Share

All The Things We Lost
All The Things We Lost
Author: Code01417

Chapter 1

Author: Code01417
last update Huling Na-update: 2021-03-31 05:13:14

Masayang sinamyo ni Ruth ang makapal na pera sa mga kamay niya, amoy ito ng kaginhawaan sa loob ng ilang buwan. "Ano kaya ang una kong bibilhin?" Hindi niya mapigilan ang malawak na ngiti sa mga labi habang napapapilantik pa ang mga daliri. Napasandal siya sa upuan, malaki-laki rin ang kinita niya sa matandang babae na 'yon, nagbigay siya ng tatlong libo para lang makusap ang namayapa niyang asawa.

Kilala si Ruth sa malaking bahagi ng probinsya ng Nueva Ecija bilang isang babaeng may kakayahang makausap ang mga namatay na. Ilang tao na rin ang sumangguni sa kanya upang humingi ng tawad, magpasalamat, umiyak at magpagabay sa mga kaanak nilang sumakabilang buhay.

Malutong siyang natawa. "Mga uto-uto," usal niya. Ipinatong niya ang mga paa sa lamesa. Nilibot ang tingin sa maliit at magulong kwarto. Ang lugar na ito, ang lugar kung saan siya tumatanggap ng mga kliyente. Tuwing hapon ang session niya.

Madalang sa hapon na ito ang mga nagpupunta kaya ilang oras din siyang nabakante, pero ayos lang. Sa kabuuan ay may pitong libo rin naman ang kinita niya. Masisimulan na niya ang pagiipon para sa pangarap niyang makabili ng condominium sa Maynila. Sawang-sawa na siya sa walang kwentang lugar na ito, kating-kati nang makalayo. Kaya naman tuwing galing sa klase ay dito na sa business niya ang diretso ng dalaga.

Hindi sinasadyang mapasadahan niya nang tingin ang sarili sa repleksyon ng maliit na salamin. May putok sa bahagi ng kilay at bibig niya. "Buti hindi pa niya ako napapatay." Mukhang naging hobby na ng matabang babae na iyon na saktan siya sa tuwing gigising siya ng tanghali. Mahinang napaaray si Ruth nang subukang haplusin ang sugat sa gilid ng labi nya.

"Ruth!"

Bumukas ang pinto at ibinungad noon si Tina na hingal na hingal at hinahabol ang hininga, pawisan ang buong katawan. "Bakit, anong problema?" tanong ni Ruth na nakaramdam agad ng kaba, umayos siya sa pagkakaupo. Ilang segundo pa bago nakapagsalita si Tina dahil sa hingal.

"Papunta na yung mga tao dito, nasa diyaryo ka na at alam na ng mga tao na hindi totoo yung kakayahan mong makipagusap sa mga kaluluwa."

Awtomatikong napatayo si Ruth sa narinig, hindi alam kung paano niya sisimulan ang pag-iisip ng paraan. "Tumakbo ka na!" sigaw ni Tina na nagpabalik sa wisyo niya. Wala na ring magagawa kung makikipag-usap pa si Ruth sa kanila. Ipapahuli siya ng mga ito sa pulis, mawawalay siya kay Tina at ayaw niyang mangyari iyon.

Dali-dali niyang binuksan ang mga drawer, nagbagsakan na ang mga nakapatong na magazine sa lamesa, hinalukay niyang maigi ang laman ng drawer at sa wakas ay nakakita rin siya ng gunting.

"Anong ginagawa mo? Wala ng oras, Ruth! Umalis ka na dito!" Hindi na niya pinansin si Tina. Ginupit ni Ruth ang mahaba niyang buhok. Muntikan pangmabali ang gunting sa paraan nang paggupit niya sa buhok niya. Gusto niyang makuhang manghinayang sa ginawa, bako-bako na ang dati ay maganda at mahabang niyang buhok. Subalit mabilis din iyong nawala sa isip ng marinig ang hiyawan ng mga tao sa labas hudyat na malapit na sila. "Magkita tayo sa perya mamayang alas-syete ng gabi, dadating ako." Tinapik niya ang balikat ni Tina saka mabilis na sumibat palayo, dala ang mga pera sa bulsa ng uniform na suot, bukod doon ay wala na.

