Dasha's Point Of View.Kahit umiwas na ako ng tingin kay Elias ay ramdam ko pa rin ang tingin niya sa akin.Narinig ko ang pagtikhim ni Papa kaya lumingon ako sa kaniya, nakita ko siyang nakatingin kay Jazz. "Sandali lang naman ang magiging pag-uusap namin ni Atty. Macini, pwede bang dumiretso na lang kayo sa conference room?" sabi niya.Ngumiti si Jazz bago tumango. "Sure, no problem," tumingin siya sa akin. "Let's go, Dasha."Ngumiti ako pabalik, bago kami tuluyang umalis ay napatingin ako kay Elias ngunit madilim lang siyang nakatingin kay Jazz. Ano na namang problema niya?"Wow, totoo nga ang sinasabi ng mga taong intimidating siya," sambit niya sa gitna ng aming paglalakad. Natawa naman ako bago tumango bilang pagsang-ayon."Diba? Kamukha mo siya?""I don't think so... Hindi ko nakikita, pero parehas kami ng mga mata.""Basta para sa akin magkamukha kayong dalawa," sabi ko. "Kaso siya masungit at parang yelo, ikaw naman masayahin at palangiti.""Baka masiyahin din iyon, hindi niy
Dasha's Point Of View.Nanlaki ang mga mata ko sa narinig, mabilis kong binuhat si Dawn at nagsalita."Hindi anak. . . Hindi siya ang Papa mo," sabi ko sa kaniya at pansin ko namang naguluhan siya."Siya pala ang anak mo," rinig kong komento ni Jazz kaya napalingon ako sa kaniya, nakita ko ang ngiti sa kaniyang labi.Tumango ako bago muling tignan si Dawn. "Anak, siya si Kuya Jazz mo. . . Siya naman si Dawn, Jazz."Mas lumaki ang ngiti ni Jazz. "Hello, Dawn. Nice to meet you.""Excited siyang makita ka, nagmamadaling bumaba ng sasakyan."Napalingon ako sa nagsalita at nakita ko si Lola, may dalawa rin siyang kasamang mga guard. Tumingin siya kay Jazz."You're Jazz Morales, right? The new investor from abroad?" tanong ni Lola at nakita ko namang ngumiti si Jazz bago tumango."It's a pleasure to meet you, Madame Valencia Hudson.""Likewise, Mr. Morales. I'm looking forward to working with you," sagot ni Lola bago tumingin sa kaniyang relo. "I have to go inside, maiwan ko na muna kayo."
Dasha's Point Of View.Nakapikit pa ang mga mata ko ng maramdaman ko ang pag vibrate ng aking cellphone. Dahan-dahan kong dinilat ang aking mga mata at kinuha ang aking cellphone na nasa gilid ko lamang.Nakita kong si Angela ang tumatawag, bakit naman siya napatawag ng ganito kaaga?Bumuntong hininga ako bago sagutin ang tawag, nilagay ko ang cellphone sa aking tainga at nagsalita. "Angela? Bakit napatawag ka?" inaantok kong tanong."Oh my god, Dasha! Bakit ngayon mo lang sinagot?! Kanina pa ako tawag nang tawag!" mabilis sigaw na nagpakunot ng aking noo."Bakit ka nga ba tumatawag? Bakit sumisigaw ka?""I'm sure you haven't seen the article but you're all over the internet!" pagpapatuloy niya na nagpabangon sa akin mula sa pagkakahinga."Huh?! Anong article?!""Kayo ni Dawn nandoon kayo! Pati iyong Jazz Morales, sino ba iyon?!"Mabilis kong binaba ang tawag para kumpirmahin ang kaniyang sinabi, pagkabukas ko pa lang ng social media acc ko ay bumungad na kaagad sa akin ang hinahanap
Dasha's Point Of View.Sinubukan kong tawagan ang number ni Elias ngunit nag riring lang iyon at walang sumasagot kaya sa huli ay umupo na lamang ako sa aking kama, sigurado ba talaga siyang pupunta siya rito? Hindi ko talaga maintindihan ang takbo ng isip noong lalaking iyon.Inis akong tumayo at lumapit sa crib, tulog pa naman si Dawn dahil 6:30 pa lang ng umaga. Ilang sandali ang lumipas ay nakarinig ako ng pagkatok sa pintuan, nang buksan ko iyon ay isang maid ang bumungad sa akin."Ma'am, nasa garden po si Sir Elias at naghihintay sa inyo," wika niya, tumango naman ako at lumabas. Nagtoothbrush lang ako at nagsuklay ng buhok, halata pa rin siguro ang antok sa mukha ko.Hindi naman kasi kailangang pumunta pa rito.Naabutan ko siyang nakaupo sa bench at may kape sa may maliit na lamesa. Tumikhim ako kaya naman napalingon siya sa akin, nakausot lang siya ng simpleng polo at mukha pa rin siyang kulang sa tulog."Pwede naman kasing kausapin mo na lang ako sa call, hindi ba?" sabi ko a
