Share

Kabanata 36

Author: GreenRian22
last update Huling Na-update: 2024-12-17 20:34:37

Dasha's Point Of View.

Napatakip ako ng aking bibig, gulat sa narinig. Wala akong pakialam kung nakikita na ng pulis na kasama ko ngayon ang luha sa aking mga mata. Ang tanging nasa isip ko ay ang sinabi ng mga suspect.

Totoo ba ang sinasabi nila? . . . Kung totoo nga, niligtas ni Samuel ang buhay ko.

Mas lalo akong napaiyak noong maisip iyon, nakita ko ang paglingon ni Elias sa gawi ko na para bang nakikita niya ako at alam niyang umiiyak ako. Hindi niya ako nakikita dahil sa materials ng kwarto kung nasaan ako, pero sila, naririnig at nakikita ko sila.

Napakagat ako sa ibabang labi ng lumabas siya ng kwarto, ilang segundo ang lumipas ay narinig ko ang pagbukas ng pintuan. Lumabas ang pulis at pumasok si Elias.

"T-Totoo ba ang sinasabi nila?" naiiyak kong saad at nang tumango siya ay mas lalong lumakas ang pag-iyak ko.

Napayuko na lamang ako, hindi alam ang dapat na gawin. "H-Hindi ko alam ang dapat kong maramdaman," sambit ko.

Narinig ko ang paglalakad niya papalapit sa akin, nakita
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

  • After Divorce : Marrying My First Husband Again   Kabanata 1

    Dasha's Point Of View.Napatingin ako sa orasan at malakas na napabuga ng hangin dahil malalim na ang gabi ngunit hindi pa rin umuuwi ang aking asawa, bakit wala ba siya? Nag-overtime na naman ba siya sa kaniyang trabaho?O sadyang ayaw niya lang talagang umuwi dahil katulad ng palagi niyang sinasabi, ayaw niya 'kong makasama?Kinuha ko ang aking cellphone para tingnan kung may text ba sa akin si Elias ngunit nabigo ako ng makitang wala man lang siyang sinabi kung uuwi ba siya ngayong gabi o hindi. Palagi naman siyang ganito, bakit ba hindi pa rin ako sanay?"Hindi ka ba inaantok, Ma'am Dasha? Mukhang hindi uuwi si Sir Elias ngayong gabi."Napalingon ako sa nagsalita at nakita si Manang Nina na mukhang naalimpungatan at naabutan ako rito sa sala. Hindi niya na kailangang magtanong pa kung anong ginagawa ko dahil alam ng lahat na palagi ko siyang hinihintay na umuwi.Ngumiti ako bago umilang. "Ayos lang po, hindi rin ako makatulog," kaswal na sagot ko. Hindi ito katulad ng ibang gabi n

    Huling Na-update : 2024-11-25
  • After Divorce : Marrying My First Husband Again   Kabanata 2

    Dasha's Point Of View.Hindi ako kumain buong araw kahit pa pinipilit ako ni Manang, wala akong gana sa lahat ng bagay. Hindi ko pa rin pinipirmahan ang divorcement paper na binigay ni Elias, naiinis ako sa sarili ko dahil pagkatapos ng lahat ng masasakit na salitang binitawan niya sa akin ay ang pagmamahal ko pa rin para sa kaniya ang nangingibabaw."Ipasok na kaya kita sa kombento, Dasha? Nasobrahan ka na sa pagiging martyr!" narinig kong saad ni Angela, ang matalik kong kabigan, sa kabilang linya. "Ang tagal tagal ko ng sinasabi sa'yong iwan mo na 'yang lalaki na 'yan, hindi ka naman nakikinig. Tignan mo tuloy ang nangyari ngayon, anong plano mo sa bata?"Malakas akong napabuntong hininga bago sumagot. "Kaya ko naman siguro maging single mother, hindi ba?" pagbibiro ko kahit na mabigat pa rin sa aking dibdib ang isipin na lalaki ang aking anak na walang ama."Alam kong kaya mo, hindi mo kailangan ng tulong ni Elias. Ikaw nga hindi niya mapakitaan ng pagmamahal, iyong anak mo pa ka