Dumaan siya sa maliit na eskinita, tinalon ang matataas na pader kaya minsan pangbumagsak ang dibdib niya sa lupa. "Buwisit!" usal ni Ruth habang namimilipit sa sakit.

"Hoy! Bakit ka kasi tumalon sa bakuran ko pasaway na bata!" rinig niyang sigaw ng may-ari ng bahay, kaya mabilis siyang tumayo at nag-umpisa na muling tumakbo. Umaalingaw-ngaw ang sagutan ng tahol ng mga aso sa magkakabilang bahay. Hindi alam ni Ruth kung saan siya papunta. Hindi rin niya alam kung nakatulong ba ang paggupit niya sa buhok niya para walang makakilala sa kanya. Basta ang mahalaga makalayo muna siya sa lugar na iyon.

Nataranta siya ng balak niyang lumiko sa isang eskinita ng may makitang sasakyan ng pulis, dali-dali siyang naghanap ng iba pangdaraanan. Tumakbo siya sa madilim, maputik at basang eskinita. Napangiwi sa sangsang ng naghahalong amoy ng nabubulok na mga basura at amoy ng mga patay na daga. Sa isang gilid ay may lasing na nakahandusay sa maputik na lupa at mahinang pakanta-kanta kahit patulog na. May malaking basurahan sa tabi niya, hindi na nagdalawang isip na magtago roon si Ruth hanggang sa lumubog ng tuluyan ang araw.

Ang baho niya at ang lagkit-lagkit pa ng katawan, wala siyang pakialam kung naglalayuan ang mga nakakasalubong niya sa daan, nakuha pa niyang matawa.

"Ngayon lang nila naisip na manloloko ako. Hays, saan na ako matutulog ngayong gabi? Siguradong lagot na naman ako kay Ester." Kung sana kasi ay mayaman ang umampon sa kanya edi sana hindi siya nagkakaganito ngayon. Sa tuwing wala silang iuuwing pera ni Tina ay nakakatikim sila sa matanda.

Naparaan siya sa isang maliit na karinderya, nasamyo ang bagong lutong menudo, kumalam ang sikmura niya. Nasilip niya ang wall clock sa loob noon, mag-aala-syete na rin pala. Kailangan niya nang makarating ng perya. Malamang ay kanina pa nag-aantay doon si Tina sa kanya. Ang layo niya pa mula sa peryahan sa kabilang barrangay. Anong oras na siya makararating kung sakaling maglakad man siya patungo roon. Isa pa ay nagsisimula na rin maipon ang makapal na ulap sa kalangitan tanda ng malakas na darating na ulan. Pagod na rin siya kaya nang makakita ng bisekleta ng isang kartero na nasa labas ng isang bahay ay sinakyan na niya.

"Pasensya na!" sigaw niya nang makitang humahabol ang kartero sa kanya, binilisan niya pa lalo ang pagpadyak.

Nanlalabo ang paningin ni Ruth dahil sa buhos ng malakas na ulan. Madulas ang kalsada kaya iilan na lang din ang sasakyan sa paligid. Hingal na hingal siya habang matiyagang pinapadyakan ang pedal ng bisekleta para makausad. Mahirap kasi sa parteng ito malapit sa tulay, pataas ang arko ng lupa.

Inaalala niya si Tina dahil gabi na. Hindi niya rin sigurado kung nag-aantay pa ba sa kanya si Tina sa peryahan. Oras na makatawid siya sa malaking tulay na iyon ay malapit na siya mula sa perya. Pinadyak pa niya ang pedal ng mas mabilis. Basang-basa na siya at nakakaradam na rin ng hilo, kung dahil ba sa gutom o pagod ay hindi niya alam.

Naningkit ang mga mata niya habang pilit na inaaninag ang bagay na papalapit sa kanya, mahamog kaya hindi niya malaman kung ano iyon. Nanlaki ang mata ni Ruth kasabay ng malakas na busina, nasilaw siya sa ilaw ng kasalubong na truck. Subalit higit pa roon, ang nagpatayo sa lahat ng balahibo niya sa katawan ay nang makita ang nagpapagulong-gulong na sasakyan na palapit sa kanya. Sa pagkataranta ay napahinto si Ruth. Gumewang ang unahang bahagi ng gulong ng bisekleta at nahirapang kumapit ang preno sa dulas ng kalsada.

