Dasha's Point Of View.
Hindi ako kumain buong araw kahit pa pinipilit ako ni Manang, wala akong gana sa lahat ng bagay. Hindi ko pa rin pinipirmahan ang divorcement paper na binigay ni Elias, naiinis ako sa sarili ko dahil pagkatapos ng lahat ng masasakit na salitang binitawan niya sa akin ay ang pagmamahal ko pa rin para sa kaniya ang nangingibabaw. "Ipasok na kaya kita sa kombento, Dasha? Nasobrahan ka na sa pagiging martyr!" narinig kong saad ni Angela, ang matalik kong kabigan, sa kabilang linya. "Ang tagal tagal ko ng sinasabi sa'yong iwan mo na 'yang lalaki na 'yan, hindi ka naman nakikinig. Tignan mo tuloy ang nangyari ngayon, anong plano mo sa bata?" Malakas akong napabuntong hininga bago sumagot. "Kaya ko naman siguro maging single mother, hindi ba?" pagbibiro ko kahit na mabigat pa rin sa aking dibdib ang isipin na lalaki ang aking anak na walang ama. "Alam kong kaya mo, hindi mo kailangan ng tulong ni Elias. Ikaw nga hindi niya mapakitaan ng pagmamahal, iyong anak mo pa kaya?" wika niya. "Think about it, Dasha. Hindi mo kailangan ang lalaking iyon, hindi ko nga alam kung bakit naging abogado siya kung may ganoon siyang ugali." "Maayos naman siya sa ibang tao, pero pagdating sa akin ay nag-iiba siya," paliwanag ko. "Alam kong galit siya sa akin dahil ako ang naging dahilan kung bakit kailangan niyang makipaghiwalay kay Bianca." "Mali pa rin ang pagtrato niya sa'yo, ano bang akala niya sa'yo isang hayop? At saka, hindi na lang sana siya pumayag sa kasal na 'yan kung may mahal siyang iba. Ikaw ang mas nahihirapan sa inyong dalawa. . ." "Alam ko at napapagod na rin ako. . . " "Kung pagod ka na pala eh bakit ang hirap na hirap ka pa ring iwan ang lalaking 'yon?" ramdam ko ang inis sa kaniyang boses. "Hindi nga ako nagkamali na mas mabuti pa si Samuel kaysa kay Elias—" "Angela," putol ko sa sasabihin niya. "Ayokong pag-usapan 'yan, ilang taon na ang lumipas. Nakalimutan ko na nga ang taong 'yan." Narinig ko naman ang malakas na pagbuntong hininga niya sa kabilang linya. Nagpapasalamat naman ako dahil nakinig siya sa akin at hindi na nagsalita pa tungkol doon. Ilang minuto pa kaming nag-usap ni Angela, hindi siya tumigil sa pagsasabi na iwan ko na si Elias. Ang sabi niya pa ay kung nandito siyang ngayon sa bansa ay sumugod na siya rito sa mansyon, mabuti na lang pala at nasa Florida siya dahil alam kong gagawin niya talaga iyon. Alam kong tama si Angela, na dapat ay matagal ko na siyang iniwan. Alam niya kung paano ako tratuhin ng lalaki, noong nandito pa siya sa Pilipinas ay madalas siyang nandito sa mansyon o kaya naman ay palagi niya akong niyayang lumabas dahil palagi naman akong iniiwang mag-isa ni Elias. Nang sumapit ang hapon ay nakarinig ako ng malakas na pagkatok sa pintuan ng kwarto ko, nang buksan ko iyon ay bumungad sa akin si Manang Nina na mukhang kinakabahan. "Manang, bakit po? May nangyari ba?" kaagad kong tanong. "M-Ma'am Dasha, nasa sala po si Ma'am B-Bianca," kinakabahang saad niya at ramdam ko ang panlalamig ng katawan ko dahil sa narinig. Mabilis akong lumabas ng kwarto upang kumpirmahin ang sinabi niya, malaki ang aking bawat hakbang at ramdam na ramam ko ang pagbilis ng tibok ng aking puso. Nang makarating ako sa sala ay kitang-kita ko ang isang matangkad at maputing babae na nakaupo sa sofa, nang magtama ang aming mga mata ay mabilis siyang tumayo at ngumiti sa akin. "Dasha, we've met again," saad niya habang may ngiti sa