    Huling Na-update : 2024-11-25
  • After Divorce : Marrying My First Husband Again   Kabanata 3

    Dasha's Point Of View."Are you really sure that she's okay, Doc?" narinig kong tanong ng isang pamilyar na boses."Yes, Samuel. Mabuti na lang talaga at nadala mo siya kaagad dito. . ."Nang marinig ko ang pangalan na iyon ay mabilis akong napadilat. Napaawang ang aking labi ng makita ko si Samuel, ang una kong naging asawa na nakatayo sa harapan ng hospital bed na hinihigaan ko at may kausap na Doctor."A-anong ginagawa mo rito?" nanghihinang tanong ko dahilan upang mapalingon sila sa akin, mabilis akong nilapitan ni Samuel."Are you okay? May masakit ba sa'yo, Dasha?" sunod-sunod niyang tanong, sinubukan kong tumayo at kaagad niya namang hinawakan ang likod ko upang tulungan ako. Napatingin ako sa kabuoan ng aking katawan, ang dami kong bandage sa braso at binti ko. Naramdaman ko ang matinding kaba sa puso ko ng may bigla akong maalala"A-Ang baby ko. . .Kamusta ang baby ko?" kinakabahang tanong ko ngunit mabilis iyong nawala noong ngumiti ang Doctor sa akin."Wala kang dapat ipag

    Huling Na-update : 2024-11-26
  • After Divorce : Marrying My First Husband Again   Kabanata 4

    Dasha's Point Of View.Namatay si Mama dahil sa sakit sa puso, ilang taon niya na ring iniinda iyon ngunit masyado kaming mahirap para bilhin lahat ng gamot na kailangan niya. Naalala ko noon, palagi niyang sinasabi sa akin na mag-asawa ako ng mayaman. Alam niya kasing hindi niya ako mapagtatapos ng pag-aaral.Kaya siguro isang golddigger ang palaging tinatawag sa akin ni Elias, dahil sa tingin niya ay pera lang ang habol ko sa kaniya. Kahit ilang beses kong sabihin na mahal ko siya, hindi niya iyon pinaniniwalaan.Alam kong kaya palaging sinasabi sa akin ni Mama na mag-asawa ako ng mayaman ay dahil isang walang kwentang lalaki ang napang-asawa niya. Iniwan ni Papa si Mama noong nalaman niyang buntis ito, hindi pa raw kasi handang magpamilya.Nakakatawang isipin na parehas kami ng landas na tinatahak ni Mama. . . "Mama, magkakaroon ka na ng apo," bulong ko sa libingin niya habang hawak-hawak ko ang tiyan kong may kalakihan na. 7 months na akong buntis at ilang buwan na lang ang hihin

    Huling Na-update : 2024-11-26
  • After Divorce : Marrying My First Husband Again   Kabanata 5

    Dasha's Point Of View.Sa mismong kasal namin ay nandoon si Angela at ang mga magulang ni Samuel, ang sakit isiping kailangan niyang magsinungaling na anak niya ang batang nasa sinapupunan ko.Noong una ay nagtatampo sina Tita Selena at Tito Simon noong nalaman nila iyon dahil bakit daw malapit na akong manganak saka lang namin sinabi. Pero mas nangingibabaw sa kanila ang tuwa dahil magkakaroon na sila ng apo."Kinakabahan ako," bulong ko kay Angela, nandito kami sa loob ng isang kwarto at naghahanda, isang oras bago magsimula ang kasal. Maraming tao ang invited, mula sa mga kaibigan ni Samuel hanggang sa mga business partner ng kanilang pamilya. Noong una ayoko sana pero nagpumilit sina Tita Selena at Tito Simon."Pangatlong beses mo ng kasal 'to, kinakabahan ka pa rin?" natatawang sagot ng matalik kong kaibigan pero hindi naman iyon ang bagay na kinababahala ko."Pakiramdam ko kasi niloloko namin sina Tita Selena," tugon ko. "Hindi nga ako makapaniwalang naniwala silang matagal na k

