Nagising si Ruth sa dakong alas-singko ng umaga, Pagbaba niya ng hagdan ay nakita niyang pinagsisilid na ni Ester ang mga uniform nila ni Tina sa malaking supot kasama ng mga basura.
"Ikaw, ilabas mo na ang mga 'to ng mahakot na ng truck mamaya," utos niya ng makita si Ruth sa ibaba ng hagdanan.
Agad na nilapitan iyon ni Ruth at isa-isang inalis sa supot. "Anong ginagawa mo?!" galit na tanong ng matanda subalit hindi sya pinakinggan ni Ruth, patuloy na hinahanap nito ang ilang uniform nila ni Tina na naroon.
"Siraulong bata, ano bang ginagawa mo?!" Naramdaman niya nalang na hinigit na ni Ester ang buhok niya, malakas na napasigaw sa sakit si Ruth.
"Bakit?! ang akala niyo ba pag-aaralin ko pa kayo sa laki ng nagastos ko sayo sa ospital!" Napapikit si Ruth at pinipigil na hindi tumulo ang luha niya sa sakit, inipon niya ang buong lakas para itulak si Ester. Sa wakas ay nabitiwan nito ang buhok nya.
Malalim na napabuntong hininga si Ruth habang pinagmamasdan ang magkakasalubong na tao na lumalabas at pumapasok sa simbahan. Karamihan sa mga taong iyon ay suot ng magagara nilang kasuotan, mamahaling mga sapatos atbag. Panay naman ang pagpaypay ng mga ilang matatandang kunwa'y naiinitan subalit ibinabalandra lamang naman ang makikinang na bato sa mga singsing nila.Umikot ang mga mata niya, wala rin namang pinagkaiba sa kanya ang ilan sa mga taong ito, pare-pareho silang mapagkunwari."Pabili ako ng dalawa." Lumapit kay Ruth ang isang babaeng may kasamang isang batang lalaki at isang batang babae. bumili ito ng dalawang kandila, ang mga bata pa ang namili ng kulay na gusto nila.Binigyan siya ng bente pesos para doon, ilang kandila nalang ang hawak niya. Sana ay mabilis silang makaubos para makauwi na sila agad ni Tina. Alas-kuwatro na ng hapon, unti-unti
"Takbo!" sigaw ni Austin na nagpataranta lalo sa kanya, gusto niyang batukan dahil tuwang-tuwa pa ito sa nangyayari."Sa kabila tayo dumaan!" sigaw ni Ruth."Ano?" pabalik namang sigaw ni Austin."sabi ng sa kabila.""hinde mali, dito tayo sa kabila."Nagkakanda subsob na si Ruth habang tumatakbo, mahigpit na mahigpit ang kapit niya sa kamay ni Austin. Hindi na niya namalayan iyon, naghihilaan sila sa eskinitang dapat daanan upang makalayo lamang sa isang mabangis na aso.Hanggang sa mapadaan sila sa kakahuyan, matinik ang daanan dahil sa mga kawayan. Hindi sila makakatakbo ng matagal kapag ganoon ang kanilang daraanan."Akyat," utos sa kanya ng binata, nasa tapat sila ng mataas na puno. Hindi na nag-atubili pa
"Heto na." "Oo, sige sasaluhin ko." Hinagis ni Ruth sa kabilang bakuran ang bag at mga uniform nilang dalawa ni Tina, ngayon ang unang araw nila na papasok sa eskwelahan. Si Tina ang nasa likod ng bakuran para saluhin ang mga gamit nilang dalawa. "Hayan na si tanda," sabi ni Austin na ngayon ay sitting pretty na nakaupo sa bakuran at pinagmamasdan lang ang ginagawa ng dalawa. Napalingon naman si Ruth sa kabahayan dahil sa sinabi nito, ngayon ay naririnig niya nang patungo ng likod-bahay si Ester kaya binilisan niya ang pag-akyat sa bakod. Nang makalapag siya ay mabilis silang nagsuot ng uniporme saka tumakbo at tumawid ng talahiban. Napapakamot silang dalawa ni Tina habang naglalakad sa mabato at mausok na kalsada. Mas malalaki pa kase s
