TRIGGER WARNING: MENTIONED OF SELF-HARMING Dasha's Point Of View.Ano ba 'tong nagawa ko? Naiinis ako sa aking sarili, bakit lagi na lang gulo ang naidudulot ko?Tuloy-tuloy ang pag-agos ng aking mga luha habang nakatingin kay Papa na nakaupo sa aking harapan, mahigpit niyang hawak ang aking mga kamay. Ramdam ko ang takot niya na para bang anumang oras ay maari akong mawala. Sa katabing sofa ay nandoon si Lola Valencia, namumula rin ang kaniyang mga mata, alam kong marami siyang gustong sabihin sa akin ngunit nananahimik siya.Tinulungan nila ko. . . Hindi nila iniwan ang tabi ko, bakit ganito ang sinusukli ko sa kanila?"S-Sorry po talaga," naiiyak kong sabi.Sinasabi ko sa sarili kong hindi ko maintindihan kung bakit ko nagawang saktan ang aking sarili. . . pero sa loob-loob ko, alam ko ang dahilan—pagod na ako. Pagod na ang katawan ko sa mga sakit na nararamdaman ko, pagod na ang utak ko sa kakaintindi at kakaisip sa mga nangyayari at pagod na ang puso ko.Pagkatapos noong tawag n
Dasha's Point Of View.Napatakip ako ng aking bibig, gulat sa narinig. Wala akong pakialam kung nakikita na ng pulis na kasama ko ngayon ang luha sa aking mga mata. Ang tanging nasa isip ko ay ang sinabi ng mga suspect.Totoo ba ang sinasabi nila? . . . Kung totoo nga, niligtas ni Samuel ang buhay ko.Mas lalo akong napaiyak noong maisip iyon, nakita ko ang paglingon ni Elias sa gawi ko na para bang nakikita niya ako at alam niyang umiiyak ako. Hindi niya ako nakikita dahil sa materials ng kwarto kung nasaan ako, pero sila, naririnig at nakikita ko sila.Napakagat ako sa ibabang labi ng lumabas siya ng kwarto, ilang segundo ang lumipas ay narinig ko ang pagbukas ng pintuan. Lumabas ang pulis at pumasok si Elias."T-Totoo ba ang sinasabi nila?" naiiyak kong saad at nang tumango siya ay mas lalong lumakas ang pag-iyak ko.Napayuko na lamang ako, hindi alam ang dapat na gawin. "H-Hindi ko alam ang dapat kong maramdaman," sambit ko.Narinig ko ang paglalakad niya papalapit sa akin, nakita
Dasha's Point Of View."P-Pwede pa rin akong magalit sa kaniya at magpasalamat sa paglitas niya sa akin?" tanong ko at ngumiti siya sa akin bago tumango."Of course, hindi mo kailangang mabuhay na may guilt at galit sa puso mo. Ngayon, maaring ramdma mo pa rin ang mga sinabi ko pero maniwala ka sa akin. . . Time heals, Dasha."Natapos ang session namin at ramdam ko ang paginhawa ng aking pakiramdam, mukhang tama si Elias na magaling na itong Doctor. Sinabi ko rin kay Dra. Rihana ang tungkol sa ginawa kong pananakit sa aking sarili dahil. . . noong mga panahong iyon, gusto ko na lang sumuko. Binigyan niya ako ng isang daang dahilan upang magpatuloy, noong sinabi niya pa lang ang pangalan ni Dawn napaiyak na kaagad ako.Bakit ba kasi hindi ko iyon naisip? Pero tulad nga ng sabi ni Dra. Rihana, imbes na sisihin ko ang aking sarili. Patawarin ko na lamang ang aking sarili at mangakong hinding-hindi na ulit iyon gagawin.Nang makalabas ako ng kuwartong iyon ay mabilis akong nagulat ng mak