Elias's Point Of View."Hinay-hinay lang naman sa alak, baka hindi ka na abutan ng araw sa ginagwa mo," rinig kong sabi si Joel sa aking tabi. I rolled my eyes before drinking again. Napaka-OA niya talaga kahit kailan. Nandito ako ngayon sa condo niya, gabi na at mukhang wala siyang balak mag-inom ngunit noong nagyaya ako ay napilitan siya."Teka, ano ba kasing problema mo? Hindi ka naman magyayayang uminom kung wala. . . Napakabusy mo nga tapos magkakaroon ka pa ng time sa ganito?"I looked at him. "I'm just frustrated.""Saan? Doon sa article?""Hmmm.""Eh nagsabi na nga diba si Dasha na siya na ang bahala, ano pang pinoporoblema mo?" tanong niya. "Hindi madadamay sina Bianca at ikaw. . . Oh nag-aalala ka lang talaga sa kaniya?"Umilang ako bago muling uminom ng alam. "I'm just frustrated because of that Morales. Hindi ko alam kung anong pakay niya kay Dasha."Narinig ko ang pagtawa niya bago nagbukas ng panibagong alak. "Pareho lang 'yon, Elias.""It's not like that—""Matagal mo
Dasha's Point Of View."Bakit ganoon naman ang caption mo?" natatawa kong tanong kay Jazz, nakaupo siya sa harapan ko at umiinom ng juice. Nandito kami ngayon sa terrace ng mansyon, hindi ko alam kung bakit ang aga-aga niya pumunta rito. Ang sabi niya lang, gusto niyang pumunta dahil ang boring sa condo niya. Wala rin daw siyang trabaho ngayon, tinatamad siyang pumasok. Pwede palang tamarin ang isang CEO?Nagpicture kaming dalawa, ang akala ko ganoon ganoon lang pero ang lintik nahuli kong pinopost iyon sa Instagram account niya."May inaasar lang ako," nakangising sagot niya."Huh? Sino?"Umilang siya. "Wala."Napairap ako. "Bakit mo pa kasi pinost? Mas lalo tuloy iisipin ng mga taong ikaw nga ang Tatay ni Dawn at mag-asawa tayo," giit ko."Let them think what they want to think.""Oo nga... Pero diba? Hindi nga natin itatanggi iyong laman ng article na iyon, hindi tayo magsasalita, pero dahil doon sa post mo parang kino-confirm mo ngang may namamagitan sa atin," paliwanag ko.Bumun
Dasha's Point Of View.Nanatiling nakaawang ang aking labi habang nakatingin sa kanila. Hindi ako makapaniwala.At mas lalong hindi ako makapaniwalang nakalimutan kong birthday ko nga pala ngayon!"Happy birthday, Dasha," nakangiting saad ni Lola habang naglalakad papalapit sa akin, may hawak siyang cake sa kaniyang kamay."Let me guess... nakalimutan mong birthday mo ngayon 'no?" si Angela.Napalingon ako sa kaniya, may maliit na ngiti sa kaniyang labi. "Makakalimutan ko talaga, sa dami ba naman ng nangyari... Saka, hindi naman ako nagcecelebrate ng birthday ko diba?" paliwanag ko.Totoo iyon, hindi talaga ako nagcecelebrate ng birthday ko. Naalala ko noon, si Mama lang talaga ang gustong-gusto na maghanda pa kami. Kahit anong sabi ko sa kaniyang huwag na dahil gastos lang, hindi naman siya nakikinig. Tapos noong wala siya, si Angela naman ang palaging nagyaya sa aking kumain kami sa labas para i-celebrate ang birthday ko. Ayaw niya naman magpaawat kaya hindi ko siya mapigilan, ayoko
