga ako ng ulo," wika niya. Magsasalita sana ito subalit naunahan na siya ng dalaga."Bakit ba... hindi parin kita makalimutan?" tanong ni Ruth sa sarili habang pinagmamasdan ang imahe ng binata.Kumunot ang noo si Austin, para bang nagtatanong lamang siya sa sarili niya. Mabilis na umalis sa lugar na iyon si Ruth, hindi na niya naisabay si Tina sa pag-uwi.Madalas siyang maloko ng isipa, hindi na niya minsan alam kung ano pa ang totoo sa hindi. Pumasok siya ng bahay at hindi inabalang makiusyoso sa pakikipagsagutan ni Ester sa kapitbahay nila. Umakyat siya ng kuwarto at pagbukas pa lamang niya ng pinto ay bumungad sa kanya roon si Austin."Ang sabi ko miss na kita," anito.
Masayang sinamyo ni Ruth ang makapal na pera sa mga kamay niya, amoy ito ng kaginhawaan sa loob ng ilang buwan. "Ano kaya ang una kong bibilhin?" Hindi niya mapigilan ang malawak na ngiti sa mga labi habang napapapilantik pa ang mga daliri. Napasandal siya sa upuan, malaki-laki rin ang kinita niya sa matandang babae na 'yon, nagbigay siya ng tatlong libo para lang makusap ang namayapa niyang asawa.Kilala si Ruth sa malaking bahagi ng probinsya ng Nueva Ecija bilang isang babaeng may kakayahang makausap ang mga namatay na. Ilang tao na rin ang sumangguni sa kanya upang humingi ng tawad, magpasalamat, umiyak at magpagabay sa mga kaanak nilang sumakabilang buhay.Malutong siyang natawa. "Mga uto-uto," usal niya. Ipinatong niya ang mga paa sa lamesa. Nilibot ang tingin sa maliit at magulong kwarto. Ang lugar na ito, ang lugar kung saan siya tumatanggap ng mga kliyente. Tuwing hapon ang session niya.Madalang sa hapon na ito ang mga na...
Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.
Comments