labi. "I'm pretty sure you still remembered me, right?" "K-Kailan ka pa bumalik, Bianca?" seryosong tanong ko, mas lalo siyang gumanda na hindi na kakakapagtaka dahil isa siyang international model. Tatlong taon na ang lumipas simula noong huli ko siyang makita, ang huli kong balita sa kaniya ay pumunta siyang ibang bansa. "Ngayon lang, dito na kami pinapunta ni Elias sa mansyon niya dahil dito na rin naman kami titira," paliwanag niya. "Kami?" nagtatakang tanong ko at sasagot na sana siya ng bigla kong makita ang isang batang lalaki na nasa gilid niya. "Who is she, Mommy?" maliit ang boses nitong tanong. Ngumiti naman sa sa kaniya si Bianca. "She's your Daddy's friend," saad niya bago tumingin sa akin. Napaawang ang labi ko sa narinig, tama ba ang narinig ko? Ramdam ko ang kabang umaakyat sa aking dibdib. "This is Ethan, Elias and I's son and he's already three years old," wika niya, kitang-kita niya siguro ang pagtataka sa mata ko kaya siya nagpaliwanag. Hindi ko magalaw ang buong katawan ko pagkatapos kong marinig iyon, gusto kong magsalita ngunit walang lumalabas na boses sa bibig ko. Nagkaroon pala sila ng anak... "Do you have anything else to say? We still need to fix our languages," saad niya muli ngunit napayuko na lamang ako at umilang. "Okay then, good to see you again, Dasha," dagdag niya pagkatapos noon ay umakyat na sila ng second floor dala ang kanilang mga gamit. Matagal akong nakatayo sa kinatatayuan ko at kakatulala, tatlong taon na ang kanilang anak. Ibig sabihin lang noon ay noong kinasal kami ni Elias ay buntis na siya. Pero bakit hindi niya pinaalam sa amin? Kung alam ko lang na magkakaroon sila ng anak, hindi ko na lang sana pinilit pang magpakasal. Isang pamilya ang nasira ko dahil sa pagiging makasarili ko. . . mahal nila ang isa't isa, mula noon at alam kong hanggang ngayon. Bakit ko ba kasi sinisira ang mga buhay nila? Kahit nanghihina ang mga tuhod ko ay naglakad ako pabalik sa aking kwarto at mabilis na pinirmahan ang divorcement paper. Ito ang tanging paraan upang makabawi ako sa kanila, sana pagkatapos nito ay maging isang masayang pamilya sila kahit ang kapalit noon ay ang paglaki ng anak ko na walang Tatay. Kaagad akong nag-impake ng mga gamit ko, sana pala matagal ko na itong ginawa katulad ng palaging sinasabi ni Elias. Nang matapos ako ay mabilis akong umalis ng mansyon, nakasalubong ko si Manang Nina pagbaba ko at kaagad siyang nagulat ng makita ako. "A-Anong nangyari? Bakit dala mo ang mga gamit mo? Aalis ka ba, Ma'am Dasha?" nagtatakang tanong nito sa akin, pinunasan ko ang aking luha bago tumango. "O-Opo, alam ko naman kasing iyon ang gusto ni Elias. Pakisabi na lang sa kaniya na napirmahan ko na 'yong divorcement paper," nanghihinang paliwanag ko at mabilis akong niyakap ni Manang. "At pakisabi ring hinding-hindi na ako magpapakita sa kaniya katulad ng gusto niya." Ilang sandali pa akong nagpaalam kay Manang bago ako tuluyang umalis, sinubukan niya pa akong pigila ngunit buo na ang desisyon ko. Tuloy-tuloy ang paglabas ng luha sa aking mga mata habang naglalakad sa gilid ng kalsada, hindi ko alam kung paano ako magpapatuloy sa buhay pagkatapos ng mga nangyari. Pakiramdam ko ay huminto ang mundo ko, pero kailangan kong magpalakas para sa kapakanan ng magiging anak ko. Sa gitna ng paglalakad ko ay nakarinig ako ng isang malakas na sigaw, pagtingin ko sa aking harapan ay isang mabilis na sasakyan ang papalapit