Naghiyawan ang team nina Gino nang manalo sa pustahan sa basketball, mga pawisan na sila at iba pa nga ay mga walang suot pangitaas.Tahimik na kumakain sa pinakamataas na bleacher si Ruth, noon pa man na nasa junior highschool sila ay lagi na niyang pinanonood si Gino na maglaro sa court na iyon malapit sa school.Naiangat nya ang tingin ng maramdaman na may humihila paitaas sa ilang hibla ng buhok nya. Napabuntong hinga sya, kung may makakakita sa kanya ngayon ay magtataka sila kung paanong umaangat ang buhok niya gayong mag-isa lamang siya roon."Austin," suway niya.Maya maya ay lumitaw ito sa tabi niya, pinapanood niya ngayon sina Gino na magkasiyahan sa baba. Inayos naman ni Ruth ang buhok niya, bakit ba lagi nitong pinaglalaruan ang buhok niya.Galit siya nitong binalingan ng tingin, napakunot ang noo n
Napaatras ang binata sa paglingon ng babae at nagtanong, nagpalinga-linga siya sa paligid, tiyak niyang silang dalawa lang ang naroroon.Iwinasiwas ng babae ang dala niyang tungkod, "sinong nandyan? Magsalita ka."Napatakip sa bibig ang binata, hindi siya makapaniwalang bukod kay Ruth ay may isa pang nakaririnig sa kanya."Magsalita ka," sabi ni babae, lumakad ito palapit. Tila may kinakapa ito sa hangin."Woah, Nahahawakan mo ko?!" bulalas ni Austin nang madakma ng dalaga ang kamay niya, nanlalaki ang mga mata niya sa gulat."Sino ka?" tanong nito, hindi malaman ni Austin kung sasagutin ba niya ang babae o tatanungin kung pano niya ito nagawang marinig at mahawakan.Nagsalubong ang dalawang kilay ng dalaga,"Kaluluwang ligaw," sambi
Pagmulat ng mga mata ni Ruth ay nasa kama na siya at pinagmamasdanni Austin."Good morning," bati nito, nakatukod ang kamay sa noo nya. Gusto sabihin ni Ruth dito na halatang nagpapacool lang sya subalit napangiti nalang siy, ang gwapo naman niya talaga, hindi niya iyon maitatanggi."Hinihintay mo nanaman ba akong magising?" mahinang tanong ni Ruth, nagbabadya pang pumikit ang mga mata niya, sa pagkakatanda niya kase ay pasado aalas onse na sila bumalik ni Austin sa bahay kagabi.Tumango siya sabay ngumiti"Tumayo ka na d'yan, kung ayaw mong makarinig nanaman ng barena," payo nito.Sinilip ni Ruth ang orasan sa dingding, limang minuto nalang para alas singko, gigising nanaman si Ester, ang barenang sinasabi ni Austin. Maghapon nanaman itong magbubunganga, madalas nga ay hinuhulaan pa niya kung ilang beses siyang tatatamaan dito sa b
Lahat ng mga mata nila ay isa lamang ang pinaniniwalaan, mabuti na lamang at hindi na naapektuhan ng mga iyon si Ruth."Ikaw lang ang lumapit sa desk ko kahapon, umamin ka na Ruth." Ilang beses na atang narinig iyon ni Ruth, kanina pa pinaalala ng guro na si Sir Banerra na siya lang ang lumapit sa desk nito kahapon at siya lang din ang posibleng kumuha ng nawawalang pera nito.Hindi siya nagsalita, sa halip ay nakipagsukatan lamang ng tingin sa guro."Huwag mo akong tignan ng masama, mabuti pang umamin ka nalang dahil kung hindi,mas lalong maraming makakaalam ng ginawa mo."Bahagya siyang natawa, pinagbabantaan ba siya nito? Hindi parin ba nito alam na wala ng epekto sa kanya ang lahat ng pananakot nito sa kaniya?Tila lalo namang napikon ang guro sa inasta ng dalaga, "at ngayon tumatawa
Alas nuwebe na ng gabi at tulog na si Tina sa tabi ni Ruth, hanggang ngayon ay nakaupo parin siya sa kama, bakit kaya hindi parin nagpapakita si Austin sa kaniya magmula kanina.Galit kaya ito? Inalis niya ang mga iniisip ng utak, ano naman ngayon kung galit nga ito. Isipin na nila lahat ng gusto nilang isipin, isa pa may Vicky naman na ito na makakausap, hindi na siya nito kailangan. Ayos narin ito, walang mangungulit sa kanya, walang maingay na palaging magkukwento ng tungkol sa mga kasiyahang napuntahan nito. Kaya magalit lang ito hanggang kailan nito gusto. Sa pag-iisip ni Ruth ay hindi niya namalayan na kanina pa pala siya pinagmamasdan ni Austin mula sa bintana."Hinihintay mo ako?" tanong niya. Napabaling sa kanya si Ruth, muntik na niyang makalimutan na nagtatampo siya rito. G