Dasha's Point Of View.Tahimik lang ang mga sumunod na araw, na nakakapanibago. Siguro dahil hindi ko hinahawakan ang aking cellphone para magbukas ng social media, hindi rin ako nanonood ng TV kaya wala akong balita sa paligid ko.Hindi ko rin alam kung buhay pa rin ba ang issue ko. Ayokong nang malaman, isipin nila ang gusto nilang isipin. Palagi namang manghuhusga ang mga tao, kaya bakit ko pa ipagtatanggol ang sarili ko?Basta, alam ko sa aking sarili na inosente ako at ako ang biktima ng kuwento.Sumilip ako sa crib at nakitang mahimbing pa naman ang tulog ni Dawn kaya nagsuot ako ng jacket at lumabas ng kuwarto."Lola, magjojogging lang po ako, dito lang sa subdivision," paalam ko pagkapasok ng kaniyang kwarto. Wala si Papa dahil maaga siyang pumasok sa kompanya.Lumingon siya sa akin, may binabasa siyang kung ano sa kaniyang laptop. "Jogging? Ayos lang naman sa akin pero nag-alala ako sa kaligtasan mo."Ngumiti naman ako ng marinig iyon. "Hindi ba't sinabi mo po sa aking nagreq
Dasha's Point Of View.Hindi mawala sa aking isipan ang sandaling pag-uuasap namin ni Bianca, ewan ko ba. Hindi naman big deal, pero malaki pa rin ang impact sa akin. Hindi naman talaga ako naiinis sa kaniya noon, nahihiya pa nga ako dahil ako ang naging dahilan bakit naghiwalay silang dalawa ni Elias noon.Pero noong muli siyang bumalik, kahit hindi ko man malaman ang dahilan, naiinis na ako sa kaniya. Mukha siyang anghel, pero pakiramdam ko, hindi siya kumikilos ng ganoon."Dasha, Atty. Macini inviting us on his birthday this coming monday," wika ni Lola habang kumakain kami ng dinner, napahinto naman ako sa pagkuha ng tubig dahil sa narinig.Birthday ni Elias? Saka ko napagtantong totoo ang kaniyang sinabi ng maalala ko kung anong araw ang monday. Muntikan ko nang makalimutan."Saan daw po gaganapin?""Hotel Grande Aziop."Mabuti naman at hindi sa mansyon niya pero mukhang hindi ako pupunta. "A-Ayoko pong pumunta," sambit ko at nakita ko ang pagtango ni Papa."Ayos lang, naiintindi
Dasha's Point Of View."Excuse me, what did you say miss?" Napakunot ang aking noo ng magsalita si Elias. . . Teka si Elias ba siya? Magkaiba sila ng boses pero magkamukha sila."What did you call me?" tanong niya pa habang nakatingin sa akin na mukhang hindi niya nga talaga ako kilala.Nilingon ko si Hazel ng marinig ko ang mahina niyang pagtawa."Hindi po si Sir Elias 'yan, Ma'am. Siya po si Sir Jazz Morales. Ang bagong investor ng kompanya."Jazz Morales?"What are you talking about?" nagtatakang tanong noong Jazz kaya naman nilingon siya ni Hazel."Pasensya na, Sir. Napagkamalan po kayo ni Ma'am na Si Sir Elias dahil siguro parehas kayong kulay abo ang mga mata."Napatango ako sa sinabi ni Hazel. "S-Sorry, akala ko kakilala kita," paghingi ko ng paumanhin at bigla naman siyang ngumiti na nagpatunay sa akin na hindi nga siya si Elias dahil hindi naman pala ngiti ang lalaking iyon."It's okay, no problem with that," sagot niya at tumango na lamang ako. Nang mag-umpisa ang meeting a
Dasha's Point Of View.Mukha namang napaniwala ko si Elias sa rason kong iyon. Saglit lang naman ang naging pag-uusap namin dahil kaagad niya ring binaba ang tawag.Alam kaya ni Bianca ang ginagawa ni Elias na pagtawag sa akin? Siguro hindi. . . Dahil kung oo, hindi niya na sana ako tinatawagan. Ang isa pang pinagtataka ko ay kung bakit may pakialam na siya kay Dawn ngayon?Parang dati sinasabi niyang ipalaglag ko si Dawn, na wala siyang pakialam dito. Tapos ngayon ganito? Hindi pa naman kami nakakapag-usap tungkol sa nangyari noon, hindi ko rin alam kung handa ba akong pag-usapan iyon.Kinabukasan ay bumisita sa akin si Angela, nakakatuwang magaling na talaga siya dahil pati ang kakulitan niya ay bumalik."Magmall na kasi tayo, ang tagal-tagal na ng huli nating gala," pamimilit niya, nasa kaniyang bisig si Dawn at tahimik lang na naglalaro ng stuffed toy na dala-dala ni Angela."Hindi nga puwede," pagtanggi ko. "Alam mo naman ang sitwasyon ko, hindi ba?""Nakalabas ka na naman nang m