sa akin. Napaawang ang aking labi at bago pa ako makaiwas ay tuluyan na ako nitong nabangga, naramdaman ko ang pagtalsik ng aking katawan at ang pagdilim ng aking paningin.Dasha's Point Of View."Are you really sure that she's okay, Doc?" narinig kong tanong ng isang pamilyar na boses."Yes, Samuel. Mabuti na lang talaga at nadala mo siya kaagad dito. . ."Nang marinig ko ang pangalan na iyon ay mabilis akong napadilat. Napaawang ang aking labi ng makita ko si Samuel, ang una kong naging asawa na nakatayo sa harapan ng hospital bed na hinihigaan ko at may kausap na Doctor."A-anong ginagawa mo rito?" nanghihinang tanong ko dahilan upang mapalingon sila sa akin, mabilis akong nilapitan ni Samuel."Are you okay? May masakit ba sa'yo, Dasha?" sunod-sunod niyang tanong, sinubukan kong tumayo at kaagad niya namang hinawakan ang likod ko upang tulungan ako. Napatingin ako sa kabuoan ng aking katawan, ang dami kong bandage sa braso at binti ko. Naramdaman ko ang matinding kaba sa puso ko ng may bigla akong maalala"A-Ang baby ko. . .Kamusta ang baby ko?" kinakabahang tanong ko ngunit mabilis iyong nawala noong ngumiti ang Doctor sa akin."Wala kang dapat ipag
Dasha's Point Of View.Namatay si Mama dahil sa sakit sa puso, ilang taon niya na ring iniinda iyon ngunit masyado kaming mahirap para bilhin lahat ng gamot na kailangan niya. Naalala ko noon, palagi niyang sinasabi sa akin na mag-asawa ako ng mayaman. Alam niya kasing hindi niya ako mapagtatapos ng pag-aaral.Kaya siguro isang golddigger ang palaging tinatawag sa akin ni Elias, dahil sa tingin niya ay pera lang ang habol ko sa kaniya. Kahit ilang beses kong sabihin na mahal ko siya, hindi niya iyon pinaniniwalaan.Alam kong kaya palaging sinasabi sa akin ni Mama na mag-asawa ako ng mayaman ay dahil isang walang kwentang lalaki ang napang-asawa niya. Iniwan ni Papa si Mama noong nalaman niyang buntis ito, hindi pa raw kasi handang magpamilya.Nakakatawang isipin na parehas kami ng landas na tinatahak ni Mama. . . "Mama, magkakaroon ka na ng apo," bulong ko sa libingin niya habang hawak-hawak ko ang tiyan kong may kalakihan na. 7 months na akong buntis at ilang buwan na lang ang hihin
Dasha's Point Of View.Sa mismong kasal namin ay nandoon si Angela at ang mga magulang ni Samuel, ang sakit isiping kailangan niyang magsinungaling na anak niya ang batang nasa sinapupunan ko.Noong una ay nagtatampo sina Tita Selena at Tito Simon noong nalaman nila iyon dahil bakit daw malapit na akong manganak saka lang namin sinabi. Pero mas nangingibabaw sa kanila ang tuwa dahil magkakaroon na sila ng apo."Kinakabahan ako," bulong ko kay Angela, nandito kami sa loob ng isang kwarto at naghahanda, isang oras bago magsimula ang kasal. Maraming tao ang invited, mula sa mga kaibigan ni Samuel hanggang sa mga business partner ng kanilang pamilya. Noong una ayoko sana pero nagpumilit sina Tita Selena at Tito Simon."Pangatlong beses mo ng kasal 'to, kinakabahan ka pa rin?" natatawang sagot ng matalik kong kaibigan pero hindi naman iyon ang bagay na kinababahala ko."Pakiramdam ko kasi niloloko namin sina Tita Selena," tugon ko. "Hindi nga ako makapaniwalang naniwala silang matagal na k