Sa lakas ng pagkakabangga ng truck sa sasakyan ay lumipad ito sa ere pagtapos tumilapon sa lupa, nalampasan siya sa tiyak na kamatayan na dala noon. Pero hindi ng kasunod na malaking truck, wala na itong preno at tuloy tuloy siyang pumailalim. Nagkalat ang pera sa paligid maging ang mayamang dugo na umagos mula sa katawan ni Ruth kasabay ng malakas na buhos ng ulan.

Gusto niyang humingi ng tulong subalit hindi na niya magawa pang-ibuka ang bibig niya. Pilit na nilalabanan ang pagpikit ng dalawang mga mata.

"Mahal ng Diyos ang bawat isa sa atin." Hindi niya alam kung gaano kalayo ang simbahan para marinig pa niya ang misa ng pari mula sa loob.

Unti-unting nagkukulay dugo ang paningin niya, hindi na nito maigalaw ang buong katawan. Nilibot niya ang paningin upang humingi ng tulong subalit ang duguang kamay ng kung sino mang nasa loob ng nagpagulong-gulong na sasakyan lamang ang naabot ng tanaw niya. Tiyak niya rin, hindi na siya magtatagal pa.

Kung meron mang pinagsisisihan si Ruth ay ang mabuhay na lang at mamatay sa lugar na ito. Gusto niyang yumaman, maging malaya at takasan na ang lahat ng hindi magagandang alaalang binigay ng probinsiyang ito sa kanya.

Pero hindi niya alam kung bakit bigla na lang siyang dumating. Siya na dahilan kung bakit hanggang ngayon, piniling manatili ni Ruth sa lugar na ito at maghintay.

Kaugnay na kabanata

  • All The Things We Lost   Chapter 2

    "Baa baa black sheep, have you any wool? Yes sir, yes sir, three bags full." Tuwang-tuwa ang mga bata na sumasabay sa nursery rhyme na halos apat na beses kung ituro ni Ruth sa kanila sa loob ng isang linggo."Ma'am Ruth, nagugutom na po ako, tama na po 'yan." Hila ni Hannah sa skirt na suot niya. Napangiti siya sa bulol na tono ng bata, namumula ang pisngi at nakatulis na mga labi."Hannah, kakatapos lang ng break time," sabi niya. "Balik na sa upuan." Binuhat niya ito pabalik sa puwesto niya."O isa pa ulit," sambit niya sa mga bata kaya nagumpisa na naman ulit silang kumanta, kahit umay na umay na siya ay hindi siya nakakaramdam ng pagod. Ang liliit nila, ang kukulit at napakabibo. Hindi lubos maisip ni Ruth na pipiliin niya ang ganitong propesyon.Pagdating niya sa faculty matapos ma-dismissed ang klase ay napabagsak siya sa swivel chair, napasandal sa pagod."Ang mga bwisit na grade four na iyan, nagsisipag-akyatan na naman sa bakod para

    Huling Na-update : 2021-03-31
  • All The Things We Lost   Chapter 3

    "Hi babe," bati ni Erica sa kasintahan at akmang hahalik dito. Inilayo ng binata ang mukha niya, busy siya sa pagtitipa sa laptop. Ngumiti na lamang si Erica na tila hindi ito nangyari, wala naman ng bago sa ugali ng binata. Naupo siya sa couch."Why are you here? I'm busy," he said with his cold tone. Simula nang gumising ito sa coma, hindi na tulad ng dati kung pakitunguhan siya ng binata, at sa loob ng seven years ay nasanay na rin siya."Mag dinner tayo mamaya," sabi nito."I told you I'm busy.""How about tomorrow?" Hindi siya sumuko mapapayag lang ang binata. Subalit tulad ng inaasahan ay hindi siya nagtagumpay. "I have a meeting with Mr. Will tomorrow.""Then the day after tomorrow," kibit balikat niya. Napasintido ang binata at saglit na tinapunan ng tingin ang kasintahan. "I'm busy Erica, I'm always busy. I have my priorities, so please give me some peace, umalis ka na." Matapos ay muling itinuon ang pansin sa tinitipa.Kahit pa til

