Dasha's Point Of View.Napatakip ako ng aking bibig, gulat sa narinig. Wala akong pakialam kung nakikita na ng pulis na kasama ko ngayon ang luha sa aking mga mata. Ang tanging nasa isip ko ay ang sinabi ng mga suspect.Totoo ba ang sinasabi nila? . . . Kung totoo nga, niligtas ni Samuel ang buhay ko.Mas lalo akong napaiyak noong maisip iyon, nakita ko ang paglingon ni Elias sa gawi ko na para bang nakikita niya ako at alam niyang umiiyak ako. Hindi niya ako nakikita dahil sa materials ng kwarto kung nasaan ako, pero sila, naririnig at nakikita ko sila.Napakagat ako sa ibabang labi ng lumabas siya ng kwarto, ilang segundo ang lumipas ay narinig ko ang pagbukas ng pintuan. Lumabas ang pulis at pumasok si Elias."T-Totoo ba ang sinasabi nila?" naiiyak kong saad at nang tumango siya ay mas lalong lumakas ang pag-iyak ko.Napayuko na lamang ako, hindi alam ang dapat na gawin. "H-Hindi ko alam ang dapat kong maramdaman," sambit ko.Narinig ko ang paglalakad niya papalapit sa akin, nakita
Dasha's Point Of View."P-Pwede pa rin akong magalit sa kaniya at magpasalamat sa paglitas niya sa akin?" tanong ko at ngumiti siya sa akin bago tumango."Of course, hindi mo kailangang mabuhay na may guilt at galit sa puso mo. Ngayon, maaring ramdma mo pa rin ang mga sinabi ko pero maniwala ka sa akin. . . Time heals, Dasha."Natapos ang session namin at ramdam ko ang paginhawa ng aking pakiramdam, mukhang tama si Elias na magaling na itong Doctor. Sinabi ko rin kay Dra. Rihana ang tungkol sa ginawa kong pananakit sa aking sarili dahil. . . noong mga panahong iyon, gusto ko na lang sumuko. Binigyan niya ako ng isang daang dahilan upang magpatuloy, noong sinabi niya pa lang ang pangalan ni Dawn napaiyak na kaagad ako.Bakit ba kasi hindi ko iyon naisip? Pero tulad nga ng sabi ni Dra. Rihana, imbes na sisihin ko ang aking sarili. Patawarin ko na lamang ang aking sarili at mangakong hinding-hindi na ulit iyon gagawin.Nang makalabas ako ng kuwartong iyon ay mabilis akong nagulat ng mak
Dasha's Point Of View.Tahimik lang ang mga sumunod na araw, na nakakapanibago. Siguro dahil hindi ko hinahawakan ang aking cellphone para magbukas ng social media, hindi rin ako nanonood ng TV kaya wala akong balita sa paligid ko.Hindi ko rin alam kung buhay pa rin ba ang issue ko. Ayokong nang malaman, isipin nila ang gusto nilang isipin. Palagi namang manghuhusga ang mga tao, kaya bakit ko pa ipagtatanggol ang sarili ko?Basta, alam ko sa aking sarili na inosente ako at ako ang biktima ng kuwento.Sumilip ako sa crib at nakitang mahimbing pa naman ang tulog ni Dawn kaya nagsuot ako ng jacket at lumabas ng kuwarto."Lola, magjojogging lang po ako, dito lang sa subdivision," paalam ko pagkapasok ng kaniyang kwarto. Wala si Papa dahil maaga siyang pumasok sa kompanya.Lumingon siya sa akin, may binabasa siyang kung ano sa kaniyang laptop. "Jogging? Ayos lang naman sa akin pero nag-alala ako sa kaligtasan mo."Ngumiti naman ako ng marinig iyon. "Hindi ba't sinabi mo po sa aking nagreq