    Huling Na-update : 2024-11-26
  • After Divorce : Marrying My First Husband Again   Kabanata 6

    Elias's Point Of View.I never thought I would become an attorney, noong bata pa lang ako hindi ko alam kung ano ba talaga ang gusto ko sa buhay. Everyone pressured me to be like this, to be like that, I need to be like that person, everyone around me made me feel like I have to be better than everyone. Sinabi pa nilang huwag akong maging cause ng disappointment dahil walang Macini ang nabubuhay sa mundo na isang failure.But my Mom, she never made me feel that I have to be someone far from who I am.Kaya noong nawala siya, matindi ang naging galit ko sa mundo. She is the only person who understands me, so why did the world take her from me? Ang akala pa ng mga tao ay namatay siya dahil sa kaniyang allergy, pero hindi nila alam ang totoong nangyari na kaya siya namatay ay dahil may pumatay sa kaniya.It's a murder case. . .Ang sakit isiping isa akong tanyag at successful na attorney pero hindi ko magawang hanapin at ipakulong ang pumatay sa Mom ko. I have been successful in many case

    Huling Na-update : 2024-11-29
  • After Divorce : Marrying My First Husband Again   Kabanata 7

    Dasha's Point Of View.Nanginginig ang mga kamay ko habang naglalakad palabas ng banyo, hawak ko sa aking kanang kamay ang pregnancy test. Kakatapos ko lang ito gamitin, paglabas ko ay naabutan ko si Samuel na nakaupo sa aking kama at hinihintay ako.Nang makita niya ako ay mabilis siyang tumayo, bakas sa mukha niya ang kaba. "Is it positive? Are you pregnant, Dasha?" kaagad niyang tanong, may ngiti pa sa kaniyang labi.Yumuko ako at napailang, "N-Negative pa rin, Samuel," kinakabahang saad ko, wala akong narinig na sagot mula sa kaniya kaya nag-angat ako ng tingin. Nakita ko siyang seryosong nakatulala sa akin, wala na ring ngiti sa kaniyang labi."This is fvcking impossible! Siniguro kong mabubuntis ka na, baka hindi lang maayos ang paggamit mo?" seryosong wika niya at muli akong umilang."Dalawang beses akong gumamit ng pregnancy test at parehas na negative ang lumabas," paliwanag ko, malakas siyang bumuntong hininga, halata na ang galit sa kaniyang mukha."Damn it! Ilang buwan na

    Huling Na-update : 2024-11-29
  • After Divorce : Marrying My First Husband Again   Kabanata 8

    Dasha's Point Of View."Ilang buwan ka niya ng sinasaktan?" tanong ni Angela sa akin, nakaupo kami sa aking kama at hawak niya ang aking mga kamay. Ramdam ko ang galit at pag-aalala sa kaniyang boses, maging ang kaniyang mga mata ay namumula ngunit alam kong pinipigilan niyang umiyak."I-Isang buwan pagkatapos naming lumipat dito, napapansin ko ang pagbabago ni Samuel," nakayukong sagot ko, naramdaman kong parang may kung anong bumabara sa aking lalamunan. "Madalas siyang lasing kapag umuuwi siya rito, nagbabasag din siya ng gamit at s-sinasaktan ako," dagdag ko kasabay ng paglabas ng aking mga luha.Naramdaman kong humigpit ang kapit ni Angela sa mga kamay ko. "Kaya ba palagi kang nakasuot ng jacket sa tuwing dumadalaw ako rito?" seryosong tanong niya at tumango naman ako. "Kung hindi pa pala kita pinuntahan ngayon, hindi ko pa malalaman. Bakit hindi mo sinasabi sa akin ang bagay na ito, Dasha?"Nag-angat ako ng tingin. "H-Hindi naman ganoon kadali iyon, natatakot din ako sa kung ano