    Huling Na-update : 2021-03-31
  • All The Things We Lost   Chapter 4

    "L-Liam."Napahinto ang binata sa hindi malamang dahilan. Napalingon siya at agad na nagtama ang mga mata nila. Habang nanlaki ang mga mata ni Ruth, gusto man niyang tawagin ang binata ay hindi niya mahanap ang boses niya.Noong una ay nagdududa si Liam kung siya rin ba ang tinitignan ng babae mula sa loob. Hanggang sa mabilis na nakalayo ang tren. Napahakbang siya palapit at balak sana niya itong habulin subalit napahinto siya. Pinagmasdan ang sarili. Bakit naman niya ito hahabulin at sino naman ang babaeng iyon?Hindi niya namamalayan ang pagkakagulo ng mga babae dahil sa kanya. Ang iba ay kinukuhanan pa siya ng litrato at ang iba ay kilala siya dahil nafe-feature siya sa mga magazines bilang isang young successful entrepreneur."Hey Liam." Napabalik sa wisyo ang binata ng marinig ang pagpitik ng mga daliri ng kaibigang si Warren malapit sa mukha niya. Napabaling siya sa kaibigan na ngayon ay nakatayo sa harap ng desk niya."Ano nga

    Huling Na-update : 2021-03-31
  • All The Things We Lost   Chapter 5

    Napadilat si Ruth nang marinig ang malulutong na mura ni Ester sa ibaba, kakamot-kamot siya sa ulo dahil naabala ang mahimbing na pagtulog niya. Binalingan niya si Tina mula sa tabi niya, wala na ito. Mukang siya na naman ang pinag-iinitan ni Ester sa ibaba. Napasilip siya sa orasan, alas-singko pa lang ng umaga.Napabalikwas siya ng bangon nang maalala ang nangyari kagabi. "Nandito pa rin kaya siya?" tanong niya sa sarili saka sinipat ang paligid ng kuwarto, tahimik naman at walang nagalaw na gamit."Ang multo, laging nagtatago sa ..." Iniisip niya nasa cabinet madalas nakikita ang mga multo sa horror film, pero wala naman silang cabinet. Namilog ang mata niya nang may maalala sa napanood niyang nakakatakot na movie. Dahan-dahan na gumapang si Ruth at sinilip ang ilalim ng kama. Napangiti siya, mga lumang gamit lamang nila ang naroon, walang multo."Baka panaginip lang 'yong nangyari kagabi." Nakahinga siya ng maluwag, salamat nam

    Huling Na-update : 2021-03-31
  • All The Things We Lost   Chapter 6

    Nagmadaling bumaba sa sumunod na estasyon si Ruth. "Nakita na kita, nakita na kita." Paulit-ulit niyang binabanggit ang mga katagang iyon habang pababa ng estasyon.Hindi alintana ng dalaga ang panghihina ng mga tuhod niya, ang lakas ng tibok ng puso niya ay tulad nang panahong una silang magkita. Bumalik siya sa estayon kung saan niya nakita ang binata, umaasang masisilayan niya itong muli sa isa pang pagkakataon.Lumalim ang gabi, naubos ang palitan ng mga tao sa tren. Walang pagod siyang nagpaikot-ikot doon upang hindi makalampas sa panigin niya ang bawat taong ibababa at isasakay ng mga bagon.Ngunit walang Liam ang nagpakita, naabutan na siya nang pagsasara ng subway station, pinayuhan na siyang umuwi ng ilan sa mga guards na naroon na kanina pa siya pinagmamasdan.Mapait siyang napangiti habang pinagmamasdan ang tanawin mula sa loob ng taxi, hindi na rin niya namalayan ang ilang miss calls ni Tina sa kanya. Paulit-ulit na sinisisi niya ang sar