Dasha's Point Of View."Jazz?" wika ko, nakasuot siya ng isang itim na polo at pants. Lumawak ang ngiti niya. "Don't tell me you thought I'm Elias again?"Hindi ako nagsalita kaya natawa siya. Don't tell me raw eh."Sabi ko na nga ba," dagdag pa niya at napakamot naman ako sa aking ulo."Sorry, sa susunod hindi na," sambit ko at napailang naman siya habang nangingiti, bumaba ang tingin ko sa hawak ng kaniyang kamay. Isa iyong panlalaking damit na pambata. "P-Para sa anak mo?" tanong ko at tinuro pa iyon.Napatingin naman siya roon at inangat pa para makita ko. "Yeah..." sagot niya ngunit hindi nakatakas sa pandinig ko ang lungkot sa kaniyang boses. "He's now four years old. . . sana."Nanlaki ang aking mga mata. "Sana?" gulat kong sabi at malungkot siyang ngumiti sa akin."He died because of infection in blood when he was 5 months old."Nakita ko ang paghigpit ng hawak niya sa damit, kitang-kita ko ang lungkot sa kaniyang mga mata."Pasensya na, hindi na lang sana ako nagtanong," kaa
Dasha's Point Of View.Nang makalabas kami mula sa kulay grey na pintuan ay bumungad sa akin ang tahimik at may kahabaang hallway. Walang mga gamit sa paligid at plain lamang ang kulay, ang sahig ay kakulay lang din ng pader. Nakita kong binitawan ako sandali ng lalaki at ni-lock ang pinaglabasan naming pintuan.Nanatili akong tahimik kahit na gustong-gusto kong sumigaw at tanungin sila ng maraming mga katanungan ngunit mas pinili kong kainin ang mga tanong na iyon. Ilang minuto rin ang aming naging paglalakas, pumasok kami sa isa pang pintuan at bumungad sa akin ang mga taong nakasuot ng lab gowns. Tatlo silang nasa loob, may mga hospital beds din ngunit bakante. Marami ring mga gamit na pang hospital na hindi ako pamilyar.Mga Doctor ba sila? At nasagot ang tanong ko ng marinig kong magsalita ang isa sa kanila."How is she, Doc?" tanong ng isang babaeng blonde ang buhok at tumingin sa matandang kasama namin."She's normal," sagot naman noong matanda at naglakad na paalis. "I'm no lo
Dasha's Point Of View.Ramdam ko ang pananakit ng aking ulo habang dahan-dahang iminumulat ang aking mga mata. Malabo ba ang buong paligid hanggang sa maging malinaw na, hindi ko mapigilang makaramdam ng kaba nang mapagtanto kung nasaan ako.Nasa isang kulungan ako, tanging kama lang ang nandito. Umupo ako mula sa pagkakahiga, pansin ko ang isang may kalakihang band aid sa aking braso. Tinanggal ko iyon at walang napansing kung ano kundi ang pamumula ng parte ng braso kong iyon.Pumikit ako at inalala kung paano ako napunta rito. Mall, Jazz, Van. Noong una ay hindi ko pa mapagtagpi-tagpi lahat ngunit ng ilang mga minuto ang lumipas ay napasinghap na lamang ako ng maalala kung paano ako napadpad rito.Tulad ng napag-usapan namin ni Jazz, hihintayin ko siya mall para bumili ng ingredients. Habang hinihintay siya ay isang van ang huminto sa harapan ko, ni-hindi ko na nagawa pang sumigaw dahil mabilis nila akong hinala papasok sa loob ng sasakyan. May pinaamoy sila sa aking kung ano kaya