Elias's Point Of View. I never thought I would become an attorney, noong bata pa lang ako hindi ko alam kung ano ba talaga ang gusto ko sa buhay. Everyone pressured me to be like this, to be like that, I need to be like that person, everyone around me made me feel like I have to be better than everyone. Sinabi pa nilang huwag akong maging cause ng disappointment dahil walang Macini ang nabubuhay sa mundo na isang failure. But my Mom, she never made me feel that I have to be someone far from who I am. Kaya noong nawala siya, matindi ang naging galit ko sa mundo. She is the only person who understands me, so why did the world take her from me? Ang akala pa ng mga tao ay namatay siya dahil sa kaniyang allergy, pero hindi nila alam ang totoong nangyari na kaya siya namatay ay dahil may pumatay sa kaniya. It's a murder case. . . Ang sakit isiping isa akong tanyag at successful na attorney pero hindi ko magawang hanapin at ipakulong ang pumatay sa Mom ko. I have been successful in
Dasha's Point Of View.Nanginginig ang mga kamay ko habang naglalakad palabas ng banyo, hawak ko sa aking kanang kamay ang pregnancy test. Kakatapos ko lang ito gamitin, paglabas ko ay naabutan ko si Samuel na nakaupo sa aking kama at hinihintay ako.Nang makita niya ako ay mabilis siyang tumayo, bakas sa mukha niya ang kaba. "Is it positive? Are you pregnant, Dasha?" kaagad niyang tanong, may ngiti pa sa kaniyang labi.Yumuko ako at napailang, "N-Negative pa rin, Samuel," kinakabahang saad ko, wala akong narinig na sagot mula sa kaniya kaya nag-angat ako ng tingin. Nakita ko siyang seryosong nakatulala sa akin, wala na ring ngiti sa kaniyang labi."This is fvcking impossible! Siniguro kong mabubuntis ka na, baka hindi lang maayos ang paggamit mo?" seryosong wika niya at muli akong umilang."Dalawang beses akong gumamit ng pregnancy test at parehas na negative ang lumabas," paliwanag ko, malakas siyang bumuntong hininga, halata na ang galit sa kaniyang mukha."Damn it! Ilang buwan na
Dasha's Point Of View."Ilang buwan ka niya ng sinasaktan?" tanong ni Angela sa akin, nakaupo kami sa aking kama at hawak niya ang aking mga kamay. Ramdam ko ang galit at pag-aalala sa kaniyang boses, maging ang kaniyang mga mata ay namumula ngunit alam kong pinipigilan niyang umiyak."I-Isang buwan pagkatapos naming lumipat dito, napapansin ko ang pagbabago ni Samuel," nakayukong sagot ko, naramdaman kong parang may kung anong bumabara sa aking lalamunan. "Madalas siyang lasing kapag umuuwi siya rito, nagbabasag din siya ng gamit at s-sinasaktan ako," dagdag ko kasabay ng paglabas ng aking mga luha.Naramdaman kong humigpit ang kapit ni Angela sa mga kamay ko. "Kaya ba palagi kang nakasuot ng jacket sa tuwing dumadalaw ako rito?" seryosong tanong niya at tumango naman ako. "Kung hindi pa pala kita pinuntahan ngayon, hindi ko pa malalaman. Bakit hindi mo sinasabi sa akin ang bagay na ito, Dasha?"Nag-angat ako ng tingin. "H-Hindi naman ganoon kadali iyon, natatakot din ako sa kung ano
Dasha's Point Of View. Pagising ko kinabukasan ay ramdam ko ang sakit sa gitnang bahagi ng aking katawan, tinignan ko kung nasa tabi ko pa ba si Samuel ngunit wala na siya. Pinunasan ko ang luha sa aking mga mata, sobrang sakit ng aking katawan. Pakiramdam ko ay sa katawan ko binuhos ni Samuel ang kaniyang galit, kahit ilang beses kong sabihing bagalan niya ang kaniyang kilos, para bang bingi siya at hindi ako marinig. Hindi niya rin ako tinigilan kahit pa pagod na pagod na ako, ang sabi niya ay kailangan niyang makasiguro na mabubuntis na ako. Mukhang sinabi sa kaniya ni Tita Selena na hindi niya matatanggap ang kaniyang mana kung hindi pa namin sila mabibigyan ng apo. Maingat akong tumayo at nagbihis, makalat pa rin ang buong kwarto at nandoon pa rin ang basag na bahagi ng salamin. Napatingin ako sa aking kamay na may sugat, napalakas ang pagtulak niya sa akin kaya iyon nangyari. Pagkatapos kong magbihis ay dumiretso na ako kay Dawn, mukhang may maid na nagpalit sa kaniyang d