Dasha's Point Of View.Hindi mawala sa aking isipan ang sandaling pag-uuasap namin ni Bianca, ewan ko ba. Hindi naman big deal, pero malaki pa rin ang impact sa akin. Hindi naman talaga ako naiinis sa kaniya noon, nahihiya pa nga ako dahil ako ang naging dahilan bakit naghiwalay silang dalawa ni Elias noon.Pero noong muli siyang bumalik, kahit hindi ko man malaman ang dahilan, naiinis na ako sa kaniya. Mukha siyang anghel, pero pakiramdam ko, hindi siya kumikilos ng ganoon."Dasha, Atty. Macini inviting us on his birthday this coming monday," wika ni Lola habang kumakain kami ng dinner, napahinto naman ako sa pagkuha ng tubig dahil sa narinig.Birthday ni Elias? Saka ko napagtantong totoo ang kaniyang sinabi ng maalala ko kung anong araw ang monday. Muntikan ko nang makalimutan."Saan daw po gaganapin?""Hotel Grande Aziop."Mabuti naman at hindi sa mansyon niya pero mukhang hindi ako pupunta. "A-Ayoko pong pumunta," sambit ko at nakita ko ang pagtango ni Papa."Ayos lang, naiintindi
Dasha's Point Of View."Excuse me, what did you say miss?" Napakunot ang aking noo ng magsalita si Elias. . . Teka si Elias ba siya? Magkaiba sila ng boses pero magkamukha sila."What did you call me?" tanong niya pa habang nakatingin sa akin na mukhang hindi niya nga talaga ako kilala.Nilingon ko si Hazel ng marinig ko ang mahina niyang pagtawa."Hindi po si Sir Elias 'yan, Ma'am. Siya po si Sir Jazz Morales. Ang bagong investor ng kompanya."Jazz Morales?"What are you talking about?" nagtatakang tanong noong Jazz kaya naman nilingon siya ni Hazel."Pasensya na, Sir. Napagkamalan po kayo ni Ma'am na Si Sir Elias dahil siguro parehas kayong kulay abo ang mga mata."Napatango ako sa sinabi ni Hazel. "S-Sorry, akala ko kakilala kita," paghingi ko ng paumanhin at bigla naman siyang ngumiti na nagpatunay sa akin na hindi nga siya si Elias dahil hindi naman pala ngiti ang lalaking iyon."It's okay, no problem with that," sagot niya at tumango na lamang ako. Nang mag-umpisa ang meeting a
Dasha's Point Of View.Mukha namang napaniwala ko si Elias sa rason kong iyon. Saglit lang naman ang naging pag-uusap namin dahil kaagad niya ring binaba ang tawag.Alam kaya ni Bianca ang ginagawa ni Elias na pagtawag sa akin? Siguro hindi. . . Dahil kung oo, hindi niya na sana ako tinatawagan. Ang isa pang pinagtataka ko ay kung bakit may pakialam na siya kay Dawn ngayon?Parang dati sinasabi niyang ipalaglag ko si Dawn, na wala siyang pakialam dito. Tapos ngayon ganito? Hindi pa naman kami nakakapag-usap tungkol sa nangyari noon, hindi ko rin alam kung handa ba akong pag-usapan iyon.Kinabukasan ay bumisita sa akin si Angela, nakakatuwang magaling na talaga siya dahil pati ang kakulitan niya ay bumalik."Magmall na kasi tayo, ang tagal-tagal na ng huli nating gala," pamimilit niya, nasa kaniyang bisig si Dawn at tahimik lang na naglalaro ng stuffed toy na dala-dala ni Angela."Hindi nga puwede," pagtanggi ko. "Alam mo naman ang sitwasyon ko, hindi ba?""Nakalabas ka na naman nang m
Dasha's Point Of View."Jazz?" wika ko, nakasuot siya ng isang itim na polo at pants. Lumawak ang ngiti niya. "Don't tell me you thought I'm Elias again?"Hindi ako nagsalita kaya natawa siya. Don't tell me raw eh."Sabi ko na nga ba," dagdag pa niya at napakamot naman ako sa aking ulo."Sorry, sa susunod hindi na," sambit ko at napailang naman siya habang nangingiti, bumaba ang tingin ko sa hawak ng kaniyang kamay. Isa iyong panlalaking damit na pambata. "P-Para sa anak mo?" tanong ko at tinuro pa iyon.Napatingin naman siya roon at inangat pa para makita ko. "Yeah..." sagot niya ngunit hindi nakatakas sa pandinig ko ang lungkot sa kaniyang boses. "He's now four years old. . . sana."Nanlaki ang aking mga mata. "Sana?" gulat kong sabi at malungkot siyang ngumiti sa akin."He died because of infection in blood when he was 5 months old."Nakita ko ang paghigpit ng hawak niya sa damit, kitang-kita ko ang lungkot sa kaniyang mga mata."Pasensya na, hindi na lang sana ako nagtanong," kaa