    Huling Na-update : 2024-11-30

Pinakabagong kabanata

  • After Divorce : Marrying My First Husband Again   Kabanata 36

    Dasha's Point Of View.Napatakip ako ng aking bibig, gulat sa narinig. Wala akong pakialam kung nakikita na ng pulis na kasama ko ngayon ang luha sa aking mga mata. Ang tanging nasa isip ko ay ang sinabi ng mga suspect.Totoo ba ang sinasabi nila? . . . Kung totoo nga, niligtas ni Samuel ang buhay ko.Mas lalo akong napaiyak noong maisip iyon, nakita ko ang paglingon ni Elias sa gawi ko na para bang nakikita niya ako at alam niyang umiiyak ako. Hindi niya ako nakikita dahil sa materials ng kwarto kung nasaan ako, pero sila, naririnig at nakikita ko sila.Napakagat ako sa ibabang labi ng lumabas siya ng kwarto, ilang segundo ang lumipas ay narinig ko ang pagbukas ng pintuan. Lumabas ang pulis at pumasok si Elias."T-Totoo ba ang sinasabi nila?" naiiyak kong saad at nang tumango siya ay mas lalong lumakas ang pag-iyak ko.Napayuko na lamang ako, hindi alam ang dapat na gawin. "H-Hindi ko alam ang dapat kong maramdaman," sambit ko.Narinig ko ang paglalakad niya papalapit sa akin, nakita

  • After Divorce : Marrying My First Husband Again   Kabanata 35

    TRIGGER WARNING: MENTIONED OF SELF-HARMING Dasha's Point Of View.Ano ba 'tong nagawa ko? Naiinis ako sa aking sarili, bakit lagi na lang gulo ang naidudulot ko?Tuloy-tuloy ang pag-agos ng aking mga luha habang nakatingin kay Papa na nakaupo sa aking harapan, mahigpit niyang hawak ang aking mga kamay. Ramdam ko ang takot niya na para bang anumang oras ay maari akong mawala. Sa katabing sofa ay nandoon si Lola Valencia, namumula rin ang kaniyang mga mata, alam kong marami siyang gustong sabihin sa akin ngunit nananahimik siya.Tinulungan nila ko. . . Hindi nila iniwan ang tabi ko, bakit ganito ang sinusukli ko sa kanila?"S-Sorry po talaga," naiiyak kong sabi.Sinasabi ko sa sarili kong hindi ko maintindihan kung bakit ko nagawang saktan ang aking sarili. . . pero sa loob-loob ko, alam ko ang dahilan—pagod na ako. Pagod na ang katawan ko sa mga sakit na nararamdaman ko, pagod na ang utak ko sa kakaintindi at kakaisip sa mga nangyayari at pagod na ang puso ko.Pagkatapos noong tawag n

  • After Divorce : Marrying My First Husband Again   Kabanata 34

    Victor's Point Of View."Meeting adjourned," saad ko bago mabilis na lumabas ng conference room. Nang makabalik ako sa aking opisina ay mabilis akong napaupo sa swivel chair.Hindi ko pinansin ang mga gawain na nasa ibabaw ng aking lamesa, pinikit ko ang aking mga mata. Kahit napatunayan ng inosente ang aking anak ay hindi pa rin siya nilulubayan ng mga Valdez, naiinis ako dahil doon. Masayang-masaya ako noong araw na nakilala ko si Dasha, kamukhang-kamukha niya ang kaniyang Ina. Noong makita ko siya ay walang dudang siya ang aking anak.Masakit talaga ang Tadhana dahil pinaglayo niya kaming tatlo, pero masaya akong kasama ko na ngayon si Dasha maging ang kaniyang anak. Kaya labis-labis ang inis na nararamdaman ko sa pamilya ng mga Valdez, bakit hindi na lang sila manahimik? Sila nga itong nanakit sa anak ko.Bakit palagi na lang may gumugulo sa mga buhay namin?Sa gitna ng pag-iisip ay natigilan ako ng maramdaman ang pag-vibrate ang aking cellphone. Nakita ko ang mga missed calls ni