    Huling Na-update : 2021-03-31
  • All The Things We Lost   Chapter 7

    "Tina," mahinang tawag ni Ruth kay Tina mula sa bintana, nasa likod-bahay kase ito at nagbibilad ng mga panggatong na kahoy."Halika dito bilisan mo." Sumenyas siya na umakyat muna sandali si Tina, umalis siya pagkakadungaw sa bintana, sinikap niyang pagkasyahin ang sarili sa awang ng kama at inalis ang maliit na flywood na tumatakip sa maliit na butas.Maya maya ay rinig na niya ang mga yabag ni Tina papasok ng kuwarto, naupo ito kaharap ni Ruth."Tignan mo 'to." Inilabas niya ang babasaging alkansia sa harap ni Tina, mabigat-bigat narin pala iyon, halos nawala na sa isip ni Ruth na meron pala siyang naipong pera dahil sa anim na buwan siyang walang malay.Kumuha ang dalaga ng matigas na bagay saka ginamit iyon para basagin ang piggy bank, napangiti siya sa dami ng laman noon, kalimitan ay barya subalit marami ring di-papel na halaga."Hindi ko alam na may naiipon ka palang pera," usal ni Tina haban

    Huling Na-update : 2021-03-31
  • All The Things We Lost   Chapter 8

    Nakarating rin sa wakas si Ruth sa palengke at inuna nang bilhin ang mga nakasulat sa listahan, marami-rami rin iyon kaya ilang supot ng plastic ang hawak niya, lalong nakadagdag nang bigat ang mga bote ng suka at toyo sa isang plastic bag.May mangilan-ngilan na nakakakilala sa kanya, subalit imbis na pagbati ay pangungutya ang natanggap niya sa mga ito, ang ilan ay narinig niya subalit ang ilan ay nababasa sa mga mata pa lamang nila. Marahil ang iba sa kanila ay ang mga taong naloko niya.Hindi nya alam kung nasaan si Austin, pasulpot-sulpot lamang ito at nawawala rin kaagad. Napadaan sya noon sa tindahan ng mga damit, saglit na huminto upang ibaba ang mabibigat na dalahin.Isa yung kulay blue na dress ang suot ng isang realistic mannequin. Napakaganda ng pagkakadisenyo noon, sa unang tingin ay alam niyang hindi basta-basta lang ang ginamit na tela rito.Ilang minuto nya yung pinagmasdan, ine-imagine ang sarili habang suot iyon. Napangiti siya, para siy

    Huling Na-update : 2021-03-31
  • All The Things We Lost   Chapter 9

    Nagising si Ruth ng marinig ang matinis na tili ni Tina, kinusot niya ang mga mata at bumangon."Ang ingay mo," reklamo niya rito, tumalon si Tina papunta sa kama kaya nayanig iyon."Guess what?" sabi nito sabay ipinakita ang kamay niya, napatili siyang muli ng makita ang reaksyon ni Ruth sa singsing na nasa daliri niya."Nag-propose na sa'kin si Jake kahapon," masayang kuwento niya, hindi mapigilan ni Ruth ang mapangiti. Parang kailan lang noong makilala niya ang iyaking si Tina sa bahay-ampunan, ngayon ay ikakasal na ito, napakabilis ng panahon.Inayos na ni Ruth ang pagkain sa lamesa, habang hinihintay matapos mag-shower si Tina, naghanda narin sya ng kape para sa kanilang dalawa."Anong oras kita ihahatid sa terminal mamaya?" rinig niyang tanong ni Tina mula sa kuwarto. Hindi sya sumagot, maya-maya ay lumabas narin si Tina galing sa kuwarto na nakasuot ng bath robe at balot ng towel ang buhok, mamula-mula ang balat ni Tina dahil bagong shower i

    Huling Na-update : 2021-03-31

Pinakabagong kabanata

  • All The Things We Lost   Chapter 34

    Pagdating nila sa convenience store ay sumalubong kaagad ang kapalitan ni Ruth."Mauuna na ko Ruth, tapusin mo nalang ang pagsasalansan ng mga cigarettes, kaunti na lang naman," paalam nito sa kanya. Tumango naman ang dalaga bilang tugon, pumasok na siya sa counter saka inumpisahang tapusin ang mga naiwang gawain sa kanya.Nagdilim ang paligid, kalauna'y bumuhos ang ulan. Dahil doon ay nagpuputik ang sahig sa tuwing may papasok na customers. Matrabaho ang pag-mop ng sahig subalit wala naman siyang magagawa.Matapos niyang masuklian ang isang customer ay agad na nakuha ng atensyon niya ang mga pumasok ng store. Ni hindi nila nakuhang magpunas ng sapatos bagamat may basahan sa tapat ng pinto.Sina Levie at Harriet, ihinagis ang mga bag na dala sa upuan. Ang mga payong na dala nila ay hindi rin nila nakuhang ilagay ng maayos sa lagayan, basang-basa iy