Dasha's Point Of View.Kahit umiwas na ako ng tingin kay Elias ay ramdam ko pa rin ang tingin niya sa akin.Narinig ko ang pagtikhim ni Papa kaya lumingon ako sa kaniya, nakita ko siyang nakatingin kay Jazz. "Sandali lang naman ang magiging pag-uusap namin ni Atty. Macini, pwede bang dumiretso na lang kayo sa conference room?" sabi niya.Ngumiti si Jazz bago tumango. "Sure, no problem," tumingin siya sa akin. "Let's go, Dasha."Ngumiti ako pabalik, bago kami tuluyang umalis ay napatingin ako kay Elias ngunit madilim lang siyang nakatingin kay Jazz. Ano na namang problema niya?"Wow, totoo nga ang sinasabi ng mga taong intimidating siya," sambit niya sa gitna ng aming paglalakad. Natawa naman ako bago tumango bilang pagsang-ayon."Diba? Kamukha mo siya?""I don't think so... Hindi ko nakikita, pero parehas kami ng mga mata.""Basta para sa akin magkamukha kayong dalawa," sabi ko. "Kaso siya masungit at parang yelo, ikaw naman masayahin at palangiti.""Baka masiyahin din iyon, hindi niy
Elias's Point Of View.Napalingon naman kaagad ako kay Jazz at napansing nakaawang ang labi niya habang nakatingin kay Ethan, kapansin-pansin din ang pamumula ng kaniyang mga mata dahil sa pag-iyak."Daddy," narinig kong pagtawag ulit sa akin ni Ethan kaya naman lumingon ako sa kaniya at malakas na napabuntong hininga. Naglakad siya papunta sa akin at tinignan ako. "Did you cry, Dad?" tanong niya ng makalapit, siguro'y napansin ang pamumula ng mga mata ko.Yumuko ako at binuhat siya pinaupo sa sofa. "N-No, hindi naman mahilig umiyak si Dad, hindi ba?" sabi ko at ngumiti, nakita ko naman ang pagngiti niya at ang bahagyang pagsilip kay Jazz na ngayon ay nakatulala lang."Who is he, Daddy?" tanong sa akin ni Ethan ngunit nanatili naman ang tingin ko kay Jazz, hinahanap ang permission na sabihin na sa bata ang totoo at mukha namang naintindihan niya ang pinaparating ko dahil tumango siya.Malakas akong bumuntong hininga bago muling kausapin si Ethan. "Ethan... Look at me," pagtawag ko sa
Elias's Point Of View.Hindi ako nagsalita at maging siya, pero parehas kaming umiiyak—ako tahimik lang ngunit siya ay malakas na para bang nilalabas niya na lahat ng sakit na nararamdaman niya sa pamamagitan ng pag-iyak.It hurts seeing him like this. Lalo na dahil alam kong hindi naman siya ganito, kahit maikling panahon ko pa lang siya nakikila at nakakasama, alam kong ayaw niyang magpakita ng kahinaan sa mga tao. Kaya nga palagi siyang masaya—iyong parang walang problema, iyong parang hindi siniseryoso ang lahat ng mga bagay. Pero ang totoo, alam kong tinatago niya lang ang pagiging mahina niya sa pamamagitan ng pagiging pagiging mapagbiro niya.Kung hindi niya pa nga na kuwento sa aking namatayan siya ng anak, hindi ko iisipin na mayroon siyang problema o nakakaramdam siya ng problema na parang tanga lang dahil alam ko naman sa sarili ko walang tao sa mundo ang hindi man lang nakakaramdam ng lungkot.At ngayon, pakiramdam ko ay dobleng sakit ang nararamdaman niya dahil sa nalaman