Dasha's Point Of View.Nasunod nga ang sinabi ni Samuel na pagbalik namin sa Pilipinas, nag-iimpake na ako ngayon dahil bukas na ang aming flight. Simula noong sinabi ko sa kaniyang buntis ako, nagbago na ang kaniyang pagtrato sa akin. Para bang bumalik siya sa dating siya noong nakilala ko siya, palagi niyang tinatanong kung ayos lang ba ako at kung anong gusto kong kainin.Pero hindi pa rin mawala ang takot ko sa kaniya na anytime pakiramdam ko sasaktan niya ulit ako kapag ginalit ko siya... pakiramdam ko ay na trauma na ako dahil sa pananakit niya sa akin."Dasha, are you done packing your things?" narinig kong tanong niya habang nakasilip sa pintuan ng kwarto ko. "May hinanda akong meryenda sa baba."Peke akong ngumiti bago umilang. "Hindi pa, susunod na lang ako pagkatapos," sagot ko at tumango naman siya."Okay, I'll wait for you downstairs," tugon niya bago umalis.Malakas naman akong napabuntong hininga ng mawala siya sa paningin ko, hindi mawala ang kaba sa puso ko sa tuwing
Elias's Point Of View."Umalis ka rito! Ayokong makita ang mukha mo! Naiinis ako sa'yo!" Mas lalo akong kinabahan sa sinabi ni Dasha, damn it. Ganito ba talaga kapag buntis? Palagi na lang siyang irita sa akin! At ayoko noon! Due date niya na next month. Malaki na ang kaniyang tiyan at sobrang excited na akong makita ang aming second baby girl. Simula noong nalaman kong buntis siya, nagbawas-bawas na ako ng mga gawain sa trabaho... Work from home lang din ako dahil gusto ko talagang nandito lang ako sa bahay at nababantayan siya. Wala ako noong unang beses siyang nagbubuntis kaya naman ayoko talagang mawala'y sa tabi niya."D-Dasha... Baby, please. Wala naman akong ginawa, diba? Huwag ka ng magalit sa akin," pagpapakalma niya sa akin ngunit inirapan niya lang ako at pumasok sa aming kwarto. Kaagad akong sumunod."Bakit nandito ka pa?! Hindi ba't pinaalis na kita?!" sigaw niya ulit ng makita akong sumunod, umupo siya sa kama at nanlilisik ang mga matang nakatingin sa akin.Alam ko na
Dasha's Point Of View.Kung sino man ang lintik na tumatawag sa akin ng ganitong kaaga, sisiguraduhin kong malilintikan talaga.Nakapikit pa ang aking mga mata ngunit kinuha ko na ang aking cellphone na nasa gilid lang naman, nang makuha ko iyon ay kaagad kong sinagot ang tawag."Please... Ang aga-aga naman bakit kailangang tumawag ng ganitong oras?" naiinis kong sabi.Kaagad kong narinig ang malakas na pagtawa ni Jazz sa kabilang linya. "Anong maaga sa 7AM? Napaka-OA, Dasha ha? Ba't ba laging mainitin ang ulo mo? Huwag mo sabihing buntis ka na?"Inis akong tumayo mula sa pagkakahiga at dumiretso sa balcony, wala naman si Elias ngayon dahil maaga siyang umalis, may emergency daw kasi sa law firm niya."Oo, buntis nga ako," inis ko pa ring sagot at narinig ko naman ang malakas niyang pagsigaw."Totoo ba?!" gulat na gulat siya. "Magkakaroon na ako ng panibagong pamangkin?!""Oo nga, ang kulit? Paulit-ulit?" sabi ko at malakas na bumuntong. "Pero huwag ka munang maingay, ikaw pa lang ang