  • After Divorce : Marrying My First Husband Again   Kabanata 33

    Dasha's Point Of View.Nakatulala lang ako sa TV, ni-hindi ko maramdaman ang sarili kong paghinga. Natapos ang interview at wala na naman iba pang sinabi ni Tita Selena bukod sa panggagalaiti niya sa naging desisyon ng Judge.Narinig kong bumukas ang pintuan ng kwarto ko, hindi na ako nag-abala pang lingunin kung sino iyon."My God, Dasha! That Selene is really trying my patience!" inis na wika ni Lola Valencia, bakas sa mukha niya ang iritasyon ng lumapit sa akin."Napanood mo po iyong interview?" halos pabulong kong tanong, tumango siya."It's all over the internet! Paanong iyon ko makikita iyon?" Napasandal na lamang ako sa aking inuupuan at napahimas sa aking sintido, hindi ko inakalang aabot sa puntong sasabihin niya ang tungkol sa bagay na iyon.Mabuti na lang ay hindi niya kilala kung sino ang tunay na Tatay ni Dawn."Ano pong sinasabi ng mga tao? Sigurado akong may mga nagagalit na sa akin, hindi naman nila alam ang buong kuwento.""Iyon naman ang gustong mangyari ni Selena,

  • After Divorce : Marrying My First Husband Again   Kabanata 32

    Dasha's Point Of View.Gusto kong yakapin siya ng mahigpit pagkatapos niyang sabihin iyon, pero pinigilan ko ang aking sarili ng maalalang hindi naman kami ganoon kalapit sa isa't isa."M-Makakalabas na ako?" naiiyak kong tanong at tumango naman siya. "S-Salamat, Elias. Maraming salamat sa'yo!""You're welcome," ang tanging sagot niya.Napalingon naman ako sa aking likuran ng marinig ko ang pagtawag sa akin nila Papa, humahagos sila habang lumalapit sa akin, bakas ang saya sa kanilang mga mukha.Kaagad nila akong niyakap dahilan upang mas lalo akong napaiyak."Thank God! You're finally free!" masayang saad ni Lola Valencia.Ngumiti naman sa akin si Papa. "I know Dawn can't wait to see you."Napangiti ako ng marinig ang pangalan ng aking anak, halos isang buwan na rin pala ang lumipas simula noong huli ko siyang makita. Noong opisyal akong nakulong ay hindi ko na ulit siya pinapunta pa rito, hindi ko talaga kayang magsinungaling sa kaniya."Keep your head down," rinig kong saad ni Elia

  • After Divorce : Marrying My First Husband Again   Kabanata 31

    Dasha's Point Of View."The Judge accepted the new evidence, you're having a new trial," pagpapatuloy niya habang ako ay nakatanga lang sa kaniya.Paanong nangyari iyon?"Hindi kita maintindihan. . . hindi ba't mababa ang tyansang manalo ako sa kaso?" sambit ko. "Saan mo nakuha ang mga ebidensyang iyan?""A woman talked to me in private, we decided to meet in person, and she gave me this envelope," sagot niya kasabay ng paggalaw ng kaniyang adams apple. "Despirado na ako, Dasha. . . Noong sinabi niya sa akin na may alam siya kung paano ka mapapalaya, agad akong nakipagkita. Kahit wala akong kasiguraduhan kung sino ba talaga siya."Umarko ang ang kilay. "T-Teka. . . Babae? Sino naman? Kilala ko ba?""She didn't give me her name, ayaw niyang madamay sa kasong ito pero isa lang ang iniisip ko, matindi ang galit niya sa pamilya ni Samuel at gusto niyang makatulong sa'yo."Natahimik ako pagkatapos kong marinig iyon. Sino naman kaya siya? Wala akong tao na iniisip ngayon na maaring tumulon