Dasha's Point Of View.Kitang-kita ang kalikahan ng bakery shop—ko habang tinitignan naman ito mula sa labas, clear glass ang nakapalibot rito, maging ang pintuan ay clear glass din. Ang kabuoan ay pinaghalo ang kulay itim at puti na nagustuhan ko, ang kulay ng pintura ay itim at bumagay iyon sa clear glass."A-Ang ganda po," sambit ko kasabay noon ang pagtulo ng luha sa aking mata na mabilis kong pinunasan. Hindi ko inakalang isang araw, matutupad ang pangarap ko.Alam ko kasing impossible... Mahirap lang kami.Mabilis akong napayakap kay Lola at Papa, hindi ko na pigilan pa ang tuloy-tuloy na pagpatak ng aking mga luha habang yakap sila. "H-Hindi niyo po alam kung gaano niyo ako napasaya ngayong araw," humihikbing sabi ko."Mahal ka namin, Dasha. Alam naming deserve mo ito," si Lola."Your Lola's right, so please don't be so hard on yourself," boses iyon ni Papa.Bumitaw ako sa pagkakayakap at pinunasan ang aking luha. "Salamat po ulit," nakangiting sabi ko, lumingon ako kay Jazz at
Jazz's Point Of View.Hindi alam ni Mamita na alam ko na ang totoo, wala rin akong balak ipaalam sa kaniya. Aalamin ko muna kung sino ang kausap niya sa cellphone na iyon at kung bakit niya tinatago sa akin.Hindi ko rin alam kung balak ko bang sabihin iyon kay Elias, halata naman kasing wala siyang idea. Sasabihin ko naman, maghahanap lang ako ng mas magandang tiyempo."Tsk," giit ni Elias at malakas na napabuntong hininga, sandali akong tumingin kay Dasha na medyo malayo sa amin dahil abala sa pagtingin ng mga plato."Alam mo. . . hangga't nandiyan pa ang anak mo, huwag mo sanang sayangin ang panahon na makasama siya," sabi ko at umiwas ng tingin, alam kong naguguluhan siya dahil mas lalong kumunot ang noo niya."What do you mean?"Muli ko siyang tinignan, seryoso siyang tumingin sa akin. "Simple lang naman ang gusto kong iparating... Hangga't nandyan pa ang mahal mo sa buhay, mahalin mo siya sa abot ng iyong makakaya. Sabihin mong mahal mo siya dahil hindi naman sa lahat ng pagkaka
Dasha's Point Of View.Nang makarating kami ng mall ay dumiretso kaagad kami sa furniture store, papasok na sana kami ng bigla akong kalabitin ni Jazz."Ano iyon?" tanong ko, nagtataka kung bakit biglang seryoso ang kaniyang mukha. Lumapit naman siya sa akin at bumulong"Aalis lang ako sandali pero babalik ako, parang nakita ko kasi siya pagpasok natin," ani niya, sandaling napakunot ang noo ko at nagtaka sa kaniyang sinabi. Ngunit nang mapagtanto ko kung sino ang tinutukoy niya ay mabilis akong tumango at ngumiti."Sige lang, hanapin mo na siya," sabi ko at mabilis naman siyang umalis. Nang mawala siya sa paningin namin ay nilingon ko si Elias na mukhang nagtataka sa pag-alis ni Jazz."May hahanapin lang iyon, mauna na raw tayo mamili," paliwanag ko."Tsk. Hindi naman kasi siya kailangan dito," narinig kong saad niya habang papasok kami.Napailang na lamang ako. "Siya ang naunang nagsabing sasamahan niya ako, alangan naman hindi ko siya isama?""Sana sinabi mo rin sa akin ng mas maag