Pagdating nila sa convenience store ay sumalubong kaagad ang kapalitan ni Ruth."Mauuna na ko Ruth, tapusin mo nalang ang pagsasalansan ng mga cigarettes, kaunti na lang naman," paalam nito sa kanya. Tumango naman ang dalaga bilang tugon, pumasok na siya sa counter saka inumpisahang tapusin ang mga naiwang gawain sa kanya.Nagdilim ang paligid, kalauna'y bumuhos ang ulan. Dahil doon ay nagpuputik ang sahig sa tuwing may papasok na customers. Matrabaho ang pag-mop ng sahig subalit wala naman siyang magagawa.Matapos niyang masuklian ang isang customer ay agad na nakuha ng atensyon niya ang mga pumasok ng store. Ni hindi nila nakuhang magpunas ng sapatos bagamat may basahan sa tapat ng pinto.Sina Levie at Harriet, ihinagis ang mga bag na dala sa upuan. Ang mga payong na dala nila ay hindi rin nila nakuhang ilagay ng maayos sa lagayan, basang-basa iy
Walang kahit na sino sa mga guro ang umawat sa mga estudyante kung hindi ang mga malalapit lamang sa punong-guro. Ilang beses na sermon at pakiusapan ang nangyari bago napabalik sa classroom ang mga ito.Tinapos parin ni Mrs. Perez ang oras ng klase hanggang sa mag-uwian, inayos ni Ruth ang mga gamit niya sa lamesa, ito na nga ba talaga ang huling araw niya na papasok ng eskwelahan?Bago tuluyang lumabas sina Levie at Harriet ay iniwan siya ng nakakaasar na ngiti ng mga ito, sinasabi ng mga ngiting iyon na sila ang nanalo. Pinasya niyang hindi na sila pansinin pa, isinukbit niya ang bag sa likuran saka pinagmasdan ang mga libro na hawak.Tahimik siyang pinagmamasdan ni Reese, maging nina Jake at Tina. Ramdam niya naman iyon subalit hindi na lamang niya pinansin.Ang lahat ng nasa classroom ay sinundan siya ng tingin hanggang
Napabuntong-hininga si Ruth habang pinagmamasdan sina Tina at Jake na mag-abot ng papel sa mga napapadaang estudyante sa quadrangle. Hawak niya lamang ang mga papel at hindi niya alam kung dapat pa bang ipamigay ang mga iyon.Lumapit sa kanya si Tina, "paubos na iyong akin, lahat nang abutan ko tinatanggap iyong papel," masayang balita nito sa kanya. Ngumiti na lamang siya bilang tugon."May problema ba?" tanong ni Tina sa kanya.Nag-iisip siya kung dapat niya bang sabihin ang nasa isip niya ngayon, ayaw niya namang putulin ang pag-asa na natitira sa kapatid."Huwag na nating subukan," sabi niya rito saka umiling. "Magsasayang lang kayo ng pagod, tama ka, kahit na anong gawin natin hindi nila tayo pakikinggan."Alam din naman ni Tina na may punto ang ang sinabi niy
Tinatahak ni Ruth ang daan pauwi noon, malakas ang ulan subalit hindi niya iyon alintana. Ang mga tao ay kanya-kanyang silong sa mga saradong tindahan at naghihintay ng pagtila ng ulan. Ang ilan sa mga batang nakasilip sa bintana ng mga bahay nila ay sinusundan siya ng tingin, naiinggit sa kanya na isiping naliligo siya sa ulan.Nagpapasalamat si Ruth sapagkat walang nakakakita ng mga luha niya ngayon, naghahalong galit at awa sa sarili ang narararamdam niya. Palaging ipinamumuka sa kanya na wala siyang lugar para mangarap sapagkat mahirap lang siya.Napakabigat noon sa dibdib, napakasakit sa puso at literal sapagkat napahawak siya sa dibdib nang manikip iyon. Bago pa man siya magpatuloy sa paglalakad ay huminto ang isang pulang sasakyan malapit sa kanya, napahinto siya at napabaling doon.Bumaba ang salamin ng sasakyan, sumilip mula sa loob noon si Mrs. Perez.