Dasha's Point Of View."Huh? Baka coincidence lang," sagot ko naman. "Baka nga... Nakasuot kasi siya ng face mask noong nakipagkita siya sa akin kaya hindi ko matandaan ang mukha niya."Sandali akong napaisip. "May alam si Tita Cyla tungkol sa kaso ko, nababasa niya raw sa social media. Pero malabo namang siya ang magbigay sa'yo ng mga footage na iyon diba?" giit ko. "Bakit pumayag ka sa ganoon?""What do you mean?" bakas ang pagtataka sa kaniyang boses."I mean, alam kong hands on ka sa trabaho mo. Maingat ka dahil alam mo ring delikado, kaya bakit pumayag kang makipagkita sa taong hindi mo naman kilala? Alam kong pumasok sa isip mong baka hindi totoo ang sinasabi noong Cyla na iyon. Kaya bakit? Bakit tumuloy ka pa rin?"Sandaling katahimikan ang namayani sa aming dalawa, muli na sana akong magsasalita dahil akala ko hindi niya sasagutin ang tanong ko ngunit narinig ko ang kaniyang boses."I was so desperate... I was so desperate to get you out of jail. To the point na wala na akon
Dasha's Point Of View."Oh, Dasha. Ikaw pala, mabuti naman at natandaan mo pa ako," wika niya bago maliit na ngumiti.Ngumiti naman ako pabalik. "Siyempre naman po, Ma'am Cyla," sagot ko at napansin ko naman ang pagngiwi niya."Anong Ma'am? Tita Cyla na lang, para naman akong donya kung Ma'am."Natawa naman ako bago tumango. "Sige po, Tita Cyla. Kamusta na po pala si Celaida? Matagal-tagal na rin po noong huli ko siyang nakamusta, ilang beses na rin po siyang bumili sa shop ko.""Nagdadala nga siya sa akin sa tuwing bumibili siya at tama nga ang sinasabi niyang masarap," giit niya na mas lalong nagpangiti sa akin. "Maayos naman siya, nakahanap na rin siya ng trabaho. Ikaw ba? Kamusta ka na?""Mabuti naman po kung ganoon, mabuti po at nagustuhan mo ang mga gawa namin," sagot ko. "Maayos naman po ako, ikaw po ba?""Ayos lang naman, salamat sa pagtatanong. Sino palang binibisita mo ngayon dito?"Tumikhim ako at hindi kaagad nakasagot. "Si Samuel po... yung—""Namatay mong asawa?""Paano
Dasha's Point Of View."Thanks for letting me know that," dagdag niya. "Ngayon, baka madagdag na sa imbestigasyon ko ang pamilya ng mga Valdez. Hindi naman si Selena Valdez magbibitaw ng ganoong pambabanta sa isang Prosecutor kung wala talaga siyang balak iyon gawin.""Hindi naman siya ganoon noon," halos pabulong kong sabi. Siguro, ganoon lang talaga kasakit ang pagkamatay ni Samuel kaya magagawa niyang manakit ng ibang tao. "Hindi ba't sinabi mo noon na tumatakbo bilang Mayor si Tito Simon? Ano na kayang balita tungkol doon? Hindi ko alam kung naapektuhan ba ang pangangampanya niya dahil sa nangyari pero alam kong possible, pero sana naman ay maayos lang siya."Alam kong galit din sa akin si Tito Simon, ayaw niya lang iparamdam sa akin. Minsan na rin niya nasigawan noong gabing pinanganak ko si Dawn dahil akala nila anak siya ni Samuel. Pero hindi siya katulad ni Tita Selena na para bang wala kaming pinagsamahan noon. Ngayong nawalan na sila ng anak, kamusta na kaya sila ngayon?"W
Dasha's Point Of View.Nanatiling nakakunot ang noo ko habang nakatingin sa kaniya, pinoproseso ang kaniyang sinabi."B-Bakit mo naman kailangang mag-apologize?" tanong ko ng makabawi sa gulat. Hindi naman nawala ang seryosong mukha niya at malakas na bumuntong hininga."Noong una pa lang, alam kong hindi ka guilty sa pagkamatay ni Mr. Valdez," panimula niya at naramdaman ko ang kung anong mabigat na pakiramdam ang gumuhit sa aking lalamunin. "Ayokong ding tanggapin ang kaso niya...""Pero tinanggap mo pa rin.""It because I need to," seryosong sabi niya, nababasa ko ang galit sa kaniyang mga mata. "Kung hindi ko iyon tinanggap, malamang ay wala na ang asawa at anak ko ngayon."Mabilis na nanlaki ang mga mata ko ng marinig ang iyon. "A-Ano? Sinasabi mo bang. . .""Yes, Ms. Rivera. Selena Valdez forced me to accept his case, she said that if I did not accept it she would do something bad to my family..."Hindi kaagad ako nakapagreact ng marinig iyon, nang makabawi sa gulat ay hindi ko