  • All The Things We Lost   Chapter 33

    Walang kahit na sino sa mga guro ang umawat sa mga estudyante kung hindi ang mga malalapit lamang sa punong-guro. Ilang beses na sermon at pakiusapan ang nangyari bago napabalik sa classroom ang mga ito.Tinapos parin ni Mrs. Perez ang oras ng klase hanggang sa mag-uwian, inayos ni Ruth ang mga gamit niya sa lamesa, ito na nga ba talaga ang huling araw niya na papasok ng eskwelahan?Bago tuluyang lumabas sina Levie at Harriet ay iniwan siya ng nakakaasar na ngiti ng mga ito, sinasabi ng mga ngiting iyon na sila ang nanalo. Pinasya niyang hindi na sila pansinin pa, isinukbit niya ang bag sa likuran saka pinagmasdan ang mga libro na hawak.Tahimik siyang pinagmamasdan ni Reese, maging nina Jake at Tina. Ramdam niya naman iyon subalit hindi na lamang niya pinansin.Ang lahat ng nasa classroom ay sinundan siya ng tingin hanggang

  • All The Things We Lost   Chapter 32

    Napabuntong-hininga si Ruth habang pinagmamasdan sina Tina at Jake na mag-abot ng papel sa mga napapadaang estudyante sa quadrangle. Hawak niya lamang ang mga papel at hindi niya alam kung dapat pa bang ipamigay ang mga iyon.Lumapit sa kanya si Tina, "paubos na iyong akin, lahat nang abutan ko tinatanggap iyong papel," masayang balita nito sa kanya. Ngumiti na lamang siya bilang tugon."May problema ba?" tanong ni Tina sa kanya.Nag-iisip siya kung dapat niya bang sabihin ang nasa isip niya ngayon, ayaw niya namang putulin ang pag-asa na natitira sa kapatid."Huwag na nating subukan," sabi niya rito saka umiling. "Magsasayang lang kayo ng pagod, tama ka, kahit na anong gawin natin hindi nila tayo pakikinggan."Alam din naman ni Tina na may punto ang ang sinabi niy

  • All The Things We Lost   Chapter 31

    Tinatahak ni Ruth ang daan pauwi noon, malakas ang ulan subalit hindi niya iyon alintana. Ang mga tao ay kanya-kanyang silong sa mga saradong tindahan at naghihintay ng pagtila ng ulan. Ang ilan sa mga batang nakasilip sa bintana ng mga bahay nila ay sinusundan siya ng tingin, naiinggit sa kanya na isiping naliligo siya sa ulan.Nagpapasalamat si Ruth sapagkat walang nakakakita ng mga luha niya ngayon, naghahalong galit at awa sa sarili ang narararamdam niya. Palaging ipinamumuka sa kanya na wala siyang lugar para mangarap sapagkat mahirap lang siya.Napakabigat noon sa dibdib, napakasakit sa puso at literal sapagkat napahawak siya sa dibdib nang manikip iyon. Bago pa man siya magpatuloy sa paglalakad ay huminto ang isang pulang sasakyan malapit sa kanya, napahinto siya at napabaling doon.Bumaba ang salamin ng sasakyan, sumilip mula sa loob noon si Mrs. Perez.

  • All The Things We Lost   Chapter 30

    Sa loob ng opisina ng principal, naroon sina Ruth at Tina at ang ilan sa mga head teachers."Seventy eight," bilang ni Ruth, napapikit siya ng tumama ang stick sa palad niya sa ika pitumpu't walong beses. Kanina pa hindi matigil sa pag-iyak si Tina habang pinagmamasdan ang namumula at nagsusugat na palad ni Ruth."Ano bang mahirap sa paghingi ng tawad?" tanong ng guro saka inihataw sa palad niya ang patpat.Napakagat siya sa labi sabay bumilang, "seventy nine."Matapos siyang kausapin sa couceling, kung counseling nga bang maituturing kung walang ibang ipinayo ang guidance counselor kundi ang hikayatin si Ruth na humingi na lamang ng tawad kay Deserie. Tumanggi siya, hindi siya hihingi ng tawad para sa nagawa niya.Kaya naman ngayon ay ito ang sinapit niya, kapalit ng pagmamatigas. Hindi