Sa loob ng opisina ng principal, naroon sina Ruth at Tina at ang ilan sa mga head teachers."Seventy eight," bilang ni Ruth, napapikit siya ng tumama ang stick sa palad niya sa ika pitumpu't walong beses. Kanina pa hindi matigil sa pag-iyak si Tina habang pinagmamasdan ang namumula at nagsusugat na palad ni Ruth."Ano bang mahirap sa paghingi ng tawad?" tanong ng guro saka inihataw sa palad niya ang patpat.Napakagat siya sa labi sabay bumilang, "seventy nine."Matapos siyang kausapin sa couceling, kung counseling nga bang maituturing kung walang ibang ipinayo ang guidance counselor kundi ang hikayatin si Ruth na humingi na lamang ng tawad kay Deserie. Tumanggi siya, hindi siya hihingi ng tawad para sa nagawa niya.Kaya naman ngayon ay ito ang sinapit niya, kapalit ng pagmamatigas. Hindi
"I will turn you into a good person."Nagkakagulo ang lahat, subalit naroon siya, walang lakas na pinagmamasdan ang mga ito. Namanhid na ang mga sugat at mga kalmot niya sa katawa. Mapait siyang natawa, dahil doon ay mas lalong lumayo ang mga estudyanteng nakakakita sa kanya habang sinasabihan siyang nababaliw.Walang kahit isa sa kanila ang nagtanong at umusisa kung ayos lang ba siya, ang lahat ng simpatya ay sa taong naargabyado lamang ng oras na iyon at hindi ng kung sino ang totoong biktima.Hindi siya nagsisisi, kaya niyang gawin ang mas higit pa roon para kay Tina.Alam niyang malulungkot si Austin na makita siyang ganito, subalit nais din niyang makita ni Austin na ito ang dahilan kung bakit iniisip niyang hindi dapat mahalin ang mga katulad nila. Iniwan si Deserie ng mga kaibigan niya dahil sa takot na madamay, iniwan
Habang pauwi galing sa palengke ng umaga ding iyon ay walang tigil si Tina sa kakakuwento habang ipinapakita ang larawan nila ni Jake kay Ruth."Ano sa tingin mo, magkakatuluyan ba kami?" tanong ni Tina.Natatawa itong tinapunan ng tingin ni Ruth, bitbit niya ang mga supot ng mga pinamili nila para sa tindahan ni Ester. Masakit na nga ang balikat niya dahil sa bigat ng mga iyon, pinagpapalit-palit niya nalang kung minsan ang hawak ng dalawa niyang kamay."Gusto mo talaga siya?" pabalik niyang tanong.Napangiti si Tina saka tumango bilang tugon, "anong tingin mo sa kanya?" Tina."Mayaman si Jake, maraming pera ang pamilya niya. Kaya sige payag ako," sagot niya rito.Napanguso naman si Tina dahil sa sinabi niya, "paano kung mahirap lang
"Happy birthday," bati nina Jake at Tina kay Ruth, kasabay nilang lumabas ang maraming estudyante matapos ang klase, palubog na ang araw ng oras na iyon."Alam mo sabi bukas na yung perya sa kabilang bayan, punta tayo mamaya libre ko. Iyon nalang gift ko sayo," aya ni Jake.Napangiti si Tina, tila na excited ito sa narinig at bumaling sa kanya."May gagawin ba tayo mamaya?" tanong nito sa kanya. Nag-aalangan naman siyang tinignan ni Ruth, mukhang natutuwa talaga ito na makasama si Jake at makapag-enjoy man lang."Silence means yes, pupuntahan ko kayo sa bahay niyo mamaya," ani ni Jake na napapilantik pa ng daliri, matapos ay tumakbo na palapit ng sasakyan.Sinundan siya ng tingin ng dalawa, gusto sanang bawiin iyon ni Ruth. Nag-fefeeling close nanaman kasi si Jake.
Napabuntong hinunga si Ruth, pinagmasdan niya ang kabuuan ng mukha ng binata."Nasisiraan na ata talaga ako ng ulo," wika niya. Magsasalita sana ito subalit naunahan na siya ng dalaga."Bakit ba... hindi parin kita makalimutan?" tanong ni Ruth sa sarili habang pinagmamasdan ang imahe ng binata.Kumunot ang noo si Austin, para bang nagtatanong lamang siya sa sarili niya. Mabilis na umalis sa lugar na iyon si Ruth, hindi na niya naisabay si Tina sa pag-uwi.Madalas siyang maloko ng isipa, hindi na niya minsan alam kung ano pa ang totoo sa hindi. Pumasok siya ng bahay at hindi inabalang makiusyoso sa pakikipagsagutan ni Ester sa kapitbahay nila. Umakyat siya ng kuwarto at pagbukas pa lamang niya ng pinto ay bumungad sa kanya roon si Austin."Ang sabi ko miss na kita," anito.