  • After Divorce : Marrying My First Husband Again   Kabanata 30

    Dasha's Point Of View.Mabilis ko siyang mahigpit na niyakap noong pinalabas ako ng pulis, ramdam na ramdam ko ang pagkamiss niya sa akin dahil sa higpit ng aking yakap.Napaiyak na lamang ako sa tuwa, bumitaw ako sa pagkakayakap at tinignan siya. "Salamat naman at maayos ka na, alalang-alala ako sa'yo. Hindi naman kita mabisita dahil alam mo naman ang sitwasyon ko," sabi ko at pinunasan ang aking luha, pansin ko rin ang pag-iyak niya. Pansin ko ang bendang nasa ulo niya. "S-Sigurado ka bang ayos ka na?"Ngumiti siya sa akin. "Ayos na ako, noong isang araw pa ako nagising. Dapat nga kahapon pa ako bibisita pero hindi naman pumayag sina Dad," sabi niya, hindi pa rin binibitawan ang mga kamay ko. "May business trip sila ngayon kaya nakatas ako. Pero ayos lang talaga ako, napaka-OA lang nila.""Ang kulit mo talaga, dapat nagpapagaling ka pa sa hospital eh. Mabibisita mo naman ako palagi dahil. . . . nakakulong na talaga ako."Pansin ko ang lungkot at galit sa mga mata niya ng marinig iyo

  • After Divorce : Marrying My First Husband Again   Kabanata 29

    Dasha's Point Of View.Mabilis kong pinunasan ang aking mga luha, nanatili ako sa aking kinauupuan at hindi gumagalaw, nakatingin lang ako sa kaniya, nagtataka kung bakit nandito siya."E-Elias. . . Anong ginagawa mo rito?"Hindi ko inalis ang tingin ko sa kaniya, nakausot siya ng itim na blazer at pants, magulo ang buhok niya at malalim ang ibaba ng kaniyang mga mata. Bakit parang stress na stress siya at ilang araw ng walang maayos na tulog?"I'm visiting you," sagot niya bago hinatak ang upuan na ginamit ni Tita Selena, prente siyang umupo, hindi inaalis ang tingin sa akin. "I saw Samuel's mother outside, did she do something bad to you?"Marahan akong umilang. "W-Wala."Gumalaw ang kaniyang panga. "You can lie to yourself but not to me, Dasha. What did she do?"Sandali akong nanahimik at pinagmasdan siya, bakit ba umaakto na naman siyang may pakialam? Tapos na naman ang kaso ko.Hindi ko pinansin ang sinabi niya. "Bakit. . . Bakit ka ba nandito? Tapos na naman ang kaso ko, hindi m

  • After Divorce : Marrying My First Husband Again   Kabanata 28

    Dasha's Point Of View.Isang linggo na akong nakakulong, ang hirap, bawat araw ay mas lalong humihirap. Hindi pa rin ako sanay, araw-araw namang bumibisita sa akin sina Papa at Lola, pinapakita ko sa kanilang maayos lang ako para hindi sila mag-alala.Alam kong marami rin siyang inaalala bukod sa akin, dadagdag pa ba ako?Tapos si Elias. . . hanggang ngayon ay hindi pa rin siya nagpaparamdam sa akin. Sa tuwing lumalapit ang pulis sa akin at may dala itong cellphone, akala ko tumatawag siya. Pero hindi, wala talaga siyang paramdam simula noong araw na makulong ako. Siguro dahil balik na kami sa dati, hindi niya na naman ako client dahil tapos na ang kaso ko. Baka wala na ulit siyang pakialam sa akin."Nalulungkot ka na naman diyan," narinig kong saad ni Marilyn. "Makakalabas ka rin naman."Sa loob ng isang linggo, silang dalawa ni Jamela ang nakakasama ko. Maayos naman sila, kaso si Marilyn ay talagang madalas nagtataray sa akin."Nawawalan na nga ako ng pag-asa," sagot ko, nakatingin

DMCA.com Protection Status