Dasha's Point Of View.Kamusta na kaya si Elias?Hindi ko alam ang dahilan kung bakit hindi ako makatulog nang maayos kagabi at tanging nasa isip ko lang ay si Elias, hindi ko alam kung ano bang dahilan pero hindi ko maiwasang isipin kung kamusta na ba siya."Paano kung pinakasalan niya na iyong babae niya?" tanong ko kay Benjamin, mukha akong ate na nagrereklamo sa kaniyang kapatid. Wala akong nagawa kundi ang ikuwento sa kaniya ang sitwasyon namin ni Elias dahil para hindi naman siya clueless, tanghalian na namin ngayon at matagal-tagal na rin noong hindi ko nakakasama sina Mama pero nakakatuwang magkakasama pa rin silang kumain, kapag nagtatanim naman kami ay nagkakausap pa rin naman kaming lahat, at sa tuwing nangyayari iyon ay napapatunayan kong siya nga talaga si Mama."Alam mo sa sarili mong hindi mangyayari iyan," sagot niya naman at parang bored na bored siya.Naningkit naman ang mga mata ko habang nakatingin sa kaniya. "Hindi mo pa siguro nararanasang magkagusto sa babae 'no
Elias's Point Of View.Hindi ako nakagalaw pagkatapos marinig iyon, tinignan kong mabuti ang mukha niya kung nagbibiro ba siya pero wala akong ibang makita sa mga mata niya kundi ang sakit at lungkot."You're... You're what?" halos pabulong kong saad, hindi ko alam kung narinig ko bang mabuti ang kaniyang sinabi."I'm infertile! Wala akong kakayahang magkaanak, hindi mo ba naiintindihan ang mga sinasabi ko? I'm fucking infertile and I hate myself because of that!" malakas niyang sigaw sa akin, mabilis ang paghinga niya at parang kinakapos na, hinahayaan niya lang din na tumulo ang mga luha sa kaniyang mga mata na para bang nasasaktan talaga siya."So... Parehas nating hindi anak si Ethan?" seryosong tanong ko at noong makita ko ang isang beses niyang pagtango ay parang naramdaman kong nawasak ang puso ko, napayuko na lamang ako at hindi kaagad nakapagsalita. Hindi ko alam kung paano irerehistro sa isipan ko ang nalaman, buong puso kong minahal si Ethan bilang anak ko at ngayong malal
Elias's Point Of View."What the fuck are you saying?!" malakas kong sigaw pagkabukas ko ng pintuan, narinig ko ang pagtili niya na parang nagulat siya sa biglang pagpasok ko. Nakita ko pang nahulog ang cellphone niya sa gulat ngunit hindi niya iyon dinampot dahil nakatingin lang siya sa akin, gulat na gulat na para bang nakakita siya ng isang multo.Nakita ko ang panginginig ng kaniyang mga kamay. "E-Elias... Nakauwi ka na pala. Kumain ka na ba? B-Baka nagugutom ka... Ipagluluto kita," wika niya.Marahas akong umilang bago naglakad papalapit sa kaniya. "Narinig ko ang sinabi mo sa kausap mo... What the fuck, Bianca. Anong ibig sabihin mong sabihin?" mariin kong sabi, pinipilit kong hindi sumabog sa galit kahit na gustong-gusto ko na siyang sigawan ngayon.Nabasa ko ang takot sa kaniyang mga mata pero umilang siya sa akin at nagawa pang ngumiti. "I-I don't know what you're talking about, Elias... Baka pagod ka lang, kulang ka sa tulog, hindi ba?" napalunok siya. "Sa tingin ko dapat a
Dasha's Point Of View.Halos hindi na ako makapaghintay na malaman kung ano ang sasabihin sa akin ni Benjamin, ilang beses ko siyang sinenyasan habang nagtatanim kami ngunit hindi naman niya ako pinansin kaya sumuko na lang ako at naghintay na sumapit ang tanghalian para makausap siya."Oh ano na? Sabihin mo na sa akin, hindi na ako makapaghintay," saad ko at umupo sa lamesa kung saan siya kumakain, kahit nagugutom na ako ay hindi ko iyon pinapansin dahil sabik na sabik na akong malaman kung paano makakakaalis sa lugar na ito. "Pwede naman kasing sabihin mo sa akin kagabi, napakaarte mo. Hindi na nga ako makatulog kagabi dahil sa kakaisip doon."Narinig ko ang malakas niyang pagbuntong hininga na para bang nauubusan na siya ng pasensya, magsasalita na sana ako pero naunahan niya ako."Nalaman kong magkakaroon ng maintenance ang mga CCTV cameras ngayong linggo," seryosong bulong niya at natigilan naman ako sa narinig. "At makakasama sa maintenance iyong mga mga CCTV na nasa labas, kaya