Dasha's Point Of View.Sinabi ni Lola iyon? Bakit naman? Para bantayan ako tulad ng sabi niya? Sigurado pala talaga siya tungkol sa bagay na iyon, hindi pa rin ako makapaniwala. Nagtipa ako sa aking cellphone para magreply kay Elias.Me:Nandito ako sa bakery shop, dito ka na dumiretso. Kasama natin si Jazz sa pamimili.Pagkatapos magchat ay mabilis din akong nagtipa upang magreply naman kay Jazz.Me:Sige lang, unahin mo na muna iyon. At sasama pala si Elias sa pamimili, ngayon niya lang nasabi.Mabilis akong nakatanggap ng reply mula sa kaniya.Jazz:Luh? Third wheel ako?Me:Hindi naman iyon date! Huwag kang malisyoso.Hindi na siya nagreply pagkatapos noon kaya napailang na lang ako bago ibalik sa aking bulsa ang cellphone, tumingin ako kay Angela."Sasama rin daw si Elias sa pamimili," sambit ko at kaagad na nanlaki ang mga mata niya habang nakatingin sa akin."Aba bakit naman?" nagtatakhang tanong niya at sinabi ko naman ang tungkol doon sa pagbabantay niya sa akin. "So trabaho
Dasha's Point Of View."Si Elias?!" bulaslas ko sa kaniyang pangalan, gulat sa nalaman. "Totoo ba ang sinasabi niyo?!" dagdag ko pa."Aba, bakit naman kami magsisinungaling?" si Marilyn. "Mabait pala iyon, ni-hindi niya nga kami siningil kahit piso. Noong tinanong namin kung bakit ang sagot lang, huwag na lang naming problemahin ang pera basta makakalabas kaming dalawa."Hindi ko mapigilang mapangiti, may puso pa rin pala siya."Teka, paano niyo nga pala nakuha ang number ko?" tanong ko."Kay Atty. Elias, napadaan kasi siya noon sa presinto tapos bigla namin siyang tinawag para kamustahin ka, wala na kasi kaming balita sa'yo eh," paliwanag ni Jamela. "Tapos ang sabi niya maayos ka na raw, tinanong niya rin kung kaibigan mo raw ba kami. Tapos kinabukasan noon, binalita sa aming muling nabuksan ang kaso namin. Ilang araw lang ang lumipas at nakalabas na kaagad kami.""Ang bait pala noon ni Atty. Mukhang snober pero may pakialam din pala sa aming mahihirap," giit ni Marilyn.Malakas akon
Elias's Point Of View."I'm your girlfriend, Elias. Bakit ganyan ka?" "Yeah, you're my girlfriend. And you know that I-I love you, kaya bakit naapektuhan ka pa rin sa presensya ni Dasha?" seryosong giit ko habang nakatingin sa kaniya, puno ng iritasyon ang kaniyang mga mata."B-Because I know she wants you back! I know na kukunin ka niya sa akin!" nanginig ang kaniyang labi. "Pumunta ka pa ng birthday niya, anong ibig sabihin noon? Anong gusto mong isipin ko?""Ang gusto kong ispin mo ay hindi niya ako gustong agawin sa'yo. Bakit naman ako magpapakuha?" kalmadong tanong ko. "At saka, sila na ni Jazz. Hindi mo ba iyon alam? Kaya impossible talaga ang sinasabi mong gusto niya akong kunin, magkaibigan na lang kami ngayon."As much as I hate to say that guy's name, I have to."That's just a rumour!"Umilang ako. "No, they're together. Wala kang dapat ipag-alala, alam mong sa'yo pa rin ako uuwi.""Talaga ba, Elias?""Yeah. . . You don't fucking know how much I love you."Hindi ko na tinan
Dasha's Point Of View.Hindi pa rin ako makapaniwalang sa akin ang mansyon na iyon, sa akin nakapangalan ang lupa. . . Ang sabi ni Lola, kahit anong oras daw ay pwede kaming lumipat doon ni Dawn. Ang sagot ko naman ay hindi ako nagmamadali, saka baka malungkot lang doon si Dawn kapag kaming dalawa lang.Ngayon ay abala ako sa kusina dahil gusto kong magbake ng cookies, gusto kong bigyan sina Jazz at Angela... Pati si Elias ay papadalhan ko rin.Si Mama ang nagturo sa akin na magluto, lalong-lalo na sa pagbabake. Kinuwento sa akin ni Papa kung gaano niya kapaborito ang mga gawa ni Mama, lalo na iyong cookies, kahit ako ay paborito rin iyon. Kaya naisipan kong magbake ngayon para matikman niya ulit ang recipe ni Mama.Nang matapos ako ay hawak-hawak ko ang isang plato, sa ibabaw noon ay ang mga maiinit na cookies. Dumiretso ako sa opisina ni Papa, naabutan ko siyang may binabasa sa isang folder."Papa," saad ko at mabilis naman siyang lumingon sa akin, bumaba ang tingin niya sa hawak k