Joel's Point Of View."You lied to me! Gusto mo ba talagang tapusin ko na ang pagkakaibigan natin?" malamig na tanong sa akin ni Elias, napasimangot naman ako sa narinig. "Malay ko bang mag-iinom ka at sasabihin mo kay Dasha ang totoo?" pagtatanggol ko sa sarili at mukhang mas lalo siyang na bad trip sa sinabi ko."Damn it! Pero hindi ka na lang sana nag-imbento ng kung anu-ano, hindi ka naman writer para gumawa ng kuwento," naiinis niyang sabi at malakas na bumuntong hininga. "Alam mo namang sasabihin ko rin naman kay Dasha ang totoo, hindi nga lang ngayon. Pero dahil sa sinabi mo, natakot ako. Ayokong ibigay ulit siya sa ibang lalaki, hindi ko pa nga matanggap ang nangyari sa kaniya noong binalikan niya si Samuel.""Wala namang nagbago, napaaga nga lang ang pagsabi mo."Sinamaan niya ako ng tingin. "And that's your fucking fault.""Hindi ko naman inakalang iyon ang magiging dahilan mo para sabihin kay Dasha ang totoo... Pinagtritripan lang naman kita. Pero ang mahalaga nasabi mo, d
Dasha's Point Of View."Sinasabi ko na nga ba! Tama talaga ang hinala ko eh," bulaslas ni Angela pagkatapos kong ikuwento sa kanilang dalawa ni Jazz ang nangyari kahapon. Nandito sila ngayon sa kuwarto ko, si Jamela muna ang pinagbukas ko ng shop ngayon dahil binigyan ko rin naman siya noon ng spare key. Nagsalubong ang kilay ko. "Hinala?"Pasampak siyang umuwi sa sofang nasa harapan ko bago sumagot. "Malamang, iyong hinala kong may nararamdaman siya sa'yo.""Huh?" nagtatakang tanong ko. "At bakit ka naman maghihinala nang ganyan?""Hindi halata sa'yo, diba?" singit ni Jazz na nasa kabilang sofa lang. "Diba noong unang beses ko siyang nakita, nagtataka pa ako dahil akala ko talaga nagseselos siya sa akin. . . Kung hindi mo pa sinabi sa aking may pamilya na siya, aakalain ko talagang may gusto siya sa'yo."Nanlaki ang mga mata ko nang mapagtanto ang mga sinasabi nila, hindi ko maiwasang matawa. "Paano niyo inakala 'yan? Palagi ngang nakakunot ang noo niya kapag kausap ako, halatang-ha
Dasha's Point Of View.Napahilamos na lamang ako ng mukha kasabay ng pagtulo ng luhang hindi ko mapigilan dahil sa halo-halong nararamdaman."I understand your anger, hindi ko rin hinihiling na mapatawad mo ako sa mga nagawa ko—"Ngumiti ako at pinutol ang kaniyang sasabihin. "Naiintindihan ko kung bakit mo nagawa iyon. . . Alam kong mas naging mahirap din sa'yo. Siguro sa ngayon gulat pa rin talaga ako kaya hindi ko maproseso ang mga nasabi mo pero gusto kong magpasalamat sa'yo, Elias. Noon pa man pala, palagi mo na akong tinutulungan. Hindi ko nga lang alam."Nakita ko ang maliit niyang ngiti pagkatapos kong magsalita. "Thank you, Dasha. Hanggang ngayon, iniisip ko pa rin ang kaligtasan niyong dalawa ni Dawn. Hangga't maari ay ayokong madamay siya sa gulo ng buhay ko kaya ang gusto ko sana ay tapusin ko muna ang mga bagay na dapat kong tapusin," wika niya at sandaling napakamot sa ulo. "Wala rin talaga akong balak sabihin sa'yo ngayon ito, biglaan lang dahil tulad ng sabi ko kanina.