R18+Dasha's Point Of View."T-Teka lang naman, Elias," nanghihina wika ko habang nararamdaman ko ang paghalik niya sa aking leeg. Parang siyang tigreng gutom na gutom na gusto ng kumain. Naramdaman ko naman ang pagtigil niya, tumayo siya ngunit nanatili siya sa aking ibabaw."What?" tanong niya, ang mga mata ay nakatingin sa akin.Napalunok ako. "E-Eh ano eh..."Shit naman, Dasha! Honeymoon niyo 'to oh?!Narinig ko naman ang panlalaki niyang pagtawa. "Why? Are you shy?" tanong niya na mas lalong nagpamula sa aking mga pisngi. Ni-hindi ko siya magawang sagutin dahil totoo naman ang sinasabi niya. Narinig ko muli ang pagtawa niya. "We already make love once... Nakita mo na ang lahat sa akin, bakit nahihiya ka pa?"Doon ako nagkaroon ng boses para magsalita. "Iba naman 'yon, lasing ako noon," sabi ko. "Wala ako sa katinuan noon dahil sa alak, ni-hindi ko na nga maalala kung gaano kalaki 'yang sa'yo."Nakita ko ang pagseryoso niya bigla. "Sino ba ang mas malaki sa amin?"Nanlaki ang mga
Dasha's Point Of View.Sa dalawang buwan na lumipas, naging busy kami ni Elias dahil sa papalapit na kasal namin. At ngayon nakatayo na ako sa labas ng simbahan, suot ang off shoulder wedding gown, handa ng pakasalan si Elias. Masasabi kong worth it lahat ng pagod na pinagdaanan namin dalawa, mula sa mga nangyari noon, hanggang sa pag-aayos ng mga kailangan para sa kasal namin. Masasabi kong worth it ang lahat.Nakita ko ang dahan-dahan pagbukas ng malaking pintuan sa aking harapan, sunod kong narinig ang pagtugtog ng isang pamilyar na musika, ang Valentine by Jim Brickman at Martina McBride. Kasabay ng bawat indayog ng kanta ay ang dahan-dahan kong paglalakad papasok sa panibagong pahina ng aking buhay.Tatlong beses na akong kinasal sa buong buhay ko, at ito na ang pang-apat. Totoo nga ang sinasabi nilang iba talaga ang pakiramdam kapag parehas niyong mahal ang isa't isa.Nakangiti akong tumingin sa mga bisita ng aming kasal, ang mga taong mahal ko. Sa kaliwang banda ng mga upuan, n
Dasha's Point Of View."Why are you still awake?"Napalingon ako kay Elias ng marinig ko ang sinabi niya, nandito na ako sa balcony ng aming kwarto, mahimbing na ang tulog ng anak namin pag-akyat namin rito. Malalim na rin ang gabi at alam ko namang pagod ako dahil galing ako sa byahe noong pauwi ako galing Bacolod... Pero sa hindi ko malamang dahilan, hindi ako dinadalaw ng antok."Hindi ako makatulog eh," ani ko. "Ewan ko, masyado siguro akong masaya."Hindi naman marami ang ininom namin kaya naman nasa katinuan pa rin naman ako. Ayokong mag-inom ng marami dahil babalik na rin kami sa Maynila kinabukasan.Naramdaman ko ang pagtabi niya sa akin, kakatapos niya lang maligo at amoy na amoy ko ang natural niyang panlalaking amoy."Masaya rin ako," narinig kong sagot niya habang pinagmamasdan namin ang kalangitan."Coincidence lang bang maraming bitwin ngayong gabing nagpropose ka o talagang planado 'to?" curious kong tanong habang pinagmamasdan ang napakagandang langit.Narinig ko ang p
Dasha's Point Of View.Nang matapos kaming kumain ng hapunan ay dumiretso na sa kanilang mga kwarto sina Mama, Papa, Lola, Tita Cyla, at Tita Elysa. Kasama rin nila sina Dawn at Ethan na pinatulog na namin, habang kami ay naiwan sa sala at nagkwekwentuhan pa rin habang umiinom ng alak.Magkatabi kaming dalawa ni Elias sa couch, sa gilid namin ay nandoon sina Angela at Joel. Sa harapang couch naman ay nandoon si Jazz mag-isa, pagod daw kasi sa byahe si Celaida kaya naman hindi na ito makakasama sa amin, nakapagpalit na ako ng pantulog na damit para komportable akong kumilos."Huwag niyong painumin ng marami 'yan si Jazz," wika ko. "Baka kapag narinig ni Celaida ang mga corny jokes niya ay biglang maturn off bigla."Nagtawanan sila habang si Jazz naman ay inirapan ako. "Baka i-kwento ko kung paano ka umiyak noong nag-inuman tayo noon."Tinawanan ko na lamang siya."Nga pala, Dasha. Kamusta ang Bacolod?" tanong sa akin ni Angela.Sumandal ako sa couch at sumagot. "Maayos naman ang naging