Dasha's Point Of View."Anong meron sa inyo ng nagbabantay sa atin? Bakit palagi kayong magkasama?" tanong sa akin bigla ni Emma habang kinukuha namin ang mga hinog na kamatis at nilalagay sa isang basket, nakita ko ang pagsilay ng kaniyang nanunuksong ngisi. "Gusto niyo ba ang isa't isa?"Parang gusto kong itapon sa kaniya ang hawak kong kamatis ngayon dahil sa narinig. "A-Anong sinasabi mo?" hindi makapaniwalang ani ko. "Mas matanda ako roon! Para na ngang kapatid ko lang siya, nakakadiri naman. Paano mo iyan naisip?" dagdag ko, nanatili ang kunot sa noo.Nakita ko naman ang pag-awang sa kaniyang labi na para bang hindi siya makapaniwala sa sinabi ko. "Mas matanda siya sa'yo?""Oo ah, malapit na ako magtrenta," sabi ko. "23 pa lang siya, bakit? Ikaw ba ilang taon ka na?"Nakita kong parang naguluhan siya. "Ilang taon na ba ako? Hindi ko alam... Sa tingin mo ilang taon na ako?"Hindi ko maiwasang makaramdam ng awa sa kaniya habang nakatingin sa akin na para bang alam ko ang sagot sa
Dasha's Point Of View."Paano ka nga pala napasok sa ganitong trabaho?" tanong ko sa kaniya, isang tanghali at nandito ulit kami sa canteen habang kumakain. Sa ilang araw na lumilipas ay wala pa naman akong napapansin na dahilan para hindi siya pagkatiwalaan.Mabait naman siya, ayaw niya lang iyong ipakita sa akin pero nararamdaman ko sa kaniyang pananalita na ayaw niya ring pinapahirapan ang mga taong nandito.Nakita ko naman ang pag-iwas niya ng tingin sa akin kaya muli akong nagsalita, naiintindihan ang kaniyang naging reaksyon."Ayos lang naman kahit hindi mo sagutin," sabi ko at bumuntong hininga bago simulang kumain, siguro ay nagtataka na iyon sina Emma kung bakit sa lamesa ako ni Benjamin kumakain pero kailangan kong makuha ang tiwala niya.Nanahimik kami pagkatapos noon kaya naman hindi na ako nag-abala pang magsalita at nagpokus na lamang sa pagkain. Kahit yata sawang-sawa na ako sa prinitong isdang, wala pa rin akong magawa kundi ang kainin ito. Naiinggit tuloy ako sa tuwin
Dasha's Point Of View.Nakita ko na mas lalong kumunot ang noo niya dahil sa narinig. "Tumakas? Tatakas ka? At bakit naman kita hahayaang gawin niyo?" seryosong ani niya.Bumuntong hininga naman ako. "Tatakas ako, pagkatapos ay sasabihin ko sa awtoridad ang mga kalokohang ginagawa ni Selena," sagot ko ngunit nanatiling hindi pa rin siya kombinsido."Sinabi ko na kanina, hindi ba? Hinding-hindi ka makakatakas sa lugar na 'to. Hindi mo matatakasan si Dr. Reyes," giit niya."May plano ako, pero hindi ko magagawa iyon ng walang tulong ng kahit kanino," sabi ko. "Kapag nakalabas na ako, makakalaya na lahat ng nandito. Diba ang sabi mo ay naawa ka sa mga taong iyon? Kaya tulungan mo akong makalabas at mapakulong si Selena at lahat ng taong kasama niya."Nanahimik siya sandali, sa tingin ko'y iniisip nang mabuti ang mga pinagsasabi ko. "Ipapakulong mo si Selena at ang mga kasabwat niya? Bakit ako papayag sa plano mong tumakas kung may posibilidad na makulong ako dahil nagtatrabaho ako sa kan