  • All The Things We Lost   Chapter 29

    "I will turn you into a good person."Nagkakagulo ang lahat, subalit naroon siya, walang lakas na pinagmamasdan ang mga ito. Namanhid na ang mga sugat at mga kalmot niya sa katawa. Mapait siyang natawa, dahil doon ay mas lalong lumayo ang mga estudyanteng nakakakita sa kanya habang sinasabihan siyang nababaliw.Walang kahit isa sa kanila ang nagtanong at umusisa kung ayos lang ba siya, ang lahat ng simpatya ay sa taong naargabyado lamang ng oras na iyon at hindi ng kung sino ang totoong biktima.Hindi siya nagsisisi, kaya niyang gawin ang mas higit pa roon para kay Tina.Alam niyang malulungkot si Austin na makita siyang ganito, subalit nais din niyang makita ni Austin na ito ang dahilan kung bakit iniisip niyang hindi dapat mahalin ang mga katulad nila. Iniwan si Deserie ng mga kaibigan niya dahil sa takot na madamay, iniwan

  • All The Things We Lost   Chapter 28

    Habang pauwi galing sa palengke ng umaga ding iyon ay walang tigil si Tina sa kakakuwento habang ipinapakita ang larawan nila ni Jake kay Ruth."Ano sa tingin mo, magkakatuluyan ba kami?" tanong ni Tina.Natatawa itong tinapunan ng tingin ni Ruth, bitbit niya ang mga supot ng mga pinamili nila para sa tindahan ni Ester. Masakit na nga ang balikat niya dahil sa bigat ng mga iyon, pinagpapalit-palit niya nalang kung minsan ang hawak ng dalawa niyang kamay."Gusto mo talaga siya?" pabalik niyang tanong.Napangiti si Tina saka tumango bilang tugon, "anong tingin mo sa kanya?" Tina."Mayaman si Jake, maraming pera ang pamilya niya. Kaya sige payag ako," sagot niya rito.Napanguso naman si Tina dahil sa sinabi niya, "paano kung mahirap lang

  • All The Things We Lost   Chapter 27

    "Happy birthday," bati nina Jake at Tina kay Ruth, kasabay nilang lumabas ang maraming estudyante matapos ang klase, palubog na ang araw ng oras na iyon."Alam mo sabi bukas na yung perya sa kabilang bayan, punta tayo mamaya libre ko. Iyon nalang gift ko sayo," aya ni Jake.Napangiti si Tina, tila na excited ito sa narinig at bumaling sa kanya."May gagawin ba tayo mamaya?" tanong nito sa kanya. Nag-aalangan naman siyang tinignan ni Ruth, mukhang natutuwa talaga ito na makasama si Jake at makapag-enjoy man lang."Silence means yes, pupuntahan ko kayo sa bahay niyo mamaya," ani ni Jake na napapilantik pa ng daliri, matapos ay tumakbo na palapit ng sasakyan.Sinundan siya ng tingin ng dalawa, gusto sanang bawiin iyon ni Ruth. Nag-fefeeling close nanaman kasi si Jake.

  • All The Things We Lost   Chapter 26

    Napabuntong hinunga si Ruth, pinagmasdan niya ang kabuuan ng mukha ng binata."Nasisiraan na ata talaga ako ng ulo," wika niya. Magsasalita sana ito subalit naunahan na siya ng dalaga."Bakit ba... hindi parin kita makalimutan?" tanong ni Ruth sa sarili habang pinagmamasdan ang imahe ng binata.Kumunot ang noo si Austin, para bang nagtatanong lamang siya sa sarili niya. Mabilis na umalis sa lugar na iyon si Ruth, hindi na niya naisabay si Tina sa pag-uwi.Madalas siyang maloko ng isipa, hindi na niya minsan alam kung ano pa ang totoo sa hindi. Pumasok siya ng bahay at hindi inabalang makiusyoso sa pakikipagsagutan ni Ester sa kapitbahay nila. Umakyat siya ng kuwarto at pagbukas pa lamang niya ng pinto ay bumungad sa kanya roon si Austin."Ang sabi ko miss na kita," anito.

I-scan ang code para mabasa sa App
DMCA.com Protection Status