Dasha's Point Of View.Totoo nga ang hinala ko, na ang gabing muli akong alukin ng kasal ni Elias ang gabing hinding-hindi ko kakalimutan. Inaasahan ko naman na mangyayari 'to, pero ngayon, na yakap namin ang isa't isa habang nanonood ng fireworks at napakaraming bitwin sa kalangitan, masasabi kong para itong isang panaginip na impossibleng mangyari.Pero possible pala... At masaya ako. Na pagkatapos ng lahat ng naranasan ko, pagkatapos ng mga maling akala ko, pagkatapos ng mga pananakit sa akin ng mga taong minsan ko ring minahal... Masaya akong uuwi pabalik sa taong alam kong ako lang ang mahal. Masaya akong bumalik sa buhay ni Elias."Thank you, Dasha," narinig kong wika niya, napalingon ako sa kaniya ngunit nanonood lamang siya sa fireworks ngunit bakas na bakas sa mukha niya ang labis na saya, bahagya pang may luhang tumutulo sa mata niya.Yumapos ako sa kaniyang bewang at nagsalita. "Bakit ka naman nag tha-thank you riyan?""Because you bring back the colors in my life..."Nanat
Dasha's Point Of View.Dahan-dahan kong dinilat ang mga mata ko ngunit purong kadiliman lang ang nakikita ko.Teka, nasaan ako?Pakiramdam ko ay nakaupo ako sa isang silya dahil nararamdaman ko iyon, pero wala talaga akong makita. Tangina, saan ba ako dinala ni Jazz? Ano bang nangyari?Pagkatapos kong inumin ang binigay niyang tubig ay inantok na ako, ano ba 'tong nangyayari?Nilibot ko ang tingin sa paligid at sigurado akong nasa labas lang ako dahil kitang-kita ko ang napakaraming stars sa langit, gusto ko sanang mamangha pero hindi ko maintindihan kung bakit biglang nandito na ako gayong ang huling pagkakatanda ko ay nasa sasakyan ako kasama si Jazz.Naku! Malilintikan na talaga sa akin ang lalaking iyon!Tatayo na sana ako mula sa pagkakaupo ng biglang bumukas ang mga ilaw, nanlaki ang mga mata ko ng makita ang buong paligid. Maraming puno sa paligid ko, at mayroong mga ilaw na nakasabit sa bawat puno, nandito ako sa gitna at sa buong paligid ay maraming tulips na paborito ko. Sa
Dasha's Point Of View.Hindi na ako nakapagpaalam pa kay Dawn, mabuti na lang dahil nandoon si Angela at paniguradong alam naman na niya ang gagawin niya."Ano bang nangyayari?" tanong ko kay Jazz, nandito na kami sa loob ng sasakyan niya at nagmamaneho na siya, nasa likod ng sasakyan niya ang dalawang box ng cupcakes. "Ipaliwanag mo ngang mabuti! Tignan mo ang suot ko, sa kakamadali mo hindi na ako nakapagpalit."Suot-suot ko pa rin kasi ang red dress na binigay sa akin ni Angela."May nag-order kasing costumer sa shop mo," mahinanong pagkuwento niya. "Tinawagan ako ni Marilyn dahil nga may emergency bigla iyong delivery boy niyo so pumayag naman ako dahil wala naman akong ginagawa, so ayon nga, pumunta na ako sa address ng recipient pero nagalit sa'kin. Ang sabi niya, nag request daw siyang kasama ka sa bigay noong binili niya kaya ito.""Ha? Bakit naman kailangang kasama ako?" naguguluhang saad ko. "Kilala ko ba recipient? Ano bang pangalan niya?""Hindi ko alam, hindi ko na inabal